"I'LL sit beside you." "Try to move near me, I'll kick your f*****g ass," banta ko kay Castiel na kanina pa nangungulit. Tulad ng kutob ko kanina sa ngisi niya ay may pinaplano talaga siya. At para magawa ang planong 'yon, gusto niyang tumabi sa akin. "Come on, Chloe. Don't be a killjoy. It will be fun. I promise," pangungumbinsi niya pa sa akin. Matalim ang mga mata kong pinukol siya ng tingin. Kanina pa ako nanggigigil sa kanya sa ginawa niyang pagtakbo sa phone ko. Ayon sa kanya, kaya niya ginawa 'yon ay para sagutin ang tawag ni Yohann at para papuntahin ito rito. And he succeeded doing it! Any minute now, Yohann will arrive here. Gusto ko man umalis para iwasan ang lalaking 'yon, ayaw ko rin gawin. Bakit ako ang aalis? Ako ang nauna rito, isa pa ay bar ito na pagmamay-ari ng pins

