"Ano kaya ang pakiramdam na isang katulad ni Mayor Harold Alcantara ang jowa mo no o di kaya asawa. Siguro ang sarap sa pakiramdam non," saad ng kaibigang si Zhell habang nasa cafeteria silang magkakaibigan para mag meryenda. "Siguro ang sarap ni Mayor Harold no. Siguro gabi-gabi ka niyang papagurin sa kama," kinikilig namang saad ni Monica. "Yuck! Ano ba iyang iniisip niyo!" Saway niya sa dalawang kaibigan na tila pinag papantasyaan ang Mayor ng kanilang bayan ang bayan ng Sta Lucia. "Pa yuck, yuck ka pa diyan eh katulad ka rin naman namin na tulo ang laway kay Mayor Harold," saad ni Monica sabay hampas pa sa balikat niya. "Hindi ah!" Mariing tangi niya sa kaibigan. "Naku Bettina ah, huwag ka ng mag inarte diyan, for sure naman na katulad ka rin naman na pinapantasya si Mayor Harold.

