"UNEXPECTED BEAT"
EPISODE 14. (THREE YEARS LATER)
Mabilis na lumipas ang tatlong taon. At habang palaki ng palaki ay pakulit ng pakulit na din si Jace. Nung mga unang buwan palang kasi nito ay halos kada-madaling araw itong nagigising at walang humpay na umiiyak. At sa hindi malamang dahilan, sa tuwing sinusumpong ito ng madaling araw ay hindi ito mapatahan ni Jasmine. Kaya ang ending ay si GB ang gising at muling nagpapatulog dito. Ito din ang laging puyat at pagod.
Sobrang saya ng mag-asawa dahil nasaksihan nila kung paano natutong maglakad sa sarili niyang mga paa si Jace. Narinig nila ang unang salitang binitawan nito. Makikita din ang pagiging malusog at matangkad ni Jace na siyang kinaproud ng mag-asawa. Masyado ding na-spoil kay GB ang bata pero takot naman ito pagdating kay Jasmine. Every sunday ay family bonding din nilang tatlo at hindi pumapalya ang mag-asawa dito. Ito din ang dahilan kaya mas naging malapit silang tatlo.
Surprisingly, naging maayos na din ang relasyon ng mga Eco at Santos maliban sa tatlong magkakapatid na galit pa rin kay GB. Pinaparamdam pa din ng tatlo na hindi nila gusto si GB para kay Jasmine.
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday happy birthday. Happy birthday to you!." Sabay-sabay na kanta ng mga tao habang naka-flash sa malaking screen ang mga nakangiting picture ni Jace.
Ikatlong taon na ni Jace at gaya ng pag-celebrate ng mga nauna niyang birthday ay magara din ang naging pagdidiwang para sa pagtatatlong taon niya. Madaming bisita, kanilang kamag-anak, mga kaibigan at mga katrabaho. Sa garden ng bahay nila ito ginanap kaya malawak ang espasyo. Nagpa-catering lang din sila. Puno din ng desinyo ng iba't-ibang anime ang paligid dahil mahilig sa anime ang anak nila. May mga clowns din silang inarkilahan na siyang nagpapasaya sa mga bata.
"Make a wish before you blow your candle." Nakangiting saad na ni GB sa tila nahihiyang si Jace. Karga-karga niya ito dahil sobrang laki ng cake nito. Katabi niya din ang nakangiting si Jasmine.
"Come on, don't be shy. Haha." Natatawang saad naman ni Jasmine. Maging si GB ay napapatawa din.
Hanggang sa nahihiyang hinipan na din ni Jace ang cake. Nagpalakpakan naman ang mga tao na may ngiti din sa kani-kanilang labi.
"Yeehheeeyyy!! Happy birthday baby boy!." Masayang sigaw pa ni GB at hinarap na si Jace sa pamilya at mga panauhin nila.
Sa loob ng tatlong taon ay hinayaan din ng dalawang pamilya ang kung anuman ang namamagitan kina GB at Jasmine. Hindi sa tinutolerate nila ito, kundi dahil nakita nila kung paano palakihin ng dalawa ang kanilang anak ng maayos. Hindi nila nakitaan ng pagkukulang ang dalawa pagdating sa anak nila at nagpapasalamat pa sila dahil dito. Lumaking mabait at magalang kasi si Jace. At hindi na din umasa sina Gerard na makikita pa si Gill kaya pinatigil na nila ang paghahanap dito.
"You're a big boy now." Saad pa ni Jasmine at binaba na din ni GB si Jace. Nagsilapitan na din ang kanilang pamilya at nagpapalit-palit sa pagkarga at pagpisil sa pisngi ni Jace. Hinayaan naman nina GB at Jasmine si Jace sa pamilya nila para makapag-enjoy ito sa pagbubukas ng kanyang mga regalo. Nag-umpisa na din ang kainan at inuman.
Naging abala si Jasmine sa kanyang pamilya at mga kaibigan, ganun din naman si GB. Naglakad sina GB at Ian sa pool kung saan walang tao habang may bitbit na baso na may lamang wine.
"May balita ka na ba kay Saivan broh?." Umpisa na ni GB nang usapan.
"Wala pa rin eh. Mag-aapat na taon na pero ni "hi o ho" wala manlang akong natanggap mula sa kanya. Ano na kayang nangyayari dun? Haaayyy.." Malungkot na sagot naman ni Ian.
Nung umalis kasi si Saivan bago ang kasal ni GB ay hindi na ito muli pang nagparamdam sa kanilang dalawa. Nabalitaan nalang nila na na-bankrupt ang kompanya ng pamilya nito kaya muli silang nag-umpisa sa wala. At dahil si Saivan ang tao na ayaw na ayaw na ipakitang may problema ito ay pinili nitong putulin ang connection nila imbes na humingi ng tulong.
"He'll come around. He will." Determinadong saad nalang ni GB na siyang tinanguan din ni Ian.
"HAHAHAHAHAHA." Napalingon sina GB at Ian sa likod nang marinig ang malakas na tawa ni Jace. Tuwang-tuwa ito habang nanunuod sa show ng mga clown kasama ang mommy niyang si Jasmine. Napangiti naman si GB dahil dito.
"I can see how happy you are, broh. Congrats for having a great family and a hot wife. Mabuti nalang at napana ka ni Kupido. Hahaha." Pilyong saad ni Ian at napatawa. Buhat kasi nung bumalik ng Maynila si GB ay hindi na ito sumasama sa bar. Naging good husband ito, kumbaga.
"Haha what can I do? I couldn't resist her charm. Damn! haha." Natatawang saad naman ni GB.
"Bad thing is, hindi ka pa nakaka first base sa kanya. Haha mukhang mahina ka na yata ah? Hindi na ba gumagana ang karisma mo? Haha." Pang-aalaska naman ni Ian.
"Nah.. I can bear that. I'm willing to wait broh. Darating din kami diyan. What important now is we're happy." Saad naman ni GB at napatingin kay Jasmine at Jace.
"I couldn't imagine you agreed to it broh. Relationship status, super complicated. Bakit hindi niyo pa kasi i-commit ang sarili niyo sa isa't-isa broh? Ang tagal niyo ng nagsasama ah?." Saad at tanong pa ni Ian.
"I'm just waiting for her broh. Alam mo namang mahal ko na siya eh. Pero siya, I don't know. She's not yet ready. I don't know what's holding her back." Malungkot na saad naman ni GB.
"What if.. she's also waiting for you broh?." Saad naman ni Ian at natigilan si GB.
"Tsk. Damn. But seriouskay broh, that's suicide. Tatlong taon na kayo pero komplikado pa rin ang relasyon niyo. Pareho kayong baliw. Tsk. I just hope hindi ka maunahan ng iba." Iiling-iling pang saad ni Ian.
Hindi naman nakasagot si GB na napaisip din sa sinabi ng kaibigan niya. Napabuntong hininga nalang siya at napadasal na sana hindi mangyaring maunahan siya. Natatakot pa rin kasi siyang umamin eh. Mabuti nalang at merun silang Jace, kung hindi ay matagal na siya nitong iniwan dahil sa bagal niya.
Pagkatapos ng masayang celebrasyon ng birthday ni Jace ay nagpasya na ding magpahinga sina GB at Jasmine. Nagpaalam na din ang kanilang mga bisita at pamilya kaya binuhat na niya ang tulog na si Jace papasok sa kwarto nito. May sarili na kasi itong kwarto. Nang mailagay niya ito sa kama nito at makumutan ay lumabas na din siya at pumasok sa kwarto nila ni Jasmine.
"Hey? Tired, hmmm?." Malambing na bulong ni GB at yumakap kay Jasmine mula sa likod nito. Nakita niya kasi itong nakaharap sa salamin habang nagsusuklay.
"Hmmmm-Hmmmm.. Pero alam kong mas pagod ka." Nakangiting tango naman ni Jasmine at dahan-dahang humarap kay GB at pinaikot ang kamay niya sa batok nito. Nasa bewang niya na din ang mga kamay ni GB.
Oo, normal na sa kanila ang maging ganun. Nagpapakita sila ng sobrang kasweetan at natural na sa kanila ang magyakapan o magdikit ang katawan.
"Yeah. But I just need a vitamin. A kiss vitamin." Pilyong saad naman ni GB na siyang kinatawa ni Jasmine ng mahina.
Hanggang sa dahan-dahan na ngang maglapit ang mukha nilang dalawa. Marahan ang naging halikan nila at napapangiti pa sila in between their kiss. Nag-umpisa sa mabagal hanggang sa bumilis at lumalim ang halikan nila. At bago paman nila makalimutan ang kanilang ginagawa ay tumigil na sila. Hanggang halikan palang ang nangyayari sa kanila dahil bukod sa hindi pa handa si Jasmine ay hindi pa sila nagkakaaminan.
-----
Pagkatapos pa ng ilang araw ay mas naging abala si GB sa trabaho niya. Minsan ay late na siya nakakauwi dahil sa pag-oover time. Pero naintindihan naman ito ni Jasmine dahil maging siya ay naging abala na din sa flower shop niya na mas lumago pa. Minsan ay sinasama niya sa flower shop si Jace. Minsan naman ay iniiwan niya ito sa mommy niya o di kaya'y sa biyanan niya kapag gusto ng mga itong makita ang apo nila.
"Hon? Hon?." Panggigising ni Jasmine kay GB na nakataob sa kanilang kama. Alam niyang puyat na naman ito dahil sa kanilang anak.
"Hon, gising na. You'll be late on your work." Patuloy pang panggigising ni Jasmine kay GB.
"Hmmmmmm.. Honnn, five minutes." Sa halip ay saad lang ng inaantok pang si GB.
Napabuntong hininga naman si Jasmine at hinayaan nalang munang matulog pa ng five minutes si GB gaya ng pakiusap nito. Pero pagkatapos ng five minutes ay muli na namang nakiusap ng five minutes si GB. Unti-unti ng nakakaramdam ng inis si Jasmine dahil dito. At sa pangatlo niyang panggigising kay GB ay muli na naman itong nakiusap ng five minutes.
"GB, isa! Wag mong ubusin ang pasensya ko! Babangon ka ba diyan o hihilain ko yang paa mo?!." Yamot at medyo pasigaw ng saad Jasmine.
Naalimpungatan naman si GB dahil dito at biglang napaupo dahil sa takot. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama sa bago nilang bahay ay nakita na niya ang pagiging amazona ng asawa niya kaya ayaw na ayaw niya itong nagagalit.
"Maligo ka na!." Sungit pang utos ni Jasmine.
Napatango-tango naman si GB na pilit dinidilat ang mga mata niya sa takot na baka mapagalitan pa siya ni Jasmine. Nagmadali na din siyang tumayo at pumasok ng CR. Napailing nalang tuloy si Jasmine dahil dito. Kung dati, tigasin si GB. Ngayong asawa na niya si Jasmine ay para na siyang maamong tupa. Binago siya nito sa madaling panahon.
"Hon, baka late na ako makauwi mamaya ah? Masyadong busy sa kompanya eh." Saad ni GB kay Jasmine pagkatapos mag-breakfast. Nagmamadali na siya kaya hindi na siya nakapag-almusal ng maayos.
"Mag-iingat ka. Pupunta din kami mamaya nitong baby boy natin sa flower shop ah?." Saad naman ni Jasmine. Tumango naman si GB at humalik na sa pisngi ng mag-ina niya bago tuluyang umalis.
Pagdating ni GB sa opisina niya ay nakita niya si Helen na nasa labas ng opisina niya. Ito na kasi ang permanent secretary niya dahil si Bryan ay naging kaagapay na ni Atty. Velasco sa pagha-handle ng Chen's Enterprises na ginawa na palang 3A's.
"Sir, late na po kayo ng ten minutes sa meeting niyo with Ms. Palop and Ms. Salino. Nandun na po sila sa conference room." Salubong at saad ni Helen kay GB.
"Oh shoot, I forgot!." Napatampal sa noo niya si GB nang marinig ang sinabi ni Helen. Binigay din sa kanya ni Helen ang mga documents na kakailanganin niya para sa meeting.
Nagmamadaling pumunta ng conference room si GB kasama ang secretary niya. Pagpasok nila sa conference room ay ang naiinip na mukha ng dalawang babaeng ang bumungad sa kanila. Mga dalaga pa ang mga ito. Bigla namang lumambot ang mukha ng dalawang babae pagkakita kay GB.
"I'm sorry for being late, Ms. Palop and Ms. Salino. I'm GB Santos." Hinging paumanhin pa ni GB sa dalawa at nakipagkamay sa mga ito.
"Oh it's okay. I'm more than willing to wait for hours for you." Saad ni Ms. Palop na may malaking ngiti na sa mga labi.
"I could wait for days if you want." May landing saad naman ni Ms. Salino.
Nagtaka naman si GB sa inasal ng dalawa. Ang sabi kasi ng secretary niyang si Helen ay sobrang naiinis na daw ang dalawa pero kabaliktaran ito sa inaasahan niya. Pasimpleng napasimangot naman si Helen nang makita ang malalanding ngiti ng dalawang babae kay GB.
"Oh okay. So, let's start." Ngiting saad nalang ni GB at pumunta na sa may unahan ng dalawa, sa harap ng monitor.
Mga kliyente ang dalawang babae kaya kailangang galingan ni GB ang pagbi-build up sa kompanya nila. Pero all throughout ng pagpopoint out niya ng mga advantages sa kanilang kompanya at pagpapakita ng mga imahe ng mga malalaking desinyo ng bahay ay panay lang ang ngiti ng dalawang babae at tila hindi nakikinig na nakatitig lang sa kanya.
Pagkatapos ng meeting ni GB sa dalawang babae ay para siyang na'stress. Masyadong hyper ang dalawa at parang mga batang nag-aagawan ng lolipop. Napansin niya ding hindi ganun ka-intresado ang dalawa sa bahay na kanilang ipapatayo. Napabuntong hininga nalang din tuloy siya dahil dito.
Gaya ng sinabi ni Jasmine kay GB ay pumunta nga siya sa kanyang flower shop. Pero hindi niya kasama si Jace dahil nasa mommy niya ito. Tumawag kasi ito nung nagmamaneho na siya kaya dinaan niya nalang ito sa kanila. Naiwan naman sa bahay nila si Cecilia.
"Jasmine, ikaw pala." Ngiting lapit ni Marielle kay Jasmine. Matanda ito sa kanya ng isang taon. Nang makita naman ng mga empleyado si Jasmine ay nakangiti silang bumati sa kanya. Tumango naman siya at bumati din. Marami na din kasing empleyado sa flower shop niya. At si Marielle pa din ang bukod tanging pinagkakatiwalaan niya dito.
"Marielle, hindi mo kailangang kabahan sa tuwing nandito ako okay? Gusto ko lang namang makita ang shop eh. At tumulong na din kung anuman ang pwede kong maitulong dito." Ngiting saad ni Jasmine kay Marielle dahil nahahalata niya ang pagiging uneasy nito tuwing nalagi siya doon.
"Alam ko naman yun eh pero siyempre, ikaw pa rin ang amo ko kahit papaano. Kaya medyo kinakabahan din." Saad naman ni Marielle. Napailing nalang si Jasmine habang nakangiti bago nagpasyang pumasok sa opisina niya para makita ang kanilang sales for the past few months.
Habang nasa flower shop ay nagpasya na ding tumulong si Jasmine. Nang-entertain na din siya ng mga customer at sinasagot ang mga tanong nila.
"Hi, miss. Pwede ba ditong magpagawa ng origi---" Natigilan ang lalaki nang humarap sa kanya ang kinakausap niyang si Jasmine.
"Yes sir? Ano po ulit yung sinasabi niyo?." Takang tanong naman ni Jasmine dahil nakatulala nalang sa kanya ang lalaki.
"Miss.. Park?." Kunot noong saad pa ng lalaki na nagpakunot din ng noo ni Jasmine.
"Ano po yun sir? Hindi po ako si Ms. Park, ako po si Jasmine Eco." Saad nalang dito ni Jasmine kahit medyo nalilito pa rin.
"No, no, I mean.. you're the pregnant woman at the park, almost four years ago? It's me. Remember the man.. who brought you to the hospital when you lost conscious at the park? It was the day when you found out that you're pregnant?." Pagpapaalala pa ng lalaki kay Jasmine. Para namang hinila ang utak ni Jasmine pabalik sa memory na sinasabi ng lalaki.
"PUTI!." Biglang bulalas ni Jasmine at nanlaki ang mga mata niya ng maalala na ang lalaki. Hindi niya ito agad namukhaan dahil mas umiksi ang buhok nito at mas gumwapo.
"Puti? White?." Takang tanong naman ng lalaki.
"A-Ah.. I mean, yes naaalala na kita. So, ano na yung sadya niyo dito sir?." Saad nalang ni Jasmine dahil medyo nahiya siya nang maalala ang inasal niya nung araw na yun.
"What a small word. Anyway, I'm Grey." Sa halip ay nakangiting saad naman ng lalaki at inabot ang kamay kay Jasmine. At dahil customer ay tinanggap niya nalang din ang pakikipagkamay nito.
"Jasmine." Pagpapakilala pa ni Jasmine pero ang kinagulat niya ay tila nakaramdam siya ng kuryente ng maglapat ang mga palad nila.
"I'm glad to finally know your name. How are you? Where's your child?." Tanong pa ng lalaking nagpakilalang Grey. Hindi naman agad nakasagot si Jasmine na napatitig lang sa gwapo nitong mukha.
"I-I'm fine. And.. my son's on her grandmother." Saad nalang ni Jasmine na siyang tinango-tanguan naman ng lalaki.
"Oh. I get it. But.. do you still remember what I've told you before we parted ways on that day?." Napapakamot sa batok na saad pa ni Grey na tila nahihiya.
("Don't mind it. Sisingilin nalang kita pag nagkita tayo ulit.") Muling nagreplay sa isip ni Jasmine ang sinabi ng lalaki nang tanungin niya ito kung magkano ang kailangan niyang bayaran dito. Agad niya ding naisip na baka sisingilin na siya nito kaya tumango nalang din siya dito bilang sagot.
"I want you to pay me, today. A simple coffee date would be fine." Ngiting saad pa ng lalaki. Hindi naman ito inasahan ni Jasmine.
"I'm sorry pero may anak akong kailangan kong asikasuhin." Saad naman ni Jasmine.
"Just bring him. I want to meet him too. Okay lang ba? Wala naman sigurong.. magagalit, right?." Hoping pang tanong ng lalaki. Hoping siyang pumayag si Jasmine sa gusto niya at marinig ditong walang magagalit.
"W-Wala naman." Hindi alam ni Jasmine kung bakit ito ang nasabi niya kaya't napakagat labi nalang siya.
"Yes! So, I'll see you later? Three o'clock?." Masayang saad pa ni Grey. Tumango naman si Jasmine kaya bumili na din ng bulaklak si Grey at binigay pa ito sa kanya bago ito umalis.
Gusto mang bawiin ni Jasmine ang sinabi niya ay parang may pumipigil naman sa kanya. Kaya ang ending ay napatampal nalang siya ng noo at napadasal na sana hindi malaman ni GB ang ginawa niya.
Pauwi na din si GB galing sa trabaho. Taliwas sa kanyang sinabi kay Jasmine na gagabihin siya ay alas-tres palang ay pauwi na siya kaya dumaan muna siya sa flower shop na pagmamay-ari ng misis niya at tiningnan kung nandun ito. Nang makitang wala ito doon ay bumili nalang din siya ng bulaklak para dito.
"Tulips." Nakangiting bigkas ni GB at lumabas na ng flower shop.
(AGH!) Pero eksaktong paglabas ni GB sa flower shop ay may nabangga siya.
"I'm sorry." Hinging paumanhin agad ni GB at pinulot ang mga nahulog na prutas na hindi manlang tinitingnan ang kanyang nabangga. Pero alam niyang babae ito basi na rin sa suot nitong pulang sandal.
"Here you g---" Pero hindi na natatapos ni GB ang sinasabi niya at agad na napababa siya ng kamay nang makita kung sino ang babaeng nasa harap niya na pagkalaki-laki ng ngiti sa kanya.
"Mas lalo ka atang gumwapo, lover boy." Malanding saad pa ng babae.
"Samantha, what are you doing here?." Kunot noong tanong na dito ni GB. Ito ang babaeng naka-one night stand niya dahil sa trabaho.
"Well, I was just passing by when you bumped me." Nangingiting sagot pa ni Samantha but GB doubted it. Mukhang sinusundan ata siya nito. Dahil impossibleng magkakabanggaan sila doon.
"I have to go. Here." Saad nalang ni GB at inabot ang plastik na nilagyan niya ng mga prutas na nahulog.
Tinanggap naman ito ni Samantha pagkatapos marahang pisilin ang kamay ni GB. Mabilis na hinila naman ni GB ang kamay niya at nagmamadaling sumakay ng kotse niya saka umalis.
"Damn. She'll be trouble!." Inis pang bulong ni GB na nagmaneho na. Nakita niya pa through her side mirror ang pagkaway ni Samantha at malanding pag-ngiti nito sa kanya.
Pagkauwi ni GB ay agad siyang umakyat ng kwarto para sana isurprise si Jasmine ng hawak niyang tulips. Pero siya ang nasorpresa nang makitang wala pa ito doon maging si Jace.
"Manang? Nasaan po si Jasmine at Jace?." Takang tanong ni GB sa naghuhugas na si Cecilia nang muli siyang bumaba.
"Ay nandoon pa sila sa flower shop, Nak." Sagot naman ni Cecilia na siyang lalong kinataka ni GB.
Sigurado siyang hindi niya nakita si Jasmine sa flower shop kaya paanong nandun pa ito. Nagpasya nalang din siyang muling bumalik sa flower shop at baka nga nandun ito at umalis lang saglit. Hindi kasi siya nagtanong sa mga nagtatrabaho doon eh.
Nasa isang coffee shop na medyo malayo sa flower shop sina Jasmine at Grey. Hindi niya din sinama si Jace dahil baka magsumbong ito kay GB. Sobrang saya ni Grey dahil pinaunlakan ni Jasmine ang munti niyang pabor.
"Anong gusto mo?." Ngiting tanong ni Grey kay Jasmine habang nakatingin sa menu.
"Chocolate coffee nalang." Sagot naman ni Jasmine. Napansin din ni Jasmine na wala pa ring pagbabago sa pag-ngiti ng binata. Lalo lang itong gumwapo. Naisip niya ding babaero siguro ito.
"You were also staring at me during our first met." Ngiting saad ni Grey at inangat ang tingin kay Jasmine. Namula naman ang mukha ni Jasmine at napaiwas siya ng tingin.
"Don't be shy. I'm actually flattered knowing that someone as beautiful as you is staring at me." Ngiting saad pa ni Grey.
"May pagkabolero ka pala." Saad nalang ni Jasmine para mabawasan ang hiya niya. Napatawa naman si Grey sa sinabi niyang ito.
Nag-order na din sila ng kape at cake. Habang ineenjoy nila ang kanilang inorder ay sige din sila sa kwentuhan. Sa hindi malamang dahilan ay gusto ni Jasmine ang nararamdaman niya habang kasama at kausap niya si Grey.
"Thank you. I had fun." Saad na ni Jasmine pagkatapos ng kanilang matagal-tagal na pag-uusap. Hindi na din kasi namalayan ni Jasmine ang oras sa sobrang pag-eenjoy kaya papadilim na ng lumabas sila sa coffee shop.
"Me too. I hope there would be next time?." Saad naman ni Grey na napangiti ng malaki.
"Hmmmm. We'll see." Ngiting sagot lang naman ni Jasmine. Gusto pa sana siyang ihatid ni Grey sa bahay nila pero tumanggi siya at baka magpang-abot pa sila ni GB.
Nag-goodbye na din si Grey at ngumiti ng sobrang tamis kay Jasmine bago tuluyang umalis. Napa-wave nalang din si Jasmine at nagpasyang magtaxi pauwi. Napabuntong hininga din siya dahil naisip niyang nagchecheat siya kay GB. Ganunpaman ay gusto niyang malaman kung ano ang nararamdaman niya kay Grey na ganun nalang siya nito kabilis maparamdam ng kakaiba. Gusto niya ding malaman kung totoo bang pagmamahal ang nararamdaman niya para kay GB, once and for all.
Pag-uwi ni Jasmine ay ang nag-aalalang si GB ang nabungaran niya sa sala. Napatayo naman ito pagkakita sa kanya. Hindi niya inasahang nakauwi na ito dahil ang sabi nito ay late na ito makakauwi.
"Where have you been? It's getting late!." Alam ni Jasmine na nag-aalala lang si GB kaya inintindi niya ito.
"S-Sorry kung h-hindi ko nasabi sayo. P-Pumunta kami sa b-bahay eh." Nauutal pang saad ni Jasmine na nakaisip na ng palusot. Dumaan din talaga siya sa kanila bago umuwi dahil kinuha niya si Jace. Dahil sa sinabi niya ay lumambot din ang mukha ni GB.
"Okay. But next time, please inform me. And please wag mo ng papatayin ang cellphone mo para matawagan kita at malaman ko kung nasaan kayo. I'm worried sick." Malambing pang saad ni GB. Hindi niya kasi naisip na tawagan ang mommy ni Jasmine kaya hindi niya ito natanong.
"S-Sorry, nalowbat eh." Muling pagsisinungaling pa ni Jasmine. Ang totoo ay sinadya niya itong patayin dahil alam niyang tatawag si GB.
Tumango naman si GB at kinarga na si Jace saka humawak sa bewang ni Jasmine. Sabay silang naglakad paakyat ng kwarto nila pagkatapos halikan ni GB sa sentido si Jasmine. Nagiguilty man si Jasmine ay isinantabi niya ito para na rin sa kanilang dalawa ni GB. Ayaw niya naman itong paasahin sa wala kung hindi niya naman pala talaga ito mahal.
Matutulog na sana sina GB at Jasmine nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto nila. Hindi kasi nila ito nila-lock dahil minsan ay pumapasok si Jace.
"Dada? I.. can't.. sleep." Cute na saad pa ni Jace habang kinukusot-kusot ang mga mata niya. Napabangon naman si GB at nilapitan ito. Maging si Jasmine ay napaupo din sa kama.
"Oh poor little boy. Wanna sleep between Dada and mommy?." Ngiting tanong naman dito ni GB at binuhat ito. Dada din ang nakasanayan nitong itawag sa kanya.
Agad namang pinaikot ni Jace ang munti niyang braso sa batok ng kanyang dada at sinubsob ang kanyang mukha sa leeg nito. Hindi na din ito nakasagot dahil agad na itong nakatulog habang buhat-buhat ni GB.
"Yeah. He really can't sleep." Natatawang saad pa ni GB. Napangiti naman si Jasmine dahil dito.
Nang maramdamang malalim na ang tulog ni Jace ay binaba na ito ni GB sa gitna nila ni Jasmine. Kinumutan niya ito at hinalikan sa pisngi bago siya humiga. Napatingin din siya kay Jasmine na nakahiga sa kanan ni Jace at hinawakan ang kamay nito.
"Goodnight, hon." Inaantok pang saad ni GB at unti-unting napapikit at nakatulog.
Napatitig naman si Jasmine sa mukha ni GB at ng anak niyang si Jace. Muli siyang nakaramdam ng guilt nang maalala ang paglilihim kay GB. Pero naisip niyang nagbayad lang siya ng utang at hindi na iyon mauulit pa kaya pinilit niya na ding matulog.
~
~
~
⇨acacabas_019ツ.