NAPAKURAP-KURAP ako. Masyado akong nabigla sa narinig kaya wala akong nagawa kundi ang pagmasdan si Yohann. Sigurado akong hindi ako pinaglalaruan ng pandinig ko. Totoo ang narinig ko. Kay Yohann mismo nanggaling ang mga salitang 'yon. He wants to marry me! Aaminin ko sa sarili na malaki ang naging epekto sa akin ng mga salitang 'yon. Nakakawala ng katinuan. Pero hindi ako puwedeng magpaapekto sa salita niya. Hindi ko pa nakakalimutan ang mga nangyari sa pagitan namin. Pabalya kong binawi sa kanya ang kamay at sarkastikong tumawa. "You want to marry me?" usal ko at umiling nang hindi makapaniwala. "Nababaliw ka na ba?" Hindi natinag si Yohann sa pagiging sarkastiko ko. Umiling siya nang seryoso pa rin. "I'm serious about this, Chloe." Mahina akong napasinghal. Hindi ako makapaniwala

