“UNEXPECTED BEAT”
EPISODE 12.
Nagpatuloy ang relasyon nila Jasmine at GB na walang label pero komportably na sila sa isa't-isa. Walang may lakas ng loob na magtanong kung ano ng relasyon nila sa takot na baka magkailangan na naman sila, kaya naging kontento nalang sila kung anong merun sila.
Umaga na, gising na si GB at pinagmamasdan niya ang tulog pang si Jasmine. Napapangiti siya dahil kahit anong pigil niya ay nahulog pa rin siya dito katulad nung una nilang pagkikita. Oo, may konting galit siya dito dahil nagawa siya nitong iwan pero naisasantabi niya iyon dahil sa nararamdaman niya para dito. Matagal-tagal niya ding kinimkim ang nararamdaman niya kaya nung muli silang nagkita sa hindi magandang pagkakataon ay hindi niya naiwasang mainis dito dahil hindi manlang siya nito naalala.
“Hey, good morning.” Ngiting bati ni GB pagkamulat na pagkamulat ni Jasmine.
“Aaaarrrrgggghhhh!!.” Reaksyon naman ni Jasmine na agad na napatakip ng mukha niya dahil sa hiya.
“What? What are you ashame of?.” Ngiting tanong pa ni GB. Tumalikod naman si Jasmine para itago ang ngiti niya.
“Ewan ko sayo!.” Kunwari'y inis niyang saad at bumangon na rin. Hindi pa rin kasi siya masyadong sanay sa pagiging mabait ni GB sa kanya.
“Hey, careful.” Agad namang inalalayan ni GB si Jasmine sa pagtayo. Medyo nahihirapan na din kasi siyang tumayo dahil malaki at bilugin na ang tiyan niya.
Pagkababa ng dalawa ay sabay-sabay na din silang nag-almusal sa hapag-kainan. Natutuwa naman si Cecilia sa nakikitang closeness ng dalawa. Napapansin niyang hindi na umaarte ang mga ito at madalas na din ang pag-ngiti ni GB na siyang bago sa kanilang lahat.
“Nak, gusto niyo bang sumamang magsimba mamaya?.” Ngiting tanong ni Cecilia.
“Sige po Manay. Anong oras po ba?.” Ngiting tanong naman ni Jasmine.
“Mga alas-nuebe pa naman yung pangalawang misa. May oras pa kayo para makapag-ayos.” Sagot naman ni Cecilia na siyang tinanguan din ni Jasmine.
Pagsapit ng alas-nuebe ay naglalakad na sina Cecilia papuntang simbahan. May mga nakakasabay din silang papunta doon. Inaalalayan naman ni GB si Jasmine dahil mabagal na itong maglakad. Kung para kay GB ay parang natural nalang na magkadikit sila ni Jasmine, para kay Jasmine ay hindi pa rin. Kumakabog pa rin ang dibdib niya at nahihiya pa rin siya.
“Iha, kailan ang anakan mo?.” Tanong ng ginang na kasabay nila sa paglalakad.
“Sa December na po.” Ngiting sagot naman ni Jasmine.
“Hmmmm. Sa tingin ko lalaki ang anak mo. At siguradong gwapo. Kitang-kita naman sa mga mukha niyo eh.” Ngiting saad pa ng ginang. Napapisil si GB sa kamay ni Jasmine at napangiti sila nang magkatinginan.
“Kung tama man po ang hula niyong lalaki yung magiging anak namin, siguradong magiging kamukha ko po at gwapo ding katulad ko.” Playful pang saad ni GB na siyang kinatawa nilang lahat maliban kay Jasmine na napairap sa kanya.
“Mafeeling ka talaga. Hmmmp!.” Nangingiting irap pa ni Jasmine at kinurot sa tagiliran si GB. Natatawang napaiwas naman si GB dahil dito.
Pagdating sa simbahan ay umupo na sila sa bakanteng upuan na medyo malapit sa may unahan. At makalipas lang ang ilang minuto ay nag-umpisa na din ang misa.
“Ang pag-aasawa ay hindi madali. Oo, hindi madali pero hindi rin mahirap kung magtitiwala kayo sa Panginoong Diyos. Unang-una, hindi kayo pagtatagpuin at pag-iisahin nang hindi naaayon sa kagustuhan Niya. Ang kailangan niyo lang gawin ay gawing sentro ang ating mahal na Panginoon sa inyong relasyon. Kaya kung may mga mag-asawa man dito na nawawalan na ng tiwala sa isa't-isa, manalangin kayo at bibigyan Niya kayo ng kasagutan. At hindi sagot ang paghihiwalay o pagsisira ng pagsasama niyo kundi ang sabay na pananalig at pagdadasal sa Mahal nating Panginoon.” Patuloy sa pagsasalita ang Pari habang nakikinig naman ang mga tao. All troughout ng misa ay hindi din binitawan ni GB ang kamay ni Jasmine na siyang hinayaan naman nito.
Hanggang sa matapos na din ang misa. Nagkatinginan at nagkangitian sina GB at Jasmine dahil pareho nilang hindi makalimutan ang isang linyang sinabi ng Pari.
(Unang-una, hindi kayo pagtatagpuin at pag-iisahin kung hindi naaayon sa kagustuhan Niya.)
Ito ang tumatak sa isip ng dalawa at napangiti sa kanila ng ubod ng tamis.
“Ate, kuya, tara na po.” Tawag na ni Leah sa kanila kaya napatayo na din sila at naglakad palabas ng simbahan.
Masayang nagkikwentuhan sina Cecilia at Jasmine habang naglalakad pabalik ng bahay. Pabulong din kasing tinutukso-tukso ni Cecilia si Jasmine kay GB na siyang kinapupula nito ng mukha. Si Cesar naman ay humiwalay ng lakad dahil inaya ito ng mga kaibigan nitong magbasketball.
Pagkadating nila Cecilia sa labas ng bakuran ng kanilang bahay ay biglang napakunot ang noo ni Jasmine pagkakita sa babaeng papalapit sa gawi nila.
“GB, pwede ka bang makausap saglit?.” Ngiting tanong pa ng babae. Napatingin din silang lahat dito. Tinaasan naman ito ng kilay ni Leah nang makilala kung sino ito.
“Ah, sige na Jasmine mauna na kayong pumasok. Susunod nalang ako.” Ngiting saad naman ni GB kaya kahit ayaw ay sumunod nalang din si Jasmine.
“Ilang araw na din kasi mula nung huling punta mo sa bahay-aliwan eh kaya pumunta na ako dito para kumustahin ka.” Saad na ng babae na walang iba kundi si Marimar.
Narinig naman ito ni Jasmine na papasok palang ng bahay dahil sinadya niyang bagalan ang lakad niya para marinig ang sadya ng babae. At hindi niya nagustuhan ang narinig niya na siyang kinasimangot niya kaya mabilis siyang pumasok ng bahay.
“Naging abala lang sa trabaho at sa.. misis ko.” Ngiting sagot naman ni GB. Nakapunta kasi siya sa bahay-aliwan nung minsang ipagpaalam siya ni Victor kay Jasmine na siyang pinayagan naman nito dahil ang sabi ni Victor ay sa bahay lang nila sila mag-iinuman pero hindi pala. At doon ay nakita niya si Marimar na inanyayahan din pala nila Victor.
“Hmmmmm mabuti naman kung ganun. Ang totoo niyan, pumunta din ako dito para magpaalam eh.” Maya-maya'y seryosong saad na ni Marimar.
“Paalam? Bakit? Saan ka pupunta?.” Takang tanong naman ni GB. Naging mabuting kaibigan din kasi sa kanya si Marimar kaya may konting lungkot din siyang naramdaman sa narinig mula dito.
“Naalala mo ba yung kinwento ko sayo sa Park?.” Tanong pa ni Marimar na siyang tinanguan naman ni GB. Naikwento kasi nitong ampon lang ito at hinahanap nito ang tunay nitong mga magulang.
“Nahanap ko na yung ama ko dahil na rin sa tulong ng mga nag-ampon sakin at nasa Maynila siya. Kaya pupunta ako sa kanya para masiguro ko kung siya ba talaga yung ama ko.” Saad pa ni Marimar.
“Wow. Well, that's good news. Eh kailan naman ang alis mo?.” Tanong pa ni GB.
“Mamayang ala-una na.” Sagot pa ni Marimar.
Habang nag-uusap sina GB at Marimar ay nagngingitngit naman ang kalooban ni Jasmine na nakasilip sa bintana. Mula sa kanyang kinatatayuan ay kitang-kita niyang close na ang dalawa basi na rin sa madalas nilang pag-ngingitian.
“Naku, sinasabi ko na nga ba eh. Sinabi ko na kasi kay kuya na mag-ingat siya kay Marimar eh. Matinik talaga itong si Marimar, pati si kuya GB hindi pinalampas.” Komento ni Leah na napasilip din sa bintana.
“Leah, wag ka ngang magsalita ng ganyan. Wag mong pag-isipan ng masama ang isang tao dahil lang sa mga naririnig mo tungkol sa kanya. Malay natin kung magkaibigan lang sila. Saka sa nakikita ko kay GB, hindi siya yung tipo ng taong magtataksil sa asawa niya.” Saad naman ni Cecilia na napapatingin din kay Jasmine. Napansin niya kasi ang pag-iba ng mood ng alaga niya nang makita nito si Marimar. Natahimik naman si Leah dahil sa sinabi ng Nanay niya.
-“Marahil ay tama ka Manay. Pero may isang bagay kang nakalimutan. Wala pang asawa ang GB na kasama natin dahil hindi naman siya ang totoo kong asawa. Kaya pwede niya pang gawin ang mga gusto niya. Kasama na dun ang pakikipaglandian sa babaeng kausap niya.”- Gusto man itong sabihin ni Jasmine ay nagpigil nalang siya. Nagpasya nalang din siyang magpaalam at umakyat ng kwarto. Nagkatinginan din sina Cecilia at Leah saka napabuntong hininga.
“Nak, sana'y alam mo ang ginagawa mo. Mas magiging mahirap ang sitwasyon niyo sa oras na mahanap na ang totoo mong asawa.” Bulong pa ni Cecilia sa hangin habang nakatingin sa papaalis na si Jasmine.
Simula nung pumasok si GB ng bahay galing sa pakikipag-usap kay Marimar ay napansin niyang tila iniiwasan siya ni Jasmine. Ni hindi siya nito kinakausap kahit anong pangungulit niya dito. Pati sa hapag-kainan ay wala din itong imik na siyang kinataka niya.
“Hey? May.. problema ba?.” Tanong na ni GB nang hindi na siya nakatiis. Nasa loob na din sila ng kwarto at nakahiga. Nakatalikod din si Jasmine sa gawi niya.
“Wala, pagod lang ako.” Sagot lang ni Jasmine at napapikit. Napabuntong hininga si GB dahil sa lamig ng pakikitungo ni Jasmine sa kanya.
“Come on, tell me. What's wrong? Did I upset you?.” Pangungulit pa rin ni GB.
Pilit namang pinipigilan ni Jasmine ang sarili niya dahil nahihiya siyang mag-burst out lalo pa't hindi niya naman alam kung anong merun sila. At unang-una ay wala naman talaga siyang karapatan dito.
“Jasmine? Kausapin mo naman ako oh.” Pakiusap pang saad ni GB dahil hindi na siya sanay na ganun sila.
“Hey?.” Saad pa ni GB at hinawakan sa braso si Jasmine.
“Ano ba! Wag mo nga akong hawakan! Bakit hindi ka nalang lumabas at makipaglandian dun sa Marimar na yun?! Tutal naman nag-eenjoy ka habang kausap siya di ba?! Kaya umalis ka na at puntahan mo na siya!.” Napapikit si Jasmine ng mariin nang marealize ang sinabi niya pagkawaksi sa kamay ni GB. Gustong-gusto niyang batukan ang sarili niya dahil hindi niya napigilan ang bibig niya. Hindi pa rin siya humaharap dito.
“What? So, it's about Maricar? Nag-usap lang kami, okay? Nagpaalam lang siya. Nothing more, nothing less.” Pagpapaliwanag naman ni GB.
“Know what? I don't care! If I know, nagpakasasa ka na sa babaeng yun! Why? Dahil ba hindi mo magawa-gawa sakin ang nagagawa mo sa kanya ha?!.” Biglang harap na ni Jasmine kay GB at napaupo pa sa katre.
“What? What are you talking about?.” Clueless pa ring tanong ni GB na umupo na din kaya magkaharap na silang dalawa.
“At ngayon nagmamaang-maangan ka pa! Akala mo ba hindi ko narinig ha?! Akala mo ba hindi ko narinig na pumunta ka sa bahay aliwan kasama ang babaeng yun?! Hah! Ano? Sobrang inenjoy ka ba niya?! Nag-enjoy ka ba sa kanya ha?! At kaya mo ba ginawa yun dahil alam na alam mong wala akong karapatan sayo?! Dahil hindi naman talaga tayo mag-asawa?!.” At hindi na nga napigilan ni Jasmine ang sarili niya.
“Isang beses lang akong nakapunta dun. Remember nung pinagpaalam ako sayo ni Mang Victor? That was it. I didn't know na dun kami pupunta pero I swear, walang ibang nangyari dun kundi uminom lang ako. Kahit tanungin mo pa si Cesar.” Mahabang saad naman ni GB na nabahala na din sa nakikitang reaksyon ni Jasmine. Kasama niya kasi si Cesar nung gabing iyon.
“W-W-Wait, are you jealous?.” Tanong pa ni GB na nangingiti nang mapagtanto ang nangyayari.
Agad namang napatalikod si Jasmine na namumula ang mukha. Napakagat labi pa siya habang kinakagalitan ang sarili sa isip niya dahil sa kanyang inasal.
“But seriously, there's nothing to be jealous about. She's just a friend and.. y-you're very special to me.” Seryosong saad na ni GB. Hinawakan niya din sa magkabilang balikat si Jasmine at dahan-dahan itong hinarap sa kanya. Hindi naman makatingin si Jasmine sa mga mata ni GB.
“Hey..” Malambing pang saad ni GB at inangat ang tingin ni Jasmine.
“I-I'm s-sorry.” Nahihiyang saad nalang ni Jasmine. Napangiti naman si GB at hinawakan sa kanang pisngi si Jasmine.
“It's okay. And thank you. Thank you for bringing out the best in me.” Saad pa ni GB.
Nagkatitigan silang dalawa, mata sa mata. Hanggang sa unti-unting nilapit ni GB ang mukha niya sa mukha ni Jasmine. Kusang napapikit naman ang mga mata ni Jasmine nang maglapat ang labi nila ni GB. Banayad siyang hinalikan ni GB na siyang sinuklian niya naman. Nagtaka pa si Jasmine dahil tila pamilyar sa kanya ang paraan ng paghalik ni GB. Ganunpaman ay napangiti nalang siya. Pagkatapos ng halik ay nagpasya na din silang matulog nang magkayakap.
-----
Sa loob ng ilang buwan ay naging masaya sina GB at Jasmine sa isa't-isa. Mas naging open sila at mas naging sweet. Pero hindi pa rin sila ganun kakampante dahil naiisip pa rin nila ang kambal ni GB na si Gill. Natatakot silang dumating ang araw na bigla nalang itong sumulpot at magbago ang lahat sa kanilang dalawa.
“AAAAAAAHHHHHHH!! AAAAAHHHH!!.” Rinig na rinig ang malakas na sigaw na ito na nagmumula sa kwarto nila GB. Ang nag-iigib naman na si GB ay agad na nataranta nang marinig ang malakas na sigaw ng walang iba kundi, ni Jasmine.
“GB, si Jasmine!.” Saad pa ng natataranta ding si Cecilia. Nasa baba kasi sila. Agad na binitawan ni GB ang balde at napatakbo ng mabilis paakyat sa kwarto nila ni Jasmine, kasunod niya sina Cecilia, Leah at Cesar.
“Hon!.” Agad na nilapitan ni GB ang namimilipit sa sakit na si Jasmine. Nakahawak ito sa may puson nito habang napapadaing. Nasanay na din sila sa tawagan nilang "hon".
“A-Anong na-nangyayari sayo?.” Parang tangang tanong pa ni GB na siyang kinainis ni Jasmine.
“M-M-Manganganak na a-ako! A-Ano ba! A-AHHH!!.” Yamot at hirap pang saad ni Jasmine dahil sa katangahan ni GB.
Nang marinig ang sinabi ni Jasmine ay mas lalong nataranta si GB. Agad namang inutusan ni Cecilia si Cesar na maghanap ng tricycle na masasakyan nila. Dahil mas matangkad at malaki ang katawan ni GB kay Jasmine ay nabuhat niya ito ng pa-bridal style. Inaalalayan din siya nina Cecilia para hindi mahulog si Jasmine na patuloy pa rin ang daing sa sakit.
Pagdating sa hospital ay agad na dinala si Jasmine sa operating room dahil lumabas na ang panubigan niya at ramdam na niyang palabas na ang kanyang baby. Si GB lang din ang pinapasok kaya naghintay muna sa labas sina Cecilia na napapadasal nalang na sana maging maayos at normal ang panganganak ni Jasmine. Nagpasya din si Cecilia na tawagan ang mommy ni Jasmine na si Elena para mainform ito.
“AAAAAAHHHHHHGGGGGG!!! HOH! HOH! HOH! HOH!.” Pinagpapawisan na si Jasmine kakaere habang nakahawak ng mahigpit ang isa niyang kamay sa kamay ni GB. Kahit naman namimilipit si GB sa sakit dahil sa higpit ng hawak ni Jasmine ay napapangiwi nalang siya at hindi na gumagawa pa ng ingay.
“Sige pa, ere pa. Isang malakas na ere nalang. Hawak ko na ang ulo ng bata.” Saad pa ng babaeng doctor kay Jasmine.
“Hon, you can do it. It's almost out. You can do it. One more time.” Malambing na saad naman ni GB habang hinahalikan ang kamay ni Jasmine.
“AAAAAAAAAAHHHHHHGGGGGG!!!.” Huling malakas na ere pa ni Jasmine na sobrang nanghihina na at kulang nalang ay maputulan ng hininga.
“Owwa! Owwa! Owwa!.” At sa wakas ay narinig na nga nila ang iyak ng baby. Napangiti naman sina GB at Jasmine nang marinig ang iyak ng munti nilang anghel.
“Congrats. It's a boy.” Nakangiting saad pa ng doctor bago binigay ang baby sa isang Nurse para malinisan ito.
“You did great.” Ngiting saad naman ni GB at hinalikan sa noo ang nakangiting si Jasmine.
Pagkatapos malinisan ang baby at maayos ang lagay ni Jasmine ay ibinigay na din sa kanila ang kanilang baby boy. Sobrang laki ng ngiti ng mag-asawa lalo na ng mahawakan na nila ito. Napaluha pa si Jasmine sa sobrang saya.
“What are we going to name him?.” Ngiting tanong pa ni GB kay Jasmine habang nilalaro ang munting daliri ng baby.
“Jace.” Ngiting sagot naman ng nanghihinang si Jasmine at sabay nilang tiningnan ang kanilang baby.
“Welcome to the world, baby Jace Eco Santos.” Sabay pang saad nina GB at Jasmine saka nakangiting hinalikan sa magkabilang pisngi ang kanilang baby.
Worth it ang naging pagod ni Jasmine dahil naging maayos ang panganganak niya at nakita nilang malusog ang baby nila. Thankful din siya dahil hindi siya pinabayaan ng asawa niyang si GB.
-----
Nang malaman din nina Gerard na lalaki ang apo nila ay sobrang saya nila. Gustong-gusto na nila itong makita pero hindi pa pwedeng bumiyahe si Jasmine pabalik ng Maynila dahil kailangan pa nitong magpahinga.
Makalipas din ang ilang araw ay nakauwi na din sina Jasmine mula sa hospital. Kasama nila ang mommy niya dahil nung malaman nito mula kay Cecilia na nasa hospital na si Jasmine at manganganak na ay agad itong bumiyahe pagkatapos magpaalam sa asawa nitong si James. Pinahatid pa siya ni James sa kanilang driver para masiguro ang kaligtasan niya. Maging ang mga tao sa barangay nila Cecilia ay nagulat pa sa biglang pagsulpot ni Elena dahil dun lang nila nalaman na anak pala si Jasmine ng isang kilalang personalidad sa industriya.
Makikita ang sobrang saya sa mukha ng lahat habang nakatingin sa baby na nasa tabi ni Jasmine. Nakahiga si Jasmine at nasa kanan niya ang baby. Nasa kaliwa niya din si GB na nakatukod ang siko sa katre habang nasa may paanan naman nila nakatayo sina Cecilia, Leah, at Elena.
“Ang cute-cute talaga ng apo ko!.” Nakangiting saad pa ni Elena at lumapit sa baby. Hinawakan niya din sa kamay si Jasmine at hinalikan ito sa noo.
“What's his name again?.” Tanong pa ni Elena.
“Jace, mom.” Ngiting sagot naman ni Jasmine at napatingin kay GB. Ang pangalang Jace kasi ay mula sa pangalan nilang dalawa. Ang "Ja" ay galing sa Jasmine at ang "ce" ay galing sa Grace. Si Jasmine din ang nakaisip ng pangalang ito.
“You had a cute name.” Ngiting saad pa ni Elena sa baby at napatingin siya kina GB at Jasmine na sobrang tamis ng ngiti sa isa't-isa at magkahawak kamay pa.
“Are you hungry? What do you want to eat?.” Malambing pang tanong ni GB kay Jasmine at hinalikan ito sa kamay. Para silang may sariling mundo at walang pakialam sa mga nakapaligid sa kanila.
“I'm not. Dito ka lang muna sa tabi ko.” Sweet namang saad ni Jasmine. Tumango naman si GB at ngumiti.
Nung mga nakaraang araw ay napansin na din ni Elena ang kakaibang kinikilos ng anak niya at ng kakambal ng nakabuntis sa anak niya na si Grace Breil. Kitang-kita niya kung paano alagaan ni GB ang anak niya. Kitang-kita niya ding parang normal nalang sa dalawa ang paghoholding hands at pagiging sweet kaya alam niyang hindi nalang sila nagpapanggap. Hindi niya maiwasang mag-alala para sa anak niya dahil may kasunduan ang pamilya nila na kapag nakita na ang kakambal nito ay ito na ang makikisama sa anak niya. At kapag nangyari yun ay siguradong masasaktan ang anak niya.
“Ang mabuti pa ay magpahinga na muna kayo.” Saad nalang ni Elena kina Jasmine at GB na sinusubukang isantabi ang kanyang iniisip. Hapon na din nung mga oras na yun. Tumango naman sina Jasmine at GB kaya lumabas na din sina Elena.
Nang makatulog si Jasmine at ang baby nila ay nakangiting pinagmasdan ni GB ang mag-ina niya. Masayang-masaya siya dahil magiging isang pamilya na sila. Nang makaramdam naman siya ng pagkauhaw ay nagpasya siyang lumabas muna para uminom ng tubig.
“GB.” Napalingon si GB sa likod niya pagkatapos uminom ng tubig nang may tumawag sa kanya.
“Pwede ba tayong mag-usap?.” Tanong pa ng walang iba kundi si Elena. Tumango naman si GB kaya umupo na muna sila ng magkaharap. Wala din sina Cecilia dahil namalengke ang mga ito.
“Tungkol saan po ang pag-uusapan natin?.” Diretsong tanong na ni GB.
“Tungkol sa anak ko.” Natigilan si GB nang marinig ang sinabing ito ni Elena.
“A-Ano pong tungkol sa kanya?.” Tanong pa ni GB.
“GB, nag-iisang anak na babae ko si Jasmine. Alam kong alam mo yun. At alam kong alam na alam mo din ang naging pag-uusap ng pamilya natin. Sabihin mo nga sakin, ano bang namamagitan sa inyo ng anak ko?.” Saad at tanong na ni Elena.
“Ma'am, pasensya na po kayo. Pero hindi ko po sinadya. S-Sinubukan ko naman pong pigilan pero hindi ko nakayanan. Special po sakin si Jasmine. Special po sakin ang anak niyo.” Saad naman ni GB.
“So, sinasabi mo bang special lang sayo ang anak ko at hindi mo siya mahal?.” Pagsisiguro pa ni Elena.
“Nag-usap na po kami tungkol diyan ma'am. Handa naman po kaming maghintay eh. Handa po kaming maghintay sa tamang panahon. Ang mahalaga po ay masaya kami at kuntento na po kami sa kung anong merun kami sa ngayon.” Saad naman ni GB.
“GB, I'll be prank. Hindi ko gusto ang kung anumang set-up na merun kayo ngayon ng anak ko. Paano pala kung marealize mong hindi mo naman pala mahal ang anak ko tapos mahal ka na niya? Iiwan mo nalang ba siya kapag ganun?.” Kunot-noong tanong pa ni Elena.
“Ma'am, hindi ko po masasagot yan. Pero isang bagay lang po ang sinisiguro ko sa inyo. Hinding-hindi ko po hahayaang masaktan si Jasmine.” Seryosong saad pa ni GB at sinalubong ang tingin ni Elena.
“Pero paano kapag nakita na ang kambal mo? Anong gagawin mo? Anong gagawin niyo? GB, siya ang ama ng anak ni Jasmine at siya din ang totoong kasal sa kanya.” Dahil sa sinabing ito ni Elena ay natigilan si GB. Hindi niya alam ang isasagot niya dahil nakaligtaan niya ang pag-iisip tungkol dito.
Hindi na din pa nagawang sumagot ni GB dahil bigla na ding pumasok sina Cecilia na may dalang mga gulay. Nag-excuse nalang din siya at umakyat na ng kwarto habang napapaisip tungkol sa huling sinabi ng mommy ni Jasmine na si Elena.
-----
Ilang buwan ng wasted si John, ang dating Admin ng school kung saan pumapasok si Bree. Iniwan kasi siya ng pamilya niya dahil wala na siyang silbi sa mga ito. Buhat kasi nung pinatanggal siya ni Gerard sa paaralan ay wala ng tumanggap sa kanya kahit saan man siya mag-apply.
“Aaaaarrrrgggghhhh!! A-Anong hakalah *hik* niyo shakin hah? Wa-lang pam..bayad?! Beeggyahn niyo fah akoh *hik* ng halak!.” Panay ang pag-iingay ng lasing na si John dahil hindi na siya binibigyan ng alak ng waiter sa isang bar. Ganito na rin ang naging buhay niya. Naubos na ang kakarampot niyang pera kakainom.
“Sir pasensya na pero nakakarami na po kayo. Kailangan niyo na din pong magbayad para makaalis na po kayo. Pwede po namin kayong ipahatid sa bouncer namin papunta sa taxi na siyang maghahatid po sa inyo kung saan man ang bahay niyo.” Saad ng waiter kay John pero napatawa lang ito na parang baliw.
“Itong bayad niya oh. Kami na din ang bahala sa kanya.” Biglang sulpot naman ng isang lalaking naka-suit na may kasamang lalaking mukhang Chinese at dalawa pang lalaki na nasa kanilang likuran. Tinanggap naman ng waiter ang inabot nitong pera at umalis.
“Hahahaha. Shinoh *hik* kayoh hah?.” Tanong pa ni John na pagiwang-giwang ng sinubukan nitong maglakad para umalis.
“Dalhin niyo na siya.” Utos na ng naka-suit sa dalawang lalaki na siyang agad namang tumalima. Hinawakan ng mga ito ang lasing na si John at binitbit palabas ng bar.
Dinala nila si John sa isang private resort na kung saan ay pagmamay-ari ng lalaking Chinese. At pagpasok nila kay John sa isang kwarto ay lumabas na din sila at umupo sa sofa pagkatapos kumuha ng wine.
“Are you sure about that man? I don't think he's capable of doing our dirty shits with his recent situation.” Saad ng lalaking Chinese sa lalaking naka-suit saka uminom ng wine.
“He also holds grudge to the Santos. Just trust me, he'll be useful to us. Maybe not now, but soon.” Saad lang din naman ng lalaking naka-suit at seryosong nakatingin sa kawalan habang nag-iisip ng plano.
“You know I trust you. And you can trust my loyalty too. I will do whatever you want in return of a big favor that you've done for me. You can have my word.” Saad naman ng lalaking Chinese.
“I'll keep that in mind. And don't worry because this will be for the both of us. For our great revenge. In no time, we can avenge them. And they'll be nothing but trash.” Ngiting saad pa ng naka-suit.
“I'm looking forward on seeing that.” Tatango-tangong saad din ng lalaking Chinese.
“We'll wait for the right time. Besides, we still have one person to use against them. It will be a big blow. Let's see what happens when that time comes.” Saad pa ng naka-suit at napangisi.
Nag-cheers ang dalawa at parehong napatawa na parang mga baliw habang patuloy pa din sa pag-uusap ng kanilang magiging plano laban sa mga SANTOS.
~
~
~
⇨acacabas_019ツ.