Special Chapter 2 - Fall

2265 Words

"I ALREADY discussed everything. Then, let's call it a day." Napatingin ako sa paligid nang isa-isa nang nagtayuan ang mga kasama sa meeting, kaya tumayo na rin ako at nakipagkamay habang nagpapaalam sa bawat isa. Nang maubos na ang tao sa loob ng conference room, itinuon ko na ang atensiyon kay Renz. Nakangiti siyang lumapit sa akin at tinapik ang balikat ko. "Kung hindi pa ako nagpatawag ng meeting, hindi ka pa pupunta rito sa Marikina," aniya. Mahina akong natawa. "Alam mo namang abala ako sa Antipolo. Tinutulungan ko sina Lolo't Lola sa pag-aasikaso ng karinderya." "Yeah, I know about that. Kaya nga mas pinili mong mag-invest na lang sa company ko kaysa magnegosyo ka ng sarili mo." Pareho kaming natawa sa naging biro niya. "By the way, uuwi ka na ba agad sa Antipolo?" kapagkuwan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD