"UNEXPECTED BEAT"
EPISODE 21. (THREE YEARS LATER)
Another three years passed at hindi na nga nagpakita pa si Gill sa kanyang pamilya. Nangungulila man ang mga Santos ay nagdadasal nalang sila para dito at umaasa pa ring magpapakita pa ito.
Katatapos lang ng pakikipag-usap ni GB sa isa sa mga kliyente nila sa isang sikat na restaurant. Naglalakad na din siya palabas dito nang biglang may lumitaw at humarang na babae sa dinadaanan niya.
"S-Sapphire?!." Gulat na bulalas ni GB nang makilala kung sino ito.
"Kumusta ka na baby ko? Hahaha." Tawang pabirong tanong naman ni Sapphire. Nagulat man ay nagyakapan pa ang dalawa sa tuwa at nagkamustahan.
Inaya ni Sapphire si GB sa isang food court gaya ng lagi niyang ginagawa. Kamot-ulong sumunod naman si GB at walang nagawa. Masyado nilang namiss ang isa't-isa at marami silang utang na kwento. Mula kasi nung manggaling sa probinsiya si GB ay nawalan na din siya ng balita kay Sapphire. Nalaman niya nalang na nagpa-ibang bansa ito.
"Lalo ka atang gumanda ah!." Nakangiting puri ni GB pagkatapos nilang mag-order ng pagkain.
"At ikaw naman ay mas naging masigla. I'm happy for you. I've heard everything. Hindi ka na yung dating laging nakabusangot yung mukha. Haha."
"Haha thank you. Anyway, balita ko pumunta ka ng ibang bansa ah? Eh kelan ka pa dumating? I thought wala ka ng balak na bumalik dito eh. Guess I was wrong."
"Well, wala naman na talaga akong balak na bumalik dito eh after what happened to me and you know who. Pero yun nga, gusto ni mommy na magbakasyon dito so sinamahan ko na siya. At nung isang araw palang kami nakadating dito. Swerte ko nga at napansin kita kanina sa restaurant na pagmamay-ari ng friend ni mama eh."
Habang masayang nagkikwentuhan sina GB at Sapphire ay nagulat nalang sila nang biglang may lumapit na lalaki sa table nila.
"Ang ayos ah. You were just here for two days pero hindi ka na nakatiis at nakipagkita ka na agad dito sa mokong na ito?!." Gigil pang saad ng lalaki kay Sapphire.
"C-Cedric?! W-What are you doing here?!." Gulat na tanong naman ni Sapphire nang makilala ito at napatayo. Oo, ang lalaki ay walang iba kundi ang ex ni Sapphire na si Cedric. Lingid sa kaalaman ni Sapphire ay lagi siyang minomonitor ni Cedric kahit pa matagal na silang wala.
"I should be the one asking you that. What are you doing here? Hindi mo ba alam na may asawa na itong gagong ito ha?! Asawa na niya ang kapatid ko! Hanggang ngayon ba Sapphire ay siya pa din ang mahal mo ha?! Nakikipagkita ka pa rin sa taong dahilan ng pakikipaghiwalay mo sakin! Ganun mo ba siya kamahal, ha?!." Madiin pang saad ni Cedric. Pinagtitinginan na din sila ng mga tao.
"Anong pinagsasabi mo?." Naguguluhang tanong naman ni GB na napatayo na din.
"Nababaliw ka na ba?! And what did you just say?! You're blaming GB sa nangyari satin, before? No, Cedric! Nakipaghiwalay ako sayo dati hindi dahil sa kanya! Nakipaghiwalay ako, dahil sayo! Wala kang inatupag kundi ang trabaho mo! You forgot about me! At walang namamagitan samin ni GB! Magkapatid na ang turingan namin sa isa't-isa and I know na may pamilya na siya!." Saad naman ni Sapphire na napapailing sa narinig mula kay Cedric.
"I saw both of you on the day na nakipaghiwalay ka sakin, Sapphire! You were sweet! You looked like you were in a relationship! You even smiled though we just broke up!." Pagdadahilan naman ni Cedric.
Oo, ang taong kinita ni Sapphire nung araw na umalis siya sa opisina ni Cedric ay si GB. At nakita naman ni Cedric ang sweet moment ng dalawa na siyang naging dahilan ng galit ni Cedric kay GB at siyang tinago niya sa kanyang sarili sa mahabang panahon.
"YOU'RE SO DAMN STUPID!." Galit na sigaw naman ni Sapphire kay Cedric at tumingin kay GB.
"Let's meet some other time. May istorbo ngayon eh." Saad pa ni Sapphire kay GB at umalis bitbit ang bag niya.
Naiwang napabuntong hininga naman si Cedric at nanghihinang napaupo sa upuan. Kitang-kita ni GB na mahal pa rin ng dalawa ang isa't-isa kahit matagal na silang walang komunikasyon.
"She's like a big sister to me and I know about your relationship." Umpisang saad na ni GB kaya muling napatingin sa kanya si Cedric. Makikita ang pangungulila sa mga mata nito.
"Whenever she runs to me and complained about what you did, how you forgot your mothsary, her birthday, your dates, I personally wanted to punch you. But she loves you so much that even if I wanted to kick your butt, she won't allow me to. How stupid of you for letting her leave and not fight for her instead." Saad pa ni GB kay Cedric at aalis na sana.
"P-Please h-help me!." Maluha-luhang pigil naman ni Cedric kay GB.
"P-Please help me g-get her back. Until now, even years passed, I.. I.. still love her." Paanas pang saad ni Cedric. Muling hinarap ni GB si Cedric.
"Stop with your flowering words. Go make some actions. Court her if it's necessary. And this time, make her feel special. I've known her enough to see in her eyes that she still feel the same." Saad naman ni GB. Nabuhayan naman ng loob si Cedric sa narinig.
"W-What s-should I do, then?." Kinakabahang tanong pa ni Cedric na tila nakahanap ng kakampi.
"For real? Haizt! For now, you should go after her and confess. Tsk." Saad pa ni GB.
Nang marealize naman ni Cedric ang sinabi ni GB ay nagmadaling tumakbo siya para habulin si Sapphire. Naiwang napangiti naman si GB at napahabol ng tingin kay Cedric. Alam niyang magkakabalikan din ang dalawa dahil kitang-kita niyang mahal pa nila ang isa't-isa. And now, she finally understands kung saan nanggagaling ang galit ni Cedric sa kanya na siyang kinailing at kinangiti niya nalang.
Pag-uwi ni GB ay kinwento niya din kay Jasmine ang nangyari. Sinabi naman ni Jasmine na nakita niya nga din sina GB at Sapphire nung araw na iyon na siyang kinagulat niya. Inamin naman ni GB na nakipagkita talaga siya kay Sapphire bilang kaibigan bago siya nakipagmeeting kay Mr. Melendres.
-----
Sa loob ng tatlong taon ay mas naging masaya ang pamilya nila GB. At sa loob ng tatlong taon ay sinubukan ng mag-asawang GB at Jasmine na tuparin ang pinangako nila kay Jace na magkaroon ito ng kapatid. But sad to say ay lagi silang failed. Ngayon ay pangatlong subok na nila para isakatuparan ang pagkakaroon ng anak. Mas lalo din silang napamahal sa isa't-isa.
"Hon, pangatlong beses na natin ito. Nakakalungkot naman at parang ayaw pa ata tayong biyayaan ng isa pang baby." Malungkot na saad ni Jasmine kay GB at napahawak sa tiyan niya. Kakauwi lang din nila galing sa hospital at kakaupo sa sala.
"Hey, don't lose hope. Let's just trust our faith on him." Pagpapalakas loob naman ni GB kay Jasmine at niyakap ito sa kanyang dibdib.
"Hon, what if.. it would be.. another failure?." Tanong pa ni Jasmine.
"Hon, come on. Maniwala tayo sa taas okay? Maniwala tayo sa Panginoong Diyos. Wag nalang tayong tumigil sa pagdadasal. I'm sure if it's for us, then it will be." Saad pa ni GB. Napatango naman si Jasmine kahit nalulungkot pa rin siya.
Sa ikatlong pagkakataon ay egg cell na ni GB at sperm cell na ng donor mula sa hospital ang kanilang tinurok kay Jasmine. Siniguro din nina GB na makukuha nila ang kanilang standard sa pagpili ng donor na siyang naisakatuparan naman. Hindi lang maiwasan ni Jasmine na malungkot dahil dalawang beses na silang na-failed. Napapadasal nalang sila na sana sa ikatlong beses nila ay magtagumpay na sila.
Pagkatapos masiguro ni GB na nakatulog na si Jasmine ay nakiusap siya kay Cecilia na tingnan muna ito dahil susunduin niya si Jace dahil tapos na ang klase nito sa panghapon. Siya kasi ang naghahatid at sundo kay Jace sa school dahil grade one na ito.
"Hey, big boy!." Masayang tawag ni GB kay Jace at napapakaway ng makita niya itong lumabas ng kanilang classroom. Mabilis na lumapit naman sa kanya si Jace pero napansin niyang tila wala na naman ito sa mood na napapatingin pa sa kanyang mga kaklase na nasa kanyang likuran.
"Hey? What's wrong big boy? May nang-away ba sayo?." Nag-aalalang tanong pa ni GB at hinawakan ang anak sa magkabilang balikat.
"W-Wala po. Let's go na po. Uwi na po tayo." Sa halip ay saad lang ni Jace at naglakad na papasok sa kanilang sasakyan. Napansin din ni GB ang tatlong kabataan na napatingin sa anak niya habang tumatawa.
Sobrang nagtataka si GB sa biglang inaakto ni Jace. Ilang linggo na nilang napapansin ang katamlayan nito pero hinayaan lang nila dahil nagdadahilan itong pagod lang ito sa school. Kung dati kasi ay madaldal ito sa tuwing sinusundo niya ito, ngayon ay sobrang tahimik na nito at nakatanaw lang sa labas ng bintana na parang malalim ang iniisip. Ni hindi siya nito tinawag na Dada o nginitian manlang gaya ng lagi nitong nakagawian. Sa loob ng tatlong taon ay nitong mga nakaraang linggo lang ito umaakto ng kakaiba.
Pagdating nila sa bahay ay kapansin-pansin pa rin ang katamlayan ni Jace. Konti lang din ang kinain nito nung mag-dinner sila. At kahit anong tanong nila dito kung anong problema nito ay matigas lang itong napapailing.
"Hon, may nangyari ba kay Jace sa school nila? Ilang linggo na siyang matamlay ah? Pag sunday bonding naman natin ay parang hindi natin siya kasama." Nag-aalalang tanong at saad ni Jasmine kay GB. Nakahiga na din sila sa kama at magkayakap.
"Hindi ko nga alam eh. I might as well ask her teacher tomorrow. Something bad might have happened to him in school." Saad naman ni GB at napabuntong hininga.
"Gusto mo bang samahan kita bukas?." Tanong ni Jasmine.
"No, wag na. Tatanungin ko nalang yung teacher paghatid ko bukas kay Jace bago ako pumasok ng trabaho. And besides, you should take some rest. Don't stress yourself too much while I'm at work tomorrow, okay? And just give me a call if there's something you want to eat. I want our baby to be healthy, as healthy as I am." Nakangiting saad pa ni GB. Napatawa naman ng mahina si Jasmine dahil dito.
"Haha you're so excited, hon. Hindi pa nga tayo sigurado kung merun na eh. Haha pasaway ka talaga." Natatawang saad naman ni Jasmine at malambing na hinaplos ang pisngi ni GB.
"Well, I have this solid faith that this time it would be successful. Hmmmm." Nangingiting saad pa ni GB at kinagat-kagat ng mahina si Jasmine sa leeg para makiliti ito.
"Aaah! Haha h-hon! Hahaha stop it! Na-Nakikiliti ako. Hahaha." Tatawa-tawang saad naman ni Jasmine at tinutulak ang mukha ni GB.
"Hahaha. Raaawwwrrr!." Tawang saad naman ni GB at hinawakan ang kamay ni Jasmine saka kinagat-kagat ito sa leeg maging sa may collarbone nito na lalong nagpatawa dito ng sobra.
"HAHAHAHA. HON! HAHAHAHA S-STOP! HAHAHA." Malakas pang tawa ni Jasmine.
Nangingiting tumigil naman si GB at muling niyakap si Jasmine. Medyo natatawa pa si Jasmine at mahinang hinampas sa may dibdib si GB. Ganito sila sa gabi kapag hindi pa sila inaantok. Nagkukulitan sila o di kaya'y nag-uusap ng kung ano-ano.
"Anyway hon, naalala ko malapit na pala ang birthday mo. Anong gusto mong regalo?." Muling tanong pa ni Jasmine at tumingala para tingnan ang mukha ni GB.
"Hmmmmm. I couldn't asked for more hon. I have you, Jace and our new baby." Saad naman ni GB at hinawakan pa ang tiyan ni Jasmine na tila sigurado na siyang may baby na itong laman.
"I'm happy and contented." Ngiting saad pa ni GB.
"Hahaha suuussss ang chessy. Hahaha." Tawang saad naman ni Jasmine at mahigpit na niyakap si GB.
Hanggang sa magpasya na nga silang matulog. Hindi naman maiwasan ni GB na mapaisip tungkol sa kung anong problema ng anak niyang si Jace bago siya tuluyang makatulog.
-----
Kinabukasan, gaya ng sinabi ni GB ay kinausap niya nga ang teacher ni Jace para malaman kung may problema ang anak nila o may nakakaaway ba ito. Pero napag-alaman niyang wala naman daw. Nagpasalamat nalang din siya sa teacher at umalis na din para pumasok sa trabaho. Mukhang wala silang choice kundi ang tanungin ng tanungin ang kanilang anak.
"Hey, broh. Have you heard about the news?." Biglang dating ni Saivan sa opisina ni GB kasama si Ian na napapailing naman.
"What news?." Takang tanong naman ni GB.
"Well, our friend here had decided to ask Beverly to marry her. What an unbelievable surprise, right? Haha." Tawang saad naman ni Saivan. Pabirong binato naman siya ng naka-crumpled na paper ni Ian. At oo, si Ian at Beverly din ang nagkatuluyan habang si Saivan naman ay nanliligaw palang kay Joan.
"Wow! Is it for real broh? Seriously? Haha." Birong tawa naman ni GB.
"Oh come on, you two! What? Can't I settle down? Gusto ko na rin ng makakasama sa buhay eh. Yung pag-gising ko siya yung una kong nakikita. Haha." Tawang saad naman ni Ian.
"Really? Or was it because of Beverly's ex who keeps on bugging her? Haha you're threatened broh! That was it! Haha." Pangbubuko at pang-aalaska naman ni Saivan kay Ian.
"Tsk! Of course not! Bakit naman ako matatakot sa butiking yun?! Di hamak na mas gwapo naman ako dun eh! Tsss.." Saad naman ni Ian.
"You're predictable, broh. Haha." Saad naman ni GB at mas lalo pa nilang tinawanan si Ian.
Inasar pa nila ito ng inasar hanggang sa umamin nga itong natatakot siyang maagaw pa sa kanya ng iba si Beverly. Seryosong pinayuhan naman siya ng dalawa pero maya't-maya din silang natatawa kaya ang ending ay batukan at tawanan tuloy ang nangyari.
Pagkatapos ng maghapong trabaho ay napatingin si GB sa relo niya at nang makitang oras na ng uwian ni Jace sa hapon ay nagmadali na siyang umalis para sunduin ito. Napatingin din siya sa kanyang phone at nakitang may limang missed call mula sa unregistered number. Hindi niya nalang ito pinansin at dumiretso na sa school.
"Excuse me, ma'am? Si Jace po?." Tanong ni GB sa adviser ni Jace nang makitang nakalabas na ang lahat ng estudyante pero ito ay wala pa.
"Ah.. Eh.. sir, kakaalis lang po nila ng asawa niyo kani-kanina. May nangyari po kasi eh. May sinuntok po ang anak niyong si Jace kaya pinatawag po namin ang asawa niyo at ang magulang nung batang sinuntok niya at inayos ang gulong nangyari. Tinawagan ko din po kayo kanina para sana mainform kayo pero hindi po kayo sumasagot." Sagot naman ng adviser ni Jace.
Nagtaka naman si GB dahil sa kanyang nalaman. Hindi ganun ang pagpapalaki nila kay Jace kaya alam niyang may problema talaga ito. At ito pala ang unregistered number na tumawag sa kanya. Pagkatapos ng kanyang narinig mula sa adviser ay nagpaalam na din siya dito at umuwi.
Pagdating ni GB sa bahay ay tinanong niya si Cecilia kung nasaan ang mag-ina niya. Nang sabihin nitong nasa kwarto sila ni Jace ay nagpasalamat na din siya at umakyat sa taas ng kwarto ni Jace.
"Mom, w-where's my.. real.. father?." Pero napatigil si GB sa nakaawang na pinto ng marinig ang tanong na ito ni Jace kay Jasmine.
"Nak, we've talked about it na di ba? Si Dada mo ang nagpalaki at nag-aruga sayo. Siya na ang ama mo. Wag ka ng maghanap pa ng iba." Saad naman ni Jasmine.
"She's not my father, mom! Please tell me the truth!." Pakiusap pang saad ni Jace. Nakaupo sila sa edge ng kama habang nag-uusap.
"Jace, let's stop talking about this nonsense!." Madiing saad naman ni Jasmine.
"B-But mom, I want to know who my real father is! I want to know who he is! I want to know where he is! And I want him to be with me to stop my classmates from bullying me!." Matigas namang saad ni Jace na napalakas na ang boses at napatayo mula sa pagkakaupo sa kama.
Nakaramdam naman ng takot si GB dahil sa kanyang narinig. Mukhang dumating na nga ang araw na kinakatakutan niya. Ang araw na hahanapin ni Jace ang totoo nitong ama.
"Jace! Stop this! You could have let it go! Hinayaan mo nalang sana sila! Hindi mo na sana sila pinatulan! Hindi mo kailangang manuntok dahil lang binubully ka nila for not having your real father! But compared to all the father you knew? Your Dada is far better than them!." Matigas namang saad ni Jasmine na napataas na din ang boses.
"But she's not a man and can't be my real father! And I don't want her to send me to school and pick me up anymore! I don't want my classmates to see her!." Matigas pang saad ni Jace.
"I SAID STOP IT!." Galit na ring sigaw ni Jasmine kaya natigilan na din si Jace at galit na sumampa at dumapa sa kanyang kama. Napasuklay naman si Jasmine sa buhok niya gamit ang kanyang kamay dahil sa stress. Napatingin din siya sa pinto at nakitang nandun si GB.
Napayuko naman si GB nang maintindihan na niya kung ano ang talagang problema ni Jace sa loob ng ilang linggo. Kung bakit wala ito sa mood at hindi na ito masyadong nakikipag-usap at nakikipagkulitan sa kanya. Yun ay dahil din pala sa kanya.
Pumasok si GB ng kwarto at niyakap si Jasmine para pakalmahin ito. Hinagod niya ang likod nito nang yumakap din ito sa kanya.
"I'll talk to him. Can you give us a minute?." Bulong pang saad ni GB na siyang tinanguan naman ni Jasmine. At pagkatapos bumuntong hininga ay lumabas na nga si Jasmine.
Lumapit si GB sa nakadapang si Jace. Umupo siya sa may gilid nito. Napansin niyang napatingin ito sa kanya pero muli lang itong tumalikod.
"Nak, you could have told me everything. Kung alam ko lang edi sana natulungan kita. I could've stop those kids who kept on bullying you." Malumanay na kausap na ni GB kay Jace.
"I don't want you to stop them! I don't want you to confront them! I just want my real father to show them that I do have one! A real one!." Madiing saad naman ni Jace na siyang kinalungkot ni GB. Hindi pa rin siya nito tinitingnan.
"Do you think that's the only solution on your problem? Don't you want.. to be with.. Dada anymore? Don't you want.. to see.. me anymore?." Malungkot pang tanong ni GB na pilit pinipigilan ang pagtulo ng luha niya.
"I just want my real father, that's it!." Sa halip ay sagot lang ni Jace.
"Okay. I'll do my best to find him. But for now, what I can only do for you is one thing.. yun ay ang hindi lumabas ng sasakyan kapag hinahatid at sinusundo kita." Malungkot pang saad ni GB.
"Okay. Much better." Saad lang naman ni Jace.
Tumayo na din si GB pagkatapos halikan sa likod ng ulo si Jace at nagpaalam na lalabas na. Wala naman siyang narinig na sagot mula dito kaya lumabas nalang siya pagkatapos itong bigyan ng huling sulyap.
Pagpasok ni GB sa kwarto nila ni Jasmine ay naaawang napatingin naman ito sa kanya. Napaupo siya sa kama at ngumiti ng pilit. Hindi niya mapigilang malungkot kaya niyakap siya ni Jasmine para iparamdam sa kanyang magkasama silang haharap sa kanilang problema.
-----
Gaya ng pinangako ni GB, sa tuwing hinahatid at sinusundo niya sa school si Jace ay hindi na siya lumalabas ng sasakyan para maiwasan ang pagpapahiya dito dahil sa kanya. Hindi naman ito nagustuhan ni Jasmine na lagi pa ring pinagsasabihan si Jace. Pero pinakiusapan siya ni GB na wag ng palakihin ang problema at hayaan nalang ang kanilang anak.
Dumating ang araw ng kaarawan ni GB na hindi pa rin naaayos ang relasyon nina GB at Jace. Matamlay pa rin ito at hindi masyadong nakikipag-usap. Masiyado na din itong seryoso at kapag nasa bahay ay halos lagi nalang itong nasa kanyang kwarto.
"Hon, I'd be in the flower shop later. Puntahan niyo nalang ako ni Jace dun pagkasundo mo sa kanya from school okay?." Saad ni Jasmine kay GB. Tumango naman si GB at humalik na kay Jasmine saka umalis na din siya kasama si Jace.
Kwento ng kwento si GB at tawa ng tawa habang binabaybay nila ang daan papunta sa school ni Jace. Wala namang imik o reaction si Jace na nakatingin lang sa labas ng bintana.
"Nak, fighting! Enjoy your day! I love you!." Masiglang saad pa ni GB pagdating nila ni Jace sa harap ng school nito at ng pababa na ito.
Kahit hindi good terms ay sinusubukan pa rin ni GB na pasiglahin ang boses niya sa tuwing kinakausap niya si Jace kahit pa hindi ito sumasagot. Walang imik na lumabas naman ito ng sasakyan at pumasok na ng school.
"I must try hard eh? Haaayyy.. He's being hard on me." Saad nalang ni GB at mapait na napangiti saka napabuntong hininga bago umalis at pumunta sa kanilang kompanya. Nalulungkot din siya dahil hindi manlang naalala ng pamilya niya na birthday niya.
Pagkatapos ayusin nina Jasmine at ng mga kaibigan nila ni GB ang kanilang surprise para kay GB ay umalis na din ang mga kaibigan nila para mag-ayos. Maging si Jasmine ay pumunta na ng flower shop. Hindi din nag-ayos si Jasmine para talagang masorpresa si GB pag-uwi nito sa hapon kasama na siya at ang anak nila.
Habang abala si Jasmine sa opisina niya ay bigla naman siyang ininform ni Marielle na nasa labas na daw ang mag-ama niya. Nagtaka pa siya dahil bukod sa maaga ng thirty minutes ang mag-ama niya ay hindi pa pumasok ang mga ito. Ganunpaman ay napangiti nalang siya at excited na para sa sorpresa nila para kay GB. Nag-ayos na din siya ng gamit at lumabas na din ng flower shop. Nakita niya mula sa loob na nasa labas nga si Jace at may kasama itong nakatalikod sa gawi ng flower shop.
"Jace." Ngiting tawag pa ni Jasmine kay Jace. Napalingon naman ito sa kanya pati na ang taong nakahawak sa kamay nito.
Nang makita ni Jasmine kung sino ang kasama ng anak niya ay unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya. Bigla din siyang nakaramdam ng takot nang makitang ngumisi ito sa kanya.
"It's been six years. Miss me?." Nakangising saad pa ng taong kasama ni Jace.
Tila napaurong naman ang dila ni Jasmine dahil sa sobrang pagkagulat. Mabilis din siyang napalapit kay Jace para sana ilayo ito dito ng humarang naman ito sa unahan ng anak niya.
"Oopps! I wouldn't do that if I were you." Ngising saad pa nito sa kanya.
"W-What d-do you want?! M-Masaya na kami!." Pilit na pinatatag naman ni Jasmine ang boses niya.
"Well, I just wanted to greet GB. And I thought, I will be the best gift for her." Nakangising saad pa nito na siyang lalong kinaalpas ng kaba sa dibdib ni Jasmine.
"Let's go. We still have a party to attend to." Saad pa nito at inakay na si Jace pasakay sa sasakyan nito. Wala namang nagawa si Jasmine kundi ang takot na sumunod dito habang napapausal ng dasal.
Hindi din maintindihan ni Jace kung bakit ganun makipag-usap ang mommy niya sa kasama niya pero hindi nalang siya nangialam at nagtanong pa. Mas iniisip niya pa rin kasi ang problema niya sa school nila.
Laking pagtataka ni GB nang pagsundo niya kay Jace sa school nito ay nakaalis na daw ito dahil may sumundo dito at sinabing may emergency. Pero mas lalong nagtaka si GB nang sabihin ni Marielle sa kanya na nakaalis na sina Jasmine at Jace. Nakita niya pa ang pagtataka sa mukha nito.
"Umuwi.. na sila?." Takang tanong naman ni GB sa sarili niya at nagpasyang umuwi nalang. Tinatawagan niya din si Jasmine pero hindi ito sumasagot.
Pagdating ni GB sa labas ng bahay nila ay tahimik ang loob nito. Nakakaramdam na din siya ng pag-aalala para sa mag-ina niya kaya mabilis siyang pumasok ng bahay.
"HAPPY BIRTHDAAAAYYYY!!!." Pero nagulat si GB nang pagbukas niya ng pinto ay ang pamilya niya at pamilya ni Jasmine ang sumalubong sa kanya. Surprisingly ay nandun din ang tatlong magkakapatid na Eco. Nandun din ang mga kaibigan nila ni Jasmine. Napangiti naman si GB dahil dito at masayang nagpasalamat sa lahat pagkatapos hipan ang malaking cake na hawak ng parents niya.
"B-But.. where are Jasmine and Jace?." Kahit nakangiti ay nagtataka naman si GB nang hindi niya makita ang mag-ina niya.
"Ha? Edi ba kasama mo siya papunta dito, broh? That was the plan." Takang tanong naman ni Ian na siyang kinataka din ng lahat.
Napakunot ang noo ni GB sa sobrang pagtataka. At magsasalita na sana siya nang biglang muling bumukas ang pinto sa likod niya at pumasok mula dito ang asawa niyang si Jasmine na hawak sa kamay si Jace at ang kasama nilang nasa tabi lang nila. Nanlaki ang mga mata ng lahat at lahat sila ay napanganga ng mamukhaan nila kung sino ito.
Samantalang napangiti naman ng ubod ng tamis ang taong kasama nila Jasmine habang makikita naman ang takot sa mga mata niya.
"G-Gill?." Gulat pang bigkas ni GB nang mapalingon siya sa likod niya at makilala niya ang taong kasama nila Jasmine.
"Long time no see, twin sister." Nakangising saad pa ng kasama nila Jasmine na walang iba kundi ang twin brother ni GB na si Gill Bryan Santos. Kamukhang-kamukha pa rin ito ni GB. At halatang ginaya nito ang gupit niya. Ang pinagkaiba lang nito kay GB ay merun itong beards at mas masculine itong tingnan na siyang hindi naman nakakapagtaka dahil isa itong lalaki.
Hindi naman nakasagot ang lahat dahil sa sobrang pagkabigla. Lahat ay nagtataka at gustong magtanong pero hindi makapagsalita. Nakatitig lang sila kay Gill at kapansin-pansin ang pinag-iba nito dahil mas naging matured itong tingnan at may galit din sa mga mata nito.
~
~
~
⇨acacabas_019ツ