"Payag ka na aalis si Amanda at iiwan ka?" Tanong sa kanya ni Akio nang puntahan ang kaibigan sa bar nito para may makausap ito. "Iyon ang gusto niya. Nais niyang sumunod sa gusto ng mga magulang namin na mag bakasyon muna siya sa New York habang hindi pa nakakulong si Emil," tugon niya at inisang lagok ang laman ng kanyang kopita. Matapos silang mag-usap ng asawa nagmamadali siyang umalis ng bahay at iniwan si Amanda. Nais niyang uminom at magpakalasing. Dinala siya ng kanyang mga paa sa bar ni Akio at dito na siya magpapakalulong sa alak, nais niyang malasing iyong pag uwi niya ng bahay matutulog na lang sita at hindi mag-iisip pa ng kung anu-ano. Pagod na ang utak niya sa kaiisip, ang dami niyang iniisip ngayon, isama pa ang tambak niyang trabaho. Dahil sa pag-aasikaso sa pagsampa niy

