"Hi, Bettina," bati sa kanya ni Mayor Harold at nakipag kamay pa ito sa kanya. Tinanggap naman niya ang pakikipagkamay nito sa kanya habang nakatingin sa gwapong mukha nito. Mas gwapo talaga ito sa personal, lalo na sa malapitan. Kanina kasi sa university hindi naman niya nakita ito ng malapitan, dahil sa dami ng estudyanteng nakikipag siksikan sa loob ng stadium para makalapit rito. Samantalang siya walang kahirap-hirap niya itong nalalapitan at natititigan, isama pang hawak kamay niya ito. "Hindi kita napansin kanina sa university," Harold said. "Ah.. Eh...," ewan niya kung bakit na rattle siya sa sinabi nito. Sanay naman siyang nakikipag-usap sa ibat-ibang klaseng tao. Overconfident pa nga siya minsa. Isama pang hindi naman ito ang unang beses na nakita at nakausap niya si Harold.

