"CHLOE, please. Open this door." Tamad akong bumaling sa pintuan ng aking kwarto nang marinig ko mula sa labas nito ang boses ni Mamá. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. Bumuntong hininga ako at inalis ang atensiyon sa pinto, binabalewala ang ginagawa niyang pagtawag sa akin. Hindi naman nila mabubuksan ang pinto ng kwarto ko kahit na may spare key pa sila nito. May isa pa kasi itong lock na tanging sa loob lang mabubuksan. "Baby, please. You're making us worried." Mayamaya ay rinig ko na namang sabi niya. Ipinatong ko ang baba sa mga tuhod ko at mahigpit na niyakap ang mga binti kong nakabaluktot. Tatlong araw na rin ang nakakalipas simula nang maglasing si Yohann at makita ko sa bulsa ng pantalon niya ang dati ko pang nawawalang kwintas

