"AGAIN, I want to apologize for everything I've done," usal ni Yohann sa harapan ng mga magulang ko. Matipid na ngumiti si Mamá. Tanging pagtango naman ang itinugon ni Papá sa kanya. Ngayon ay tapos na ang pag-uusap ng mga magulang ko at ni Yohann tungkol sa naging gulo nitong nakaraan at ang tungkol sa relasyon naming dalawa. Kaya ngayong kaharap na namin ang mga magulang ko ay nilinaw na naman sa mga ito na nagkaayos na kami. "Then, how about the wedding?" biglang tanong ni Mamá na nagpatigil sa aming lahat. Nagkatitigan kami ni Yohann bago inilipat ang atensiyon sa mga magulang ko. Napansin ko ang pagiging seryoso at istrikto ng mukha ng ama ko. "Bago planuhin ang kasal, gusto ko po sana muling hingin ang basbas nyo sa aming dalawa ni Chloe," ani Yohann. Maarteng tumingin si Mamá

