EPISODE 22.

4324 Words
"UNEXPECTED BEAT" EPISODE 22. Bago paman pumasok sa bahay nila si GB ay napansin na niya ang sasakyan na nasa kabilang kalsada pero hindi niya ito inintindi. Lingid sa kaalaman niya ay sina Jasmine, Jace at Gill ang laman ng sasakyan na iyon na hinihintay talaga ang pagdating niya. Napangisi pa si Gill nang makita niya ang kambal niya na nagmamadaling pumasok ng bahay. Kaya naman inaya niya ng lumabas ng sasakyan sina Jasmine at Jace. Kahit anong pigil dito ni Jasmine ay wala naman siyang nagawa dahil ginagamit nito si Jace. Nalaman din ni Jasmine na marami ng alam si Gill tungkol sa kanila. Ni hindi niya sinabi dito kung saan ang bahay nila pero alam na nito kung saan iyon. "This looks like a great opportunity for me to show up. Wow! What a good timing!." Sarcastic na ngiti pa ni Gill at napatingin siya kina Emmauel, Marlenita, Gerard, Bea, Bree at kay GB. Oo, kompleto ang pamilya niya at nasa harap na siya ng lahat. "G-Gill, where on earth have you been?!." Kunot-noong tanong naman ni GB sa kakambal niya. Maging ang pamilya ni Jasmine at ang mga kaibigan nila ay hindi makapaniwala sa nakikita nila. Ang matagal na nilang hinahanap ay bigla na lang nagpakita pero pakiramdam nila ay hindi ikakaganda ng lahat ang paglitaw nito. Nag-aalala din sila para kina GB at Jasmine maging sa anak nilang si Jace. "Hah! Are you seriously asking me that? Anyway, let's not talk about it. Ang mahalaga ay nakabalik na ako." Saad pa ni Gill at matamang tinitigan sa mga mata si GB. Sobrang seryoso na din ng tinging pinupukol niya kay GB. "You had enough of what are mine, GB! I'm here to take everything that belongs to me. And that includes.. my wife.. and my son." Seryosong saad pa ni Gill na napatingin kay Jasmine at Jace bago muling tumingin kay GB. Nakaramdam naman ng takot si GB nang marinig ang sinabi ni Gill. Napatingin din siya kay Jasmine at nakita niya sa mga mata nito na pareho sila ng nararamdaman. "Who are you? Why do you looked like Dada?." Takang tanong naman ni Jace na hindi maintindihan ang pinag-uusapan ng mga matatanda. Ang akala niya kasi ay ang Dada niya ang kasama niya. Hindi naman kasi ito nagpakilala sa kanya at basta nalang siya nitong kinuha sa school nila. Hindi niya din napansin ang pagkakaiba ng physique nito sa Dada niya dahil na rin sa hindi niya nga ito binigyang-pansin. "It's because we're twin, Jace. I'm her twin brother and she's my twin sister." Biglang lumambot ang mukha ni Gill at ngumiti ng lumuhod siya sa harap ni Jace. Siya na din ang sumagot sa tanong nito. "Oh! Then, you're my uncle? And do you know.. who is.. my real father?." Tanong naman ni Jace na siyang kinagulat ng lahat pero kinatuwa ni Gill. "I see you badly wanted to know who your real father is. Haha." Natatawang saad pa ni Gill na siyang tinanguan naman ni Jace. "Gill! What do you think you're doing?! Stop fooling around! We must talk first! Don't say something you'd regret at the end! And you can't just barge in here like everything's fine!." Saad na rin naman ni Gerard na humakbang na din sa tabi ni GB. "Haha. I knew it! You're always like that! But what would I regret? I'm just going to take what are mine!." Sarcastic namang tawa ni Gill at tumayo saka muling humarap kina Gerard. Alam ni GB na wala siyang karapatan kay Jasmine at kay Jace. Si Gill ang kasal kay Jasmine at ito ang ama ni Jace. Maging ang lahat ay alam din ito kaya naaawa sila para kay GB. "Gill, pakiusap wag kang magpadalos-dalos ng desisyon. Let's talk about this first." Malumanay na pakiusap na rin ni GB kay Gill. "What? Jace ought to know the truth." Nangingiting saad naman ni Gill. Maging si Jasmine ay naguguluhan na rin. Gusto niya man kasing ilayo si Jace doon ay hindi niya magawa dahil alam niya sa sarili niya na karapatan nitong malaman ang totoo. "What truth, uncle?." Tanong pa ni Jace kay Gill. "Gill!." Madiin pang tawag ni GB kay Gill na tila pinipigilan ito. Pero ngumiti lang ito sa kanya bago ito muling lumuhod paharap kay Jace. "Jace, I'm your father. Your real father." Ngiting saad pa ni Gill na hindi na nagpapigil. Napapikit naman ng mariin si Jasmine dahil sa naging pag-amin na ito ni Gill. "Y-You're my f-father? Y-Your're my real D-Dad? Really?." Hindi makapaniwalang tanong ni Jace pero lumiwanag naman ang mukha niya at nagniningning ang mga mata niya dahil sa galak. "You can ask your mom if you don't believe me." Saad naman ni Gill at napatingin kay Jasmine. Napakunot naman ang noo ni Jasmine kay Gill dahil tila nananadya ito. Maging ang mga kaibigan nila GB ay napakuyom ng kamao. "Mom? Is it true?." Tanong pa ni Jace kay Jasmine. Nababahalang napatingin naman si Jasmine kay GB na tila humihingi dito ng tulong. Pero tumango naman sa kanya si GB ng dahan-dahan bago napayuko. "O-Oo, Jace." Mabigat sa loob na sagot na ni Jasmine. "Woah! Yeeehhheeeyyy!!! You're my Dad! You're my Dad! You're my Dad! I've always wanted to meet you Dad!." Masayang sigaw na ni Jace at mahigpit na napayakap kay Gill. Nakangiting gumanti naman ng yakap si Gill sa anak niya. Napahinga naman ng malalim si GB nang makita niya ang saya sa mukha ni Jace. Tumatalon pa ito sa sobrang tuwa. Si Jasmine naman ay napahawak sa sentido na halatang hindi makapaniwala sa nangyayari. Maging ang iba ay naaawang napatingin kay GB. Ramdam nila ang sakit na nararamdaman ni GB. Ang akala nilang kasiyahan para sa kaarawan ni GB ay biglang naging bangungot para sa lahat. ----- Matamlay na naiwan sina GB at Jasmine sa kanilang bahay. Malungkot na umuwi na din kasi ang lahat nang sabihin ni GB na gusto na muna niyang makapag isip-isip. Si Cecilia naman ay bumalik na sa mansion ng parents ni Jasmine. Hiniram din ni Gill si Jace kaya silang dalawa nalang ni Jasmine ang naiwan. Mabigat ang kalooban na napaupo si GB sa may sala. Napahilamos siya ng mukha at hindi pa rin siya makapaniwala sa biglaang pangyayari. Napatakip din siya ng mukha at muling naalala ang huli nilang napag-usapan ng kakambal niya nang sila-sila nalang ng pamilya nila at ni Jasmine. ?????.. ("What do you really want, Gill?." Diretsong tanong na ni GB ng sila-sila nalang ang nandoon. "Well, first of all, gusto kong hayaan niyo akong bumawi sa anak ko. At of course, muling buuhin ang pamilya ko. And yeah, I'm going to take everything from you." Diretsahang sagot naman ni Gill. "I won't stop you for catching up with Jace, you had the rights. But getting Jasmine from me would be another story! You left Gill! You left at pinabayaan mo sila! Tapos ngayong masaya na kami ay babalik ka na parang wala lang?! The heck!." Gigil namang saad ni GB. "Don't act innocent, GB! Everything's not my fault! So, don't act as if you don't know what really happened to me!." Saad naman ni Gill. "What the hell are you talking about?!." Kunot-noong tanong naman ni GB. "Nevermind! And one more thing, don't ever forget that Jasmine's still my wife! So basically, she's mine!." Sa halip ay saad lang ni Gill. "Hindi mo ako pwedeng pilitin sa gusto mo! At hindi ako papayag na titira sa iisang bubong kasama ka! Nagmamahalan kami ni GB! At sa kanya ako sasama!." Madiing saad naman ni Jasmine at hinawakan sa kamay si GB. "You should think about Jace first before GB. I'm sure mas gugustuhin niya ding mabuo tayo. And I'm going to do everything to make it happen!." Ngising saad naman ni Gill. "Gill! Don't think things like everything's a game!." Galit namang saad ni Gerard. "I am not! I'm just asking you all to stay away from my business from now on! At wag na wag niyo akong pagbabawalan kay Jace!." Saad pa ni Gill. Hanggang sa wala na ding nagawa sina GB kundi ang pumayag sa kagustuhan ni Gill, maliban nalang ang sa tungkol kay Jasmine. At hindi din sinabi ni Gill sa kanila kung saan siya nanggaling at kung anong nangyari sa kanya.) Natigil sa pagmumuni-muni si GB nang maramdaman niyang tumabi sa kanya si Jasmine. Binigyan din siya nito ng tubig na siyang tinanggap niya naman. "I don't know what's going to happen, now. Gill is back. Y-Your real husband's back." Nakayukong saad pa ni GB pagkatapos uminom ng tubig at ilagay sa mesa ang baso. "Hon, please fight with me. At hindi ko siya asawa okay? Ikaw ang asawa ko. Wag ka namang mawalan ng pag-asa oh. Wag kang panghinaan ng loob. Kasama mo ako sa pagsubok na ito. Hinding-hindi ko bibitawan ang kamay mo. Wag ka ring bumitaw sakin please?." Saad naman ni Jasmine at hinaplos ang pisngi ni GB. "Hon, you're not going to leave me right? You're going to stay with me right?." Paninigurong tanong pa ni GB. Makikita din ang pagsusumamo sa mga mata niya. "I won't leave you, hon. I'm going to stay by your side no matter what happen." Saad naman ni Jasmine na seryosong nakatitig sa mga mata ni GB. Napangiti naman si GB kahit may lungkot sa mga mata niya. Thankful na niyakap niya din si Jasmine. Panghahawakan niya ang sinabi nitong hindi siya nito iiwan. Kaya lalaban siya. Lalaban siya para sa kanyang anak at asawa. ----- Gaya ng sinabi ni Gill ay unti-unti na nga siyang bumabawi kay Jace. Siya na din ang naghahatid at sundo dito sa school nito na siyang kinatuwa naman ng bata dahil hindi na rin siya binubully sa school nila. Sa halip ay naiinggit pa ang mga ito dahil bukod sa gwapo ang Dad niya ay makisig pa itong tingnan. Inabala nalang din ni GB ang sarili niya sa trabaho kahit hindi siya masiyadong makapag-focus dahil sa kasalukuyan niyang problema sa pamilya. Si Jasmine naman ay nararamdaman din ang paglayo ng loob ng anak nilang si Jace kay GB, na siyang lalo niyang kinababahala at kinalulungkot. "Broh? Hey broh? Are you still with us?." Pansin ni Ian kay GB nang makitang nakatulala na naman ito. "A-Ah, yeah yeah I'm fine. I'm sorry." Saad naman ni GB at napahilamos ng mukha. "Broh, we're all ears. Just let it out whenever you're ready." Saad naman ni Saivan. "I'm just stress. Don't mind me." Saad lang naman ni GB. Napabuntong hininga naman sina Ian at Saivan at nagkatinginan bago pinagpatuloy ang kanilang pag-uusap tungkol sa bago nilang kliyente. Pero napapansin pa din nila ang maya't-mayang pagkakatulala ni GB kaya maging sila ay apektado din. ----- Kasalukuyang nasa flower shop si Jasmine nang biglang dumating ang anak niyang si Jace. Masigla itong lumapit sa kanya. Nagtataka naman siya dahil alas tres palang at nakalabas na ito. Pero nasagot ang pagtataka niya ng makita niya si Gill na malaki ang ngiti sa kanya. "Mommy, let's go out and eat. Daddy's treat. Please mommy? I'm hungry." Pakiusap pang saad ni Jace na pinagsaklop pa ang dalawang palad. Napakunot naman ang noo ni Jasmine dahil alam niyang ito na ang paraan ni Gill para maisakatuparan ang plano nitong mabuo sila. "Jace baby, I'm sorry but I can't. I still have lots of work to do." Saad naman ni Jasmine na siyang nagpalungkot kay Jace. Ayaw naman ni Jasmine na magalit si GB kapag nalaman nito ang ginawa niya. "Oh, too bad. Our son simply wants us to eat together. I'm pretty sure GB won't mind. It's for Jace after all." Tila nangungumbinsing saad naman ni Gill. "But if you don't want to, then there's nothing we can do about it." Dagdag pa ni Gill at inaya na ang malungkot at nakayukong si Jace. Napapikit naman ng mariin si Jasmine at napabuntong hininga. "Fine, I'll go!." Napipilitang saad nalang ni Jasmine. Kahit papaano, ayaw niya namang i-deprive ang anak niya sa sayang gusto nitong maramdaman kapag magkakasama silang kumain. Kakain lang naman sila eh. Naisip niyang sasabihin niya nalang kay GB ang ginawa niya at alam niyang maiintindihan naman siya nito. "YEEEHHHEEEYYY!!!." Masayang sigaw naman ni Jace at muling lumapit kay Jasmine at yumakap. Napangiti naman si Jasmine dahil dito. Nagpasya si Gill na dalhin ang mag-ina niya sa isang magarang restaurant. Makikita din ang sobrang sigla ni Jace na hindi matapos-tapos sa kakakwento ng kung ano-ano. Natutuwa naman si Gill na sinasabayan din ng pagtatanong ang tungkol sa kwento ng anak niya. "Enjoy your meal ma'am, sir." Nakangiting saad ng waiter pagkalatag ng mga inorder nila Gill. Nakangiting tumango naman si Gill at nagpasalamat naman si Jasmine. "Daddy, I've waited for this day to happen. Hindi ko akalaing matutupad pa yung dinadasal ko gabi-gabi. Daddy, please don't leave us again. And please take us with you. Gusto kong magkakasama-sama na tayo ni mommy. Gusto kong buo tayo." Nagsusumamong saad pa ni Jace sa gitna ng pagkain nila. Naawa naman si Jasmine sa anak niya pero alam niyang hindi niya ito mapagbibigyan dahil hindi niya iiwan si GB. "You know I want to take you and your mommy with me. But things are complicated right now. I still have to win your mommy's heart again for me to get both of you." Saad naman ni Gill na nakatitig sa mga mata ni Jasmine. Hindi naman alam ni Jasmine kung paano siya magrereact. Tila sinasadya kasi ni Gill na ipitin siya. Hindi niya din maintindihan ang sinabi nitong "again" dahil kung tutuusin ay hindi naman nito naangkin ang puso niya. "Mommy, I want to be with Daddy. Please give him a chance." Pakiusap naman ni Jace. "Jace, stop it. You should know your limitation. Sa mga ganyang bagay ay hindi ka dapat nangingialam. At sumama ako dito para samahan kayong kumain. Hindi yung pag-usapan ang tungkol diyan." Saad naman ni Jasmine na seryosong nakatitig sa mga mata ni Gill. Nahihiyang napatango naman si Jace habang napangisi naman si Gill. Naisip ni Gill na masyadong nagmamatigas ang asawa niya pero sisiguraduhin niyang lalambot din ito sa kanya. Ang akalang snack lang ay hindi pala. Pagkatapos kasi nilang kumain ay nag-insist pa si Jace na mamasyal sila na siyang kinatuwa naman ni Gill habang napilitan naman si Jasmine. Pumunta sila sa Mall at nag-enjoy sa mga palaro. Hindi naman matatawaran ang saya ni Jace lalo na ng makasabay niya sa paglalaro ang Daddy niya. Sobrang sigla at saya niya na napapatalon pa habang nakahawak sa kamay ng mommy at daddy niya. "Ooohhh... nakakatuwa naman silang tingnan. What a happy family." "Gosh, ang swerte naman nila sa isa't-isa. Bagay na bagay sila at ang gwapo pa ng anak nila." Napapangiti sina Jace at Gill dahil sa kanilang mga naririnig mula sa mga taong nakatingin sa kanila at pinag-uusapan sila. Si Jasmine naman ay hindi mapakali dahil may mga nagpipicture pa sa kanila na para silang mga artista kahit hindi naman. "Mommy, you heard that? Bagay na bagay daw kayo ni Daddy." Nakangiti ng malaking saad pa ni Jace. Napangiti naman ng pilit si Jasmine sa anak niya. "See? Ang swerte mo daw sakin. Ang gwapo ko talaga. Haha." Playful namang bulong ni Gill kay Jasmine sabay peace sign at lapit sa anak nila. Napailing nalang din si Jasmine dahil dito. Madilim na nang ihatid ni Gill sina Jasmine at Jace sa kanilang bahay. At habang masayang nagpapaalam si Gill kay Jace ay kinakabahan naman si Jasmine na baka biglang lumabas ng bahay si GB. Nakalimutan niya kasing itext ito na sumama siya kina Gill dahil na rin sa kagustuhan ng anak nila. Pero tila nabunutan ng tinik sa dibdib si Jasmine nang makitang wala pa si GB pagpasok nila ng bahay. Saka niya lang din naalala ang phone niya at nakita niya dito ang limang missed call at text ni GB na mag-oovertime ito. "Gosh! What am I doing?." Nababahalang tanong naman ni Jasmine sa sarili niya. Pagpasok kasi ni Jasmine sa kanilang kwarto ay naisip niyang wag nalang sabihin kay GB ang ginawa niya tutal hindi naman ito big deal at ayaw niyang pagsimulan pa ito nila ng away. ----- Pagod na pagod ang katawan at isip ni GB habang nagmamaneho pauwi. Ginabi na din siya dahil sa mga additional nilang trabaho. Nag-alala din siya kay Jasmine nang hindi ito sumagot sa tawag niya pero nang magtext ito na nakatulog lang ito kaya hindi ito nakasagot ay nakampante na siya. Pagdating niya ng bahay ay nakita niyang naghahanda na ng kanilang dinner si Jasmine habang nakaupo naman sa may mesa si Jace. "Hey guys." Nakangiting saad naman ni GB at lumapit siya kay Jace saka humalik sa ulo nito pero hindi manlang siya nito binati pabalik. "Mom, I'm not going to eat. I'm still full. Madami yung nakain ko kanina eh. Daddy really knows where's the best." Ngiting saad naman ni Jace kay Jasmine na halatang nagpaparinig kay GB. Mabuti nalang at hindi ito nagsumbong na kasama siya. Tumango nalang din si Jasmine kaya mabilis na umakyat na si Jace sa kwarto niya. Malungkot na napatingin din si Jasmine kay GB dahil sa inasal ni Jace pero nginitian pa rin siya ni GB at hinalikan sa pisngi. Alam niyang sinusubukan ni Jace na ipagtabuyan si GB para makasama na sila kay Gill. "What's for dinner?." Pilit ang siglang tanong na ni GB kay Jasmine at yumakap mula sa likod nito. "I cooked your favorite, adobong manok." Ngiting sagot naman ni Jasmine. "Hmmmmm. I'm sure mapapadami na naman ang kain ko nito." Saad pa ni GB at humalik sa balikat ni Jasmine. "Hmmmm. You better be." Kunwari ay banta naman ni Jasmine nang nakangiti. Hanggang sa magana na ngang kumain si GB habang nakatitig naman sa kanya si Jasmine na sobrang laki ng ngiti. Paminsan-minsan ay sinusubuan pa ni GB si Jasmine na siyang kinakikilig at kinatutuwa din nito. Pagkatapos kumain at maayos ang mga ginamit sa kusina ay umakyat na din ng kwarto si Jasmine at nagpasyang maligo. Si GB naman ay kumatok sa pinto ng kwarto ni Jace at pumasok. Nakita niya itong nakahiga sa kanyang kama. Alam niyang nagtutulog-tulugan lang ito dahil bahagyang gumagalaw pa ang pilik-mata nito. Buntong-hiningang umupo si GB sa gilid ng kama ni Jace at napatitig sa mukha nito. "I.. I.. miss you, Nak." Malungkot na saad pa ni GB at marahang sinuklay ang buhok ni Jace ng daliri niya. Namimiss na niya ang kakulitan nito at ang kadaldalan nito. Namimiss na niya ang mga kalokohan nila. Nang mapansing walang balak si Jace na kausapin siya ay humalik nalang siya sa noo nito at tumayo na din saka lumabas ng kwarto para makatulog na din ito. At pagpasok niya ng kanilang kwarto ni Jasmine ay malungkot na napaupo siya sa may edge kama. "Hey?." Lapit naman ni Jasmine kay GB galing sa CR at umupo siya sa kandungan nito. Nagulat pa si GB pero agad na uminit ang katawan niya nang makitang naka-nighties ang asawa at amoy sabon pa ito. "H-Hon." Bigkas pa ni GB at napahawak sa bewang ni Jasmine. "Gusto mo bang tulungan kitang tanggalin ang problema mo kahit ngayong gabi lang?." Paanas pang saad ni Jasmine na mas diniin ang sarili niya kay GB. Tila nababaliw naman ang katawan ni GB dahil sa ginagawang pag-didiin ni Jasmine ng sarili nito sa kanya. Sobrang ganda na nga ng asawa niya, ang sexy pa nitong tingnan sa nighties at ramdam na ramdam niya pa ang makinis nitong hita. "H-Hon, y-you're making me crazy." Saad ni GB na bumibigat na din ang paghinga. "Am I?." Pa-sexy na ngiti pa ni Jasmine saka hinawakan ang kamay ni GB at pinatong ito sa dibdib niya. "H-Hon!." At nang hindi na nakapagpigil si GB ay siniil na niya ng halik si Jasmine at mas diniin ang katawan nito sa kanya. "Hmmmmmm.." Ungol pa ni Jasmine nang mas lumalim ang halikan nila at mas lalong dumiin ang kanilang katawan. Sabik na sabik pa rin ang dalawa sa isa't-isa. At mas lalong nabaliw pa si GB nang maihiga na niya si Jasmine at matanggal na niya ang saplot nito. Makikita ang pagnanasa sa mga mata niya nang masilayan niya ang ganda ng hubog ng katawan ni Jasmine. Bukod sa makinis ito ay maputi pa. Idagdag pa ang mapang-akit nitong ngiti na tila nananadya. Maging si Jasmine ay nababaliw na din nang mahawakan ang matigas na dibdib at tiyan ni GB. Lalo pa silang nag-iinit habang pinalalakbay ang kani-kanilang kamay sa katawan ng isa't-isa. Pinagsaluhan ng dalawa ang gabi kung saan tila ayaw na nilang tumigil sa kanilang ginagawa. Napapangiti pa si Jasmine dahil ramdam niyang gigil na gigil si GB sa kanya pero nandun pa rin naman ang pagmamahal nito habang pinag-iisa nila ang kanilang katawan at puso. ----- Kasalukuyang nakatayo sa may balkonahe si Gill at nakatingin sa labas habang umiinom ng wine nang lumapit sa tabi niya ang naka-suit na lalaking tumulong sa kanya nung panahong nanganib ang buhay niya. "How's everything?." Tanong ng naka-suit. "Everything's working according to our plan. And in no time, SBG company will be mine." Ngising sagot naman ni Gill. "Just remember what I kept on reminding you. Never mention about your accident." Saad pa ng naka-suit. "I won't. I'll make sure na hindi nila mararamdaman ang unti-unti kong pagkuha ng lahat sa kanila. And I can't wait na makasama ng muli ang mag-ina ko. Sisiguraduhin kong babawiin ko sila sa walanghiya kong kakambal at ng magkakasama-sama na kami." Saad pa ni Gill at napangisi. Oo, ang lalaking na-coma for three years at nag-undergo ng physical therapy ay walang iba kundi si Gill. Napangisi naman ang lalaking naka-suit dahil sa narinig at nakipag-cheers dito. ⇨FLASHBACK⇦ (Pagkatapos malaman mula sa taong tumulong sa kanya na binalak siyang patayin ng kapatid niya ay dun na siya nagkaroon ng dahilan para mas magpursigi sa mabilis na pag-galing. At hindi naman nabigo si Gill dahil nakamtan niya ito makalipas lang ang dalawang taon. Pero hindi na siya bumalik ng hospital kahit pa wala pa siyang naaalala mula sa kanyang nakaraan. Pinagpatuloy niya nalang ang pag-inom ng gamot na binibili ng lalaking tumutulong sa kanya para sa pagbalik ng alaala niya. Nang tuluyan na siyang gumaling physically ay sinabi na din sa kanya ng lalaki kung sino ang tunay niyang pamilya at ang totoo niyang pagkatao. Pinakita nito sa kanya ang mga larawan ng kanyang pamilya. "I'm Gill Bryan Santos? At may kakambal ako?." Tanong pa ni Gill nang aminin na ng lalaki ang lahat. "Oo, at siya din ang tinutukoy kong nagplano ng lahat pati na ang pagpapapatay sayo." Tangong sagot naman ng lalaki. "Pero.. bakit.. Mr. Sanchez ang pagpapakilala mo sakin dati?." Takang tanong pa ni Gill. "It's for your own safety. I found out na kahit ilang taon na ang lumipas ay may mga tauhan pa rin ang kambal mo na patuloy na naghahanap sayo. I think she won't stop until you'd be found, dead or alive." Saad naman ng lalaki na siyang kinakunot noo ni Gill. Dahan-dahang itinaas ni Gill ang larawan ng kakambal niya kung saan merung itong kasamang babae at bata na siyang asawa at anak niya. Napatitig siya sa mukha ng kakambal niya hanggang sa unti-unting dumilim ang mukha niya dahil sa galit dito. Nangako siya sa sarili niyang pagbabayarin niya ito. Hanggang sa ang isang taon naman ay ginugol niya sa pagmamasid sa pamilya niya para magkaroon siya ng mas magandang plano laban sa mga ito. Hindi din pinapalampas ni Gill ang pagsulyap sa anak niyang si Jace sa tuwing naglalaro ito sa playground ng kanilang school. "He really looked like a little version of me." Nakangiting saad pa ni Gill na nakatago sa may puno at nakasulyap kay Jace. "Jace! Big boy!." Agad na napayuko si Gill nang marinig ang pagtawag ni GB sa anak niya. Mabuti nalang at medyo malayo siya dito. "Dada!." Masayang lumapit naman si Jace kay GB at yumakap dito. Napakuyom ng kamao si Gill dahil sa kanyang nakikita. Naisip niyang siya dapat ang kasama ng anak niya at hindi ito. Naisip niyang siya dapat ang nagpapasya dito at hindi ito. Pagkatapos niyang puntahan ang anak niya ay sumunod niya namang pinuntahan ay ang asawa niyang si Jasmine. Nakatingin lang siya dito sa labas ng flower shop habang nakaupo sa loob ng kotseng binigay sa kanya ng lalaking tumulong sa kanya. Napangiti pa siya nang makitang ang ganda ni Jasmine sa tuwing ngumingiti ito. "Wait for me a little longer. I'm going to get you and Jace." Bulong pang saad ni Gill at napangiti. Naikwento din sa kanya ng lalaking tumulong sa kanya na kinasal sila ni Jasmine at nabuntis niya ito habang sila ay nagsasama. Nahiwalay at naiwan niya lang ang mag-ina niya dahil na rin sa ginawang pagpapapatay sa kanya ni GB na siyang lalo niyang kinagalit dito. Maging sa pagdiwang ng bagong taon ay pinuntahan din ni Gill ang mag-ina niya at sinulyapan ang mga mukha nila mula sa malayo. Pero muli na naman siyang napasimangot nang makita niya si GB. "Masyado mo ng ineenjoy ang oras mo sa pamilya ko, GB! Ilang buwan nalang at kukunin ko na sila sayo! Maghintay ka! Makikita mo!." Gigil na saad ni Gill habang nakaupo sa kotse at nakatanaw kina GB na masayang nagdidiwang ng new year. Kitang-kita niya kung paano makipagkulitan si GB sa anak niya na siyang lalo niyang kinagalit. Sa loob ng isang taon na pagmamasid ni Gill sa pamilya niya ay alam niyang tuluyan ng naagaw ni GB ang puso ng asawa niya. Pero nagkaroon siya ng lakas ng loob at pag-asa nang malaman niyang hindi na maganda ang relasyon ni GB sa anak niya at hinahanap pa siya nito. At dahil dito ay napangisi siya at naisipan niyang magpakita sa araw ng kaarawan nila ng kanyang kakambal na siyang nalaman niya na din kung kelan dahil sa pagmamasid.) ⇨END OF FLASHBACK⇦ ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD