Chapter 42 - Pain

2094 Words

MUGTO ang mga mata at hindi makatingin sa isa't isa. Ganoon ang kalagayan namin ni Yohann nang matapos kong ikuwento sa kanya ang tungkol sa sekretong ibinaon ko na sa limot. At gaya ng inaasahan ko, masyado siyang naging apektado sa mga nalaman dahilan para pati siya ay maiyak habang nakikinig sa kuwento ko. Kita ko ang sakit niya sa pagkatuklas ng totoo. Nakayuko lang ako habang pasimpleng nagsusulyap ng tingin sa kanya. Nasa malayo ang tingin niya at kahit na tumigil na siya sa pag-iyak tulad ko ay namumula pa rin ang mga mata at ilong niya. Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi nang hindi malaman ang gagawin o sasabihin. Ngayong nabunyag na ang totoo sa pagitan namin, hindi ko na alam kung ano na ang mangyayari sa relasyon naming dalawa. Ang pagiging handa ko para patawarin na si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD