Chapter-6

1983 Words
Napatitig siya kay Amanda nang paglabas nila sa bakuran. Kasama ang birthday celebrant, nakita niya ang dalaga na halos magwala na sa pakikipagsayaw sa lalaking kasama nito. Sa bawat indak nito, halos maging isa ang katawan ng mga ito. Hindi niya magawang alisin ang mga mata kay Amanda na enjoy na enjoy sa pagsasayaw na parang wala nang bukas. Na para bang walang ibang tao roon kundi ito lang at ang lalaking kasayaw nito. Hindi niya napigilang pagmasdan ang kasuotan ni Amanda, mula ulo hanggang paa. Masyadong revealing para sa kanya ang suot ng dalaga. Tube at short shorts na halos wala nang tinatakpan. Marami namang ganoon ang suot sa party. Sadyang kakaiba at kaakit-akit lang si Amanda. Isama pa ang makinis at nakakasilaw nitong mga legs na tiyak niyang maraming napapatingin. Kumibot ang kanyang labi sabay iling pa ng kanyang ulo habang nakatingin pa rin kay Amanda na habang nagsasayaw, umiinom pa ng alak. Napakawild nitong tignan sa kanyang paningin. Although marami namang mga kabataan na ganoon kung kumilos at magsaya, sadyang hindi lang niya nais mapabilang si Amanda sa mga babaing ganito kung kumilos, lalo na sa harap ng maraming tao. Kilala niya ang mga magulang ni Amanda at alam niyang hindi gugustuhin ng mga magulang ni Amanda na makita na ganito ang ginagawa ng nag-iisang anak ng mga ito. "Gov. Kian, doon tayo," anyaya sa kanya ni Molly. "Sige, susunod ako," tugon niya sa dalaga at pinauna na ito sa paglalakad. Muli niyang binalik kay Amanda ang mga mata. Sa pagkakataong ito, kitang-kita niya kung paano magwala ang isang Amanda. Mukhang lasing na ang dalaga at enjoy na enjoy naman ang lalaking kasayaw nito. Kung saan-saan na nga nakakahawak ang lalaki sa katawan ni Amanda. Napakunot ang kanyang noo nang makita niyang dumapo ang kamay ng lalaki sa pang-upo ni Amanda. Nakita rin niya na hindi nagustuhan ni Amanda ang ginawa ng lalaki rito. Sinampal nito ang lalaki at tinulak din. Mukhang may hindi maganda nang nangyayari sa dalawa kaya naman humakbang na siya palapit sa mga ito. Hindi rin naman maganda na nakita na niyang may binabastos na babae tapos wala lang siyang gagawin. Sa kanyang paglapit kay Amanda, bumunggo ang dalaga sa dibdib niya. Gulat na gulat pa ito nang tumingala ito at magtama ang kanilang mga mata. Kahit gabi na, puno naman ng ilaw ang buong bakuran kaya kitang-kita niya kung gaano kaganda si Amanda. Kung sa ganda lang, wala siyang mapipintas kay Amanda. Isama na rin ang maganda nitong katawan, at malakas na appeal sa mga kalalakihan. "Governor Kian," gulat na banggit nito sa pangalan niya habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya. "Are you okay?" tanong niya kay Amanda. "Ah... Well," sabi ni Amanda at nilingon nito ang lalaking kasayaw nito kanina na nagtaas ng dalawang kamay habang nakatingin sa kanya. Bata pa rin ito katulad ni Amanda kaya agad itong natakot sa kanya kahit wala pa siyang ginagawa o sinasabi rito. "I guess I am okay now," sabi ni Amanda matapos umatras ang lalaking kasayaw nito dahil lamang sa tingin niya rito. "That's good," tugon niya. "Gov. Kian," tawag ni Molly sa kanya nang makalapit sa kanila ni Amanda. "Amanda, pahiram muna kay Gov. Kian," sabi ni Molly. Sinulyapan niya si Amanda na hindi naman sumagot kay Molly. Nanatili itong nakatingin sa kanya. "Excuse me," paalam niya kay Amanda para sumunod kay Molly. Wala namang naging tugon sa kanya si Amanda. "Wait lang, Amanda," paalam pa ni Molly kay Amanda. Sa pagkakaalam niya, magkaibigan ang dalawa. Ang mga magulang ni Molly ang nag-invite sa kanila. At hindi siya nakatanggi dahil na rin sa may malaking donasyon ang mga ito sa bayan nila para sa mga kapus-palad na kababayan nila sa San Nicolas. Labag man sa kalooban niyang iwan si Amanda, lalo na't halata niyang lasing na ito at hindi na nito kaya ang sarili, sumunod pa rin siya kay Molly bilang pasasalamat sa mga magulang nito sa pagtulong sa bayan nila. Pinakilala lang naman siya ni Molly sa ilang mga kamag-anak nito, at hindi naman niya hinayaang mawala sa paningin niya si Amanda na nakita niyang kumuha pa ng panibagong baso ng alak. Nakita rin niyang may isang lalaki na namang lumapit kay Amanda. Sa sobrang ganda ni Amanda, hindi ito puwedeng hindi lapitan ng mga lalaki pag nakita itong mag-isa. Habang nakikipag-usap siya sa mga kamag-anak ni Molly kasama ang mga magulang nito, pasulyap-sulyap siya kay Amanda na nakikipag-flirt na naman sa ibang lalaki habang umiinom. Hindi tuloy niya maiwasang mapahugot ng malalim na paghinga at manghinayang kay Amanda. Sa nakikita niyang lifestyle ni Amanda at mga kilos nito, halata niyang pasaway ito at easy girl ito. Sa bagay na iyon siya nanghihinayang kay Amanda. Sayang kasi at maganda ito, galing sa nirerespetong pamilya, pero kung bakit nito ginagawa ang ganitong lifestyle ay hindi niya alam. Tiyak naman na hindi nagkulang sa paggabay ang mga magulang nito rito. Nakita niyang tila nahihilo na si Amanda sa dami na marahil ng nainom nito. Panay hawak na kasi ng dalaga sa ulo nito at napapapikit pa ito. Mukhang hindi na nito kaya pa. Kaya naman mabilis na siyang nagpaalam kay Molly at sa mga magulang nito para lapitan si Amanda. Hindi naman kaya ng konsensya niya kung hahayaan lang niya si Amanda. Baka kung ano pa ang mangyari sa dalaga. Malalaki ang hakbang ng kanyang mga paa palapit kay Amanda. At sakto naman nang makalapit siya, halos mawalan na ng malay ang dalaga. Kaya naman imbes na sa lalaking kausap nito ito mapasandal, sa kanya ito napasandal. Sa malapad niyang dibdib bumagsak ang ulo ni Amanda at napahawak ito sa braso niya para hindi ito tuluyang bumagsak sa sahig. Agad namang umatras ang lalaking kasama ni Amanda at lumayo na sa kanila. Marahil natakot na ito nang siya na ang lumapit kay Amanda. "Amanda, are you okay?" tanong niya sa dalaga. Tumingala sa kanya ang dalaga habang nakasandal pa rin ang ulo sa dibdib niya. Hawak pa nga nito ang ulo na mukhang nananakit talaga. "Governor Kian," bulong nito sa pangalan niya. "Much better, Amanda, kung iuuwi na kita. Lasing ka na at baka ano pa ang mangyari sa iyo," sabi niya. "Ihahatid mo ako?" tanong pa nito sa kanya. "Yes, Amanda. Ako na ang maghahatid sa iyo sa bahay ninyo," tugon niya. Nakita niya ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Amanda. "Governor Kian," tawag sa kanya ni Molly na lumapit pa sa kanila ni Amanda. "Sorry, Molly, pero ihahatid ko na muna si Amanda," sabi niya at hinawakan na rin niya si Amanda para maalalayan ito. Hindi na rin kasi tuwid ang pagkakatayo ng dalaga. "Ikaw ang maghahatid sa kanya?" tila gulat pang tanong ni Molly sa kanya. "I can't trust anyone sa ganitong kondisyon ni Amanda," tugon niya kay Molly. Nakita niya ang pagkadismaya sa mukha ni Molly. Ganoon pa man, wala siyang magagawa. Hindi niya puwedeng pabayaan na lang si Amanda sa ganitong kondisyon nito. Hindi sasantuhin ng sino mang lalaki si Amanda. Hindi kumibo si Molly habang nanatiling nakatingin sa kanya at kay Amanda. "I am sorry, Molly," paumanhin ni Amanda kay Molly. Tumango lang si Molly at lumakad na sila ni Amanda paalis. Halos isiksik naman ni Amanda sa kanya ang katawan nito. Todo alalay siya sa dalaga hanggang sa makalabas sila ng bakuran at lumakad patungo sa kotse niyang nakaparada sa gilid ng daan. Hindi na siya nagsama ng bodyguard at driver. Wala naman kasi siyang balak magtagal sa party. Isa pa, nasa isang subdivision lang naman sila kaya kayang-kaya na niya ang pagda-drive mag-isa. Balak niyang isakay si Amanda sa likod ng kotse para makapagpahinga ito, kaya lang nais daw nitong maupo sa passenger seat. Kaya naman pinagbigyan na niya ang dalaga. "Thank you, Governor," pasalamat sa kanya ni Amanda habang tinatahak na nila ang kalsada pauwi sa bahay ng mga ito. "Next time, Amanda, huwag kang iinom kung hindi mo na kaya. Huwag mong sagarin ang sarili mo sa alak. Baka sa ikapahamak mo iyan!" sermon niya sa dalaga. Marami nang pinahamak ang alak at ayaw niyang mangyari kay Amanda iyon. Tiyak na hindi kakayanin ng mga magulang nito, lalo na ng Daddy nito. "Masyado lang akong nag-enjoy kanina," sabi nito. Sinulyapan niya ang dalaga na nakangiti na para bang wala lang dito ang nangyari kanina na halos ma-take home na ito ng mga lalaking nakasama nito sa pag-inom. "Medyo nahihilo ako. Ipipikit ko lang ang mga mata ko," sabi pa nito sa kanya. "Go ahead," tugon niya sa dalaga. Binilisan niya ang pagpapatakbo sa kotse, para na rin mabilis silang makarating ni Amanda sa bahay nito at makapagpahinga na ito. Hindi naman niya napigilang sulyapan ang nakapikit na si Amanda habang nagmamaneho siya. Ilang araw na rin ang lumipas mula nang magkausap sila ng Daddy ni Amanda tungkol sa dalaga. Nais kasi ng Daddy ni Amanda na ipagkasundo sila ni Amanda. May sakit kasi ito at nag-aalala ito para sa anak. Alam niyang ginagawa ito ng Daddy ni Amanda dahil sa sobrang pagmamahal nito kay Amanda. Natatakot itong mapunta sa masamang lalaki si Amanda. Lahat naman ng ama ay iyon ang kinatatakutan para sa mga anak na babae. Iyon nga lang, hanggang ngayon hindi pa siya makapagdesisyon. Wala pa rin siyang maisagot sa Daddy ni Amanda. Lalo na ngayong nakita niyang wild nga ang dalaga. Kaya pala laging nasasangkot sa gulo, dahil mahilig sa party at alak. Isama pang dumidikit agad sa mga lalaking kakikilala pa lamang nito. Para bang kung titignan, napaka-easy ni Amanda. Parang napaka-easy to get nito sa kanyang mga nakita. Kung ganoon nga ang dalaga, paano naman niya ito pakakasalan? Isa siyang Governor sa bayan ng San Nicolas. Ginagalang siya sa bayan nila. At kung si Amanda ang ihaharap niya sa publiko bilang asawa niya, malaking kahihiyan at kasiraan si Amanda para sa kanya, at para sa kanyang political career. Hindi nababagay si Amanda sa kanya. Tiyak na ito ang sisira sa pangalang matagal nang iningatan ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang ama. "Amanda, wake up," gising niya kay Amanda nang pumarada na siya sa labas ng bakuran ng mga ito. Niyugyog na rin niya ang dalaga ng ilang beses, pero hindi pa rin ito nagigising. Mukhang tuluyan na itong nakatulog dahil sa kalasingan. "Amanda," muli niyang tawag sa dalaga sabay yugyog pa rin. Pero ganoon pa rin. Kaya naman nag-decide na siyang buhatin na lang ang dalaga pababa ng sasakyan. Bumaba na muna siya at kumatok sa gate. Agad naman siyang pinagbuksan ng guard na naka-duty roon nang makilala siya. Ipapasok na lang niya ang kotse sa loob ng bakuran para mas mapadali ang pagbubuhat niya kay Amanda. Sinabihan na rin niya ang guard na kasama niya si Amanda at ihahatid lang niya ang dalaga, para naman makatawag na siya sa loob at pagbuksan sila ng pintuan. Hindi naman siya nahirapan kay Amanda nang buhatin niya ito palabas ng passenger seat. Hindi naman kasi ito mabigat. Para nga lang itong hangin nang buhatin niya. "Anong nangyari sa kanya, Kian?" Nag-aalalang tanong sa kanya ng Daddy ni Amanda nang salubungin sila nito sa pintuan. "Lasing po siya, Uncle," tugon niya. Nakita niyang humugot ng malalim na paghinga ang ama ni Amanda at napailing ang ulo. Nakita niyang nadismaya na naman ito sa anak nito. "Lupe, samahan mo si Gov. Kian at ihatid ninyo si Amanda sa silid niya," utos ng Daddy ni Amanda sa kasambahay na naroon. "Opo, Sir," tugon agad ng kasambahay at lumakad na sila paakyat ng hagdan. Sumunod siya sa kasambahay habang buhat niya si Amanda na mahimbing na talaga ang tulog. "Dito po ang silid ni Ma'am, Gov," turo ng kasambahay sa kanya at ito na mismo ang nagbukas sa pintuan para sa kanila. "Salamat," pasalamat niya sa kasambahay at agad na niyang pinasok sa loob si Amanda at lumakad palapit sa malaking kamang naroon. "Uuuhhh..." ungol ni Amanda nang maihiga na niya ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD