Sa bayan nila, wala namang yatang hindi nakakakilala kay Kian.
Bukod sa Governor ito sa bayan nila, napakagwapo pa nito para hindi mo ito makilala.
Nakita niya kung paano nagkagulo ang mga naroon sa pagdating ni Kian, lalo na ang mga kababaihan na nais makalapit kay Kian.
Dinaig pa nga ni Kian ang isang sikat na celebrity na pinagkakaguluhan. Lahat ng ilaw ng phone, nakatutok sa kanya. Ang mga babae, nag-uunahan magpa-picture. Pero ang mga mata ni Kian, malamig. Nag-scan sa crowd na parang may hinahanap.
"Inom ka muna," alok sa kanya ni Red at iniabot ang pulang baso na may lamang alak.
"Thanks," pasalamat niya habang hindi inaalis ang mga mata kay Kian na pinagkakaguluhan ng mga bisita.
Sakto namang dinala niya sa labi ang basong hawak niya nang mapalingon sa dako niya si Kian.
Nagtama ang kanilang mga mata. Medyo natigilan pa siya at sunud-sunod na lunok ang ginawa niya dahil biglang kumabog ang kanyang dibdib habang nakatingin kay Kian.
"Governor Kian Herrera," narinig niyang tawag ng Daddy ni Molly kay Kian kaya naman nalipat na ang tingin ni Kian sa Daddy ni Molly.
Siya man ay nalipat ang mga mata kay Molly na kasama ng Daddy nito.
"Mukhang dumadiskarte si Molly sa Governor natin, ah," narinig niyang sabi ni Red.
Sinulyapan naman niya ito at napansin niyang nakatingin din ito kay Molly at kay Kian na pinakikilala ng parents ni Molly ang dalawa sa isa't isa.
"Dumadiskarte nga," bulong niya at muling uminom sa pulang basong hawak niya habang hindi inaalis ang mga mata kay Molly at Kian na nagngingitian pa sa isa't isa.
Lahat naman yata ng babae sa bayan nila, crush si Kian. Kaya hindi na siya magtataka pa kung abot-tenga ang ngiti ni Molly ngayon dahil kaharap nito si Kian.
Dahil hindi na rin niya matagalan ang pagpapa-cute ni Molly kay Kian, tumalikod siya para lagyan muli ng alak ang baso niya.
Ewan ba niya, para siyang nagselos bigla. Wala naman siyang dapat ikaselos. Isa pa, kaibigan niya si Molly at birthday party ito ni Molly kaya tama lang na maging masaya ang kaibigan niya ngayon.
Kukuha na sana siya ng bagong baso na may alak nang maunahan siya ni Red at iniabot sa kanya.
"Salamat," pasalamat niya agad sa lalaki.
Hindi niya ito masyadong kilala pero okay na rin. Gwapo naman at hindi na masama.
Naglakad sila ni Red palabas ng bahay para maki-party na sa labas, habang busy pa si Molly kausap si Kian.
Habang palabas nga sila ni Red, nakatingin sa kanya si Kian. Sinalubong naman niya ang mga mata nito.
Hindi na nga rin niya namalayan na nasa bewang na pala niya ang kamay ni Red at inaalalayan siya, o sadyang dumidiskarte din sa kanya ang lalaki.
Hanggang sa makalabas sila ng bahay ni Red, hindi siya inalisan ng tingin ni Kian. Medyo hindi nga niya maipaliwanag ang naramdaman that time, kung bakit kailangan siyang tingnan nito nang ganoong katagal at bakit parang may ibang dating sa kanya ang tingin nito.
Para na rin maaliw siya at maiwasang isipin si Kian, nakipagsayaw siya kay Red kasama ang iba pang mga bisita na nagsasaya.
Dala na rin siguro ng nakatatlong baso na siya ng alak kaya ma-energy na siya sa pagsayaw at halos magwala na nga siya.
Nais lang naman niyang mag-enjoy nang todo. Walang masama sa mag-enjoy basta alam naman niya ang kanyang ginagawa. Pero sa gilid ng mata niya, hinahanap pa rin niya ang tayog na anino ni Kian. Bakit ba siya umaasang lalapit ito? Wala naman siyang karapatang magselos.
"Magaling ka palang sumayaw, Amanda," bulong sa kanya ni Red habang halos nakadikit na ang mga katawan nila sa isa't isa.
"Hindi naman," tugon niya sa lalaki habang gumigiling sa harapan nito.
Nakakawit pa nga ang kanyang mga kamay sa batok ni Red habang ang mga kamay naman ni Red ay nasa bewang niya. Paminsan-minsan, nararamdaman niyang gumagapang ang mga kamay nito patungo sa hindi naman dapat, kaya naman kusa na niyang tinataas ang mga kamay nito.
Nang may dumaan na waiter, agad siyang kinuha ni Red ng alak na maiinom.
Pansin nga niyang parang nilalango siya nito sa alak, at nais lasingin. Well, lahat naman ng lalaking naka-party niya, ganoon ang galawan kay Red. Nais siyang lasingin para ma-take home.
But, we'll see kung ma-te-take home siya ni Red dahil narito si Kian.
"Thanks," nakangiting pasalamat niya kay Red at agad na ininom ang alak.
Nais niyang maglasing para makuha ang atensyon ni Kian. Kanina pa nga niya hinahanap sa crowd ang gwapong gobernador nila.
Mukhang kinulong na yata ito ni Molly sa loob ng bahay ng mga ito.
Nagpatuloy siya sa pagsayaw to enjoy at the same time, hinahanap niya si Kian.
Napangiti siya at lalo pang idinikit ang manipis niyang katawan kay Red nang mamataan si Kian kasama si Molly na palabas na ng bahay.
Hindi rin naman nagtagal, namataan na siya ni Kian habang kasayaw si Red.
"Let's dance... Ohhhhh!" Hiyaw niya sabay lagok pa sa basong hawak niya.
Medyo nahihilo na nga siya at tumalab na nga ang alak. Nasa ulo na niya at wala sa tiyan.
Ganoon pa man, nais pa rin niyang magsayaw at magpapansin pa kay Kian.
"Iyan ang gusto ko," sabi ni Red at naramdaman niya ang paghawak ni Red sa kanyang pang-upo.
Hindi niya nagustuhan ang ginawa nito kaya naman bumitaw siya rito at tinulak ito palayo sa kanya.
"Amanda, why? Isn't gusto mo naman," sabi ni Red. Lasing na rin naman ito kaya mayabang at maangas na ito sa kanya.
"Walang bastusan, Red!" asik niya.
Muli naman siyang hinila ni Red palapit dito. Napatili pa nga siya nang bumunggo sa dibdib ni Red.
"Huwag ka nang pakipot pa, Amanda. Alam ko naman na easy ka," sabi ni Red sa kanya na lalong hindi niya nagustuhan.
"Bastos!" asik niya at mabilis niyang sinampal sa pisngi ang lalaki at tinulak ito palayo sa kanya.
Nagmamadali na ring tumalikod para makalayo na kay Red nang sa pag-ikot niya, bumunggo naman siya sa matigas na dibdib ng kung sino.
Tumingala siya at tila nanlalabo pa ang kanyang mga mata nang tingnan ang nakabunggo niya.
"Governor Kian?" bulong niya.