EPISODE 15.

4334 Words
“UNEXPECTED BEAT” EPISODE 15. Simula nung muling pagkikita nina Grey at Jasmine ay halos naging araw-araw na din ang palihim na pagkikita ng dalawa para kumain sa labas. Ang inakalang isang beses lang dahil ito'y pambayad utang lang ay nasundan pa ng nasundan. Hindi din sinasama ni Jasmine si Jace kahit na anong pilit ni Grey na gusto nitong makilala ang anak niya. Napapansin din naman ni GB ang pagiging malamig ni Jasmine sa kanya. Madalas ay lagi nalang nitong sinasabing pagod na ito at gusto ng magpahinga imbes na makipag-usap sa kanya gaya ng kanilang nakagawian. Napansin niya ding araw-araw na itong nasa flower shop. Pero hindi naman siya naghihinala dahil trabaho nga naman ito. “Bes, hanggang kailan mo ba paiiralin ang kabaliwan mo ha? Ang mabuti pa ay sabihin mo nalang kay GB para hindi na siya umasa pa! Makakasakit ka niyan eh! At siguradong pati si Jace ay madadamay dito sa kagagahan mo.” Medyo naiinis ng saad ni Vina kay Jasmine. Naikwento na din kasi ni Jasmine sa mga bes niya ang tungkol kay Grey. “Bes, hindi pa pwede. Sinusubukan ko pang alamin yung nararamdaman ko eh.” Saad naman ni Jasmine. Nasa sala sila ng kanilang bahay at wala si GB dahil nasa trabaho ito. “Bes, walang bahong hindi nabubunyag sinasabi ko sayo.” Bantang saad naman ni Beverly. “Just make sure na kaya mong tanggapin ang magiging consequences nitong ginagawa mo.” Saad naman ni Joan. “Pansamantala lang to mga bes. As soon as marealize ko na ang totoo kong nararamdaman ay gagawin ko ang tama at nararapat.” Saad naman ni Jasmine na siyang tinanguan nalang din ng tatlo. “Basta wag basta-bastang isusuko ang bataan ah?.” Pabirong saad naman ni Beverly. “Baliw ka bes. Hinding-hindi ah! Haha.” Tawang saad naman ni Jasmine na siyang kinailing nalang ng mga kaibigan niya. Natatakot sila para sa kaibigan nila. Natatakot silang baka mali ang nararamdaman nito at masira lang ang pamilya nito. Kakauwi lang ni GB galing sa trabaho nang pagpasok niya sa kwarto ay nakita niyang naglalagay ng damit si Jasmine sa isang bag. Mga damit nilang dalawa ni Jace. “Where are you going?.” Takang tanong pa ni GB. Nagitla naman si Jasmine pero nagawa niya pa ring harapin ng kalmado si GB. “H-Hon, d-dun kami kina mommy matutulog ngayon at b-bukas.” Saad naman ni Jasmine. “Napapadalas na ata ang pagtulog niyo dun ah? Ano bang merun?.” Tanong naman ni GB at lumapit na kay Jasmine. Hahalik na sana siya sa labi ni Jasmine nang iniwas nito pakanan ang mukha nito kaya sa pisngi tumama ang labi niya. Napaangat naman ng mukha si GB at takang napatingin kay Jasmine. “A-Ah.. G-Gusto kasing makasama nina dad si Jace ng dalawang araw eh. O-Okay lang naman di ba? P-Pamilya ko naman sila after all.” Kinakabahang saad nalang ni Jasmine at muling tumalikod para ayusin ang gamit nila ni Jace na nasa bag. Napabuntong hininga nalang din si GB na hindi na sumagot at umupo nalang sa kama. Naninibago talaga siya kay Jasmine. Gustuhin niya man ding sumama ay hindi pwede dahil ayaw niyang makipagbangayan sa mga kapatid ni Jasmine. Nagtataka na din siya dahil madalas na din itong natutulog sa bahay ng mommy nito at minsan ay hindi na nagpapahalik sa kanya sa tuwing naglalambing siya. “Hatid ko na kayo? Gabi na eh.” Maya-maya'y saad ni GB habang nakamasid pa din sa asawa niya. “H-Hindi na. Susunduin naman kami ni Mang Tonyo eh.” Sagot naman ni Jasmine na hindi manlang nililingon si GB. Si Tonyo ang family driver nila. Nang makarinig ng pumaparadang sasakyan ay nagmadali na ding lumabas ng kwarto si Jasmine. Pinuntahan niya si Jace sa kwarto nito at inaya ng lumabas dahil dumating na ang sundo nila. Nanghihinang napasunod naman si GB sa mag-ina niya para ihatid ang mga ito kahit hanggang sa sasakyan lang. “Dada? Aren't you coming with us?.” Malungkot na tanong naman ni Jace kay GB na napatigil sa paghakbang. Akay-akay din siya ni Jasmine at nasa harap na sila ng kotse. Napatingin naman si GB kay Jasmine at nakitang napayuko ito ng konti. Ramdam niyang ayaw naman siya nitong pasamahin kahit magpumilit siya. “Hey.” Lumapit si GB kay Jace at pumantay ng mukha dito. “I can't. Masyadong busy si dada eh. Marami pa akong kailangang tapusin. Promise, next time sasama na ako.” Pilit ang ngiting saad nalang ni GB at hinalikan sa noo si Jace. Malungkot na tumango naman si Jace at napayuko. Tumayo na din si GB at ngumiti ng konti kay Jasmine bago nagpaalam. At pagkasakay ng dalawa sa kotse ay napahabol nalang dito ng tingin si GB. Nakita naman ni Cecilia ang malungkot na mukha ni GB. Maging siya kasi ay ramdam ding tila iniiwasan ni Jasmine si GB kaya naaawa siya dito. May ideya din siya kung bakit nanlalamig ang alaga niya kay GB pero wala naman siyang karapatang mangialam. Pag-akyat ni GB sa kwarto ay pabagsak siyang humiga sa gitna ng kama. Tinakpan niya ng kanyang kanang braso ang kanyang mga mata at malalim na napabuntong hininga. Nasasaktan siya sa nangyayari sa kanila ni Jasmine. Sumasagi din sa isip niyang baka nagtataksil ang asawa niya pero hindi niya ito ini-entertain. Dahil alam niya sa sarili niya na kahit may nagugustuhan ng iba si Jasmine ay wala siyang karapatan dahil wala namang SILA. Pagdating nina Jasmine at Jace sa bahay ng parents niya ay agad silang sinalubong ng mommy niya. Agad ding nagpaalam si Jasmine sa mommy niya na may imemeet siyang malaking kliyente kaya maiiwan niya muna si Jace. Nagtataka na si Elena dahil sa pagiging madalas na ginagawa ng anak niya pero pumayag nalang siya dahil para naman ito sa negosyo nito. Agad na pumunta sa kanyang flower shop si Jasmine at doon ay nagbihis at nag-ayos. Sarado na ang shop niya pero bilang may-ari ay may susi siya dito kaya anytime ay pwede siyang pumasok. “Hey? Kanina ka pa ba dito?.” Nakangiting tanong ng kadadating lang na si Grey sa flower shop. Hindi niya man maintindihan kung bakit dito laging nakikipagkita sa kanya si Jasmine ay hinayaan niya nalang ito. Ang mahalaga sa kanya ay nagkikita at nagdidate sila. “Nope. Kadadating ko lang din, actually.” Ngiting pagsisinungaling naman ni Jasmine. Hinalikan din siya ni Grey sa pisngi na siyang tinanggap niya naman. Hanggang sa gumayak na nga silang dalawa paalis. Nasa isang mamahaling restaurant na sina Grey at Jasmine sa ikailang ulit nilang date. Silang dalawa lang ang naroon dahil nirentahan ito ni Grey for the whole night para lang kay Jasmine. Kumakain sila habang masayang nagkikwentuhan. Sobrang ganda ni Jasmine na bumagay naman sa kasama niyang sobrang gwapo din na si Grey. Agad na lumapit ang violinista ng senyasan ito ni Grey na magpatugtog. “May I have this dance?.” Nakangiting abot na ni Grey sa kanang kamay niya kay Jasmine pagkatapos magpunas ng bibig gamit ang tissue. Nakangiting inabot naman ni Jasmine ang kamay niya dito. Nilagay ni Grey ang dalawa niyang kamay sa bewang ni Jasmine habang ang mga kamay nito ay nasa balikat niya. Sumayaw sila sa saliw ng malambing na tugtog habang nakatitig sa mata ng isa't-isa. Parang nahihypnotismo pa si Jasmine dahil sa ganda ng mga mata ni Grey. Parang ang peaceful ng pakiramdam niya habang nakatitig dito. Alam niyang mali ang ginagawa niya pero hindi niya mapigilan ang sarili niya. Parang magnet si Grey dahil nahihila siya nito palapit. “You're so beautiful tonight, Jasmine.” Malambing pang puri ni Grey kay Jasmine. “And you're not bad yourself.” Ngiting saad naman ni Jasmine. Patuloy lang sila sa mabagal na indak ng kanilang katawan habang nag-uusap. “I have a surprise. I've been waiting for this day to give it back. The reason why I can still remember your face and why I can't forget you. Aside from my feelings itself, of course.” Ngiting saad ni Grey na tumigil sa pag galaw at may dinukot sa bulsa ng suot niyang slacks. Takang naghintay naman si Jasmine kung anong tinutukoy nito. Pero nakaramdam naman siya ng excitement nang makitang ang laki ng ngiti nito sa kanya. “It's because of this.” Nakangiting pakita na ni Grey kay Jasmine sa isang kwentas. Napanganga naman si Jasmine nang marealize niyang kwentas niya ito. Hindi niya namalayang nawala ito dahil na rin sa pamomroblema niya tungkol sa pagkabuntis niya nung una nilang pagkikita. “T-This is mine.” Gulat pang saad ni Jasmine at hinimas ang heart shape na pendant ng abutin na ni Grey ang kwentas. Binuksan niya ang heart at nakita ang larawan niya sa loob nito. Muling kinuha naman ni Grey ang kwentas at sinara. Pinatalikod niya din si Jasmine at isinuot ang kwentas dito. Napangiti pa si Grey nang makitang nakabalik na din sa kanyang owner ang kwentas nang muling humarap si Jasmine sa kanya. Hindi din mapigilan ni Jasmine ang paghawak sa pendant ng kwentas niya. “Jasmine, I know I'm maybe fast. But I've wasted almost four years already. The day we met, I already liked you. I have this special feelings for you and it was proven when I had no one in mind but you, for the past years. Please, let me court you and give me an opportunity to show you how serious I am.” Malambing pang saad ni Grey na wari'y tinititigan ang kaibuturan ni Jasmine. Hinawakan niya din ang dalawang kamay ni Jasmine para iparamdam dito ang pagkaseryoso niya. Para namang hinaplos ang puso ni Jasmine dahil sa narinig niya. Gusto niyang sumigaw sa tuwa pero pinigilan niya at baka maisip pa ni Grey na baliw siya. Kinikilig siya kaya hindi niya napigilan ang sarili niyang mapangiti ng ubod ng tamis. “May I have the honor to court you?.” Gentleman pang tanong ni Grey. “Hmmm-hmmm..” Tangong sagot naman ni Jasmine na hindi maalis-alis ang ngiti. Sa pagkakataong ito ay hindi na niya alam kung paano pipigilan ang damdamin niya. Unti-unti na din kasi siyang nahuhulog kay Grey. “YEEESSS!!! WOHOOHH!!.” Sa sobrang saya ni Grey ay binuhat niya si Jasmine at pinaikot. Hindi niya mapigilan ang sayang nararamdaman niya dahil sa pagpayag ni Jasmine. Natatawa naman si Jasmine dahil sa ginagawa niya. Dahan-dahan niyang binaba si Jasmine hanggang sa magpantay ang ulo nila. At habang magkatitig at nakangiti ay unti-unting naglapat ang mga labi nila. Pero laking pagtataka ni Grey nang bahagya siyang itulak ni Jasmine sa may dibdib at nakita niyang nakakunot ang noo nito at may malalim na iniisip. Humingi pa siya ng paumanhin nang maalala niyang manliligaw palang pala siya at wala pang sila kaya wala pa siyang karapatang halikan ito. ----- Kinabukasan, nakapangalumbaba si GB sa opisina niya nang biglang sumulpot ang mga kaibigan niyang sina Ian at Saivan. Oo, matapos ang halos apat na taon na pagiging MIA ay sa wakas, nagpakita na sa kanila si Saivan. Napansin pa nilang ang saya-saya nito habang nagkikwento tungkol sa masalimuot nitong karanasan na siyang kinataka nila. Naisip nilang nababaliw na ang kaibigan nila dahil hindi nito mapigilan ang saya kahit nakakaiyak ang kwento nito. Yun pala ay dahil may babae ng nagpapasaya dito. “Yow broh? Bakit para kang pinagbagsakan ng langit at lupa diyan?.” Takang tanong pa ni Ian kay GB. Naupo siya sa harap ni GB habang nakatayo lang si Saivan. “I don't know mga broh. Something's different from my wife. Halos lagi na siyang natutulog dun sa bahay nila at ang lamig-lamig na niya sakin.” Nahihirapang saad ni GB sa mga kaibigan niya. “What's her name again?.” Tanong naman ni Saivan pero wala sa mga kaibigan niya ang kanyang buong atensyon kundi nasa cellphone dahil katext niya ang kanyang mahal at napapangiti pa siya. “Jasmine broh.”Mahinang sagot naman ni GB. “Oh, okay.” Sagot lang ni Saivan na abala pa din sa pagtetext. Napailing nalang din sina GB at Ian sa nakikitang mukha ni Saivan. “Baka naman may iba na?.” Tanong pa ni Ian. Natigilan naman si GB dahil dito. “Broh, that might be possible.” Gatong naman ni Saivan na lalong nagpa-stress kay GB. Binulsa niya na din ang phone niya pagkatapos magpaalam ng mahal niya na busy na ito sa trabaho. “Aaaaarrrrrgggghhhh!!! I hope not mga broh! I already love her! Haizt!.” Frustrated pang saad ni GB. “Funny how things work, eh? Here you are worrying about your lovelife while me? I already found my destiny. The woman I'm going to marry soon.” Masayang saad naman ni Saivan. Hindi niya mapigilang mapangiti sa tuwing naaalala niya ang mukha ng babaeng matagal niya ng minamahal. “Stop it, broh! Kita mo ng may nasasaktan dito eh. Masyado ka pang nagiging girly sa mukha mo!.” Pagrereklamo naman ni GB. Nag-peace sign nalang din si Saivan pero hindi pa rin maalis-alis ang ngiti niya sa labi. “Hey, you've been throwing us your story yet hindi mo pa pinapakilala samin o kahit manlang pangalan niya ay hindi mo pa sinasabi. Tsk.” Reklamong saad naman ni Ian. “You'll gonna meet her, tonight. Let's meet around eight at our usual bar.” Nakangiting saad naman ni Saivan. Napapayag niya kasi ang mahal niyang lumabas ulit. At plano niya itong dalhin sa bar para maipakilala sa mga kaibigan niya. “I'm in.” Ngiting sagot naman ni Ian. Napatingin din silang dalawa kay GB nang hindi ito sumagot. Naglakad nalang din si Saivan palapit sa may likuran ni GB. “And yeah, I won't take NO for an answer, okay? Take this chance to enjoy broh. Loosen up a bit tutal nandun naman yung asawa mo sa bahay nila di ba? Come on, I want to introduce the wowan of my life.” Pangungumbinsi pa ni Saivan kay GB. Napabuntong hininga naman muna si GB bago tumango bilang sagot. Naisip niyang sumama nalang at mag-enjoy para mabawasan ng kahit konti ang stress na nararamdaman niya. ----- Habang inaayos ng isang Nurse ang dextrose ng lalaking naka-coma ay napapatingin siya sa mukha nito. Hindi niya maiwasang mapailing at manghinayang dahil halos apat na taon na itong nakaratay sa kanilang hospital bed. Naisip niyang sayang ang kagwapuhan nito dahil hindi pa rin ito nagigising. “Hmm..mmm..gghh..” Pero nagitla ang nurse ng makarinig ng mahinang ungol mula sa pasyente. Napapapikit na nilapit niya ang tenga niya sa mukha nito para masigurong tama ang narinig niya. “Hmmgg..” Mahinang ungol pa ng pasyente. Nang ma-confirm ng nurse na mula dito ang tunog ay nanlaki ang mga mata niya sa gulat. “P-Paging paging D-Doc Salazar! Doc! G-Gising na po ang pasyente sa private room 205.” Kinakabahan at taranta pang tawag ng nurse sa intercom na nasa loob lang din ng kwarto. Nagulat pa ang nurse nang bigla siyang hawakan ng pasyente sa kamay. “A-A-A-h-l-l-l-lggg.” Hirap na saad pa ng pasyente na bahagyang napadilat na din ng mata. At dahil hindi ito makapagsalita ng maayos ay hindi ito maintindihan ng nurse. “Wag ka na muna masyadong gumalaw at magsalita. Parating na si Doc. Salazar.” Saad nalang ng natatarantang nurse. At makalipas nga ang ilan pang minuto ay dumating na din ang doctor na si Doc. Salazar na siyang may hawak sa pasyente. Agad niyang nilapitan ang pasyente habang iniinform siya ng nurse tungkol sa nangyari. “Mr. Sanchez, ako si Doc. Salazar, ako ang Doctor mo. Naririnig mo ba ako? Igalaw mo ang hintuturo mo kung oo.” Saad pa ni Doc. Salazar na napapalipat ng tingin sa mukha at kamay ng pasyente. “Mr. Sanchez? Naririnig mo ba ako? Igalaw mo ang hintuturo mo kung oo.” Ulit pa ng ni Doc. Salazar sa tanong niya nang hindi gumalaw ang kamay ng pasyente. Matamang tinitigan ni Doc. Salazar ang kamay ng pasyente at matiyagang naghintay. Pero napabuntong hininga nalang siya nang hindi pa rin gumagalaw ang daliri ng pasyente. Muli niya ding tiningnan ang mukha ng pasyente. “D-Doc! G-Gumagalaw na yung h-hintuturo niya!.” Gulat na saad naman ng nakatinging nurse kaya muling napatingin si Doc. Salazar sa kamay ng pasyente. Nang makita ni Doc. Salazar na gumagalaw nga ang daliri ng pasyente ay napangiti siya. Muli niya ding tinanong ang pasyente kung may nakikita ba ito at laking tuwa niya ng malamang merun nga. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang mahinang pag-iling nito ng tanungin niya ito kung naaalala ba nito ang pangalan nito. Agad na tinawagan din ng hospital ang guardian ng pasyenteng na-coma for almost four years para mainform itong gising na ang pasyente. At nang marinig ang magandang balita na ito ay agad ding napasugod sa hospital ang isang may katandaan ng lalaki. “The patient's responding but he's still weak. He must undergo physical therapy para mapabilis ang pag-galing niya. For someone who had been in a coma for years, I'm pretty sure you know how hard it is for them to easily recover. And.. due to the damaged on his brain. He doesn't remember his name, his family background or anything, which means he has an amnesia.” Saad ni Doc. Salazar sa guardian ng pasyente. Kunwari'y nagulat at nalungkot pa ang guardian pero deep inside ay good news para sa kanya na nagka-amnesia ito. “Thank you, Doc. I'll keep that in mind.” Sagot naman ng guardian na naglulungkot-lungkutan. Nang magpaalam ang doctor ay naiwang mag-isa ang guardian kasama ang pasyente. Nakangiting lumapit siya sa pasyente at nilapit ang bibig niya sa may tenga nito. “Welcome back.” Mahinang bulong pa ng guardian at ang ngiti niya ay biglang naging ngisi. Napatayo siya ng tuwid at napacross arms habang pinagmamasdang mabuti ang pasyente. Naisip niyang natagalan man ang pag gising nito ay sisiguraduhin niyang magiging useful naman ito sa kanya. ----- Pagkauwi ni GB ay malungkot na pumasok siya ng kwarto. Dalawang araw na hindi uuwi ang mag-ina niya at namimiss na niya ang mga ito. Bukas pa kasi sila babalik. Hindi na kumain si GB at pagsapit ng alas-otso ay nagpaalam nalang siya kay Cecilia na lalabas siya. Wala namang nagawa si Cecilia kundi ang tumango. Pagdating ni GB sa bar na napag-usapan nilang magkakaibigan ay si Ian palang ang nandun. Nagbro-hug sila at naupo sa kanilang usual spot. “I thought they're already here.” Saad ni GB pagkaupo. “Yeah, I thought too. Here.” Saad naman ni Ian sabay abot ng alak kay GB. “I'm not gonna drink broh. Bukod sa hindi ako kumain ay alam niyo namang ayokong ginagalit si misis. I just came here to meet our broh Saivan's girlfriend.” Saad naman ni GB na tinanggihan ang alak. Nakakailang shots na si Ian habang juice lang naman ang kay GB. Napapaindak na din ang mga paa ni Ian habang nag-uusap sila tungkol sa kung ano-ano lang. Medyo madilim ang paligid kaya nahihirapan silang kilalanin ang mga taong dumadaan. Maging si Saivan na papalapit na pala sa kanila habang hawak sa kamay ang isang babae ay hindi nila namukhaan. “Hey mga broh. Sorry kung natagalan kami.” Biglang sulpot na ni Saivan at nakipag-bro hug kina GB at Ian na binitawan muna ang kamay ng kasama niyang babae. “You, of all people, should know that I hate waiting.” Kunwari'y inis namang saad ni GB na siyang kinatawa nila. Pero ang babaeng nasa likod ni Saivan ay parang natuklaw ng ahas ng makarinig ng pamilyar na boses. “Anyway, where's the woman of your life broh?.” Nakangiting tanong na ni Ian. “Oh! Yeah yeah, sorry I forgot. Haha.” Saad naman ni Saivan at muling napalingon sa likod niya. Natakpan niya kasi ang kasama niyang babae at dahil madilim ay hindi nila agad ito namukhaan. Muli niyang hinawakan sa kamay ang kasama niyang babae at hinarap sa mga kaibigan niya. Nang makita ni GB kung sino ang babaeng kasama ni Saivan ay unti-unting nawala ang ngiti niya sa labi. Maging si Ian ay nanlaki ang mga mata sa gulat at napalunok ng laway. “Mga broh, this is Jasmine.” Nakangiting saad pa ni Saivan. “And Jasmine, these are my friends, GB and Ian.” Pagpapakilalang saad pa ni Saivan na ngiting-ngiti. Nang magtama ang mga mata nina GB at Jasmine ay hindi sila nakagalaw. Pareho silang nagulat ng makita ang isa't-isa. Oo, ang Jasmine na pinakilala ni Saivan ay walang iba kundi ang Jasmine na misis ni GB. Napansin naman ni Saivan ang kakaibang tingin na pinupukol ni GB kay Jasmine. “Broh? W-What's wrong? You guys.. knew each other?.” Takang tanong na ni Saivan kay GB dahilan para matauhan sina GB at Jasmine. “A-Ah.. we're just mesmerized.. by her beauty broh. W-We didn't know you had a good eyes for woman.” Si Ian na din ang sumagot sa tanong ni Saivan at pilit na ngumiti. Pasimply niya ding siniko si GB nang makitang panay ang titig nito kay Jasmine. Thankful at proud na napangiti naman si Saivan sa sinabi ni Ian at humawak sa bewang ni Jasmine. “S-She's your.. girlfriend?.” Hindi alam ni GB kung saan niya nahanap ang boses niya. Napatingin din siya sa kamay ni Saivan na nakapaikot sa likod ng bewang ni Jasmine at napakunot noo. “Yes, broh. She's Jasmine. She's the woman I've been talking to you guys about. She's the woman who captured my heart the moment I laid my eyes on her, almost four years ago. And yeah, I've already asked her a chance and she said yes. Don't worry, she may have a son but she's single.” Nakangiting saad pa ni Saivan sa harap ng mga kaibigan niya at napatitig kay Jasmine. Hindi naman nakasagot si GB na patagong napapikit ng mariin. Gusto niyang magwala dahil sa kanyang narinig. Hindi siya makapaniwalang ang Jasmine niya ang tinutukoy ni Saivan na babaeng gabi-gabi nitong dinidate at nagpapasaya dito. “A-Ah hi. Nice to finally meet you.” Si Ian na din ang muling bumasag sa katahimikan at nakipagkamay kay Jasmine na siyang tinanggap naman nito. Samantalang gusto namang tumakbo ni Jasmine paalis dahil sa kanyang kahihiyan. “Sit down.” Matabang na saad naman ni GB at hindi manlang nakipagkamay kay Jasmine. Binalewala nalang din ito ni Saivan dahil alam niyang bad mood pa rin ang kaibigan niya dahil sa asawa nito. Umupo na din silang lahat. Magkatabi sina Jasmine at Saivan habang kaharap naman nila sina GB at Ian. Dahil sa tensiyon na nararamdaman ni Ian ay napapainom siya ng alak. Nakangiting inaalalayan naman ni Saivan si Jasmine dahil nasabi nito sa kanyang hindi ito sanay sa mga ganung lugar. Nag-order din siya ng juice para sa kanilang dalawa ni Jasmine dahil nangako siyang hindi siya iinom ng alak. “Bawal din muna ako sa alak. Magagalit itong mahal ko eh.” Nakangiting paliwanag ni Saivan dahil alam niyang nagtataka ang mga kaibigan niya kung bakit juice ang inorder niya. Namumula naman ang mukha ni Jasmine at hindi siya mapakali. Nakikita niya kasi kung paano matigilan si GB sa tuwing nagpapaka-sweet si Saivan sa kanya. Naalala niya din ang sinabi ng bes niyang si Beverly na walang bahong hindi nabubunyag at ito na nga ang araw na nabunyag ang baho niya. Sobra siyang kinakabahan dahil nabuko na ni GB ang ginawa niya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Maya't-maya din siyang tinatanong ni Saivan kung okay lang ba siya na hinahaplos pa ang braso niya kaya napapatango nalang siya at napapatingin kay GB na napapatingin din sa kanya. Sobrang tense siya na tila gusto niya nalang umiyak. “You really changed eh broh? Haha hanggang juice ka nalang. Takot mo kasing mapagalitan ka ng misis mo eh. But yeah, now I know what it feels broh. Ayaw din akong painumin nitong mahal ko eh.” Ngiting pansin ni Saivan sa basong nasa harap ni GB na juice ang laman. At dahil sa narinig ay napatingin naman si Jasmine kay GB na malamig naman ang tingin sa kanya. Hindi niya kinaya ang titig nito kaya umiwas nalang siya ng tingin. Dun niya lang din nalaman na hindi na pala umiinom si GB dahil sa kanya. Gusto niyang matuwa pero wala siya sa magandang sitwasyon. “Juice? Nah.. nauhaw lang ako niyan kanina.” Saad pa ni GB na sarcastic na napangiti at nag-order ng dalawang case ng beer. “Broh? Akala ko ba hindi ka iinom? Hindi ka pa kumain, remember?.” Nag-aalalang tanong naman ni Ian though alam niya kung bakit gustong maglasing ng kaibigan niya. Narinig naman ito ni Jasmine kaya nag-alala din siya para kay GB. “Let's just enjoy. No one's stopping me.” Parinig pang saad ni GB kay Jasmine kaya napakagat labi nalang din ito. Hanggang sa hindi na nga napigilan ni Ian si GB na sunod-sunod na ang pagtungga ng alak. Napapailing naman si Saivan dahil sa pagtataka sa ginagawa ng kaibigan niya. Gusto namang pigilan ni Jasmine si GB pero hindi pwede dahil magtataka si Saivan na nagpakilalang Grey sa kanya. Lingid kasi sa kaalaman niya, ang totoo pala nitong pangalan ay Saivan Grey. At nung sabihin din ni GB na Jasmine ang pangalan ng asawa niya ay Jas lang ang narinig ni Saivan dahil katext niya si Jasmine nung time na yun. Dahil sa sakit na nararamdaman ni GB ay gusto niya nalang maging manhid. Pinilit niyang lugmukin ang sarili niya sa alak. Hanggang sa hindi na siya makagalaw. Para pang baliw si GB na sa sobrang kalasingan ay pinupukpok ang dibdib niya at nagsasalita na ng kung ano-ano. Parang tinusok kasi ng libo-libong karayom ang puso niya dahil ang Jasmine na mahal niya ay palihim na nakikipag-date na pala sa kaibigan niya. Gusto niyang magising sa tila isang bangungot na iyon. ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD