EPISODE 11.

4271 Words
“UNEXPECTED BEAT” EPISODE 11. Muling lumipas ang isang buwan na consistent ang malamig na pakikitungo ni GB kay Jasmine sa tuwing nagkakasolo silang dalawa. Hindi maintindihan ni Jasmine kung bakit parang mas lalong kumapal ang pader na tinayo nito sa pagitan nilang dalawa. Napansin niya iyon mula nung umalis ang mga kaibigan niya pabalik ng Manila ilang linggo nang nakalilipas. “Hello? Ano? May balita na ba kayo sa kambal ko? Ano?! Wala pa rin?! Pwes, maghanap kayo ng maigi, pwede?! Maghanap kayo kahit saan! Sayang lang ang binabayad ko sa inyo eh!.” Lagi ring naririnig ni Jasmine ang linyang ito na halos araw-araw na bukambibig ni GB sa tinatawagan nito. Masyado itong atat na mahanap ang kambal nito to think na may inutusan pa ito para maghanap dito. “Ano bang problema mo?.” Tanong na ni Jasmine nang hindi na siya nakatiis. Pumasok kasi siya ng kwarto para ayain sanang magmeryenda si GB nang ito na naman ang narinig niya. Humarap naman si GB sa kanya. “What? You knew how badly I wanted to go back to Manila, to my LIFE.” Sagot naman ni GB. “I know! Pero hindi mo kailangang ipamukha sakin yun ng halos araw-araw! Alam kong hindi mo ako gustong makasama! And know what? The feeling is mutual! At wag kang mag-alala dahil sa oras na manganak ako ay pwede ka ng lumayas sa buhay ko! Hindi ko na kayo kakailanganin ng kambal mo!.” Hindi na din napigilan ni Jasmine ang sarili niya. Pagkatapos niya itong sabihin ay lumabas na din siya ng kwarto at pabalibag na sinara ang pinto. Napasuklay naman si GB sa buhok niya at napahilamos ng mukha out of frustration. At pagkatapos huminga ng malalim ay lumabas na din siya ng kwarto. Pagbaba niya ay nakita niyang masayang nakikipag-usap si Jasmine kay Cecilia habang sila'y nagmemeryenda. Ni hindi siya nito pinansin o tiningnan man lang. Inaya din siya ni Cecilia na magmeryenda. “Sige lang po. May pupuntahan lang po ako saglit.” Magalang na tanggi at pagpapaalam naman ni GB kay Cecilia at nilagpasan si Jasmine. Napalingon naman si Jasmine kay GB pagkalagpas nito sa inuupuan niya. “Nak, nag-away na naman ba kayo?.” Mahinang tanong ni Cecilia. Silang dalawa lang din ang nasa mesa. “Hindi lang po pagkakaintindihan, Manay.” Sagot naman ni Jasmine. “Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin kayo nagkakasundo, Nak? Alam mo na. Kahit papaano ay kailangan niyo pa ring makisama sa isa't-isa lalo pa't mukhang matagal-tagal pa kayong magsasama.” Saad pa ni Cecilia. “Hindi ko rin alam pero ang hirap niyang pakisamahan Manay eh. Pabago-bago ang ugali niya. Minsan ang sweet at minsan naman ay parang may sungay. Saka alam niyo din naman pong napilitan lang siya sa sitwasyon naming ito. Kinamumuhian niya ata ako dahil ginawa siyang panakip butas ng dad niya sa nagawa ng kakambal niya.” Malungkot na saad naman ni Jasmine. Napabuntong hininga naman si Cecilia at hinaplos ang buhok ni Jasmine. Naglakad si GB papunta sa park at umupo sa isa sa bench na naroon. Konti lang ang taong nandun. Gusto niya munang mapag-isa. Sa loob kasi ng isang buwan na pag-iiwas niya kay Jasmine ay hirap na hirap ang kalooban niya. Napabuntong hininga siya at napahilot ng sentido nang may maalala. ?????.. (Habang nakaupo sa may kubo si GB ay napakunot ang noo niya nang makitang nakikipagtawanan si Jasmine kay Cesar habang nag-uusap sila sa may di kalayuan. Hindi niya alam kung paano pero kusa nalang gumalaw ang paa niya palapit sa gawi ng mga ito. Nainis naman siya sa sarili niya nang marealize ang nagawa niya. Takang napatingin naman sa kanya si Jasmine sa bigla niyang pagsulpot. Nagtatanong din ang mga tinging pinupukol nito sa kanya at unti-unting nawala ang ngiti nito sa labi. “Ah.. Hmmm.. M-Mag-usap tayo.” Hindi makaisip ng idadahilan si GB kaya ito nalang ang nasabi niya. “O..kay..” Naguguluhang saad naman ni Jasmine at nag-excuse muna kay Cesar saka sumunod kay GB sa may kubo. “Ano ba sa tingin mong ginagawa mo, ha? Will you stop flirting?! Baka kung ano pang isipin ng mga tao! Na yung asaw.. Na yung asawa ko ay nakikipaglandian sa anak pa ni Manang Cecilia!.” Pabulong na saad na ni GB na nakalagay sa bewang ang dalawa niyang kamay. “Yan lang ba ang sasabihin mo? Yan lang ba ang walang kwenta mong sasabihin? Pwes wala akong panahon para diyan! Maiwan na kita.” Sa halip ay saad lang ni Jasmine na wala manlang pakialam sa kanya at umalis. Naiinis si Jasmine dahil buhat paman noon ay masamang babae na talaga ang tingin ni GB sa kanya. Naiwang yamot naman si GB at napatingin ng masama sa papalayong katawan ni Jasmine. ----- Nagpaalam si Jasmine kay Cecilia na aalis at may bibilhin sa grocery store. Pinapadalhan din naman sila ng kanilang mga magulang kaya wala silang problema sa pera. Tamang-tama ding papasok si Cesar ng bahay kaya tinawag niya ito. “Pwede mo ba akong samahang bumili sa grocery store?.” Ngiting tanong ni Jasmine kay Cesar na siyang kinangiti din nito. “Sige b---” “Samahan na kita.” Napalingon silang lahat nang may magsalita mula sa may hagdan, si GB na tuluyan na ding bumaba at humarap sa kanila. Hindi na nito pinatapos sa pagsagot si Cesar. Hindi niya maintindihan ang sarili niya pero hindi niya din mapigilang hindi mangialam dahil hindi niya gusto ang mas lalong pagiging malapit ng dalawa. “Si Cesar nalang. Baka may gagawin ka pa eh. Nakakahiya naman sayo.” Saad naman ni Jasmine na pilit tinatago ang pagtataka niya sa kinikilos ni GB. Kapag silang dalawa lang ay parang hindi siya nag-eexist sa mundo nito pero kapag may mga tao ay magaling itong umarte. Naisip niyang marahil ay dahil ito sa pagpapanggap nila at ayaw nitong mabuko sila. “Ako na. May kailangan din akong bilhin eh.” Pagdadahilan pa ni GB kahit ang totoo ay wala naman. Pagdating sa grocery store ay kumuha ng cart si Jasmine. Habang hinahanap niya ang mga nakasulat sa listahan niyang dala ay panay naman ang buntot ni GB sa likuran niya. “Akala ko ba may bibilhin ka?.” Takang tanong na ni Jasmine kay GB. “Ah.. O-Oo. M-Maiwan na muna kita.” Kamot-ulong saad naman ni GB at mabilis na umalis. Napailing naman si Jasmine dahil dito. Panay ang ikot ni GB sa loob ng grocery store at naghanap ng maaari niyang bilhin. Nang may makita siya ay napangiti siya ng konti at muling hinanap si Jasmine. Pero agad siyang napasimangot nang makitang may lalaking kausap si Jasmine at ito pa talaga ang may hawak ng cart nito. Lalo pa siyang nainis nang makitang nakikipag-ngitian ito sa lalaki. Dali-dali siyang lumapit sa dalawa at tumabi kay Jasmine saka pinaikot ang kanang kamay niya sa bewang nito. Nagitla pa si Jasmine at napatingin sa seryoso niyang mukha. “May problema ba pre? May kailangan ka ba sa misis ko?.” Tila protective na saad pa ni GB. Nahihiyang napakagat labi naman si Jasmine sa inasal ni GB habang ang lalaki ay hindi nakasagot dahil sa gulat. “T-Tumigil ka nga diyan.” Pabulong na saway pa ni Jasmine kay GB. “Ano? May kailangan ka ba sa ASAWA KO?.” Ulit pang tanong ni GB, emphasizing the last two words at hindi nakinig kay Jasmine. Sa mga pagkakataong ganito si GB kay Jasmine ay binibigyan siya nito ng kakaibang saya. “Ah.. w-wala naman po sir. Nagpatulong lang po si ma'am sa paghahanap ng mga bibilhin niya na nasa kanyang listahan.” Sagot na ng lalaki na isa palang empleyado doon. Nahiya naman si GB dahil sa narinig niya. “Ah.. Salamat nga pala sa tulong mo. Ako nalang ang bahalang maghanap dito sa iba.” Ngiting saad nalang ni Jasmine sa lalaki kaya nag-excuse na din ito. Hindi naman makatingin si GB kay Jasmine na nagkunwaring abala sa pagtitingin sa mga product na nakadisplay sa kanyang kaliwa. “Bakit ba masyado kang paranoid? Hindi mo kailangang mambastos ng ganun para lang hindi tayo paghinalaan ng mga tao.” Saad pa ni Jasmine kay GB at napapailing na iniwan ito. Napatingala naman si GB sa inis dahil na-strike na naman siya.) “Damn! I really got it bad! Why can't I hold myself back?! I'm losing myself! I can't help it! I'm getting possessive! f**k!.” Bulong pa ni GB at muling napabuntong hininga. “Hi pogi.” Napalingon si GB sa may kanan niya ng makarinig ng nagsalita pero agad niyang binalik ang tingin niya sa unahan. Hindi niya ito pinansin kahit pa sobrang laki ng ngiti nito sa kanya. “Suplado ka pala.” Ngiting saad pa ng babae at umupo sa tabi niya. “Get lost.” Tanging saad lang ni GB na hindi manlang ito tiningnan. “Hmmmm. Ikaw palang ang kauna-unahang lalaking tatanggi sakin kung sakali. Ha-ha nag-eexist pa pala kayo noh?.” Nahimigan ni GB sa boses nitong tila may pinaghuhugutan ito. Napatingin siya dito at nakitang nakatingin ito sa kawalan. “What do you mean?.” Tanong nalang ni GB. Naisip niyang marahil ay kailangan niya lang ng kausap. “Well, alam mo na basta mga lalaki. Kapag nakakita ng babae kulang nalang lumuwa ang mga mata nila. Kung makatingin parang hinuhubaran ka at kung makahabol parang mga aso.” Seryosong saad pa ng babae. -“Well, it's because I'm not a man.”- Isip naman ni GB na pinili nalang tumahimik. “Marimar nga pala.” Pagpapakilala na ng babae at inabot ang kamay niya kay GB nang hindi siya nagsalita. Napatingin naman si GB sa kamay nito at gustong sabihing alam na niya ang pangalan nito, naikwento na din kasi ito ni Leah sa kanya. Ito ang babaeng sinasabi ni Leah na pumapatol sa mga may asawa. “GB.” Pero mas pinili niya nalang magpakilala ng maayos at tinanggap ang pakikipagkamay nito. Sa hindi inaasahan ay naging maayos ang pag-uusap nina GB at Marimar. Hindi naman pala ito masamang babae. Nagpalitan pa sila ng kwento na akala mo ay matagal na silang magkakilala. Napakunot ang noo ni Jasmine nang makita niyang may kausap na babae si GB. Kahit nakatalikod ito ay kilalang-kilala na niya ang kabuuan nito. Bigla ding bumigat ang pakiramdam niya habang pinagmamasdan ang dalawa. Hinanap niya kasi ito dahil halos dalawang oras na itong nasa labas. Naisip niyang dumidilim na at baka mapano pa ito. “Si GB yun di ba? Mukhang si Marimar yung kausap niya ah.” Saad ng kasama ni Jasmine na si Cesar. Nagpasama kasi siya dito at nagdahilan na maglalakad-lakad sila pero ang totoo ay para hanapin si GB. “Kaya pala nagmadaling umalis ay dahil may kikitain! At kaya pala hindi manlang nakaramdam ng gutom! Mukhang nabusog na ata sa pakikipaglandian! Tsk!.” Inis pang bulong ni Jasmine at nagpasya nalang na ayain si Cesar palayo sa lugar na iyon. “Hin..di.. manlang ba natin.. sila lalapitan?.” Takang tanong ni Cesar kay Jasmine. “Hindi na. Halata namang nag-eenjoy siya eh. Maglakad-lakad nalang tayo o di kaya'y ipakita mo sakin ang iba pang magandang pwedeng tambayan dito.” Pilit ang ngiting saad naman ni Jasmine na nakahawak ang isang kamay sa kanyang tiyan. Tumango naman si Cesar na napangiti ng malaki nang makaisip ng pupuntahan. Alas sais na nang makauwi si GB. Halos tatlong oras din siya sa park dahil hindi niya namalayan ang oras, napansin niya nalang na dumidilim na ang paligid. Nag-alala pa si Cecilia sa kanya dahil hindi siya nagmeryenda. Sinabi niya nalang dito na kumain naman siya sa labas. Pag-akyat niya ng kwarto ay ini-expect niyang makikita niya si Jasmine pero wala ito doon. “Nay, nasaan po si Jasmine?.” Tanong ni GB kay Cecilia na muling bumaba. “Eh ayun nagpasama kay Cesar. Gusto niya daw maglakad-lakad eh. Para daw ma-exercise yung mga paa niya lalo na't lumalaki na ang tiyan niya. Kanina pa nga sila umalis eh. Gumagabi na din. Hindi ba kayo nagpang-abot?.” Sagot naman ni Cecilia. Napakunot ang noo ni GB dahil sa narinig at napailing bilang sagot. Gayunpaman ay nagpasalamat nalang siya kay Cecilia at nagpaalam na muling aalis. “Mga kabataan talaga ngayon oh.” Bulong nalang ni Cecilia na takang napahabol nalang ng tingin sa papalayong katawan ni GB. Napangiti ng malaki si Jasmine dahil sa peaceful ng kanilang pinuntahan. Dinala kasi siya ni Cesar sa may baybayin. Nakaupo sila sa may lilim ng puno habang nakatanaw sa dagat. “Nagustuhan mo ba?.” Tanong ni Cesar na nagniningning ang mga mata habang nakatingin sa nakangiting si Jasmine. “Oo. Sobrang ganda dito. Sa Maynila kasi puro traffic at building lang ang nakikita ko eh. Haha.” Tawang sagot naman ni Jasmine. Nagtanggal din siya ng sipit at dinama ang buhangin sa paa niya. “Pwede tayong pumunta dito kahit kailan mo gusto. Pwede rin tayo ditong maligo bukas. Mahilig kaming maligo dito ni Leah dati eh.” Saad pa ni Cesar na hindi mawala-wala ang ngiti. Naiinis na si GB dahil madilim na pero hindi niya pa din nakikita sina Jasmine at Cesar. Kitang-kita sa mukha niya ang pagkairita. Muli din siyang bumalik sa bahay at nagbakasakaling nakabalik na sila Jasmine pero wala pa rin ito doon. “Damn it! Where on earth are they?!.” Yamot pang bulong ni GB na malalim ang paghinga. Maging sina Cecilia at Leah ay nag-aalala na din kina Jasmine. “Wala ba sila sa park kuya? Baka naman nagkasalisi lang kayo?.” Tanong pa ni Leah na hindi na din mapakali. Umiling naman si GB bilang sagot. Muling nagpasyang lumabas si GB, at this time ay sinamahan na siya ni Leah. Pero kahit anong ikot nila ay hindi talaga nila makita ang dalawa. Lalo lang naiinis si GB dahil sa sobrang pag-aalala kay Jasmine. Nakatingin lang si Jasmine sa dagat habang maraming bagay ang pumapasok sa isip niya. Naiisip niya ang sitwasyon niya at ang mga problema niya lalong lalo na kay GB. “Anong oras na. Ayaw mo pa bang umuwi?.” Nag-aalalang tanong ni Cesar sa nakatulalang si Jasmine. Tanging liwanag na nagmumula sa buwan ang nagsisilbi nilang ilaw. “Dito muna tayo. Saglit nalang.” Sagot naman ni Jasmine. Naiinis pa rin kasi siya kay GB. Nag-alala siya dito habang ito ay nakikipaglandian lang pala sa iba. Ang lakas ng loob nitong pagsabihan siya pero ito naman pala ang may ginagawang kalokohan. “Nagseselos ka noh?.” Gulat na napatingin si Jasmine kay Cesar dahil sa tanong nito. “Natural lang naman na magselos ka. Asawa mo yun eh. Pero mas maganda kung pag-usapan niyo muna yung iniisip mo sa kanya. Malay natin, nag-uusap lang sila at wala naman talaga silang ginagawang masama.” Saad pa ni Cesar at napabuntong hininga. “H-Hindi naman sa ganun.” Saad nalang ni Jasmine na hindi agad nakasagot. Hindi niya alam na ganun na pala siya kahalata. Hindi nalang din nagsalita si Cesar na ngumiti lang ng konti. Makalipas pa ang ilang minuto ay nag-aya na ding umuwi si Jasmine. Bigla niya kasing naisip ang Manay niya. Alam niyang nag-aalala na ito sa kanya. Hahakbang palang sana sila nang makita nila ang dalawang taong papalapit sa gawi nila. Agad nilang nakilala ang mga ito. “What the hell do you think you're doing, ha?! Don't you know what time it is?! Hindi ka ba nag-iisip? Gabi na tapos nandito ka pa! Hindi mo manlang ba naisip na buntis ka ha?! Hindi mo manlang ba naisip na bawal kang mahamugan?! Wala ka bang pakialam sa anak mo ha?!.” Nagitla si Jasmine nang dire-diretso sa pagsasalita si GB habang nakatitig ito sa mga mata niya. Sobrang galit ito. Kasama nito si Leah na tahimik lang na tumabi kay Cesar. Mabuti nalang at naalala ni Leah na mahilig pumunta dun sa gawing iyon ng baybayin ang kuya niya kaya naman nahanap nila ang dalawa. “W-Wala siyang kasalanan. Pasensya na GB. Pasensya na kung ginabi kami.” Singit naman ni Cesar pero hindi manlang siya tiningnan ni GB. “Hindi mo manlang ba inisip ang mga taong nag-aalala sayo ha?! At ganun ka ba kawalang pakialam sa anak mo't mas inuuna mo pa ang sarili mo kesa sa pag-iisip sa maaaring mangyari sa kanya kapag nagkasakit ka?!.” Hindi mapigilan ni GB ang galit niya dahil naiisip niya ang mga malalaswang scenario habang magkasama sina Jasmine at Cesar sa lugar na iyon kahit pa wala namang ginawa ang dalawa. “Pwede ba tumigil ka na?! Ano bang akala mo sakin? Bata? Kaya ko ang sarili ko! At bakit? Bawal na ba akong lumabas ng bahay? Bawal na ba akong mag-enjoy? Ang lagay ba'y ikaw lang ang pwede, ha?! Ang unfair mo naman ata!.” Salubong na ni Jasmine sa galit ni GB nang maalala niya ang masayang pakikipag-usap nito sa isang babae sa park. “Ate, kuya.. t-tama na po. Mauwi na po tayo dahil lumalalim na po ang gabi.” Kinakabahang singit naman ni Leah. Natigilan din ang dalawa at nagpigil ng kanilang inis. Yamot na tinanggal din ni GB ang jacket niya at isinuot ito sa may likod ni Jasmine. Nagulat naman si Jasmine dahil kahit galit ito ay nagawa pa rin nitong magpaka-sweet kahit medyo hindi maganda ang dating dahil nga parang nagdadabog ito. “Let's go!.” Maya-maya'y saad nalang ni GB at nagpatiuna na ng lakad. Nanggigigil pa rin siya dahil sa yamot. Pagdating ng bahay ay nag-aalalang napalapit si Cecilia kay Jasmine. Sinabi naman niyang walang dapat ipag-alala dahil okay lang siya at napatagal lang sila dahil sa ganda ng dagat. Si GB naman ay walang lingon-likod na dumiretso ng kwarto. “Ate pagpasensyahan mo nalang si kuya. Kanina ka pa kasi niya hinahanap eh. Nag-alala lang siya ng sobra sayo kaya siya nagkaganun.” Mahinang saad ni Leah nang magpaalam si Jasmine na aakyat muna ng kwarto. Tumango nalang siya bago ito iniwan. Naisip niya ding inaarte lang ni GB ang pag-aalala nito sa kanya. Pagpasok niya ng kwarto ay nakita niya si GB na nakasandal ang noo sa may salamin habang nakapikit. Nang dumilat ito at makita siya sa repleksyon ng salamin ay tumayo ito ng tuwid at humarap sa kanya. “Sabihin mo nga sakin! May gusto ka ba kay Cesar ha? Kaya ba nag-enjoy ka at hindi mo namalayan ang oras?! Ano? May gusto ka ba sa kanya ha?!.” Pabulong na salubong ni GB kay Jasmine. Akala niya tapos na ito sa panenermon sa kanya, hindi pa pala. “Pwede ba tumigil ka na? Ayoko ng makipagbangayan sayo.” Saad nalang ni Jasmine at hindi na tiningnan si GB. “Hmmggmpf!.” Pero gulat na napaharap si Jasmine kay GB nang hawakan siya nito sa braso at pihitin siya nito paharap. “Ano?! Sagutin mo ako! May gusto ka ba sa kanya ha?! At paano nangyari yun ha?! Akala ko ba hindi ka pa nakaka move on dun sa nagngangalang Andrew?! Kaya paanong nagkagusto ka kay Cesar at hindi sakin?!.” Hindi na alam ni GB ang sinasabi niya. Maging si Jasmine ay natigilan sa huli niyang sinabi. Hinihinaan din nila ang kanilang boses pero nandun pa rin yung diin. “Bitawan mo nga ako! Ano bang problema mo ha?! Ano naman sayo kung magkagusto ako kay Cesar?! Sa pagkakaalam ko ayaw mo akong makasama o makita manlang kaya bakit ka ba umaakto ng ganito ha?! Saka nandito na tayo sa kwarto oh! Pwede mo ng tigilan ang pag-iinarte mo!.” Pagpupumiglas naman ni Jasmine habang nakakunot noo. Sa pagkakataong iyon ay hindi na na-control ni GB ang sarili niya dahil sa narinig na sagot mula kay Jasmine. Kusang gumalaw ang kamay niya papunta sa batok nito at hinila ito palapit sa kanya. “Hmmmbb!.” Nanlaki naman ang mga mata ni Jasmine dahil sa bilis ng pangyayari. Naramdaman niya nalang ang labi ni GB sa labi niya. Tila natuklaw siya ng ahas dahil sa gulat. Ramdam na ramdam niya din ang mabilis na pagtibok ng puso niya nang mag-sink in sa isip niya ang ginagawa ni GB. Nang marealize ni GB ang ginagawa niya ay dahan-dahan niyang binaba ang mga kamay niya at lumayo siya ng konti kay Jasmine. Napatitig siya sa mga mata nitong malaki pa rin. Parehong namula ang mukha ng dalawa at biglang napaiwas ng tingin sa isa't-isa. Hindi din nila alam ang sasabihin nila. Gustong magtanong ni Jasmine pero hindi niya magawa. Pasimply niya pang hinawakan ang labi niya. Habang si GB naman ay napapikit ng mariin at kinagalitan ang sarili niya sa kanyang isip. “L-Labas muna ako.” Saad nalang ni GB. Tumango naman ng mahina si Jasmine na hindi pa rin makatingin kay GB. Paglabas ni GB ay tila nauupos na kandilang napaupo si Jasmine sa katre. Hindi niya alam kung bakit siya hinalikan ni GB at hindi niya din maintindihan kung bakit sa simpleng halik na iyon ay nabuhay ang katawang lupa niya. Nagtataka din siya kung paanong nalaman ni GB ang pangalan ng ex niyang si Andrew pero hindi naman siya makapagtanong dito dahil nahihiya siya. Makalipas ang ilan pang minuto ay lumabas na din si Jasmine ng kwarto dahil kakain na sila. Tahimik silang kumakain at nagpapakiramdaman sa isa't-isa. Maging si Cecilia ay nahalata din ang pagkailang ng dalawa sa tuwing nagkakatama ang kanilang mga kamay. “Nak? May.. nangyari ba sa inyo?.” Tanong na ni Cecilia na palipat-lipat ang tingin kina GB at Jasmine. Nang marinig naman ni GB ang tanong na ito ay napatigil siya sa pagsubo. Maging si Jasmine ay gulat na napatingin kay Cecilia. “M-Manay, w-wala pong nangyari samin. B-Buntis na po ako para g-gawin pa ang mga ganyang bagay.” Nahihiyang sagot naman ni Jasmine. Si Cecilia naman ang natigilan dahil sa sinabi niya. “Nak, ang ibig kong sabihin ay kung hindi pa ba kayo okay.” Pagkaklaro pa ni Cecilia sa tanong niya. Nahihiyang napakagat labi tuloy si Jasmine at napangiti ng alanganin dahil sa kadumihan ng pag-iisip niya. Naalala niya kasi ang paghalik ni GB sa kanya kaya ito ang naisagot niya. Nagkatinginan pa sila ni GB pero agad din siyang napaiwas ng tingin nang makitang tila nginingisihan siya nito. ----- Kasalukuyang nagkakape sa isang coffee shop si Cedric nang may biglang pamilyar na mukha siyang nakita. Napakunot noo siya nang mapatingin ito sa kanya. “I didn't know you're still fond of coming here.” Lapit na ng babae sa table niya at ngumiti ng konti. Sa coffee shop na iyon din sila unang nagkakilala. “Huh! What now? Namamansin ka ata? Dahil ba ilang buwan mo ng hindi nakikita ang lover mo?.” Sarcastic pang tanong ni Cedric dito. “I see you never change. I guess tama lang ang naging desisyon ko. Sige, see you when I see you.” Saad pa ng babae at naglakad na din palabas ng coffee shop. “Sapphire.” Natigilan sa paghakbang ang babae nang marinig ang pangalan niyang tinatawag. Sinundan pala siya ni Cedric. Muli niya itong hinarap ng nakangiti pagkatapos niyang pumikit ng mariin. “Yes? May sasabihin ka pa ba?.” Ngiting saad pa ng babae na walang iba kundi si Sapphire na siyang ex ni Cedric. “Why?! Bakit mo ako pinagpalit sa taong yun?!.” Matigas pang tanong ni Cedric. Hindi naman alam ni Sapphire kung sinong tinutukoy nito pero sinakyan niya nalang ito at nagkibit balikat. “It just happen. That's all.” Ikling sagot pa ni Sapphire bago muling nagpaalam at tuluyang umalis. Naiwang nagngingitngit naman ang kalooban ni Cedric dahil sa kanyang narinig na sagot mula kay Sapphire. Sa inis niya ay nagpasya siyang pumunta ng Bar at doon niya inilabas ang galit na nararamdaman niya. Nang makatanggap ng tawag mula sa isang bartender gamit ang phone ni Cedric ay agad na napasugod sa bar sina Caleb at Charles. Nag-alala sila para sa kanilang kapatid nang malamang lasing na lasing ito. “Hooyyy! Hahaha *hik* isah fah ngah! Hahaha.” Makalipas lang ang ilang minutong sunod-sunod na pagtungga ni Cedric ay agad na siyang nalasing. “Hoy! Hanoh bah hah??!! Essha pah *hik* shabeh eh!.” Yamot ng saad ni Cedric sa bartender nang hindi na siya nito binibigyan ng alak. Hindi na kasi siya makagalaw ng maayos. “Kuya!.” “Bro!.” Sabay na tawag nina Charles at Caleb nang makita si Cedric. “Kuya, tama na. Tara na umuwi na tayo.” Saad ni Charles kay Cedric at hinawakan ito. “Bihtawahn *hik* niyoh ahkoh!.” Waksi naman ni Cedric nang hawakan siya nina Charles at Caleb. “Masyado na siyang lasing kuya. Tara, akayin nalang natin siya.” Saad pa ni Caleb kay Charles kaya pagkatapos magbayad sa bartender ay hinawakan na nila sa magkabilang braso si Cedric at pilit itong inakay palabas ng bar kahit medyo nahihirapan pa sila dahil panay ang likot nito. “Aaaahhhh!! Shaffiiree! Bahkit moh.. akoooh finagpahlit.. sah gagong yooon!.” Patuloy sa pag-iingay si Cedric habang nasa backseat ng sasakyan. Naglilikot din ito habang nakapikit at pinagsisipa ang likod ng upuan ng nasa front seat. Nagkatinginan naman sina Charles at Caleb na nasa front seat nang maintindihan kung bakit naglasing ang kapatid nila. Naaawa sila dito dahil alam nilang kahit ilang buwan nang nakalipas ay mahal pa rin nito si Sapphire kahit pa lagi nitong sinasabing hindi na. Gusto nilang gantihan ang taong umagaw kay Sapphire mula sa kapatid nila. At magagawa lang nila yun kapag bumalik na ito. ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD