"What are you doing here, Lira?' Tanong niya kay Lira nang makita ito sa event na dinaluhan niya sa may Quirino Mall na pagmamay-ari ng pamilya ni Lyle Quirino. "Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sa iyo Kian, kaya I decided na alamin na lang ang schedule mo at sundan ka," tugon ni Lira sa kanya. Apat ka tawag na mula kay Lira ang sadya niyang hindi sinagot. Wala siyang balak kausapin ito. Muntik pa ngang malaman ni Amanda kanina sa bahay na tinatawagan siya ni Lira. Mabuti na lang at hindi nakita ng asawa na si Lira ang tumatawag sa kanya kung hindi magagalit na naman sa kanya ang asawa at walang duda na na tuluyan na itong mawawala sa kanya. Maayos na sila ng asawa, naitama na niya ang mga mali at nagsisimula na sila sa kanilang magandang pagsasama. Inamin na rin niya sa asawa kung g

