“UNEXPECTED BEAT”
EPISODE 16.
Kinaumagahan, nagising si GB na sobrang sakit ng ulo niya. Pilit niyang inalala ang mga nangyari habang napapapikit at napapahawak sa batok niya. Nang tuluyan na niyang maalala ang mga nangyari simula sa simula ay napakunot ang noo niya at napatingin siya sa paligid. Hindi na din siya nagulat kung nasaan siya dahil pamilyar na siya sa kwarto.
"Si Jace! A-Aaarrrggghhh!." Bulalas niya pa at napatayo pero agad siyang muling napaupo sa kama at muling napahawak sa ulo niya dahil sa biglang kirot nito. Bigla niya ding naalala na kasama pala ni Jasmine si Jace sa bahay ng parents nito.
"Broh you're awake. Oh, kape. Panlaban sa hangover. Para na rin tumapang ka at makaya mong harapin si Jasmine pag uwi mo mamaya." Pasok ni Ian sa kwarto sabay abot ng kape sa kanya. May pinaghuhugutan pa ang sinabi nito. At oo, nasa condo siya ni Ian kaya pamilyar na siya dito.
"Why am I here, broh? Bakit hindi mo nalang ako hinatid sa bahay? Alam mo naman na kung saan yun di ba?." Tanong pa ni GB at tinanggap ang kape.
"What? You don't remember? Broh Saivan wants to drop you off sa bahay mo, or should I say, sa bahay niyo ni Jasmine. I just thought you don't want that to happen. Dahil kapag nagkataon, mabubuko yung lihim niyo ni Jasmine. So, yeah. I suggested na dalhin nalang muna kita dito sa condo ko. Because I also know, after what happened last night, you don't want to see Jasmine when you wake up." Mahabang saad pa ni Ian.
"Damn! Everything sucks!." Buntong hiningang saad naman ni GB.
"But broh, what are you.. gonna do? We can't hide this to broh Saivan for long. I'm sure he'll finds out. At kapag sa iba niya pa nalaman, baka masira pa yung pagkakaibigan nating matagal nating inalagaan. At ayokong mangyari yun." Malungkot pang saad ni Ian. Naaawa siya sa mga kaibigan niya dahil sa kanila pa ito nangyari. Ang magmahal sa iisang babae.
"I don't know. But for now, let's just keep it. Right time comes." Saad lang naman ni GB. Nagsisisi din siya na hindi niya pinakilala o pinakita manlang ang picture ni Jasmine kay Saivan. Kung sana, maaga palang ay naiwasan na nila ang ganung kakumplikadong sitwasyon.
"And what about... Jasmine?." Muling tanong pa ni Ian.
"I don't want to talk about her, broh." Kunot noong sagot lang naman ni GB na siyang naintindihan din ni Ian.
Pagkatapos ng ilang oras na pag-stay ni GB sa condo ni Ian ay nagpasya na din siyang umuwi. Tinawagan niya na din ang dad niya at humingi dito ng tawad dahil hindi siya nakapasok sa trabaho. Natanggal na din ang hangover niya. Alam niya ding nasa bahay na nila sina Jasmine at Jace dahil alas-tres na.
Pagpasok ni GB sa kanilang bahay habang bitbit ang polo niya sa kanyang kanang kamay ay napatigil siya sa paghakbang at napatingin sa mga bisitang nasa kanilang sala, ang mga kaibigan ni Jasmine.
"Dada!." Napatingin naman siya sa may kusina nang marinig mula dito ang boses ng anak niya. Napatakbo ito palapit sa kanya at yumakap sa bewang niya.
"Hey big boy, I miss you." Pilit ang ngiting saad naman ni GB at lumuhod saka muling niyakap si Jace.
Pagkatapos yakapin si Jace ay tumayo na din si GB habang masayang kwento ng kwento naman ito tungkol sa mga ginawa nito sa bahay ng parents ni Jasmine. Pero unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ni GB nang mapaangat siya ng tingin at nakita niya si Jasmine.
Napansin din nina Vina, Joan at Beverly ang pag-iba ng tinginan nina GB at Jasmine. Kung dati ay nagniningning ang mga mata nila sa tuwing nagkakatinginan, ngayon ay sakit na ang nakikita nila sa mga mata ni GB habang lungkot naman sa mga mata ni Jasmine. Nagkatinginan ang tatlong magkakaibigan na may parehong iniisip.
"Dada? Come on, join us. We're having our snacks. Gumawa si mommy ng favorite nating cookies." Biglang nabaling ang atensyon ni GB kay Jace nang hilain nito ang laylayan ng shirt niya. Excited pa ito.
"I'm sorry big boy, I can't. I have to finish something urgent. We don't want to see your grandpa gets upset, do we?." Pagdadahilan naman ni GB.
"Okay po, Dada." Malungkot na saad naman ni Jace na bigla ding nawalan ng sigla.
"Hey? I'll make it up to you, okay? Some other time." Saad pa ni GB.
Tumango nalang din si Jace bilang sagot. At pagkatapos halikan ni GB sa noo si Jace ay walang paalam o pagbati kay Jasmine na umakyat na siya ng kanilang kwarto. Alam niya ding kakuntsaba ni Jasmine ang mga kaibigan niya kaya hindi niya maiwasang sumama ang loob niya sa mga ito.
Pagpasok ni GB ng kwarto ay kusang nag-unahan ang luha niya sa mga mata. Marahas niya itong pinunasan at nagmadaling pumasok sa kanilang CR na nasa loob lang din ng kwarto. Binuksan niya ang shower habang gigil na umiyak at hindi pa nakakatanggal ng damit.
"Aaaarrrrgggghhhh!! f**k!." Medyo pasigaw na saad pa ni GB at sinuntok ang pader. Hindi na niya napigilan ang sarili niya habang nakatayo at nakasandal ang noo sa pader.
"A-A-Aaaaarrrrrrggggghhhhhh!! Why?! Why?! f**k! Aaarrrggghhh! I shoudn't have l-let my guard down! Aarrgghh! Why Jasmine?!." Patuloy pang iyak ni GB habang patuloy din ang buhos ng tubig mula sa shower papunta sa ulo niya pababa sa katawan niya.
Hinayaan ni GB ang sarili niyang umiyak ng umiyak hanggang sa mapagod ang mata niya at kusang tumigil ang luha. First time niyang umiyak ng ganun at yun ay dahil pa sa babaeng mahal niya. Napadausdos siya sa pader at napaupo na tila nanghihina. Hanggang sa mapakuyom siya ng kamao at makapagdesisyon para sa sarili niya. Napapikit din siya at napatingala habang umuusal ng dasal na sana ay makayanan niya ang sakit.
Habang kumakain ng snacks sina Vina ay napansin nila ang pagiging tahimik ni Jasmine. Hindi rin nito ginagalaw ang juice nito. Si Jace naman ay naging abala na sa paglalaro ng kanyang mga toys dahil hindi naman daw siya girl para sumali sa usapan ng kanyang mommy at mga kaibigan nito.
"Ito na nga bang sinasabi ko eh. Nabuko ka na noh, bes?." Umpisa na ni Beverly ng usapan.
"L-Last night." Tangong sagot naman ni Jasmine. Napabuntong hininga naman ang tatlo sa kanilang narinig.
"That explains kung bakit ngayon lang umuwi si GB at hindi ka pa niya pinansin." Saad naman ni Joan.
"B-But how did you get caught?." Kunot-noong tanong pa ni Beverly.
Nagkwento naman si Jasmine simula sa umpisa hanggang sa huli. Pero may isang bagay siyang hindi sinabi sa mga kaibigan niya, ang tungkol sa kanyang narealize. Halos lumuwa naman ang mga mata ng kaibigan ni Jasmine dahil sa kanilang nalaman.
"Oh s**t bes! Tinuhog mo ang magkaibigan! Holy cow!." Hindi makapaniwalang bulalas pa ni Vina.
"I didn't know, okay?! Yung kinikwento lang sakin ni GB na mga kaibigan niya ay sina Ian at Saivan. Hindi ko naman alam na Saivan Grey pala ang pangalan ni Grey. Kagabi ko lang din nalaman." Frustrated ng saad ni Jasmine. Medyo pabulong din sila kung magsalita, sa takot na baka marinig sila ni GB o di kaya'y ni Cecilia.
"Gosh! Nakipag-date ka sa hindi mo alam ang buong pangalan?." Reaksyon naman ni Beverly.
"You, guys, knew I was keeping a secret from him. So, to be fair, hindi kami umaabot sa ganung usapan. We're just enjoying each other's company nung time na nagmemeet kami." Pagdadahilan naman ni Jasmine.
"Ito na nga bang sinasabi ko eh. Remember what I told you? Na mas mabuti pang sabihin mo nalang kay GB kasi siguradong pati ang anak niyo ay madadamay. Tsk." Saad pa ni Vina.
"At yung sinabi ko din sayong walang bahong hindi nabubunyag. And yeah, it happened last night." Segunda naman ni Beverly. Hindi naman makasagot si Jasmine na napatingin din kay Joan.
"Ikaw bes? Hindi mo ba sasabihin yung sinabi mo dati? Para naman kompleto kayong tatlo." Saad naman ni Jasmine kay Joan. Napailing naman si Joan at seryosong napatitig sa kanya.
"Just.. don't be a fool, bes. Fight for it." Makahulugang saad lang ni Joan at napangiti ng konti.
Hindi naman naintindihan ng tatlo ang punto niya at napakunot noo pa sila. Pero hindi na siya muli pang nagsalita na pinagpatuloy nalang ang pag-i'snack.
-----
Padilim na ng umalis ang mga kaibigan ni Jasmine. Nag-usap kasi sila tungkol sa mga maliliit na bagay para ilihis ang pag-iisip ni Jasmine sa kanyang problema sa pag-ibig. Si Jace naman ay nakatulog nang tumabi ito kay Jasmine kaya inakyat niya ito sa kwarto nito. Paglabas ni Jasmine sa kwarto ni Jace ay napabuntong hininga siya habang nakatingin sa pinto ng kanilang kwarto ni GB. Magbuhat ng pumasok kasi si GB sa kwarto nila ay hindi na ito muling lumabas. Naisip niyang marahil ay tulog ito.
Huminga muna ng malalim si Jasmine bago pinihit ang door knob sa kanilang kwarto saka nakayukong dahan-dahang pumasok. Medyo nagulat pa siya nang paghakbang niya ng talong beses at pagharap sa may unahan ay nakita niya si GB na mukhang papalabas din ng kwarto. Napaiwas siya ng tingin at pigil ang hininga nang maamoy niya ang sabon ni GB, bagong ligo ito. Walang salitang nilagpasan naman ni GB si Jasmine at humawak sa door knob.
"G-GB!." Lakas loob ng tawag ni Jasmine na napapikit pa ng mariin. Hindi niya din maiwasang kabahan dahil alam niyang galit si GB sa kanya. Pero gusto niya ng sabihin dito ang lahat at totoo.
Hindi naman nagsalita si GB at hindi rin lumingon sa gawi ni Jasmine. Napapikit din siya ng mariin nang marinig ang naging pagtawag sa kanya ni Jasmine. Dati "hon", ngayon ay "GB" nalang.
"I-I'm s-sor---"
"Don't." Matabang na putol naman ni GB sa sasabihin ni Jasmine.
Takang napaharap din si Jasmine kay GB at nakitang nakatalikod pa rin ito sa kanya kaya hindi niya makita ang expression nito sa mukha. Napansin niya din ang namumula at parang namamaga nitong kamay na siyang kinataka niya. Magtatanong na sana siya nang maunahan na naman siya nitong magsalita.
"What are you apologizing for? It's not like you made a mistake. There's nothing wrong when you realized that what you feel for me is not enough to be called love. We talked about this. We agreed to it. I don't even have a right to complain in the first place. So, just do whatever you want to do. Besides, I've been waiting for this day to be able to tell you that what I feel for you is just a mere l**t. That make us fair, right?." Malamig pang saad ni GB.
Parang gustong sumabog naman ng puso ni Jasmine dahil sa kanyang narinig mula kay GB. Kung kelan handa na siya ay mali naman pala ang inaakala niya. Naramdaman niya nalang ang pagtulo ng luha niya sa kanyang pisngi. Mabuti nalang at nakatalikod si GB sa kanya.
"G-GB, I won't a-apologize for what I did. I.. I.. only want to apologize for not t-telling you, earlier." Malungkot na saad naman ni Jasmine na muling napatalikod at pilit na pinatatag ang boses niya.
"And one more thing. Starting today, stop with your sleepover excuse. If you want to meet your boyfriend, then just leave and ask Manang Cecilia to look over for Jace. I'd be home around five to take over." Saad pa ni GB na tila wala ng pakialam at nag-assume pa na boyfriend na niya si Saivan Grey.
Hindi na din hinintay pa ni GB ang sagot ni Jasmine na binuksan na ang pinto at lumabas. Naiwang nanghihina naman si Jasmine na patuloy sa pag-agos ang luha.
"Lust." Bigkas pa ni Jasmine sa sinabi ni GB sa kanya. Ayaw niyang maniwala sa mga narinig niya pero hindi niya mapigilan ang sarili niyang masaktan. Napahawak pa siya sa may dibdib niya at napatakip sa bibig nang magsimula na siyang mapahikbi ng mahina.
Hindi makapaniwala si Jasmine sa kanyang mga nalaman. Umasa lang pala siya sa wala. Gusto niyang tanggalin ang puso niya dahil sa kirot na kanyang nararamdaman. Gusto niyang isigaw kung gaano siya nasasaktan dahil hinayaan niya ang sarili niyang lumalim ang kanyang nararamdaman.
-----
Ilang araw matapos malaman ni GB ang tungkol sa palihim na pakikipagkita ni Jasmine sa kaibigan niyang si Saivan ay unti-unti na din siyang bumabalik sa dati. Madali na siyang mairita at malamig na kung tumingin. Tanging sa anak niyang si Jace nalang siya nagpapakita ng saya. Maging ang relasyon nila ni Jasmine ay naging malamig pa sa yelo. Nagpapansinan nalang din sila kung kinakailangan o di kaya'y para hindi maramdaman ng anak nilang may problema sila.
"Helen, where are the documents I asked you about?! And have you called Mr. Villanobos?! Did you tell him I have to meet him?! What about these documents?! Why are these still here?!." Kunot-noong patuloy sa pagrarant si GB sa kanyang secretary na si Helen habang hindi naman ito magkamayaw sa pagsagot at sa kung anong unang gagawin.
"S-Sir, k-kasi---"
"What the hell have you been doing, ha?!." Matigas pang tanong ni GB sabay tapon ng mga documents sa sahig. Kinakabahang pinulot naman ni Helen ang mga ito.
"Sige na, Helen. Leave us alone for awhile." Saad naman ng kadadating lang na si Ian. Ni hindi manlang napansin ng dalawa ang presensya niya. Yumuko naman muna si Helen saka takot na umalis.
"Why are you here?." Diretsong tanong naman ni GB kay Ian na halatang sinusubukang pakalmahin ang sarili niya.
"Broh, you've been throwing tantrums on your secretary for the past few days. Spare her. She has been doing her best for you. Wag mo naman siyang idamay sa problema mo kay Jasmine." Mahinahong saad ni Ian pagkaupo sa harap ng upuan ni GB.
"Just.. leave me alone if you have nothing important to say." Sa halip ay saad lang ni GB at inikot patalikod ang swivel chair niya.
"Broh, I'm just here if you want someone to talk to. Let your anger out, but don't throw it to anyone. And I suggest.. you should spend time for yourself and think things over. I know it's hard but if you want, I'm willing to help you." Saad pa ni Ian. Hindi naman sumagot si GB na napapikit lang ng mariin.
"Yow guys! What's up?." Biglang sulpot naman ni Saivan Grey na nakasalamin pa at nakangiti ng malaki. Hindi naman humarap si GB dito habang napatingin naman si Ian kay GB at nakitang napakuyom ito ng kamao.
"Oh? What happened? What's with the face?." Takang tanong pa ni Saivan kay Ian.
"Nothing broh. Just.. work problem." Sagot nalang ni Ian at humarap kay Saivan Grey. Alam niyang nasasaktan pa rin si GB sa tuwing nakikita si Saivan Grey habang wala naman itong kamalay-malay sa nangyayari.
"Anyway, what did you came here for?." Tanong pa ni Ian.
"Well, me and Jasmine decided to go out tonight. You guys want to come?." Masayang saad at tanong pa ni Saivan Grey na siyang kinabahala naman ni Ian. Muli din siyang napatingin kay GB na nakatalikod pa rin at nakitang mas humigpit ang pagkuyom nito ng kamao.
"I can't broh, I'd be busy." Buntong hiningang sagot naman ni Ian.
"Oh okay. What about you broh?." Lapit na ni Saivan Grey kay GB. Napatampal nalang sa noo niya si Ian dahil dito. Nag-aalala din siyang baka magsuntukan ang dalawa kaya tumayo na din siya para makapaghanda kung maging tama man ang iniisip niya.
"I have somewhere to go." Malamig na sagot naman ni GB na siyang kinataka ni Saivan Grey. Thankful na napahinga naman ng maluwang si Ian dahil hindi hinayaan ni GB na kontrolin siya ng galit niya kay Savan Grey.
To the rescue rin si Ian na nagdahilang pagod lang si GB kaya bad mood. Siya na din ang gumawa ng dahilan para maaya si Saivan Grey palabas ng opisina at palayo kay GB.
-----
Pagkauwi ni GB ay nakita niya si Cecilia na kasalukuyang nagluluto ng kanilang dinner. Tinanong niya ito kung nasaan si Jace at sinabi nitong nasa taas. Kung dati sa tuwing umuuwi siya ay hinahanap niya sina Jasmine at Jace. Sa ngayon ay si Jace nalang, na siyang nahalata naman ni Cecilia.
Naglalakad na si GB paakyat sa hagdan ng marinig niyang nag-uusap sina Jasmine at Jace. Napatigil nalang din muna siya at nakinig.
"But mommy, I want to go with you. Are you having a date with Dada? Let me come."
"Baby, you can't. Hindi naman ako magtatagal eh."
"Eeehhh!! Mommy please?."
"Just wait for your Dada here. Siguradong hahanapin ka niya."
Sinadya ni GB na diinan ang bawat hakbang niya para mahalata ni Jasmine na may paparating na tao, na siyang nangyari nga dahil tumahimik ang dalawa.
"Dada!." Masayang sigaw pa ni Jace pagkakita kay GB.
"Hey, how's my big boy?." Buhat naman ni GB kay Jace.
Pinagmamasdan lang din ni Jasmine sina GB at Jace habang masayang nagpapalitan ng tanong at sagot. Kung dati sa tuwing umuuwi si GB at nakikita siya ay hinahalikan siya, ngayon ay tila hindi na siya nag-eexist.
"And Dada, mommy's going somewhere. Pwede ba natin siyang samahan?." Inosenting sumbong at tanong pa ni Jace na siyang kinabigla ni Jasmine.
Nagkatinginan naman sina GB at Jasmine na hindi agad nakasagot. Nakita naman ni Jasmine kung paano kumunot ang noo n iGB na tila may naalala.
"Baby, mommy's having a date." Nanlaki ang mga mata ni Jasmine dahil sa sinabi ni GB. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa itong sabihin ni GB gayong wala naman siyang date.
"She is? But with whom, Dada?." Kunot-noong tanong naman ni Jace. Napailing si Jasmine at sasagot na sana ng muling magsalita si GB.
"With her friends, of course." Saad pa ni GB. Napahinga naman ng maluwang si Jasmine dahil dito. Hindi niya alam kung bakit parang nananadya si GB.
"Their having a date. All four of them. You know, women. So, do you still want to go?." Saad pa ni GB.
"Eeehhh.. No Dada! I'd rather stay here with you. Mommy's friends always talk and noisy. I don't like it. Haha." Natatawang saad na ni Jace na siyang kinangiti ni GB dahil ang kulit ng anak niya.
"Let's just play, okay?." Saad pa ni GB na masayang tinanguan naman ni Jace.
Nagpababa si Jace mula sa pagkakabuhat ng Dada niya at muling lumapit kay Jasmine. Humalik siya sa pisngi ng mommy niya nang ipantay nito ang mukha nila at nakangiting nagbid ng goodbye at sinabihang mag-iingat. Napangiti naman si Jasmine dahil dito. Muli ding tumakbo si Jace kay GB at humawak sa kamay nito na halatang excited na sa paglalaro. Tiningnan lang din ni GB si Jasmine bago siya umalis kasama si Jace. Napabuntong hininga naman si Jasmine. Alam niyang iniisip ni GB na makikipagkita siya kay Grey na siyang tama nga naman.
-----
Nakipagkita si Jasmine kay Saivan Grey sa park kung saan sila unang nagkita. Nagtataka man ay napapangiti pa rin si Saivan Grey dahil sa napiling lugar ni Jasmine. Naisip niya ding baka nagbago na ang isip ni Jasmine at sabihin na nitong mahal pala siya nito. Plano niya ring muling ayain si Jasmine sa bar kung saan niya ito pinakilala sa mga kaibigan niya.
Pagdating ni Jasmine sa park ay agad niyang nakita si Saivan Grey. Napangiti din ito at napatayo nang makita siya. Nauna kasi ito sa kanya dahil masiyado itong excited.
"I knew it. You really like me, don't you? Special na special pa rin sayo itong lugar kung saan tayo unang nagkita eh." Masayang saad ni Saivan Grey kay Jasmine at humalik sa pisngi nito saka sabay silang umupo sa bench. Pero agad na nawala ang ngiti sa labi ni Saivan Grey nang makitang walang kangiti-ngiti si Jasmine.
"G-Grey, nakipagkita ako sayo para muling makiusap. Please, tigilan mo na ako. Hirap na hirap na ang kalooban ko ngayon dahil nalaman ng mahal ko ang tungkol sa pakikipag-date ko sayo ng palihim." Umpisa ni Jasmine habang nakatulala sa kawalan at hinahayaang tumulo ang luha sa mga mata niya. Ilang araw na din kasi siyang kinukulit ni Grey. Lagi pa rin itong pumupunta sa flower shop at halos oras-oras pa itong nagtetext sa kanya na siyang kinaiinis niya.
"I-I'm really s-sorry. I'm so sorry. P-Please understand. Mahal k-ko siya. M-Mahal na mahal ko siya, Grey." Umiiyak ng saad ni Jasmine. Naaawang niyakap naman ni Saivan Grey si Jasmine sa may dibdib niya.
"Damn. I never thought na babastedin mo ako agad. I haven't even started. I guess you really love that someone." Malungkot na ngiting saad pa ni Grey. Gusto niya mang ipaglaban at kulitin si Jasmine ay nasasaktan naman siya na nakikitang nasasaktan ito. Mas gugustuhin niya pang sumaya ito sa iba kaysa malungkot ito sa kanya.
Pagkatapos ng kanilang drama ay bumili ng tubig si Grey para sa kanilang dalawa. Naging maayos na din ang pag-uusap nila at nagbibiruan na din sila. Sinusubukan lang din ni Grey na bawasan ang sakit na nararamdaman ni Jasmine kaya pinapangiti niya ito na siyang pinipilit ding sumaya. Nagdesisyon silang maging magkaibigan nalang. Pero kahit anong pilit niya ay hindi sinabi ni Jasmine ang pangalan ng mahal nito. At oo, ang isang bagay na narealize ni Jasmine na hindi niya inamin sa mga kaibigan niya ay ang tungkol sa totoo niyang nararamdaman kay GB.
Pagkatapos ng ilang oras na pakikipag-usap ni Jasmine kay Grey ay umuwi na din siya. Hindi niya din nakita si GB sa kwarto nila kaya sumilip siya sa kwarto ng anak niya at dun ay nakita niya nga itong nakahiga sa tabi ni Jace. Umupo siya sa may gilid ng kama at pinagmasdan ang mukha ni GB.
Malungkot na napabuntong hininga si Jasmine habang pinagmamasdan sina GB at Jace. Gusto niya mang sabihin kay GB ang totoo niyang nararamdaman ay wala na itong silbi. Nalaman niya na din naman kasi ang totoong nararamdaman ni GB sa kanya. Isa lang pala itong l**t o PAGNANASA.
⇨FLASBACK⇦
(Habang nagsasayaw sina Grey at Jasmine ay binigay na ni Grey ang kwentas ni Jasmine na nakuha niya, apat na taon ng nakalipas. Tinanong na din ni Grey si Jasmine kung pwede ba siyang manligaw dito na siyang masayang tinanguan naman ni Jasmine.
"YEEESSS!!! WOHOOHH!!." Sa sobrang saya ni Grey ay binuhat niya si Jasmine at pinaikot. Hindi niya mapigilan ang sayang nararamdaman niya dahil sa pagpayag ni Jasmine. Natatawa naman si Jasmine dahil sa ginagawa niya. Dahan-dahan niyang binaba si Jasmine hanggang sa magpantay ang ulo nila. At habang magkatitig at nakangiti ay unti-unting naglapat ang mga labi nila.
Pero laking pagtataka ni Grey nang bahagya siyang itulak ni Jasmine sa may dibdib at nakita niyang nakakunot ang noo nito at may malalim na iniisip. Humingi pa siya ng paumanhin nang maalala niyang manliligaw palang pala siya at wala pang sila kaya wala pa siyang karapatang halikan ito.
"H-Hey? What's wrong? I-I'm sorry if I kissed you. Nadala lang ako sa nararamdaman ko." Nag-aalalang saad naman ni Grey.
"N-No. D-Don't apologize. Damn! All I need was a kiss for me to realized my feelings." Pabulong pang saad ni Jasmine at napaupo ng dahan-dahan. Hindi naman maintindihan ni Grey ang ibig niyang sabihin.
"Is there something wrong?." Worried pang tanong ni Grey.
"G-Grey, I-I'm sorry. But I.. I.. I just realized that I already love someone. I-I'm sorry." Hinging paumanhin pa ni Jasmine na halatang bothered. Pero lalo lang napakunot ang noo ni Grey dahil sa sinabi niya. Kani-kanina lang ang saya nila pero biglang naging ganun.
Hindi naman matanggap ni Grey ang mga nalaman niya nang magkwento na sa kanya si Jasmine. Napakuyom pa ang kamao niya lalo na nang malaman niyang may kinakasama na pala si Jasmine. Hindi rin nito sinabi ang pangalan ng kinakasama nito.
Lingid kasi sa kaalaman ni Grey, nung hinalikan niya si Jasmine ay parang biglang nauntog si Jasmine nang biglang pumasok sa isip niya ang imahe ni GB. Bukod kasi sa walang naramdaman si Jasmine sa halik na iyon ay bigla niyang naalala ang paraan ng paghalik ni GB na siyang nagpakabog ng malakas sa dibdib niya kahit wala naman ito doon.)
⇨FLASHBACK⇦
(Maghapong nasa flower shop si Jasmine habang nasa mommy niya si Jace nang makatanggap siya ng message galing kay Grey.
[Hey, good afternoon mahal ko.] Napabuntong hininga si Jasmine nang mabasa ang text ni Grey. Mukhang hindi pa ata siya nito titigilan ng ganun kadali.
[I want you to meet my friends, tonight. Are you free? Please don't ignore me.] Muli ay text pa ni Grey.
[Grey, we've talked about this. I'm sorry but please, stop it.] Reply naman ni Jasmine.
[Just meet my friends, atleast. Please? I've been talking about you so please do me a favor to show them that you really exist. That there's really someone who made me happy more than anyone could. After this, I'll stop pursuing you.] Text pa ni Grey. Napabuntong hininga naman si Jasmine dahil sa kakulitan ni Grey.
[Okay.] Huling reply pa ni Jasmine.
Namimiss na ni Jasmine si GB at gusto na niya itong makita at sabihin dito ang ginawa niya pati na ang nararamdaman niya. Pero naisip niyang pagbigyan nalang muna ang huling kagustuhan ni Grey bago niya sorpresahin si GB sa pag-uwi niya. Napapangiti tuloy siya sa kanyang iniisip na gawin kapag nagkita na sila ni GB.
Hanggang sa dalhin na nga si Jasmine ni Grey sa isang bar kung saan nakilala niya ang mga kaibigan nito na walang iba kundi sina Ian at ang asawa niyang si GB. At dun ay parang pinagbagsakan siya ng libo-libong malalaking bato.)
⇨END OF FLASHBACK⇦
~
~
~
⇨acacabas_019ツ.