"WHAT are you going to do now?" Wala akong naging tugon sa tanong ng ama at nanatili lang tahimik habang kaharap pa rin ang pamilya. Nang matapos kong ikuwento sa kanila ang nangyaring pagkatuklas ko ng katotohanan sa pagitan namin ni Yohann, 'yon agad ang naging tanong sa akin ni Papá. And to be honest, I don't know what to do. Noong gabing maglasing si Yohann ay handa na sana akong patawarin siya. I'm ready to surrender and to let him win. Pero sa nangyari, tila nagdadalawang-isip na akong gawin 'yon. Mas naging komplikado ang relasyon namin. Hindi ko maisip kung paano at bakit sa akin itinago ni Yohann ang totoo. Sigurado akong noong una pa lang ay alam na niya ang tungkol sa nakaraan namin. Base na rin sa reaksiyon niya nang itanong ko sa kanya ang tungkol sa kwintas noong umagang

