"HOW is it? Is it delicious?" sunod-sunod kong tanong sa ina nang tikman nito ang niluto. I cooked sticky honey garlic butter shrimp. It's one of the easiest recipe for shrimp. At dahil nagsisimula pa lang naman ako sa pagluluto, nagsisimula muna ako sa mga madadali. Tinapos muna ni Mamá ang pagnguya sa kinakain bago sunod-sunod na tumango. "I like it," aniya at muling tumuhog ng shrimp. Tila bigla akong naging hangin sa harapan ng ina nang muli siyang maglagay ng shrimp sa bibig. Mahina akong natawa at ngumiti nang malapad. Nasisiyahan ako dahil kahit papaano ay natututo na ako sa pagluluto. "Alam mo, gusto kong pasalamatan ang chief na nagturo sa 'yong magluto. Maybe this weekend, I'll go to your cooking class and bring some presents for her," biglang sabi ni Mamá. Hawak-hawak niya

