EPISODE 17.

4431 Words
“UNEXPECTED BEAT” EPISODE 17. Few days passed at parang natural nalang kina GB at Jasmine na maging civil sa isa't-isa. Kapag nagkakatinginan sila ay hindi sila nagpapansinan at kung matutulog man ay nakatalikod sa isa't-isa. Sa tuwing umuuwi din sila galing sa trabaho ay tanging si Jace nalang din ang kanilang hinahanap. Ang dating masaya at masiglang pamilya ay biglang naging malungkot at wala ng kabuhay-buhay. Kasalukuyang nakaupo at may pinipirmahang documents si GB nang biglang pumasok ang ama niyang si Gerard. Agad siyang napatayo at bumati dito saka yumuko. "Come on son, don't be too formal. It's just you and me here. Anyway, I personally came here to ask you this favor." Saad ni Gerard at may pinakitang folder. Son na din talaga ang tawag nito sa kanya. "It's another project from our client, Mr. Yee. I know you still remember him. He's one of our biggest client. He wants you to handle his new project, a hotel with twenty floor. You'll take it, right?." Saad pa ni Gerard at nakangiting inabot sa kanya ang folder. "I will, sir. I.. mean.. Dad." Sagot naman ni GB at tumango saka tinanggap ang folder. Napangiti naman ang ama niya at nag-excuse. Ayaw na kasi nitong tinatawag niya itong sir kapag silang dalawa lang. "Oh yeah! Before I forgot. Mr. Yee's on leave. You can meet his secretary for further information about the project. She was the same woman before." Nakangising saad pa ni Gerard na nasa may pinto na at tila nang-aasar bago tuluyang lumabas. Nalaman kasi nito ang ginawa niya dati, kung paano nila nakuha si Mr. Yee. Napahilamos nalang din ng mukha niya si GB dahil sa pang-aalaska ng dad niya. At naninibago pa rin talaga si GB sa pagtrato ng Dad niya sa kanya. Magmula kasi nung dumating sa buhay nila si Jace ay nag-iba din ang pakikitungo nito sa kanya. Nakitaan niya din ito ng kasiglahan sa tuwing kausap o kalaro nito ang apo nito at nabawasan ang pagiging masungit nito. Nung una kasi ay hindi lumalapit sa kanya si Jace kaya ngumingiti siya para hindi matakot ang bata, na siyang nakasanayan na niya. Napasandal si GB sa swivel chair at napabuntong hininga. Alam niyang hindi si Mr. Yee ang nagrequest na siyang humawak ng project kundi ang secretary pa rin nito na si Samantha. Sinusundan siya nito na siyang hindi niya nagugustuhan. (Beep!) "Helen, kindly make an appointment with Mr. Yee's secretary, regarding on their new project. Tell her, I have few questions to ask." Saad ni GB through intercom habang binabasa ang mga documents ng bagong project. Ayaw niya man ay wala siyang choice. Kailangan niyang makipag-coordinate dito. "Copy, sir." Sagot naman ni Helen. Muling napasandal si GB sa swivel chair at napakamot sa kilay niyang hindi naman makati. Iniisip niya palang na magkikita sila ni Samantha ay nai-stress na siya. Alam niyang magiging magulo ito sa magulo na niyang mundo. ----- Pagkatapos mag overtime sa trabaho ay biglang nakatanggap ng tawag si GB mula sa kaibigan niyang si Ian. Gusto nitong uminom sila sa bar kasama si Saivan. Alam niyang sinusubukan ni Ian na maging maayos ulit ang kanilang pagkakaibigan at naiipit ito sa kanilang problema kaya pumayag nalang siya. "What's the occasion?." Tanong ni GB pagkalapit niya sa table kung saan sila laging pumupwesto. Kahit mapait na ang karanasan niya sa bar na iyon ay isinasantabi niya nalang. Nandun na din ang dalawa at siya nalang ang hinihintay. "Broooh!!! Come! Come here! I miss you broh! Hahaha." Hindi na makatayo ng tuwid si Saivan na yumakap pa sa leeg ni GB at inakay siya paupo sa tabi nito. Lasing na ito. "What's with him?." Takang tanong naman ni GB kay Ian pagkaupo. "I don't know. He was already drunk when I got here." Kibit-balikat namang sagot ni Ian. "Heeeyyy guyyss! Stop.. with.. looks! Let's.. celebrate! Hahaha woooh! Here! Here!." Lasing pang saad ni Saivan at inabutan ng inumin sina GB at Ian. All throughout ng pag-iinom nila ay tanging si Saivan lang ang maingay. Hindi nila maintindihan kung totoo ba talagang masaya ito o nagsasaya-sayahan lang. Nagulat pa sina GB at Ian nang biglang pumunta ng dance floor si Saivan habang tawa pa rin ng tawa at pagiwang-giwang. Tatayo na sana sila para sundan ito nang makita nilang may babae ng sumalo dito at nakipag-ngitian pa ito dito ng ubod ng tamis. "What the f**k is he doing?." Galit at hindi makapaniwalang bulalas naman ni GB nang makitang nakipagyakapan na si Saivan sa babae. "How dare he cheats on Jasmine?!." Yamot niya pang saad at nagsimula ng humakbang palapit kay Saivan. "Broh! Broh, wait!." Habol at pigil naman ni Ian kay GB pero hindi niya na ito inabutan. "Saivan, I know you're drunk! But how could you do this to JASMINE ha?! You were f*****g flirting with somebody else behind her back!!." Galit pang sigaw ni GB at hinawakan sa kuwelyo ng damit niya si Saivan at marahas na pinaharap sa kanya. Parang walang pakialam na napatawa naman si Saivan dahil sa sobrang kalasingan. Maging ang mga tao ay gulat na napatingin sa kanila. "Broh, relax! Broh! Broh, just relax." Pigil naman ni Ian kay GB na hinawakan pa ito sa braso. "W-What? I.. was just.. having fun!." Natatawang waksi naman ni Saivan sa kamay ni GB at muling hinarap ang babae. Hinila naman ng babae palayo si Saivan pagkatapos taasan ng kilay si GB. Si Ian naman ay patuloy na hinawakan si GB at pinapakalma. Kuyom ang kamaong nagpigil naman ng galit si GB. Hindi niya lubos-maisip na gagaguhin lang ni Saivan si Jasmine. Hindi niya akalaing magagawa ng kaibigan niya iyon sa taong mahal niya. "Broh, he's drunk. Just.. understand him." Saad pa ni Ian kay GB. "I won't f*****g understand his actions, Ian! And tell him not to show his face in front of me again or else I'm gonna break every bone he has!." Galit pang saad ni GB sa naguguluhang si Ian. Ang akalang make up ay naging worst pa tuloy. Gigil at yamot na tumalikod nalang din si GB saka umalis palabas ng bar. Sinubukan pa siyang habulin ni Ian pero nagmadali na siya at hindi ito pinansin. Ramdam na ramdam din ni GB na gustong-gusto niyang suntukin si Saivan dahil sa sobrang galit niya. At pagsakay niya ng kotse ay pinaharurot niya na ito at dumiretso ng uwi. "f*****g asshole! Damn!." Bubulong-bulong pa ni GB habang papasok ng bahay. Pag-angat niya ng tingin sa may kusina ay ang nagtatakang mukha naman ni Jasmine ang bumungad sa kanya. Lalong napakunot ang noo ni GB nang makita si Jasmine. Gusto niya itong sigawan at pagalitan para matauhan ito dahil nagkamali ito ng nagustuhan. Pero nagpigil siya at mas piniling umakyat nalang ng kwarto. "Nak, hindi na ba talaga kayo magkakaayos ng asawa mo? Kasi sa totoo lang pati si Jace ay naaapektuhan na. Kung napapansin niyo, masaya siya kapag magkasama kayong tatlo, pero sa tuwing mag-isa siyang naglalaro ay dun ko nakikita ang lungkot sa mga mata niya." Malungkot na saad ni Cecilia kay Jasmine. Hindi naman makapaniwala si Jasmine sa narinig niya. Laging masaya kasi si Jace kapag nagkakasama silang tatlo. "I.. don't know, Manay. I don't even know what to do anymore. We don't feel the same kaya wala akong karapatang magdemand sa kanya. At sinisiguro naman naming hindi ipakita kay Jace yung problema namin eh." Malungkot na sagot naman ni Jasmine. "Nak, hindi porke't hindi kayo pareho ng nararamdaman ngayon ay hahayaan mo nalang siyang mas lalong mapalayo sayo. At sa nakita ko dati, maging hanggang sa ngayon, kitang-kita kong mahal ka ni GB. Kaya ipaglaban mo siya. Hindi lang para sa sarili mo kundi pati na din sa anak niyo." Saad pa ni Cecilia. Nasabi niya na din kasi kay Cecilia ang nagawa niya at inamin niya na din dito na mahal na niya si GB. Ang hindi niya sinabi dito ay ang pag-amin ni GB ng totoo nitong nararamdaman para sa kanya. At gusto mang maniwala ni Jasmine sa narinig mula kay Cecilia ay natatakot naman siyang mas lalong masaktan. Umasa na siya, aasa pa ba?.. ----- Kinabukasan, kasalukuyang nakaharap sa salamin si GB at inaayos ang necktie niya nang biglang lumabas mula sa CR ang bagong ligo na si Jasmine. Napatitig siya dito mula sa repleksyon ng salamin at nakitang nakabathrobe ito at tumutulo pa ang tubig mula sa buhok nito na nakalugay. "What the f**k is wrong with this necktie?!." Yamot pang bulong ni GB na mas napahigpit ang pagkabit ng necktie dahil sa pagmamadali. Muntik pa siyang maubo dahil sa higpit nito kaya inis niya itong hinila at niluwagan. Bigla kasing kumabog ang dibdib niya nang makita si Jasmine na siyang lalo niyang kinainis sa kanyang sarili. "L-Let me." Saad at lapit naman ni Jasmine kay GB at hindi na hinintay ang sagot nito saka mabilis na hinawakan at inayos ang necktie. Napansin niya din ang pag-iwas ng tingin ni GB na natigilan naman sa kanyang ginawa. Hindi alam ni Jasmine kung bakit kusang gumalaw ang katawan niya pero hinayaan niya nalang ito. Namumula din siya dahil ang lapit nila sa isa't-isa. Pigil ang hininga ni GB habang iniisip na ito na ang tamang pagkakataon para sabihin kay Jasmine na nambababae si Saivan. Pero sa tuwing ibubuka na niya ang bibig niya ay walang lumalabas na salita. Ayaw niya namang isipin ni Jasmine na sinisiraan niya ang kaibigan niya. "Thanks." Matabang na saad nalang ni GB na nagmadaling umalis at hindi manlang tiningnan si Jasmine. Gusto niyang batukan ang sarili niya dahil kahit nasaktan siya ni Jasmine ay ayaw niya naman itong makitang masaktan kapag nalaman nito ang ginagawa ni Saivan. Napabuntong hininga naman si Jasmine nang makitang nagmamadali si GB para makalayo sa kanya. Pagbaba ni Jasmine ay nakita niyang masayang nagkukulitan na sina GB at Jace sa may sala. Bigla niyang naalala yung panahong kasali pa siya sa kulitang iyon. Hindi niya maiwasang mamiss iyon. -"Mukhang nakuha niya ata kay GB ang galing sa pagtago ng totoo niyang nararamdaman. Nak? I'm sorry kung naging ganito kami ng Dada mo. I'm sorry kung sa murang edad mo ay natututo ka ng magtago ng totoo mong nararamdaman. Kami dapat ang umintindi sayo pero naging baliktad ata dahil ikaw ngayon ang umiintindi samin."- Malungkot pang isip ni Jasmine habang nakatingin kay Jace at napabuntong hininga. "Mommy! Come here!." Masayang tawag naman ni Jace kay Jasmine kaya napatingin siya dito. Hindi niya namalayang napatulala na pala siya. Napatingin din siya kay GB na nakatingin na pala sa kanya at wala na ang ngiti sa mga labi nito. "Nak, m-magbreakfast na tayo. Tama na yung k-kulitan." Sa halip ay saad naman ni Jasmine na siyang kina-pout ni Jace. "Mommy's right. Tara na, breakfast na tayo. Ikaw din, baka iwan ka niya dito." Masayang saad naman ni GB at binuhat na si Jace. Napangiti naman si Jace at napahalik sa pisngi ni GB. Pasimpleng napailing naman si Jasmine dahil sa galing ni GB sa pagpapanggap sa harap ng anak nila na parang wala silang problema. Habang nag-aalmusal ay panay ang kwento ni Jace sa mga ginawa niya nung nakaraang araw. Sinama kasi siya ni Jasmine sa flower shop kaya tuwang-tuwa siya lalo na nung namasyal sila. "And Dada, I met one of mommy's handsome friend. He is tito Grey. We went to coffee shop and then to park. And I like him, Dada. He's nice and always smiling to mommy. He also pats my head and he even bought me and mommy an ice cream." Masayang kwento pa ni Jace na dire-diretso lang sa pagsasalita. Nang marinig naman nina GB at Jasmine ang sinabi ni Jace ay pareho silang natigilan. Bigla ding kinabahan si Jasmine nang makita ang biglang pagdilim ng mukha ni GB na agad din nitong naitago ng tumingin sa kanya si Jace at pilit pa itong ngumiti. Dinalaw kasi siya ni Grey bilang kaibigan nung nakaraang araw at nakiusap na mamasyal kasama ang anak niyang si Jace. Pumayag naman siya at nakitang agad na nagkapalagayan ng loob ang anak niya at si Grey. Akala niya nakalimutan na ito ng anak niya. Hindi niya akalaing magkikwento pa ito. Naramdaman niya tuloy ang biglang pag-iba ng awra ni GB na siyang kinabahala niya. Pagkatapos ng breakfast ay walang imik na naglakad na din sila papunta sa kotse ni GB. Hinahatid kasi ni GB si Jasmine sa flower shop kapag kasama nito ang anak nila. "You really are unbelievable. Huh!." Sarcastic na parinig naman ni GB kay Jasmine bago tuluyang sumakay sa sasakyan. Hindi siya makapaniwalang pinakilala na ni Jasmine ang anak nila sa manloloko niyang kaibigan. Hindi nalang din naman sumagot si Jasmine na napapikit nalang ng mariin bago sumakay sa front seat habang sa back seat naman nakaupo si Jace. Naisip niya ding wag nalang pansinin ang inaakto ni GB tutal wala naman pala itong pakialam sa kanya. ----- Ilang araw ang lumipas at gaya ng inasahan ay naging palusot nga ni Samantha ang project para mas mapalapit ito kay GB. Masyado nitong inaabala si GB kahit sa walang kwentang bagay na siyang kinaiirita ni GB. Pasalamat nalang ito at mahalagang kliyente nila GB si Mr. Yee dahil kung nagkataon ay baka nasipa na ito ni GB ng wala sa oras. Matapos din nung nangyari sa bar ay hindi pa rin nagpapakita si Saivan kay GB. Gusto mang humingi ng tawad ni GB sa inasal niya ay hindi niya magawa dahil kahit saan banda tingnan ay maling nambabae si Saivan. At dahil araw na ng linggo ay araw na din ng pagbabonding nina GB at Jasmine kasama ang anak nilang si Jace. Wala din si Cecilia dahil pinatawag ito ng mommy ni Jasmine sa bahay nila. Kasalukuyan na silang nasa kusina at naghahanda ng kanilang dadalhing pagkain nang biglang magring ang phone ni Jasmine. Napakunot ang noo niya nang makitang si Grey ang tumatawag. Napatingin din siya kay GB na napakunot na din ang noo nang masulyapan kung sino ang tumatawag sa kanya. "E-Excuse me." Agad na saad ni Jasmine at lumayo kina GB at Jace. Nagpatuloy nalang din sina GB at Jace sa kanilang ginagawa. "H-Hello?." Sagot na ni Jasmine nang tawag at napatalikod sa gawi nila GB. Biglang nanlaki naman ang mga mata ni Jasmine nang marinig ang sinabi sa kabilang linya. "A-A-Ano? N-Nasaan siya?." Kinakabahang pabulong na tanong pa ni Jasmine at hindi na mapakali. "O-Okay sige, papunta na ako." Huling saad pa ni Jasmine at pagharap niya kina GB at Jace ay kunot-noong nakatingin na sa kanya si GB. "Mommy, come here. Help us. I'm so excited for our picnic na." Excited ng saad ni Jace. Hindi naman nakasagot si Jasmine at halatang nababahala. Panandaliang nawala kasi sa isip niya na aalis sila dahil sa pag-aalala niya kay Saivan Grey. "I.. I.. I have to go.. somewhere.. first. P-Pero sandali lang ako. B-Babalik din.. ako agad." Hindi makatingin ng diretso sa mga mata ni GB si Jasmine. Nasulyapan niya kasi ang biglang pagdilim ng mukha nito. "But mommy, it's our day. No more work for today." Malungkot na saad naman ni Jace. "Promise mabilis lang ako. Babalik ako agad at matutuloy ang pag-pipicnic natin. Trust me, okay?." Lapit na ni Jasmine kay Jace and cupped his face. "Promise? Pinky swear?." Hopeful pang saad ni Jace at tinaas ang kanyang hinliliit na siyang kinangiti naman ni Jasmine. "Pinky swear." Ngiting saad naman ni Jasmine at tinanggap ang pakikipag-pinky swear ni Jace at hinalikan ito ng smack sa labi. Napatingin din si Jasmine kay GB at nagpaalam dito pero ni hindi manlang siya nito sinagot at tumalikod pa ito. Napabuntong hininga nalang din siya at umalis na din. Habang nakaupo sa may sala ay maya't-mayang napapatingin sa kanyang relo si GB. At sa tuwing nakikita niyang lumilipas ang isang oras ay napapakuyom siya ng kamao. Naaawang napapasulyap din siya kay Jace na makikitaan na ng pagkabagot at lungkot sa paghihintay. "Dada? Can you call mommy? Maybe she forgot that we are waiting." Nakatungong saad pa ni Jace. "Maybe she's just busy. Let's wait for awhile. Do you want to play online games with me? I can teach you how." Sinusubukang pasiglahin ni GB ang boses niya pero umiling naman si Jace at muling malungkot na napayuko. Hanggang sa sumapit ang lunch time ay hindi pa rin nakakabalik si Jasmine. Nag-asikaso nalang din si GB ng kanilang pananghalian ni Jace. Hindi niya ginalaw ang nasa basket na kanilang dadalhin dahil umaasa pa rin si Jace na matutuloy ang bonding nila dahil nangako ang mommy niya. At habang kumakain ay hindi pa rin makikitaan ng sigla si Jace. Wala din itong ganang kumain. "Hey big boy? Ayaw mo pa rin bang maglaro?." Patuloy na pakikipag-usap ni GB sa anak niya nang lumipas na naman ang ilang oras at nakaupo lang sila sa sala. "Dada, why mommy hasn't come back yet? She promised to get back fast but she's still not here." Sa halip ay malungkot na saad naman ni Jace na hindi inaalis ang tingin sa pinto at umaasang makikita ng pumasok mula doon ang mommy niya. Hindi naman alam ni GB ang isasagot niya sa anak niya. Napabuntong hininga nalang siya at lumapit dito saka niyakap ito. Hapon na at anong oras na kaya hindi na siya umaasang matutuloy ang bonding nila pero ang anak niya ay patuloy pa ring umaasa. Dumidilim na at habang nakaupo sa tabi ni GB si Jace ay namalayan niya nalang na bumibigat na ang katawan nito. Napalingon siya dito at nakitang tulog na ito. Naaawa siya dito dahil makailang ulit niya itong sinabihang matulog muna pero sinasabi nitong hindi ito inaantok, yun pala ay nilalabanan lang nito ang antok nito. Binuhat ni GB si Jace at dinala sa kwarto nito. Nilapag niya ito sa kama at kinumutan. Umupo siya sa tabi nito at hinalikan ito sa noo. "I'm sorry, Nak. Mukhang mas mahalaga na ata yung boyfriend niya kesa satin. Akala ko dati ang kambal ko ang sisira sa pamilya natin, I never thought na siya pala." Bulong pang saad ni GB at mahigpit na napakuyom ng kamao. Hindi niya mapigilang makaramdam ng galit kay Jasmine dahil sa ginawa nito sa kanilang anak. Nagmamadali ng umuwi si Jasmine. Alam niyang magtatampo si Jace sa kanya dahil anong oras na siyang bumalik. Hindi siya mapakali habang nakasakay sa taxi. Alam niyang maging si GB at galit din sa kanya. "Haizt! Bakit kasi ngayon pa ito nangyari eh! Haizt!." Hindi mapakaling bulong pa ni Jasmine. Pagdating niya sa kanilang bahay ay wala siyang narinig na ingay. At pagpasok niya ay nakita niya ang basket na nakapatong sa mesa at hindi niya nakita ang mag-ama niya. Napatingin siya sa taas at nagpasyang umakyat para silipin ang kwarto ni Jace. Nakakatatlong hakbang palang siya sa hagdan ng pag-angat niya ng tingin ay nakita niyang nakatayo sa may dulo ng hagdan si GB. Wala siyang makitang emosyon sa mukha nito. "W-Where's Jace?." Lakas-loob niyang tanong dito at napaiwas ng tingin. "He's sleep. Wag mo na siyang istorbohin." Matabang na saad naman ni GB at nagsimula ng maglakad pababa ng hagdan. "I-I'm s-sorry!." Saad pa ni Jasmine nang magkapantay sila ni GB sa hagdan. Tumigil naman si GB at napangisi. "Sorry? Another sorry from you? Know what Jasmine? I don't care if you're having a date with your boyfriend or what! Pero sana naman hindi ka nalang nangako sa anak natin para hindi na siya umasa! Ganyan ka talaga eh noh? Masyado kang paasa!." Mahihimigan ang galit sa boses ni GB at halatang may pinaghuhugutan ang kanyang sinabi. Napakunot naman ang noo ni Jasmine sa kanyang narinig. "Don't talk as if you know what happened! You don't know the whole story para magsalita ka sakin ng ganyan! Alam kong nagkamali ako pero mali namang pag-isipan mo ako ng masama!." Yamot namang saad ni Jasmine at hinarap ang nakatagilid na si GB. Hindi paman kasi nito alam ang dahilan kung bakit hindi siya nakabalik agad ay pinag-isipan na siya nito ng masama. "I don't care about your story. What I only cared about, is my son. So, don't ever make a promise you can't fulfill!." Matigas din namang saad ni GB at tiningnan ng masama si Jasmine saka tuluyan itong nilagpasan. “At oo nga pala.” Pero muling napatigil sa paghakbang si GB nang may maalala. Tahimik na naghintay naman si Jasmine sa susunod na sasabihin ni GB pero hindi na siya nag-abala pang lumingon dito. “Wag kang mahiyang magsabi sakin kung gusto mo na akong mawala sa buhay niyo ni Jace. Pero sana lang ay hayaan mo pa rin akong makita at makasama si Jace dahil anak na rin ang turing ko sa kanya at napamahal na siya sakin. Ako na rin ang bahalang kumausap sa pamilya natin kung gusto mo.” Saad pa ni GB. Ilang araw na rin kasi itong nasagi sa isip niya. Naisip niyang baka nahihiya lang si Jasmine na magsabi sa kanya. “And what makes you think na nag-iisip ako ng ganyan?.” Malamig na saad naman ni Jasmine. Nasasaktan siya sa naririnig niya kay GB. Kahit kasi hindi sila okay ay ayaw niya namang mawala ito sa buhay nila ng anak niya. “Why? Are you enjoying this set-up? Yung nagkakamabutihan kayo ni Saivan pero ako ang katabi mo sa pagtulog tuwing gabi? You're really impossible. Huh!.” Huling saad pa ni GB at napangisi bago tuluyang umalis nang hindi na hinihintay ang sagot ni Jasmine. Mahigpit na napakuyom naman ng kamao si Jasmine at mariing napapikit. Ang sama-sama na talaga ng tingin sa kanya ni GB. Ito din ang kauna-unahang pagkakataon na nagkasagutan sila kaya ramdam na ramdam niya ang galit nito. Pinakalma na din muna ni Jasmine ang sarili niya. At nang kumalma siya ay nagpasya nalang din siyang pumasok sa kwarto ni Jace. "I'm sorry, Nak. I promise I'll make it up to you. I'm really sorry. I know you would understand my reason. Besides, I know you're smart enough to understand things." Malungkot na ngiting bulong pa ni Jasmine habang hinahaplos ang pisngi ni Jace. Matalino si Jace kaya alam niyang maiintindihan siya nito gaya nang pag-iintindi nito sa totoong kasarian ng Dada niya. Hindi kasi naging mahirap para kay Jace ang pagtanggap kay GB kahit pa alam niyang babae ito. Patuloy niya din itong tinatawag na Dada dahil ito daw ang unang salita niyang binitawan. ⇨FLASHBACK⇦ (Nang makatanggap ng tawag sa isang nurse mula sa cellphone ni Grey ay nag-aalalang napapunta si Jasmine sa hospital kung saan ito naconfine. Naaksidente kasi si Grey kaya ganun nalang ang pag-aalala niya sa kaibigan. At pagdating niya sa hospital ay napag-alaman niya ding walang kamag-anak na nasa Pilipinas si Grey at sinabi nito sa nurse na tawagan ang pangalan niya na naka-phonebook sa phone nito. "He's all good now. So let's just wait for him when he wakes up. Good thing hindi ganun kalala ang tinamo niya so he'll fully recover after few weeks. Excuse me." Saad pa ng doctor kay Jasmine na siyang pinagpasalamat niya naman. Habang naghihintay kung kelan magigising si Grey ay hindi naman mapakali si Jasmine habang nakatingin sa malaking orasan na nasa kwarto. Gusto niya mang umalis ay hindi niya naman ito pwedeng iwan. Panay din ang tayo niya at pakiusap kay Grey na sana magising na ito. Hindi namalayan ni Jasmine na nakaidlip siya sa may upuan. Naramdaman niya nalang ang pagtapik sa kanyang pisngi. "G-Grey!." Bulalas pa ni Jasmine at biglang napatayo nang makita si Grey sa harap niya. Hawak-hawak nito ang pinagkabitan ng dextrose. Sobrang saya niya nang makitang maayos na ang lagay nito. "It's late for lunch and I think hindi ka pa kumakain. Let's eat." Aya naman ni Grey. Tumango naman si Jasmine na sobrang nagpapasalamat na nagising na si Grey. Pero ganun nalang ang paglaki ng mata niya ng makita kung anong oras na. Nahalata naman ni Grey ang pagkabalisa niya kaya tinanong siya nito kung anong problema. Sinabi niya naman dito ang plano nila ng pamilya niyang mag-picnic na hindi na matutuloy dahil anong oras na. Humingi naman ng tawad si Grey sa kanya dahil ito pa ang naging dahilan ng pagkaudlot ng pagbabonding nila ng pamilya niya. Ganunpaman ay nagpasya nalang din si Jasmine na mag-stay para samahan si Grey habang wala pang papalit sa kanya sa pagbabantay dito. "It's broh GB, right?." Natigilan sa pagsubo si Jasmine nang marinig ang sinabi ni Grey. "Siya yung asawa mo, tama ba?." Muling saad pa ni Grey. "I-I'm sorry kung hindi ko agad nasabi sayo." Saad naman ni Jasmine at napayuko. "Hey, don't worry about it. I'm actually glad when I found out na si broh GB ang asawa mo. Kung sana nalaman ko lang ng maaga, I could've stop what we've started. And I'm sorry. Mukhang ako pa ata ang naging dahilan ng hindi niyo magandang relasyon ngayon ni broh." Seryosong saad naman ni Grey. "But.. how did you found out?." Takang tanong ni Jasmine. "The night when we went to bar and then I got drunk. She was so enraged when she saw me flirting with other woman. And that's when broh Ian told me everything." Natatawang saad naman ni Grey nang maalala ang reaction ni GB. "And I'm asking you a favor to please bear with her. She may hardheaded and stiffed but she's true. Thank you for loving her, Jasmine." Saad pa ni Grey at napangiti. "I.. I.. I've waited for her to confess. Pero hindi niya ginawa. Only to find out that what she felt for me is just lust." Mapait ang ngiting saad naman ni Jasmine. "And I didn't apologize for dating you. Because that's when I realized that I really love her. But sad to say, we don't feel the same." Malungkot pang saad ni Jasmine. Napailing naman si Grey sa narinig dahil parehong manhid at nagmamatigas ang dalawa. "I'm sorry. Masyado din akong mafeeling nung gabing pinakilala kita sa kanila. I even told them that you don't want me to drink where in fact, it wasn't true. You don't even want to be with me that night." Natatawang saad pa ni Grey. "It's okay. And please, don't tell GB what you know.. that.. I love her. I don't want her to pity me." Pakiusap pa ni Jasmine na siyang tinanguan naman ni Grey. Hanggang sa mag-usap na din sila ng kung ano-anong bagay. Tanggap na din nila ang nangyari sa kanila. Nagulat pa sila nang biglang dumating si Ian na siyang naiwan naman para magbantay kay Grey kaya nakaalis si Jasmine.) ⇨END OF FLASHBACK⇦ ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD