Wedding Day; Sa simbahan sana ng San Nicolas gaganapin ang kasal nila ni Kian, kaya lang dahil mainit pa ang usapan sa eleksyon kaya mas pinili na lang nila ni Kian mag beach wedding na muna para hindi na lang dumugin ng mga taga suporta ng asawa ang kasal nila. Piling-pili lang kase ang kanilang mga bisita dahil mas nais nila na solem lang ang okasyon iyung mga malalapit lang talaya sa kanila ang invited. Pamilya at mga kaibigan. Siya dahil wala naman siyang kaibigan maliban kay Lyle kaya wala siyang na invite. Hindi naman kasi niya pwedeng i invite si Lyle dahil matindi ang galit ng asawa niya kay Lyle. Mga kaibigan ni Kian dumalo kasama ang asawa ng mga ito. Noong umalis siya ng San Nicolas sa pagkakaalam niya wala pang asawa sina Harold at Akio, pero after two years lang may mga as

