"Congratulations, Governor Kian Herrera," bati ni Mac Gozun kay Kian nang gabing ianunsyon na kung sino ang nanalong Gobernador sa bayan ng San Nicolas. Kahit hindi na interesado si Kian sa resulta ng halalan nagtungo pa rin ito sa munisipyo kasama ang iba pang kapartido nito. Nag insist naman siyang sumama sa asawa dahil nais niyang nasa tabi siya ng asawa ano man ang maging resultal. Ayaw pa nga siyang isama ng asawa noong una dahil tiyak daw na naroon si Mac Gozun at si Molly. Ang dalawang iyon kasi ang iniiwasan nilang mag asawa para hindi masira ang kanilang araw. Ganoon pa man napilit niya si Kian na isama siya sa munisipyo kasama ang mga security nito. "Salamat," pasalamat ni Kian kay Mac at tinanggap ang pakikipagkamay ni Mac rito. "Ikaw naman talaga ang karapat-dapat na magling

