BLANGKO kong pinagmamasdan ang kisame. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatitig dito, at kahit na nakakaramdam na ng sawa sa pagtitig sa kisame ng kwarto ko ay wala akong magawa kundi ang manatiling pagmasdan ito. Masyadong blangko ang isipan ko ngayong araw. I feel empty. Para bang may malaking parte ng buhay ko ang nawawala ngayon. "Yohann." Mabilis akong napabangon mula sa pagkakahiga nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Lola Miranda. Kumunot ang noo ko nang makita ko siya sa gilid ng aking kama. "Kanina ka pa ba riyan, Lola?" Tumango siya. "Masyadong malalim ang iniisip mo kaya mukhang hindi mo napansin ang pagpasok ko." Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. "May bisita ka sa baba," imporma niya na muling kumuha ng atensiyon ko. Kumunot ang noo ko sa pa

