After 2 years, "Hindi mo ba susunduin ang asawa mo, Kian?" Tanong sa kanya ni Mr. Cruz nang sadyahin siya nito sa opisina niya sa munisipyo. Humugot siya ng malalim na paghinga ar sinulyapan si Mr. Cruz na seryoso ang mukhang nakatingin sa kanya at naghahabang sa isasagot niya. Dalawang taon na mula nang piliin ni Amanda na iwan siya at magtungo sa New York. Ang bakasyon lang sana roon ng asawa ng isang buwan ay nauwi sa pananatili nito roon ng halos dalawang taon sa New York na pinagpatuloy ng asawa ang pag-aaral nito, at nitong isang buwan lang naka graduate na ang asawa niya, kaya naman babalik na ito ng San Nicolas. Ganoon lang kabilis lumipas ang dalawang taong, pero hindi ang sakit at sugat na iniwan ng asawa sa kanya nang iwan siya nito. Ginawa niya ang lahat para hindi siya iwa

