"UNEXPECTED BEAT"
EPISODE 13.
Ilang araw ng napapansin ni Jasmine ang madalas na pagkakatulala ng asawa niyang si GB. Lagi niya din itong tinatanong kung anong problema pero lagi din siya nitong sinasagot ng wala. Pinabalik na din ang mommy niya ng dad niya sa Maynila kaya nauna na ito sa kanila. Nagpasya kasing mag-stay muna ng ilang linggo sila GB at Jasmine para masigurong maayos ang lagay ng mag-ina bago sila bumiyahe.
("Pero paano kapag nakita na ang kambal mo? Anong gagawin mo? Anong gagawin niyo? GB, siya ang ama ng anak ni Jasmine at siya din ang totoong kasal sa kanya.")
Kasalukuyang nakahiga na si GB para matulog nang magreplay na naman sa isip niya ang sinabing ito ni Elena. Hindi niya namalayang napatulala at napakunot noo na siya.
"Hon? Hey?." Nabaling ang atensyon ni GB kay Jasmine nang lumapit ito at humiga sa tabi niya paharap sa kanya. Kakapatulog at kakalagay palang din kasi nito sa baby sa kanilang nabiling crib.
"Tulala ka na naman. Hindi ka pa rin ba handang sabihin sakin kung anong iniisip mo lately?." Tanong pa ni Jasmine at pinatong ang kamay niya sa malapad na dibdib ni GB.
"I don't know if we should talk about it." Saad naman ni GB at hinawakan ang kamay ni Jasmine na nakapatong sa may dibdib niya.
"Of course we should. Ilang araw ka ng namomroblema eh. Pwede mong ishare sakin at nang matulungan naman kita." Malambing pang saad ni Jasmine. Napatitig si GB sa mga mata ni Jasmine bago nagsalita.
"Well, I was.. just thinking. What if.. mahanap na yung kambal ko? Anong.. gagawin natin? He's the father of your son and he's your husband." Bothered ng tanong ni GB kay Jasmine. Medyo natigilan naman si Jasmine sa sinabing ito ni GB.
"Hmmmm? Ha? Ah.. Eh.. di ba napag-usapan na natin yung tungkol sa magiging relasyon natin? Akala ko ba maging kuntento na muna tayo sa kung anong merun tayo ngayon? Special tayo sa isa't-isa and we're still trying to figure out kung saan man tayo dalhin ng nararamdaman natin. Besides, pareho naman tayong hindi pa sigurado sa nararamdaman natin di ba? Yes, nagseselos tayo pero hindi pa natin alam kung mahal na ba talaga natin ang isa't-isa. Let's just wait and see. So, stop worrying yourself too much okay? We still have time to figure out our feelings." Mahabang saad naman ni Jasmine na hindi din sigurado sa kanyang sinabi. Gusto niya yung nag-aalala si GB tungkol sa iniisip nito pero mas gusto niya kung aaminin nitong mahal na siya nito.
"I see you're not yet ready for a serious relationship with me." Mahinang bulong pa ni GB at tinakip ang braso niya sa kanyang mata.
"What? Ano yun hon?." Tanong naman ni Jasmine dahil hindi niya narinig ang sinabi ni GB.
"Wala, ang sabi ko matulog na tayo." Pilit ang ngiting saad nalang ni GB at pinatong na ang ulo ni Jasmine sa isa niya pang braso. Umurong naman si Jasmine palapit sa kanya at yumakap.
"Goodnight, hon." Saad nalang ni Jasmine na siyang tinanguan naman ni GB.
-"I'm sorry GB. Alam ko sa sarili kong mahal na kita pero tama si mommy. Kailangan ko munang makasiguro kung totoo ba talaga ang nararamdaman mo sakin o naaawa ka lang sakin kaya pansamantalang pinupunan mo muna ang space na dapat ay para sa kapatid mo. Kaya sana maging sigurado ka na bago pa dumating ang araw na yun. Hindi dahil sa natatakot kang maagawan ng kapatid mo kundi dahil talagang mahal mo na ako."- Huling isip ni Jasmine at napapikit bago nakatulog.
Kinausap din kasi siya ng mommy niya nung araw bago ito umalis. Sinabi nitong mag-iingat siya at wag padalos-dalos sa bugso ng damdamin dahil baka sa huli ay masaktan lang siya lalo pa't hindi pa siya nakakasiguro sa nararamdaman ni GB sa kanya.
-"Which means wala pa ngang kasiguraduhan ang relasyon namin. And you're wrong Jasmine, dahil sigurado na ako sa nararamdaman ko sayo. Natatakot lang akong sabihing mahal na kita dahil baka ireject o iwasan mo ako lalo na't hindi ka pa sigurado sakin."- Malungkot na isip naman ni GB at napatingin sa tulog ng si Jasmine saka muling naalala ang naging pag-uusap nila nung mga buwang nagiging sweet na sila sa isa't-isa.
?????..
(Magkaharap sa higaan sina GB at Jasmine habang matamang tinititigan ang kabuuan ng mukha ng bawat isa.
"A-Ano na nga palang p-plano mo sa relasyon natin?." Umpisang tanong ni Jasmine. Buhat nung maging sweet sila sa isa't-isa ay hindi nila ito napag-usapan.
"What do you mean?." Tanong naman ni GB.
"Well, we're both special with each other right? Hanggang.. dun lang ba.. tayo?." Nahihiyang tanong pa ni Jasmine.
"There's no need to be rush. Let's figure out our feelings first. For now, let's just enjoy what we have and what we are. Darating at darating din tayo diyan, sa tamang panahon." Parang wala lang na sagot naman ni GB.
"Hmmmmm.. Okay." Sagot nalang din ni Jasmine na napangiti ng konti kahit disappointed siya sa narinig na sagot mula kay GB.)
-"I guess I had no choice but to go with the flow eh? It was me who suggested to wait after all. Hindi ko kailangang problemahin ito. Kung marerealize niyang mahal niya din ako then it would be better. Pero kung hindi, then I must accept."- Huling determinadong isip naman ni GB bago niya hinayaang hilain siya ng antok.
-----
Ilang araw matapos nung huling pag-uusap nina GB at Jasmine tungkol kay Gill ay naging lively na ulit si GB. Gaya ng napagpasyahan niya ay hindi na niya iisipin pa ang problema tungkol sa kapatid niya. Napansin naman ni Jasmine na bumalik na sa pagiging masigla si GB kaya napapangiti nalang siya dito.
Katatapos lang maligo ni Jasmine sa baba at pagpasok niya ng kwarto ay nakita niyang nilalaro ni GB ang baby nila.
"Achuchuchuchu. Haha mmmbwaaahh! Haha achuchuchuchu. Yeeeiiihhh mmmbwaaahh! Haha." Habang nilalaro ni GB si baby Jace na nasa crib ay si Jasmine naman ang napapatawa dahil sa itsura nito.
"Hahaha. Oh God! Hahaha you look.. you look.. hahaha. You look awful hon! Hahaha." Tawang saad pa ni Jasmine at napaupo sa katre habang pinagmamasdan si GB.
"Ah, pinagtatawanan mo ako ah?." Biglang nagseryoso naman ang mukha ni GB at tumayo ng tuwid saka humarap sa kanya. Nang makita naman ni Jasmine na papalapit na sa kanya ang asawa niya ay bigla siyang natigil sa pagtawa.
"Hihi h-hon, n-nagbibiro lang ako. I-Ikaw naman oh." Kinakabahang saad naman ni Jasmine na napapaatras na ng upo sa may gitna ng katre.
"You're laughing eh? Hmmmm let's see." Saad pa ni GB at nagmadali ng lumapit kay Jasmine.
"H-Hon! A-Aaahhh hon! HAHAHAHA! Hon, p-please stop! HAHAHAHA h-hon naki-nakiki..hahaha..liti ako hon. HAHAHAHA." Panay ang iwas ni Jasmine at galaw nang patuloy siyang kilitiin ni GB sa may kili-kili at minsan ay sa bewang.
"You asked for this. Haha." Natatawang saad naman ni GB.
"HAHAHAHA Hon! S-Stop! Stop! Stop!." Saad pa ng hinihingal na si Jasmine na ginawang panangga ang dalawa niyang kamay sa dibdib ni GB para pigilan ito. Pahigang nakasandal na din siya sa uluhan ng katre habang nakadukwang naman sa kanya si GB na nakatukod ang dalawang kamay sa magkabila niyang side. Tumigil naman si GB na napangiti nalang ng makitang hopeless na ang misis niya at hinihingal pa rin ito.
"Ano? Pagtatawanan mo pa ako?." Kunwari'y bossy pang tanong ni GB.
"Hmmm-hmmmm.." Iiling-iling na sagot naman ni Jasmine at napakagat labi para pigilan ang pagtawa niya.
Nang makita ni GB ang pagkagat labi ni Jasmine ay napalunok siya at napaseryoso ng tingin. Lalo siyang nag-init ng mapatingin sa leeg nitong basa pa dahil galing palang ito sa ligo. Napatingin din siya sa mga mata ni Jasmine at napansing nakatingin din ito sa mga labi niya. Unti-unting lumuwang naman ang kamay ni Jasmine sa may dibdib ni GB. Kinuha naman itong cue ni GB kaya unti-unti na din niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ni Jasmine.
Nang maglapat ang kanilang labi ay pareho na silang napapikit. Kusang gumalaw na din ang mga kamay ni Jasmine paikot sa may batok ni GB ng maging madiin ang halikan nila. Pumatong na din si GB kay Jasmine nang umurong ito pahiga sa katre habang hindi bumibitaw sa halik.
"Hmmmmmmm..." Hindi na din napigilan ni Jasmine ang pag-ungol niya. Ito din kasi ang kauna-unahang pagkakataon na naging mapusok ang halikan nila.
Patuloy sa paghahalikan ang dalawa na nakakaramdam na din ng init sa kani-kanilang katawan. Nang hindi na makapag-pigil ay inangat na ni Jasmine ang damit ni GB at tinanggal ito pataas sa may ulo nito. Muli silang naghalikan na tila uhaw na uhaw sa labi ng bawat isa. Hinayaan na din ni Jasmine ang mga kamay niyang mag-explore sa may tiyan ni GB. Naramdaman niyang matigas ito. Maging si GB ay dinidiin na din ang kanyang sarili kay Jasmine habang napapahaplos sa hita nito. Parang sasabog na sa init ang dalawa na hindi na makapag-isip ng maayos at patuloy lang sa paghahalikan at mahihinang ungol.
(Tok! Tok! Tok!)
"Kuya, ate, mag-aalmusal na daw po." Sigaw ng boses babae sa labas ng pinto.
Agad na napatigil sina GB at Jasmine nang marinig ang pagkatok at boses ni Leah. Agad ding napabangon si GB sa takot na baka buksan ni Leah ang pinto at makita sila sa ganung posisyon. Pareho silang hinihingal at namumula ang mukha.
"Kuya? Ate?." Muli ay sigaw pa ni Leah.
"O-Oo, s-susunod na kami." Sagot na din ni GB at napahilamos ng mukha. Narinig din nila ang papalayong lakad hudyat na umalis na si Leah.
Kagat-labing umupo na din si Jasmine at napatakip ng mukha saka binaba ang laylayan ng short niya na napataas dahil sa ginawa ni GB. Pinulot na din ni GB ang damit niya bago humarap sa namumulang mukha ni Jasmine.
"Hey? You okay?." Tanong ni GB at humawak sa may balikat ni Jasmine.
(Pak!)
"Manyak mo kasi eh!." Palo naman ni Jasmine sa may dibdib ni GB.
"At magdamit ka na nga!." Saad niya pa at napaiwas ng tingin. Napapikit din siya ng mariin dahil sa mga iniisip niyang rated SPG.
"Haha what? We both like it." Natatawang tukso naman ni GB na mas lalong kinapula ng mukha ni Jasmine.
"Aaaarrrrgggghhhh!! Ewan ko sayo!." Kunwari'y inis namang saad ni Jasmine at tumayo na din.
Hindi makapaniwala si Jasmine sa naging reaksyon ng katawan niya sa ginawa ni GB. Sobrang nag-init siya. Thankful din siya sa biglang pagsulpot ni Leah dahil kung hindi ay baka kung saan pa napunta ang ginagawa nila ni GB. Nahihiya siya sa kanyang sarili dahil nakalimutan niya ang pangako niya na hindi siya bibigay kay GB hangga't hindi pa sila sigurado sa kanilang nararamdaman sa isa't-isa.
-----
Makalipas pa ang ilang linggo ay dumating na din ang araw kung saan babalik na ng Maynila sina GB at Jasmine. Nagkaiyakan pa sina Cecilia at ang pamilya niya dahil kasama pa din naman siyang babalik ng Maynila. Marami ding mga tao ang nakiusyuso dahil may magarang sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay nila Cecilia. Pinasundo kasi sila ng ama ni GB na si Gerard. Atat na din kasi itong makita ang apo nito dahil puro picture lang ang nakakarating sa kanila.
"Cecilia, mag-iingat kayo. At wag mo ring kalimutang tumawag ah?." Malambing pang saad ni Victor kay Cecilia na siyang nginitian at tinanguan din nito.
"Ate, mamimiss ka namin." Saad pa ni Celine at yumakap kay Cecilia ng mahigpit.
"Ate, kuya, tumawag din kayo ah? Lagi niyo din kaming pasahan ng mga picture nitong si baby Jace." Saad naman ni Leah kay Jasmine. Karga-karga din ni Jasmine si baby Jace at katabi niya si GB.
"Oo naman." Ngiting saad naman ni GB at ginulo ang buhok ni Leah.
Pagkatapos ng pagpapaalam ay sumakay na din sila sa sasakyan habang panay pa din ang bilin nina Celine na mag-iingat sila. Nagwave pa sila ng goodbye bago sinara ang pinto ng Van at umalis na din.
"I'm going to miss it, here. I'm going to miss them." Saad pa ni GB na katabi ni Jasmine.
"Yeah, ako rin." Saad din ni Jasmine at napabuntong hininga. Napatingin din sila kay Cecilia na nasa front seat at nakitang ngumiti ito kahit may lungkot sa mga mata.
Hapon na nang makarating ng Maynila sina GB. Dumaan muna sila sa Mansion ng mga Eco at ng mga Santos bago nagpasyang pumunta sa kanilang sariling bahay. Oo, may sarili na silang bahay na nakalaan para sa kanila. Bago paman kasi sila bumiyahe galing sa probinsiya ay kinausap na sila ng kani-kanilang mommy na may nabili ng bahay which is good thing para sa kanila. At siyempre ang nag-insist ng ganung set-up ay walang iba kundi si James na siyang sinang-ayunan nalang ni Gerard.
Sobrang tuwa ng kani-kanilang pamilya nang makita sila lalong-lalo na nang mahawakan at mahalikan nila si baby Jace. Pinagpapasa-pasahan pa nila si baby Jace dahil sa sobrang saya. Ito ang kauna-unahang apo ng mga Eco at Santos kaya hindi sila magkandamayaw sa paghalik at paglaro dito. Napansin din ng mga Eco at Santos ang pagiging sweet nina GB at Jasmine pero hindi nalang sila nagtanong pa dahil naisip nilang pabor na din ito sa kanila tutal hindi na nakita pa si Gill. Napansin din ni GB ang masamang tingin ng tatlong magkakapatid na mga Eco sa kanya pero binalewala niya nalang ito.
"Tired and sleepy?." Tanong ni GB kay Jasmine nang nagbabiyahe na sila papunta sa kanilang bahay.
"Yeah. Mukhang pati itong baby boy natin napagod din oh. Haha." Tawang sagot naman ni Jasmine at napatingin sa baby nilang mahimbing na ang tulog. Napagod kasi kakalaro sa pamilya nila.
Pagdating sa kanilang bahay ay na-amaze pa sila sa ganda nito. From exterior to interior ay sobrang ganda. Two storey lang ito pero malaki at may malawak na garden. Pumasok na sina GB at Jasmine saka pumunta sa master bedroom habang si Cecilia ay nagpasyang mag-ayos ng mga gamit. May sarili din siyang kwarto dahil kina Jasmine na siya mag-i'stay. Hanggang sa nagpahinga na din sila dahil sa sobrang pagod. Nakapag-dinner na din naman sila.
-----
Makalipas pa ang ilang araw ay naka-adjust na ulit sina GB at Jasmine sa pagbabalik sa Maynila. Bumalik na din si GB sa pagtatrabaho sa kanilang kompanya pero napansin naman ng mga tao ang pagiging iba niya. Kung dati ay masungit siya, ngayon ay sobrang lively na niya at halos lagi ng nakangiti na siyang pinagtakhan ng lahat. Ganunpaman ay gusto nila ang kanilang nakikita.
"Yow pare." Biglang pasok ni Ian sa opisina ni GB na sobrang laki ng ngiti.
"Yow? What's up? Bakit ngayon ka lang nagpakita ha?." Ngiting sagot naman ni GB na tumayo pa at nakipag-bro hug. Wala kasi ito nung bumalik sila ng Maynila dahil may inasikaso itong business sa ibang bansa.
"Wow! I didn't know the news was true! Pare? Ikaw ba talaga yan?." Parang tangang saad pa ni Ian habang niyuyugyog si GB. Hindi kasi siya naniwala nang makarinig ng balita na nagbago si GB. Na naging lively at mabait na ito.
"The heck man. Stop it. Haha." Tawa at iiling-iling na saad naman ni GB at umupo na saka pinaupo si Ian.
"This is so not you, broh! Siguradong matutuwa din si broh Saivan kapag nakita ka niyang ganito! Broh, may himala!." Saad pa ni Ian. Natatawa naman si GB sa kabaliwan nito.
"Tumigil ka nga! Anyway, kwentuhan mo naman ako sa mga nangyari dito nung wala ako. I need to cope up." Saad nalang ni GB.
Tumango naman si Ian at nagkwento na nga. Pero hindi niya pa rin maiwasang mapailing dahil sa pagtataka sa nakikitang pagbabago ng kaibigan niya. Hindi niya inasahang magbabago pa pala ito. At nalaman niya nga din kung bakit, yun ay dahil pala sa naging asawa nito na dapat ay asawa ng kambal nito at maging sa baby boy na dumating sa buhay nila.
Samantalang si Jasmine naman ay halos araw-araw ding dinadalaw ng mga kaibigan niya sa kanilang bahay at panay ang puri sa anak nila. Nagpatayo nalang din siya ng flower shop dahil hindi na siya makakabalik sa pag-aaral. Itutuon niya nalang kasi ang atensyon niya sa pag-aalaga sa anak nila ni GB. Ang pinamahala niya sa kanyang flower shop ay si Marielle, pinsan niya. Bumibisita lang siya dito paminsan-minsan.
"Pero bes, umamin ka nga. Akala mo ba hindi namin napapansin ah? Sabihin mo nga samin kung anong merun sa inyo ni fafa GB? Nagniningning kasi yang mga mata mo kapag nakikita mo siya eh." Seryoso ng saad ni Beverly. Maging sina Joan at Vina ay nakatitig din sa mga mata niya.
"A-Ah.. ha? A-Ano namang klaseng tanong yan bes? Hihihi." Alanganing ngiti naman ni Jasmine.
"May something na ba sa inyo bes?." Sa halip ay tanong din ni Vina. Hindi naman nakasagot si Jasmine na napatingin nalang kay baby Jace na karga niya para makaiwas ng tingin.
"Gosh! Merun na nga!." Biglang bulalas naman ni Beverly nang makitang namula si Jasmine at napakagat labi.
"Bes, wala namang problema samin kung may gusto ka kay GB eh. Atleast hindi niyo na kailangang magpanggap di ba?." Saad naman ni Joan.
"Mga bes, oo special siya sakin at special din ako sa kanya. Pero.. hindi pa naman kami official eh. Hindi pa kami sigurado kung talaga bang mahal na namin ang isa't-isa." Nahihiyang pag-aamin na ni Jasmine na siyang tinanguan naman nina Vina at Joan.
"May nangyari na ba sa inyo bes? Ano? Masarap ba si fafa GB?." Tila kinikilig at excited pang tanong ni Beverly na siyang kinanganga din ni Jasmine at kinablush. Straight forward kasi ang kaibigan niyang ito kapag ganung usapan. But there's no way na aaminin niyang naghalikan na sila ni GB ng torrid ng dalawang beses at smack ng maraming beses.
(Tak!)
"Tumigil ka nga diyan. Ang bastos na naman ng mga iniisip mo eh." Saway at batok naman ni Vina kay Beverly.
"Aray ko naman. Nagtatanong lang eh." Pout namang react ni Beverly.
"Pero bes, alam nating ilang buwan ng hindi nahahanap yung kambal ni GB. Pero paano kapag nakita siya? Anong plano niyo ni GB kapag dumating ang araw na yun?." Seryosong tanong naman ni Joan kaya napatigil din sa pagkukulitan sina Vina at Beverly at napatingin kay Jasmine.
"Nag-usap na kami tungkol diyan mga bes. Kung marealize man naming mahal namin ang isa't-isa. Aba'y dapat lang naman na ipaglaban namin ang nararamdaman namin di ba?." Ngiting saad nalang ni Jasmine kahit ang totoo ay natatakot pa rin siya sa tuwing napag-uusapan ito. Nagsinungaling din siya na ito ang naging usapan nila ni GB.
Tumango nalang din ang mga kaibigan niya at nabaling sa ibang bagay ang kanilang usapan. Pero maya't-maya ding tinutukso nina Vina si Jasmine kay GB na siyang kinangingiti niya nalang.
-----
Pagkatapos ng trabaho ay pauwi na si GB. Hindi niya maitago ang excitement niya habang nakasakay sa elevator. May pasipol-sipol pa siya na siyang kinakalma din ng mga kasabayan niya. Dati kasi ay takot ang lahat ng empleyado nila na sumabay sa kanya kaya medyo kinakabahan pa rin sila dahil baka biglang magbago ang mood niya.
Pagdating niya sa kanilang bahay ay agad niyang hinanap si Jasmine. Nang sabihin ni Cecilia na nasa kwarto ito ay nagpasalamat na din siya at umakyat ng kwarto. Pero pagpasok niya ng kwarto ay hindi niya nakita si Jasmine. Tanging ang tulog na si baby Jace lang ang nakita niya. Lumapit nalang din siya dito at hinalikan ang dalawa niyang daliri saka nilapat sa may pisngi nito saka ngumiti.
(Click)
Napalingon si GB sa pinto ng CR nang marinig ang pagbukas nito. Napanganga pa siya at napalunok ng pasadahan niya ng tingin si Jasmine mula paa pataas sa may dibdib nito na nakatapis lang ng tuwalya. Sa mga pagkakataong ganito lang talaga sila nagkakahiyaan.
"A-Ah.. hi. Nandito k-ka na pala." Basag na ni Jasmine sa kanilang katahimikan.
"Ah.. Y-Yeah. I.. d-didn't know you were there. L-Labas muna ako para m-makapagbihis ka." Kinakabahang saad naman ni GB at tumalikod na din para umalis. Nagtataka din siya dahil hindi naman sanay maligo ng gabi si Jasmine.
"W-Wait." Napatigil sa paghakbang si GB pero hindi muna siya lumingon kay Jasmine sa takot na baka hindi na niya mapigilan ang sarili niya at masunggaban niya ito.
"H-Hindi mo naman k-kailangang lumabas. T-Tumalikod ka nalang h-habang nagbibihis a-ako." Saad pa ni Jasmine na lalong kinataka ni GB.
-"Damn. Mukhang gusto pa ata akong pahirapan ah. Pheew! Don't blame me if I lost control, hon."- Isip naman ni GB na napapikit ng mariin. Hindi niya gusto ang ideyang ito pero tumango nalang siya saka muling bumalik at humarap kay baby Jace habang nakatalikod sa drawer kung saan nandun ang mga damit nila ni Jasmine.
Habang nagbibihis si Jasmine ay parang manyak naman si GB na naiisip ang pagsuot nito ng underwear, pajama at damit. Hindi niya makontrol ang isip niya na napapaisip na ng malalaswa. Dahil dito ay bigla niyang binatukan ang sarili niya.
"Hon? Are you okay?." Nagtatakang tanong naman ni Jasmine nang makita ang ginawa ni GB.
"A-Ah.. O-Oo, okay lang a-ako." Sagot naman ni GB na sobrang tuwid ng tayo dahil ayaw niyang mapalingon kahit konti.
"Haha okay na hon. Pwede ka ng lumingon. Nakabihis na ako." Natatawang saad naman ni Jasmine pagkatapos huminga ng malalim.
Napahinga na din ng maluwang si GB at napalingon na nga kay Jasmine. Pero agad siyang pinagpawisan ng malapot nang makitang maiksi ang short ni Jasmine. Hindi niya naman kasi ito nakikitang nagsusuot ng maiksing short kung saan kitang-kita na ang kalahati ng hita nito.
"Hon? Bakit parang pinagpapawisan ka ata? Naka-aircon naman tayo ah?." Hindi maintindihan ni GB kung bakit tila nananadya si Jasmine na pinalandi pa ang boses nito.
"A-Ah.. b-baka may sira yung aircon natin." Pagdadahilan naman ni GB at pinunasan ang noo niya.
Napangiti naman si Jasmine at napalapit na din kay GB. Sinadya niya pang kumembot ng bongga habang naglalakad. Lalo namang nanigas ang katawan ni GB dahil sa ginagawang ito ni Jasmine.
"Hon, close your mouth." Playful pang saad ni Jasmine at sinara ang nakabukang bibig ni GB. Hindi namalayan ni GB na nakanganga na pala siya habang nakatingin kay Jasmine.
Natawa si Jasmine at muling naglakad palapit sa may drawer nila. Natutuwa pa siya dahil successful ang ginawa niyang plano. Ang pangangahin si GB sa tila pangse-seduce niya. Naalala niya pa ang sinabi nitong "If you're trying to seduce me, that won't work" pero napatunayan niyang gumagana din pala dito ang karisma niya.
Natauhan si GB at narealize na pinaglaruan siya ni Jasmine. Napahinga siya ng malalim at medyo asar na napangisi. Dahan-dahan siyang umikot paharap kay Jasmine nang makaisip na gumanti. Napalingon naman si Jasmine kay GB nang hindi ito nagsalita at nakitang nakatingin ito sa kanya.
"I like how you look." Nakangiting saad pa ni GB saka isa-isang tinanggal ang butones ng polo niya. This time, si Jasmine naman ang napalunok.
"W-What are you doing?." Kinakabahan pang tanong ni Jasmine. Lalo pa siyang kinabahan at nanlaki ang mga mata niya ng tanggalin na ni GB ang polo nito.
"G-GB! M-Magdamit ka!." Kinakabahan niya pang sigaw ng pabulong at napayuko.
"What?." Tanong pa ni GB at nagsimula ng humakbang palapit kay Jasmine.
"G-GB, l-lumayo ka s-sakin!." Tila nanginginig na sa kaba si Jasmine na napasandal na sa gilid ng drawer pero patuloy pa din sa paglapit ang walang ng pang-itaas na damit na si GB.
"I'M SORRY! I'm sorry, okay?! I'm sorry sa pagkapilya ko." Biglang saad na ni Jasmine at napatakip sa mata niya.
"Hahahaha. You lose." Tawang saad nalang ni GB at nilagpasan si Jasmine para kumuha ng damit sa katabing drawer at sinuot ito. Napahinga naman ng malalim si Jasmine at asar na tiningnan si GB.
"Aaarrrggghhh! Nakakainis ka!." Asar pang saad ni Jasmine na parang bata. Pero seryoso siyang tiningnan ni GB sa mga mata.
"Don't do it again. I might lose control. Ikaw din, baka kung ano pang magawa ko sayo." Ngiting saad nalang ni GB at naglakad na palapit sa pinto.
"Magbihis ka na din at bumaba para makapag-dinner na tayo." Huling saad pa ni GB bago tuluyang bumaba.
Naiwang frustrated naman si Jasmine at napakagat labi. Hindi niya alam pero imbes na sundin ang sinabi ni GB na wag na niyang uulitin ay parang gusto niya pa tuloy itong gawin ulit. Binatukan niya nalang din ang sarili niya dahil sa bilis ng karma. Hindi niya akalaing siya ang maseseduce sa huli. Mabuti nalang at nakapagpigil din siya.
~
~
~
⇨acacabas_019ツ.