“UNEXPECTED BEAT”
EPISODE 18.
Mabilis na napatawad ni Jace ang mommy niya nang malaman niyang may tinulungan ito kaya hindi ito nakabalik agad. Pero si GB ay nag-stick dun sa iniisip niyang nakipagdate lang si Jasmine kay Saivan Grey kaya hindi niya mapigilan ang galit niya lalo pa't alam niyang nambababae pa si Saivan Grey.
At hindi man naging maganda ang pasko nina GB at Jasmine ay naging merry naman ito para sa anak nilang si Jace na nakatanggap ng maraming regalo mula sa mga ninang, ninong, tita, tito, lolo, lola, maging sa mommy at Dada niya. At dahil new year na ay nagdecide silang icelebrate ito sa mansion ng mga Santos.
Umaga palang ay pumunta na ang pamilya nina Jasmine sa mansion ng mga Santos para doon ay tumulong sa paghahanda ng kanilang pagkain. Ang iba naman ay nagkabit ng mga magagandang desinyo sa malawak na garden. Ang kanilang mga kaibigan ay nagcelebrate din ng New Year sa kani-kanilang pamilya.
Pagsapit ng hapon ay nagsidatingan na din ang kani-kanilang mga kamag-anak na kanilang inimbitahan. The more, the merrier kasi. Nagkaroon din ng iba't-ibang palaro na siyang kinagiliwan ng mga panauhin lalo na ng mga kabataan. Maging si Jace ay sobrang nag-eenjoy.
"Jace, stop running around! Come here and change your clothes. You're sweating." Saway ni Jasmine na pumasok muna ng kwarto para palitan ang pawisan ng si Jace. Habang pinapalitan ng damit ni Jasmine si Jace ay kapansin-pansin naman ang lungkot sa mukha nito. Sa kwarto sila ni GB, yung kwarto nung panahong sa Mansion pa si GB ng mga Santos nakatira.
"Just let him be. Let him enjoy his day. Minsan lang naman eh." Saad naman ni GB na nakatayo sa may pinto. Nang makita siya ni Jace ay tumakbo ito palapit sa kanya.
"Go on, big boy. Just make sure to be careful okay? Or else you'll gonna see mommy's evil side, raawwrr!." Saad pa ni GB na binulong ang huling linyang sinabi kaya natawa naman si Jace.
Napataas naman ang kilay ni Jasmine kay GB nang makitang biglang tumawa si Jace bago lumabas ng kanilang kwarto. Pero tiningnan lang siya ni GB bago kinuha ang kanyang toothbrush sa bag saka pumasok ng CR. Napairap nalang din tuloy si Jasmine.
Paglabas nina GB at Jasmine sa kwarto ay madilim na pero patuloy pa rin ang kasiyahan. May kanya-kanyang ginagawa ang lahat. Ang mga matatandang lalaki ay nag-iinuman habang ang mga ginang ay nagkikwentuhan. Hindi naman nagkakalayo ang mga pwesto nila na minsan ay nag-aasaran din. Ang mga dalaga't binata naman ay nag-eenjoy sa pool. Ang mga bata ay naghahabulan at naglalaro. Marami din kasing mga batang dala ang kanilang kamag-anak kaya madaming kalaro si Jace. Pero ang tatlong magkakapatid na lalaking Eco ay may sarili ding mundo na umiinom lang.
"Oh? Bakit ngayon lang kayo lumabas? Don't tell us gumagawa na kayo ng kapatid ni Jace?." Birong saad ni Gerard ng makita sina GB at Jasmine na siyang kinatawa din ng mga nakarinig habang kinapula naman ng mukha ni Jasmine.
"Balae, mas maganda nga kung magkaroon pa tayo ng mas maraming apo mula sa kanila. Para naman may kalaro na din itong nag-iisa nating apo. Hahaha." Birong gatong naman ni James. Simula talaga nang dumating si Jace sa buhay nila ay nagbago na ang lahat sa kanila. Hindi na sila rival kundi best of friends na sila.
"Tama kayo diyan. Mas maraming apo, mas masaya. Hahaha." Saad naman ng lalaking kamag-anak ni James na siyang lalong nagpalakas ng tawanan.
"We're actually thinking about that, Dad." Sabay naman ni GB sa biruan at hinawakan sa bewang si Jasmine saka mas dinikit ito sa kanya. Napalunok naman si Jasmine at napatingin sa kamay ni GB bago sa mukha nito. Gusto niyang batukan si GB dahil sa ginagawa nito sa kanya. Nakakaramdam kasi siya ng kakaiba sa tuwing nagdidikit ang kanilang katawan.
"Woah! Woah! Woah! That's a good news. Hahaha magkakaroon na ng kapatid si Jace!." Tawang saad pa ni Gerard. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman nila ang tungkol sa in-vitro fertilization, ang process ng pagbubuntis na di kailangan ng s****l i*********e.
"Mommy? Dada? Is it true? I'm going to have a baby brother?." Biglang sulpot naman ni Jace na narinig ang sinabi ng lolo niyang si Gerard.
"Oooohhhh... Someone's excited to have a baby brother." Natatawang saad pa ni James at binuhat si Jace.
"Well, if it's okay to your mommy. We can make you a baby brother or a baby sister." Nangingiting sagot naman ni GB. Palihim na inapakan naman ni Jasmine ang paa ni GB at nang tumingin ito sa kanya ay pinandilatan niya ito. Naisip niyang nababaliw na ito sa mga sinasabi nito. Pero kinindatan lang siya ni GB na siyang mas lalong kinapula ng mukha niya.
"Mommy? Is it okay? Please? I want to have a baby brother." Puppy eyes pang saad ni Jace na siyang lalong kinatawa naman ng karamihan. Hindi naman makasagot si Jasmine na naiinis kay GB dahil sa kalokohan nito.
"Nak? Come on. Your son's waiting. Sagutin mo naman ang tanong niya. Hahaha." Tawang saad pa ni Elena.
"Hmmm.. Ah.. Eh.. We'll talk about it pa baby. But yeah, you can have a baby brother, maybe not now but soon." Napipilitang saad nalang ni Jasmine.
Masayang napasigaw naman ng "yeheey" si Jace na halatang natuwa sa naging sagot ng mommy niya. Palihim na nginisihan naman ni GB si Jasmine bago lumapit sa case ng alak at kumuha ng beer. Inis na hinabol nalang ng tingin ni Jasmine si GB. Ginagantihan siya nito in a way na parang pinaglalaruan siya.
"Masayang-masaya ako na nahanap na ng Nene ko ang babaeng para sa kanya. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagmamahal sa tuwing tinitingnan niya ang kanyang asawa." Nakangiting saad ni Marlenita sa kanyang asawa habang nakatingin sila kay GB. Nakaupo naman sila sa sala ng kanyang asawa.
"Hmmm-hmmmm. At ang pagsasama nilang dalawa ay naging blessing in disguise dahil nagkaayos ang dalawang pamilyang kulang nalang ay magpatayan dati." Tatango-tangong saad naman ni Emmanuel. Hindi na din siya masyadong mahigpit sa anak at apo niya. Napangiti at napatango naman si Marlenita sa sinabi niya.
Naging maganda ang takbo ng araw ng lahat ng nasa Mansion ng mga Santos. Masaya at sabay-sabay silang kumain at nagkukulitan pa. Pero napapansin pa rin ni GB ang masamang tinging pinupukol ni Cedric sa kanya na siyang binalewala niya nalang.
Pagkasapit ng eleven ay naghanda na din sila ng kanilang mga paputok. Siniguro nilang ilayo ito sa mga bata para walang mapahamak.
"Ten, nine, eight, seven, six, five, four, three, two, one!." Sabay-sabay na nilang bilang hanggang sa sumapit ang alas-dose.
"HAPPYYY NEEWW YEEAAR!!!." Sabay-sabay pa nilang sigaw na may mga ngiti sa labi.
(Psssssshhhhhtttttt! BOOM! BOOM! BOOM! BOOM! Piiiiirrrrrt! Pssssshhhhhhttttt BOOM! BOOM! BOOM! Piiirrrt!) Pagsabog ng paputok sa taas ng kalangitan na nagbigay ng liwanag, iba't-ibang kulay at disenyo.
"WOOOOOOAAAAAAAHHHHHH!!! HAHAHAHAHAHA WOOHOOH!!." Masayang sigawan pa ng lahat habang nakatingala sa kalangitan.
"HAPPY NEW YEAR!! HAHAHA WOOAAHH!!." Masayang nagbatian ang lahat bago bumalik sa kainan at inuman.
Habang nagsasaya ang lahat ay nag-excuse naman saglit si GB para pumunta ng kusina. Pagkatapos niyang uminom ng tubig ay babalik na sana siya sa may garden nang bigla siyang salubungin ni Cedric.
"Excuse me." Lalampasan na sana ni GB si Cedric nang hawakan siya nito sa braso.
"You really are having fun, ha? Huh! Keep this in your tiny mind! Just because our family seemed to be in the same boat, it doesn't mean I want you to be there as well. The boat is sinking because you ride on. So, I must do something to take you off." Matabang at makahulugang saad ni Cedric sabay lagok ng wine.
"The boat won't sink, not unless you'd want it to. Besides, between the two of us. I'm lighter." Sagot naman ni GB na ayaw magpatinag.
"You! You don't get it, do you? The boat is sinking not by it's heaviness, but because of the stupid person on it." Ngising saad at harap pa ni Cedric kay GB.
"I don't see any conection on that. So, excuse me, I have to get back to MY FAMILY." Saad pa ni GB at umalis.
Gigil at yamot na naiwan naman si Cedric. Hanggang sa kasalukuyan kasi ay hindi niya pa rin matanggap ang ginawa nito sa kanya at hinding-hindi niya ito patatawarin dahil nasira ang buhay niya nang mangyari iyon sa kanya.
Matapos pa ang ilang oras na kasiyahan ay lumapit na si Jace kay GB dahil inaantok na ito. Pipikit-pikit na ito kaya nag-excuse na din siya sa kanilang inuman ng Dad at mga kamag-anak nila saka binuhat na si Jace at dinala sa kanilang kwarto. Hindi niya nakita si Jasmine kaya siya na ang nag-asikaso dito. Pero pagpasok niya ng kwarto ay nakita niya si Jasmine na kasalukuyang inaayos ang bed sheet.
"He's sleepy." Saad lang ni GB nang mapatingin sa kanya si Jasmine. Tumango naman si Jasmine at kinuha si Jace saka hiniga na sa kama.
"Da..da.. mom..my.. ba..by.. bro..ther.." Inaantok at nakapikit pang saad ni Jace bago tumagilid ng higa at tuluyang makatulog. Nagkatinginan naman sina GB at Jasmine dahil dito.
"This time. Never break your promise." Saad pa ni GB habang matamang nakatitig kay Jasmine.
"Ano na naman ba kasing pumasok sa utak mo at nagawa mong magbiro ng ganun?!." Medyo inis namang saad ni Jasmine na tumayo na din at taas-kilay na hinarap si GB.
"You think I'm kidding? I am not." Playful na saad naman ni GB at unti-unting naglakad palapit kay Jasmine. Napapaatras naman si Jasmine sa kaba nang makitang pinapasadahan na siya ng tingin ni GB mula sa paa, pataas.
"W-What a-are you doing?." Kinakabahang tanong pa ni Jasmine nang macorner na siya ni GB sa may pader. Lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib niya nang ikulong siya ni GB sa pamamagitan ng paglagay ng mga kamay nito sa magkabilang side ng ulo niya.
"Perhaps, we should start." Paanas pang saad ni GB. Napalunok na din si Jasmine at napapikit ng magsimulang ilapit ni GB ang mukha nito sa kanya.
"To act more normal in front of our family so they won't have a slight suspicion that we're not in good terms." Seryosong bulong pa ni GB sa tenga ni Jasmine.
Gulat na napadilat naman si Jasmine sa narinig mula kay GB. Ang akalang halik ay hindi pala. Namumula din ang mukha niya sa hiya nang makitang nakangisi na si GB na parang nang-iinsulto habang nakatingin sa mukha niya.
"Don't take things seriously. I was just really kidding that time." Huling saad pa ni GB na nakatitig sa labi ni Jasmine bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Napahinga naman ng malalim si Jasmine dahil sa ikalawang pagkakataon ay naisahan siya ni GB. Sobrang hiya at the same time ay inis niya sa kanyang sarili dahil umasa siyang hahalikan siya ni GB at hindi manlang niya naisip ang uwiwas.
Lingid sa kaalaman ni Jasmine ay napamura naman si GB sa sarili niya nang muntikan niya ng halikan si Jasmine. Gustong-gusto niya na itong halikan pero biglang nag-flash sa isip niya ang imahe ng kaibigan niyang si Saivan, dahilan para makapag-pigil at matauhan siya.
-----
Makalipas ang ilang araw ay ganun pa rin ang pagsasama nina GB at Jasmine. Hindi naman nakalimutan ni Jace ang tungkol sa usapang gusto niya na ng kapatid. Namumula tuloy ang mukha ni Jasmine sa tuwing nagtatanong ito kung kelan na iyon.
Napakunot naman ang noo ni GB nang pumunta si Grey sa opisina niya at nakipagbati. Muntik niya pa itong masuntok, mabuti nalang at nandun din si Ian para pakalmahin siya. Pero dahil matagal na rin ang kanilang pinagsamahan ay nanaig pa rin ang kanilang pagkakaibigan. Panay pa ang sorry ni Saivan sa kanya na siyang hindi niya maintindihan dahil parang may tinutumbok itong iba. Napag-alaman niya ding bumalik ito ng New York at doon nag-celebrate ng New Year. Pero hindi sinabi ni Saivan at ni Ian kay GB ang tungkol sa pagkaka-aksidente ni Saivan.
"Broh, we've friends for almost half our age. We're like a family. So, how come you never introduce me to your wife? And I don't even know where you live." Natigilan si GB sa biglang saad na ito ni Saivan.
"S-She's just busy." Sagot lang naman ni GB. Hindi niya pa kasi nasasabi kay Saivan na si Jasmine ang asawa niya. Napabuntong hininga naman si Saivan dahil wala pang balak si GB na aminin sa kanya ang totoo.
"Anyway, how's Jace?." Nagulat si GB sa biglang tanong na ito ni Saivan. Hindi niya pa naman kasi nasasabi kay Saivan na Jace ang pangalan ng anak niya. Si Jasmine kasi ang nagpakilala dito.
"Jasmine told me everything, broh. I know everything. I was just trying to see if you're ready to tell me or not." Sagot pa ni Saivan sa nagtatakang mukha ni GB. Alam niyang ayaw pa ring sabihin ni GB sa kanya kaya siya nalang ang umamin.
"He's fine. Anyway, okay lang sayo? Na.. nagsasama kami ni Jasmine.. habang.. kayo?." Sagot at tanong pa ni GB na tila walang pakialam habang nakayuko pa rin at may mga pinipirmahang papeles.
"Yeah, of course. Nothing to worry about." Masiglang sagot naman ni Saivan. Gusto niya mang aminin kay GB ang totoo ay may gusto pa siyang patunayan kay Jasmine. Napapangiti pa siya ng nakakaloko habang nakatingin kay Ian sabay kindat. Napapailing naman si Ian dahil alam nitong may naiisip siyang kalokohan.
-"Damn. Nakakatawa naman. Nagpapaka-honest pa si Jasmine sa kanya habang sakin ay nagawa niyang maglihim. Tsk! At okay lang sa kanilang dalawa yung sitwasyon namin ngayon? The heck!."- Inis namang isip ni GB.
Lalong napangiti ng nakakaloko sina Saivan at Ian nang makitang naaapektuhan si GB at pinipigilan lang nitong sabihin iyon. Alam na alam nilang mahal nito si Jasmine dahil inamin na din naman nito iyon sa kanila. At alam ni Saivan na galit lang ito nung panahong sinabi nito kay Jasmine na pagnanasa lang ang nararamdaman nito dito at siya ang dahilan nun kaya gusto niyang gumawa ng paraan para magkaayos at magkaaminan na ang dalawa.
Habang naglilinis si Jasmine sa magulong kwarto ni Jace ay nangungulit na naman ito sa kanya na panay pa ang pa-cute.
"Mommy pleeeeaaaasssseeee? Let's go to Dada and bring her food. Please, mommy?." Patuloy na pangungulit pa ni Jace kay Jasmine.
"Hay naku! Okay okay sige. Basta behave ah? Wag masyadong magulo dun. Dada had to work." Saad naman ni Jasmine na siyang paulit-ulit namang tinanguan ni Jace habang nakangiti ng malaki.
Napapabuntong hininga si Jasmine habang nag-aayos ng kanilang dadalhing pagkain para kay GB. Hindi niya alam kung tama bang pumayag siya sa gusto ng anak niya gayong alam niyang ayaw siyang makita ni GB.
-"Bahala na! Basta kapag nagtanong siya, sasabihin kong si Jace lang ang nagpumilit! Tsk!."- Isip nalang ni Jasmine.
-"Si Jace nga lang ba talaga? O gusto mo ring mamonitor kung may babaeng umaaligid sa asawa mo?."- Tanong naman ng mahaderang isip ni Jasmine.
-"Gosh! Ano namang pakialam ko kung may babae siya?! Magpakalunod pa siya sa babae niya eh! Tsk!."- Sagot naman ng kabilang isip ni Jasmine.
-"O..kay.. sabi mo eh."- Tila nang-aasar pang saad ng mahadera niyang isip.
Napailing-iling si Jasmine dahil sa mga iniisip niya. Napapikit pa siya ng mariin at naiinis dahil kahit ang isip niya ay natututo na din siyang asarin.
"Mommy, are you okay?." Nagtatakang tanong naman ni Jace nang makita ang ginagawa ni Jasmine.
"O-Oo, nak. M-May tinatanggal lang akong dumi sa u-ulo. Hihihi." Alanganing ngiti nalang ni Jasmine kay Jace at pinagpatuloy na ang kanyang ginagawa.
Pagdating sa kompanya ng mga Santos ay agad na nagpakilala si Jasmine sa guwardiya na asawa siya ni GB kaya pinapasok na sila nito. First time niyang pumunta doon kaya hindi pa siya kilala ng ibang empleyado lalo na ng mga bago palang. Agad silang sumakay sa elevator papunta sa floor kung saan nandun ang opisina ni GB.
"Ah.. Excuse me ma'am? Ano pong kailangan nila? May appointment po ba kayo kay sir GB?." Magalang na tanong ni Helen kay Jasmine nang nasa harap na sila ng pinto ng opisina ni GB.
"I'm GB's wife. Nandiyan ba siya?." Nakangiting saad naman ni Jasmine. Pero biglang napakunot ang noo niya nang makitang tinaasan siya nito ng kilay.
Hindi naman sumagot si Helen at ininform lang si GB tungkol sa mga panauhin. Medyo nagulat pa si GB nang marinig kung sino ang mga panauhin niya. Ganunpaman ay siya nalang din ang lumabas para salubungin ang dalawa.
"Dada!." Masayang sigaw pa ni Jace nang makita si GB at agad na napatakbo at yumakap dito.
"Hey, big boy." Masayang binuhat naman ni GB si Jace bago lumapit kay Jasmine at hinalikan siya sa may pisngi na siyang kinapula niya dahil sa gulat.
Alam ni Jasmine na nagpapaka-husband lang si GB dahil nasa harap sila ng mga tao. Muli ding binalik ni GB ang atensyon niya kay Jace.
"Anyway, what are you doing here?." Tanong pa ni GB.
"Dada, mommy and I brought foods for you. We miss you na agad eh." Inosenting saad pa ni Jace. Napangiti naman si GB at napatingin kay Jasmine bago sila inayang pumasok sa kanyang opisina.
Kwento ng kwento naman si Jace habang papasok sila ng opisina at nakangiti pa ito ng malaki. Napansin pa ni Jasmine ang masamang tingin ng babaeng humarang sa kanya kaya napakunot naman ang noo niya. Hindi niya alam kung bakit pero nararamdaman niyang threat ito sa kanya.
Pagpasok sa may pinto ng opisina ay binaba na ni GB si Jace. Hindi pa din ito matigil sa pagkikwento habang pinapakiramdaman naman niya si Jasmine na tahimik lang.
"Tito handsome!." Masayang sigaw naman ni Jace nang makita si Saivan na nakaupo sa may sofa.
"Oh! Hey, buddy!." Masayang saad din naman ni Saivan na tumayo at binuhat si Jace.
Napatingin naman si Jasmine kay GB at nakitang napakunot ang noo nito habang nakatingin kay Saivan Grey. Lalo pang kumunot ang noo ni GB nang lumapit si Saivan kay Jasmine at humalik sa kanyang pisngi pagkatapos ay bumati. Pasimpleng binulong kasi ni Saivan kay Jasmine na nasabi na niya kay GB na alam na niya ang tungkol kay Jace at sa pagsasama nilang dalawa. Bumati naman si Ian ng simpleng hi at nginitian naman siya ni Jasmine. Nakalimutan kasi ni GB na nasa loob pa ng opisina niya sina Saivan at Ian.
"What a nice family! Tsss!." Sarcastic na bulong naman ni GB at umupo na sa upuan niya saka muling inabala ang sarili sa kanyang trabaho.
"Why are you guys here? You both miss me?." Birong tanong pa ni Saivan kay Jace na buhat-buhat niya pa rin.
"No, tito handsome. We brought foods for Dada." Honest na sagot naman ni Jace.
-"That's my boy."- Napangiti naman ni GB dahil napahiya si Saivan.
"Ooohhh.. But I miss you. And I miss your mommy too." Nakangising saad naman ni Saivan na pasimpleng tiningnan si GB. Bigla namang dumilim ang mukha ni GB dahil sa narinig. Ngiting tagumpay tuloy si Saivan.
Nagtagal pa sina Saivan at Ian ng ilang oras dahil nakipagkulitan pa sila kina Jasmine at Jace. Maging sa pagkain ay nakisalo din sila kaya nawalan ng gana si GB. Pigil na pigil naman ni GB ang inis niya dahil gustong-gusto na niyang sipain palabas si Saivan. Masyado itong paepal, imbes na siya ang dinalaw ay ito pa ang nakipagkulitan at nagmukhang asawa ni Jasmine. Tila nang-aasar pa si Saivan bago umalis. Pinisil niya kasi ang pisngi ni Jasmine at sinigurong makikita ito ni GB. Mahigpit na napakuyom tuloy ng kamao si GB. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inis.
"Broh, I have to go. See you when I see you." Nangingiting saad pa ni Saivan bago tuluyang umalis. Tumango lang naman si GB bilang sagot kahit sobrang inis na siya. Si Ian naman ay nagpaalam na din at umalis na.
"Gustong-gusto mo rin eh noh?." Parinig naman ni GB nang dumaan siya sa harap ni Jasmine at lumabas muna saglit. Nag-behave naman sa sofa si Jace gaya ng pinangako nito.
"Anong problema nun? Sinusumpong na naman? Tsss." Bulong naman ni Jasmine na napakunot noo nalang.
Makalipas pa ang ilang minuto ay muling bumalik si GB sa opisina kasama na ang secretary nitong si Helen. Napansin ni Jasmine ang kakaibang ngiti ni Helen kay GB at ang pagtaas nito ng kilay tuwing napapatingin ito sa kanya. Gusto niya na sanang umuwi pero ayaw pa ni Jace na naglalaro na sa tablet ni GB.
-"Ano ba talagang problema ng babaeng ito? Naghahanap ba siya ng away? Tsk!."- Isip naman ni Jasmine habang nakatingin pa rin kay Helen.
"Helen, I want you to send this documents to Mr. Vergara. And tell him that we need to meet as soon as possible." Utos ni GB kay Helen.
"Yes, sir." Napasimangot si Jasmine nang makitang tila nilalandi ng babae si GB. Sinasadya pa nitong mas yumuko para ipakita kay GB ang cleavage nito.
Napakuyom naman ng kamao si Jasmine dahil sa kanyang nakita. Nakaramdam din siya ng sobrang inis dito. Alam niyang hindi siya mahal ni GB pero hindi niya maiwasang magselos. Mabuti nalang at nakapagpigil siya dahil kung hindi ay nakalbo na niya ang babae.
-----
Makalipas ang ilang buwan ay naiuwi na din ng lalaking naka-suit ang pasyenteng si Mr. Sanchez. Dinala niya ito sa isa sa mga private property niya kung saan walang nakakaalam kung nasaan ito. At gaya ng kailangan niyang gawin para dito ay nag-hire siya ng physical therapist saka mga nurse at binili niya ang mga gamot na kailangan nitong inumin.
"Hey, how are you doing? Bumili ako ng mga pagkain para may stock ka dito sa ref. mo." Nakangiting saad ng naka-suit kay Mr. Sanchez. Nakaupo ito sa sofa at halatang malalim ang iniisip.
"Mbb-Ba..k-k-kit w-wa..l..l..la a-k-kong ma-ala..la? Sshh..S-Si..no a-k-ko?." Hirap na tanong ni Mr. Sanchez sa naka-suit. Hindi pa maayos ang kanyang pagsasalita dahil na rin sa pagka-coma niya for almost four years. Nakabenda din ang ulo niya.
"Wag mo na munang pilitin ang sarili mong alalahanin ang lahat. In time, kusa mo din silang maaalala. Pero sa ngayon, kailangan mo munang magpalakas." Sa halip ay saad naman ng naka-suit at naglakad na din sa may malapit na mesa na nasa may kusina.
"Mm-Mag..k-ka..ki..lala mb-ba ta..y-yo?." Muli ay tanong ni Mr. Sanchez. Napatigil naman sa paglabas ng mga pagkain mula sa plastic ang naka-suit dahil sa narinig. Nakatalikod siya sa gawi ni Mr. Sanchez kaya napangisi siya bago humarap dito ng naka-ngiti.
"Ang totoo niyan, parang anak na ang turing ko sayo dati. Ako naman ay parang tatay mo na rin. Sa tuwing may problema ka sa pamilya mo, lagi kang nagrereklamo sakin." Saad naman ng naka-suit. Napakunot naman ang noo ni Mr. Sanchez dahil dito.
"P-P-Pro..b..le..ma?." Takang tanong pa ni Mr. Sanchez na siyang tinanguan naman ng nakasuit.
"Gustong-gusto kitang iuwi sa pamilya mo. Gustong-gusto kong malaman nila na buhay ka. Pero hindi ko magawa dahil bago ka paman ma-aksidente ay nangako ako sayo. Nangako ako sayong tutulungan kita." Lalong kumunot ang noo ni Mr. Sanchez sa sinabi ng naka-suit.
"Sinabi mo sakin na gusto kang patayin ng kapatid mo para makuha niya ang lahat ng mana na gustong ipamana ng ama mo sayo. Sinabi mo sakin na pinapahanap ka niya at pinapapatay." Saad pa ng naka-suit na siyang nagpagimbal kay Mr. Sanchez.
"M-May k-ka..p-pa..ti..tid a-k..ko? G-Gus..t-to ak..ko.. pa-pa..ta-y-yin?." Hindi makapaniwalang tanong pa ni Mr. Sanchez.
"Oo, may kapatid ka. At ang kapatid mong iyon ang siyang nagpapatay sayo! Mabuti na nga lang at sinundan ko siya kaya nailigtas kita nung barilin ka niya! Kung nahuli pa ako ng ilang minuto! Baka kung ano ng nangyari sayo! Kaya nagpapasalamat ako na ligtas ka na ngayon." Saad pa ng naka-suit at lumapit sa gawi ni Mr. Sanchez saka hinawakan ito sa magkabilang balikat.
"Kaya kailangan mong magpalakas. Kailangan mong magpakatatag dahil kailangan ka din ng asawa at anak mo na inagaw na rin ng kapatid mo mula sayo." Nanlaki ang mga mata ni Mr. Sanchez dahil sa kanyang narinig mula sa naka-suit.
"M-May.. a-a..s-sa..w-wa a-at a-n-nak a..k-ko?." Hindi makapaniwalang tanong pa ni Mr. Sanchez.
"Oo. Kaya kung ayaw mong tuluyan silang mawala sayo ay kailangan mo ring gawin ang lahat para mas mapabilis ang pag-galing mo. At kapag magaling ka na ay pwede na kitang tulungan para makapaghiganti ka sa kapatid mo at mabawi mo ang asawa't anak mo." Pagpapalakas loob pa ng lalaking naka-suit kay Mr. Sanchez.
Tumango naman si Mr. Sanchez at napatingin sa kawalan. Nangako siya sa kanyang sarili na titriplehin niya ang kanyang effort sa pagpapagaling. Nang makita naman ng lalaking naka-suit ang biglang pag-iba ng tingin ni Mr. Sanchez ay pasimply siyang napangisi.
~
~
~
⇨acacabas_019ツ.