“UNEXPECTED BEAT”
EPISODE 10.
Isang buwan na din ang lumipas simula nung dumating sa San Isidro sina GB at Jasmine. Unti-unti na din silang nasasanay sa kanilang simpleng buhay. Marami na din silang nakilala at sa kabutihang palad ay walang nakakahalata na hindi maayos ang totoong relasyon nilang dalawa. At habang patagal ng patagal ay palaki na din ng palaki ang tiyan ni Jasmine. Hindi naman ito naging problema sa dalawa dahil alam na din ito sa kanilang barangay.
Tumatawag din si Jasmine sa kanyang mommy gaya ng kanyang pinangako dito. Si GB naman ay may ginagawa pa ring trabaho na siyang ginagawa niya through her laptop.
“Hoy! Hoy, Ano ba!.” Inis na napalingon si GB kay Jasmine dahil sa ingay nito. Nakasandal kasi ito sa may ulohan ng katre habang siya ay nasa may mesa at abala sa kanyang laptop dahil may pinagawa ang dad niyang trabaho.
“Will you shut up and sleep?! Can't you see I'm busy?!.” Medyo iritang saad naman dito ni GB.
“Gusto kong kumain ng rambutan!.” Pout na saad naman ni Jasmine. Lately ay nagtataka na din si GB sa inaasal ni Jasmine. Minsan kasi ay para itong bata. Minsan naman ay para itong menopause sa sobrang sungit. Hindi niya malaman kung dahil ba ito sa pagbubuntis nito o talagang iniinis lang siya nito.
“You could have asked for it, earlier. It's already twelve midnight! Bukas ka nalang kumain nun.” Kunot-noong saad naman ni GB. Alas-dose na kasi ng madaling araw.
“No! Gusto ko nga ngayon eh! Hindi ka ba makaintindi, ha?!.” Gaya ng inaasahan ay bigla na ngang nagalit si Jasmine. Tumayo pa ito mula sa pagkakasandal sa katre at lumapit sa gawi niya.
“I'm busy. Utusan mo nalang si Cesar kung gusto mo.” Pilit na pinigilan ni GB ang inis niya habang sige pa rin siya sa pagtype sa laptop.
“Eh ikaw nga ang gusto kong maghanap nun para sakin eh!.” Sungit pa ring saad ni Jasmine at sinara ang laptop.
“Hey!.” Gulat na napatayo naman si GB dahil sa ginawa ni Jasmine.
“
You! You really like it when I'm frustrated eh? You must be grateful that you're pregnant! Doing all this stupid stuff just to pester me!.” Iritang saad pa ni GB.
“Bibilhan mo ba ako o hindi? Ano?.” Tanong pa ni Jasmine na nakataas ang kilay. Ni hindi manlang siya natakot sa tingin ni GB.
Kahit galit ay pinigilan nalang ni GB ang sarili niya. Wala na din siyang nagawa kundi ang magpasama kay Cesar sa paghahanap ng rambutan. Natagalan pa silang dalawa dahil sarado na ang palengke. Nambulabog lang sila ng bahay para sa rambutan na iyon.
“Sige Cesar, maraming salamat sa pagsama. Pasensya na din sa abala.” Saad ni GB nang nakabalik na sila ng bahay. Tumango lang naman si Cesar at ngumiti.
Pagpasok naman ni GB sa kwarto nila ni Jasmine ay mahimbing na ang tulog nito. Napailing nalang siya at napangiti ng konti. Kinulit siya nito ng kinulit pero matutulog lang din naman pala ito. Nilagay niya nalang sa may mesa ang rambutan na nakabalot sa plastik at nagpasyang matulog nalang.
Kinabukasan, pagkatapos maligo ni GB sa CR na nasa ibaba ay muli siyang umakyat sa kwarto. Nakita niyang mahimbing pa rin ang tulog ni Jasmine. Umupo siya sa may gilid nito at napatingin mula sa mga paa nito pataas sa legs nitong hindi natatakpan ng kumot.
“What have you done to me?.” Pabulong na tanong ni GB sa natutulog na si Jasmine.
Sa loob kasi ng isang buwan, kahit panay ang sagutan nila ay hindi niya pa rin napigilan ang sarili niyang humanga dito kahit pa may konting galit siya dito. Para din siyang manyak na nakatingin sa mga labi nito at napapalunok. Pero nang bahagyang gumalaw si Jasmine ay mabilis siyang tumayo at lumapit sa kabinet. Nagtanggal ng damit at naghanap ng maisusuot.
Pataas na ang araw pero tinatamad pa ring bumangon si Jasmine. Mas gusto niya nalang matulog kesa makita ang mukha ni GB. Sa loob kasi ng isang buwan ay lagi silang pabulong na nagtatalo sa kanilang kwarto kahit sa mga maliliit na bagay. Naiisip niyang dahil na rin siguro ito sa pagbubuntis niya.
“Hmmmmrrrrggggh...” Nagpasya ng bumangon si Jasmine at laking pasasalamat niya nang hindi niya nakita si GB sa higaan. Inaantok na pinilit niya ang kanyang sarili na tumayo.
Pero ganun nalang ang paglaki ng mga mata ni Jasmine at pagbuka ng kanyang bibig nang mapatingin siya sa may kabinet. Nakatayo kasi dito si GB na kasalukuyang walang pang-itaas na damit. Hindi niya ito napansin dahil na rin sa inaantok pa siya.
“What are you staring at?.” Biglang harap naman ni GB kay Jasmine.
“Bastos!.” Agad ding napatalikod si Jasmine dahil sa ginawa ni GB.
“Pwede ba! Konting respeto naman! Hindi yung nakahubad ka kung saan-saan!.” Yamot pang saad ni Jasmine. Hindi na din siya nagtataka kung wala mang dede si GB dahil alam na niyang panglalaki na ang katawan nito. Minsan kasi ay nagtatanggal ng damit si GB sa tuwing pinagpapawisan ito. Maging si Cecilia na alam ang totoong kasarian ni GB ay napapahanga din sa katawan nito.
“Why? Mag-ASAWA naman tayo, di ba?.” Nahimigan ni Jasmine ang sarcastic sa tono ni GB dahilan para mapatingin siya dito ng masama. Pero wrong move dahil hindi pa rin ito nagsusuot ng damit.
“Magdamit ka nga---aayy!.” Muli ay gulat na saad ni Jasmine at napapihit pakanan para umalis nalang sana pero sa kasamaang palad ay namali siya ng pihit kaya napatumba siya pakanan at na-out balance.
(Dug! Dug! Dug!)
Biglang kinabahan si Jasmine nang masalo siya ni GB at mapahawak siya sa magkabilang balikat nito habang nakahawak ito sa may bewang niya. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at nakitang ilang inches nalang ang layo ng mga mukha nila. Ramdam na ramdam niya din ang katawan nitong nakadikit sa katawan niya.
-“Bangit ang bango ng mokong na to? Haizt! Hindi! Hindi! Ano ba tong iniisip ko!.”- Nalilitong isip ni Jasmine habang nakatingin pa rin sa mga mata ni GB. Wala siyang makitang saya sa mga mata nito, puro lungkot na siyang tinatakpan nito ng pagsusungit.
“Why were you looking at me like that?.” GB asked Jasmine na siyang kinagising niya ng diwa. Mabilis niya ding inilayo ang katawan niya kay GB.
“Excuse me?.” Patay malisyang pagtataray naman ni Jasmine kahit pa ramdam na ramdam niya pa rin ang malakas na pagkabog ng dibdib niya.
“Just so you know. If you're trying to seduce me, that won't work.” Walang emotion pa ring tugon ni GB na halatang iniinis si Jasmine. Nanlaki naman ang mga mata ni Jasmine dahil sa narinig. Napatingin siya dito ng masama kahit pa wala pa rin itong damit at napakuyom ng kamao.
“”Aba't ang kapal na----.”
“Tsk! And one more thing. Will you stop being clumsy? In case you forgot, you're pregnant. Wag mo namang ilagay sa kapahamakan ang anak ng kambal ko.” Putol ni GB sa sinasabi ni Jasmine saka tumalikod at nagsuot ng damit bago lumabas ng kwarto habang napapailing.
“Hoy! Bumalik ka nga dito! Ugh!! Bastos! Hindi ako clumsy! Haizt! Kasalanan ko bang nagulat ako dahil sa ganda ng kataw-este sa pangit ng katawan mo!.” Inis na pabulong na sigaw pa ni Jasmine.
Naiinis na naglakad nalang palabas ng kwarto si Jasmine dahil naisahan na naman siya ni GB. Lagi talagang masama ang tabas ng dila nito sa kanya.
“At ano daw? Sini-seduce ko siya? Ang kapal ng mukha! Ako? Mangsi-seduce sa kanya? Wag na uy! Ugh! Never! Kahit kailan hinding-hindi ko gagawin yun! Assumera siya! Sheeessh!.” Inis na bubulong-bulong pa ni Jasmine habang naglalakad na siya pababa ng hagdan. Nakalimutan niya na din ang pinabili niyang rambutan.
Tamang-tama lang din ang pagbaba niya dahil handa na ang kanilang agahan. Nagkikwentuhan pa sila habang kumakain at si Jasmine naman ay maya't-mayang napapatingin ng masama kay GB.
Pagkatapos kumain ay nagpasya nalang din si Jasmine na maghugas. Lumapit siya kay Cecilia para kunin dito ang mga hugasin.
“Naku nak, ako na dito. Wag mo ng masyadong pinapagod ang sarili mo't lumalaki na ang tiyan mo. Ang mabuti pa ay magpahinga ka nalang, sige na.” Ngiting saway ni Cecilia kay Jasmine.
“Nay, ako na po dito. Hindi naman po ito mabigat eh. Kayo nalang po ang magpahinga.” Ngiting sagot naman ni Jasmine. Napakamot nalang din sa ulo si Cecilia at hinayaan na si Jasmine nang hindi niya ito mapilit na umalis.
Sa sobrang inis din ni Jasmine kay GB ay pinag-igib niya ito ng tubig na gagamitin niya sa paghuhugas. Nag-iigib lang din kasi sila ng tubig mula sa bomba na nasa kanilang bakuran nakalagay. Kaya sa tuwing bumabalik si GB habang bitbit ang dalawang baldeng may lamang tubig ay nginingitian niya ito ng mapang-asar.
“Mag-igib ka din ng tubig sa mga drum na nandun sa may CR para makaligo na ako.” Ngiting tagumpay na saad pa ni Jasmine nang mapuno na ni GB ang drum na nasa may kusina. Kita niya ding pawisan na ito.
Asar na nagpigil nalang ng inis si GB at padabog na kinuha ang dalawang balde para ipakitang naiinis na siya. Pero ngnitian lang siya ni Jasmine na halatang lalo pa siyang iniinis bago siya tuluyang lumabas.
“Tapos na po, SENYORITA.” Maya-maya'y biglang litaw pa ni GB na pawisan ang mukha at damit. Nagwawalis na din si Jasmine dahil katatapos niya lang maghugas. Napangiti din si Jasmine dahil alam niyang naaasar na talaga si GB.
-“Hmmmm.. Ano pa kayang pwede kong ipagawa dito sa mokong na ito. Nang makaganti manlang ako sa mga pang-aasar niya sakin.”- Isip ni Jasmine habang nakangisi at nakatingin kay GB.
Nang makita naman ni GB ang pag-ngisi ni Jasmine ay napakunot ang noo niya. Alam niyang may iniisip na naman itong hindi maganda.
“Ah.. eh.. Manay? Ano pong ginagawa ni Cesar?.” Bago paman makalabas ng pinto si Cecilia ay napalingon siya kay Jasmine nang tawagin siya nito.
“Ayun nagsisibak ng panggatong, iha. Bakit? May kailangan ka bang ipagawa sa kanya?.” Sagot naman ni Cecilia nang makita ang ginagawa ni Cesar sa kanilang bakuran.
“Wala naman po Manay. Eh gusto lang po kasing tumulong ni GB sa mga ginagawa ni Cesar eh, di ba hon?.” Sweet pang saad ni Jasmine sabay ngiti ng pagkatamis-tamis kay GB. Naiinis na si GB dahil okay lang naman sa kanyang mag-igib, wag lang siyang pagsisibakin dahil hindi siya marunong.
“Ay ganun ba. Ay ikaw ba'y marunong GB?.” Tanong pa ni Cecilia.
“Opo, Manay. Marunong po siya.” Si Jasmine na ang sumagot para kay GB. Wala na din namang nagawa si GB kundi ang inis na tumango kahit hindi totoo.
Nang lumabas sina GB at Jasmine ay lumapit na si GB kay Cesar pagkatapos kumuha ng palakol at sinabing tutulong siya na siyang tinanguan naman ni Cesar. Umupo naman si Jasmine sa may kubo para makita ang inis na si GB.
“Hi, senyo-Jasmine.” Kamot-ulong bati naman ni Cesar kay Jasmine. Agad din siyang napangiti ng malaki. Napapansin din naman ni Jasmine ang kakaibang kinikilos ni Cesar sa tuwing nasa paligid siya pero binabalewala niya nalang iyon.
“Hello, Cesar.” Ganting bati naman ni Jasmine na ngumiti pa ng pagkatamis-tamis.
-“Damn this woman! She's really giving me a hard time! Aarrgghh!.”- Isip pa ni GB at napatingin kay Cesar nang bigla itong magtanggal ng pang-itaas na damit na tila gustong ipakita ang katawan niya kay Jasmine.
-“What the heck?!.”- Lalo pang nainis si GB sa hindi niya malamang dahilan nang makita niya ang malaking ngiti ni Jasmine habang nakatingin kay Cesar.
Sa inis ni GB ay padabog niyang binaba ang palakol at hinubad ang damit niya habang nakatingin sa nakangiting si Jasmine. Unti-unti namang nawala ang ngiti ni Jasmine nang makita ang ginagawa ni GB. Napanganga siya at napalunok nang matitigan ang maganda nitong katawan.
-“Bakit ba naghuhubad itong mokong na ito? Don't tell me nagpapapansin siya sa mga babae?!.”- Hindi namalayan ni Jasmine na nakakunot na ang noo niya habang nakatingin sa dalawang dalagang nanonood kay GB na may paghanga sa kani-kanilang mga mata.
-“Damn! Di hamak na mas maganda naman ang katawan ko kay Cesar ah! Pero bakit umiwas siya ng tingin?!.”- Yamot na isip pa ni GB nang makitang napakunot na ang noo ni Jasmine at hindi na nakatingin sa kanya.
-“Aaarrrggghhh!! Eh ano bang pakialam ko kung maghubad siya sa harap ng mga babae?! Bahala nga siya sa buhay niya!.”- Isip pa ni Jasmine nang marealize niya ang kanyang iniisip.
-“The heck! Why am I being like this?! Ano naman kung tumingin siya sa katawan ni Cesar at hindi sakin?! Haizt! Damn it!.”- Yamot pang isip ni GB nang marealize ang ginagawa niya.
(Pok! Pok! Pok!)
Pawis na pawis na si GB pero hindi niya pa rin maayos-ayos ang pagsisibak niya. Hindi niya napuputol ang malaking kahoy na gawa sa Nara at minsan ay gumugulong pa ito. Pagod na pagod na din siya at sobrang basa na ang katawan niya.
“Okay ka lang ba?.” Tanong pa ni Cesar kay GB at napatingin sa kahoy. Marami na siyang nasibak pero si GB, wala pa rin. Parang magka-edad lang din sila kung ituring niya si GB kahit matanda ito sa kanya.
“I'm fine.” Naiinis na si GB dahil nagmumukha siyang talunan sa harap ni Jasmine.
Sa sobrang gigil ni GB ay malakas niyang hinampas ang palakol sa kahoy dahilan para tumalsik ang maliit at matulis na natanggal mula dito at tumama ito sa gilid ng kanyang leeg.
“Ouch! f**k!.” Agad na napahawak si GB sa leeg niya nang makaramdam dito ng hapdi. Gulat na napalapit naman si Jasmine kay GB nang makita ang nangyari.
“It's bleeding!.” Nag-aalalang saad pa ni Jasmine. Pinunasan naman ni GB ang sugat niya ng kanyang palad.
“Ang mabuti pa ay pumasok na muna kayo. May alcohol dun at may bulak. Ako nalang ang bahala dito.” Saad naman ni Cesar. Nagmatigas pa si GB dahil tila nasaktan ang ego niya pero hinawakan na siya ni Jasmine sa kamay at hinila papasok sa loob.
Sa inis pa rin ni GB ay yamot na winaksi niya ang kamay ni Jasmine at nagpatiuna ng lakad. Dumiretso siya sa kwarto na siyang kinataka naman ni Jasmine. Kumuha nalang din muna si Jasmine ng alcohol at bulak bago ito sinundan.
“Maupo ka na muna, gagamutin ko lang yang sugat mo.” Saad ni Jasmine nang makitang nakatayo at nakayuko sa harap ng salamin si GB.
“Ano ba! Umupo ka na nga muna sabi eh!.” Medyo inis ng saad ni Jasmine nang hindi siya pansinin ni GB. Hinila niya ito sa kamay pero muli nitong winaksi ang kamay niya.
“What?! Are you happy, ha? Masaya ka na ba dahil napahiya ako? Masaya ka na ba dahil nagmukha akong tanga dun, ha? Ano?! Ito yung gusto mo di ba? Yung napapahiya ako?! Natutuwa ka ba dahil mas magaling sakin ang Cesar na yun, ha?!.” Medyo nagulat si Jasmine sa biglang pagburst-out ni GB. Hindi din siya makatingin dito ng maayos dahil nadidistract siya sa katawan nitong mamasa-masa dahil sa pawis.
“And stop acting like you care! Because I know you don't!.” Huling saad pa ni GB saka muling iniwan si Jasmine pagkatapos kumuha ng damit sa kabinet. Hindi niya alam kung bakit siya umaakto ng ganun. Naiinis siya dahil lang naungusan siya ni Cesar. Naiinis siya sa isiping mas magaling ito kaysa sa kanya sa paningin ni Jasmine.
Napabuntong hininga naman si Jasmine at napakagat labi. Sinisisi niya din ang sarili niya kung bakit nagalit si GB. Partly kasalanan niya din dahil gusto niya nga itong pahirapan.
Hapon na at schedule ni Jasmine ng pre-natal sa Center. Nagpaalam siya kay Cecilia na aalis muna siya. Papasamahan sana siya nito kay Leah pero tumanggi siya dahil malapit lang naman ang Center at alam na niya kung saan ito. Hindi na din siya umasang sasamahan siya ni GB dahil nga galit ito sa kanya at maghapon siya nitong hindi pinansin.
“Ay kabayo!.” Palabas na sana si Jasmine sa pinto ng biglang lumitaw si GB out of nowhere.
“Let's go.” Tanging saad lang ni GB at naglakad na paalis habang may bitbit na payong.
“H-Hindi mo na ako kailangang samahan. Kaya ko na.” Nahihiyang saad ni Jasmine nang magkatabi na silang naglalakad.
“Ahmmmp!.” Medyo nagulat pa siya nang biglang hawakan ni GB ang kamay niya.
“Alam kong kaya mo na. I'm just doing this para hindi tayo mabuko.” Saad ni GB na straight lang ang tingin.
“Yeah, what do I expect? Tsk!.” Mahinang saad pa ni Jasmine na halatang nanlumo sa kanyang narinig mula kay GB. Nagtanong pa si GB kung anong sinasabi niya pero umiling nalang siya.
Pagdating sa Center ay madami na ditong tao. Marami ding mga buntis na alam nilang magpapapre-natal. Umupo sila sa nakapilang upuan.
“Ilang buwan na ang tiyan mo, iha?.” Nakangiting tanong ng ginang na nasa harap ng inuupuan nila Jasmine.
“Ah.. T-Tatalong buwan na po.” Sagot naman ni Jasmine dito.
“Hmmm.. Ikaw ba ang asawa, iho?.” Tanong pa ng ginang kay GB.
“Opo.” Sagot naman ni GB.
“Parang kami lang nung asawa ko dati. Sa tuwing may pre-natal ako, laging siya yung kasama ko. Gaya niyo, bata pa rin kami nung magpakasal kami.” Nangingiting kwento pa ng ginang na tila may naalala.
“Bagay na bagay kayo iha, iho. Nawa'y maging masaya ang pamilya niyo at maging maayos ang panganganak mo.” Saad pa ng ginang na siyang nginitian nalang ni Jasmine ng alanganin. Nagkatinginan pa sina GB at Jasmine. Si Jasmine na din ang unang umiwas ng tingin.
-“Magiging masaya ba ang pamilya namin kung hindi naman namin ito ginusto? Kung pareho lang kaming napipilitan sa kasalukuyan naming sitwasyon?.”- Isip ni Jasmine at mahinang napabuntong hininga.
-“How would that be possible kung hindi naman ako ang totoo niyang asawa? Kung isa lang naman akong substitute?.”- Isip naman ni GB at mahigpit na napakuyom ng kamao.
Pinayuhan si Jasmine ng doctor na kumain ng mga gulay at iwasan ang sariling ma-stress. Maging si GB ay sinabihan din ng doctor na iwasang stress'sin ang misis niya dahil hindi ito makakabuti sa pagbubuntis nito. Tumango lang naman ang dalawa bilang sagot.
Pagkatapos ng pre-natal ay medyo nagkailangan pa ang dalawa habang naglalakad pauwi. Pareho silang hindi sanay na hindi sila nagbabangayan.
“Damn it! This is awkward!.” Voice out na ni GB at napahawak sa batok niya. Hindi naman sumagot si Jasmine na halatang naiilang din.
“I'm sorry.” Biglang napalingon si GB kay Jasmine sa narinig mula dito.
“I'm sorry sa nangyari sa leeg mo dahil sa kakulitan ko kanina.” Nakayukong saad pa ni Jasmine na siyang ikinataka ni GB. First time niyang makitang nagpakumbaba si Jasmine.
“Are you sick or something?.” Wala sa sariling tanong naman ni GB na siyang kinakunot ng noo ni Jasmine.
“Ano? Ako na nga itong humihingi ng tawad tapos nang-aasar ka pa?! Ewan ko sayo! Bahala ka nga diyan!.” Napanganga si GB sa bilis ng pagbabago ng mood ni Jasmine. Naglakad na din ito at iniwan siya.
“Haizt! Napakabipolar talaga!.” Iiling-iling na saad nalang ni GB bago sinundan si Jasmine. Lingid sa kaalaman niya ay napangiti si Jasmine habang naglalakad.
Napapangiting hinabol naman ni GB si Jasmine at pasimpleng hinawakan ito sa kamay. Medyo nagulat man ay napalingon nalang si Jasmine sa kanyang kanan para hindi makita ni GB ang pag-ngiti niya. Maging si GB ay parang teenager na napapakamot sa kanyang batok.
“Don't take it the wrong way. We should hold hands in times like this. We're out in public.” Seryosong saad naman ni GB dahil nahihiya siya sa kanyang ginawa.
“Okay.” Ikling sagot naman ni Jasmine na nawala ang ngiti pagkarinig sa sinabi ni GB. Magkaholding hands silang naglakad pauwi pero hindi naman sila nag-uusap. Naiinis si Jasmine sa kanyang sarili dahil nadadala siya sa minsang pagiging sweet ni GB, yun pala ay umaasa lang siya sa wala.
Pagpasok nila sa kanilang bahay ay napahinto si Jasmine sa paghakbang nang makitang may mga bisita sila. Napatayo din ang mga bisita nila at napangiti ng malaki pagkakita sa kanya. Makikita din ang tila nanunudyong mga tingin sa mata ng mga bisita nang mapatingin sila sa magkahawak na kamay nina GB at Jasmine. Agad namang bumitaw ang dalawa nang mapansin kung saan nakatingin ang mga panauhin.
“Buti naman at mukhang nag-eenjoy ka dito bes. Gosh! We missed you! Haha.” Saad na ni Vina at lumapit kay Jasmine saka yumakap. Napangiti naman si Jasmine at gumanti dito ng yakap.
“Beeesss!!.” Hyper pang tili ni Beverly at yumakap din kay Jasmine. Maging si Joan ay lumapit na din at yumakap sa kanya.
“Akala ko nakalimutan niyo na ako eh.” Pout ng saad ni Jasmine at inayang maupo ang mga kaibigan niya.
“Pwede ba yun? Siyempre hindi! Mabuti na nga lang at hindi kami naligaw bes eh. Haha.” Masayang saad naman ni Joan na siyang kinatawa nilang lahat. Nag-excuse din ang nakangiting si Cecilia para hayaang makapag-usap ang mga magkakaibigan. Maging si GB ay umalis din at umakyat sa kanilang kwarto.
“Pero bes, kwento ka nga. Ano yung nakita namin ah? Ano? Don't tell us may something na sa inyo ni GB? Ikaw ah! Haha.” Pabulong na tukso ni Vina kay Jasmine nang silang apat nalang ang naroon.
“Haha magaling ba bes? I mean, magaling mag-alaga? Hahaha.” Segundang panunukso naman ng pilyong si Beverly.
“Hindi nga talaga natin alam ang kapalaran natin. Parang kayo bes, kahit na kakaiba ang sitwasyon niyo ngayon, ang mahalaga ay nagmamahalan kayo.” Saad naman ni Vina na napangiti.
“Ano ba kayo, wala yun okay? Kailangan lang naming magholding hands para hindi mahalata ng mga tao na nagpapanggap lang kami. T-Tigilan niyo nga ako. Wala akong gusto dun sa masungit na yun uy.” Pagdadahilan naman ng nahihiyang ni Jasmine na napapakagat labi pa.
“Oh really, bes? Then why were you blushing? Haha.” Saad naman ni Beverly. Agad namang napahawak si Jasmine sa pisngi niya. Nang tumawa ang mga kaibigan niya ay napasimangot naman siya. Pinagloloko lang pala siya ng mga ito.
Hanggang sa magkwentuhan na sila. Maya't-maya din silang nagtatawanan habang nagmemeryenda. May dala kasing mga pagkain ang mga kaibigan ni Jasmine. Mag-i'stay din sila ng dalawang araw sa San Isidro dahil namiss nila ito.
“Nga pala bes, nagkasalubong kami ni Andrew sa Mall nung isang araw. Panay ang tanong tungkol sayo. Napakakulit! Haaayyy..” Natigilan si Jasmine nang marinig ang sinabi ni Vina.
“H-Hayaan niyo nalang siya, bes.” Tanging saad lang ni Jasmine.
“Eh bes.. sinabi niyang alam daw niya ang nangyari sayo. At.. alam niya daw na buntis ka. Nalaman niya daw sa kaibigan ng isa sa mga kamag-anak niyo. Ang sabi niya pa, kung nalaman niya lang daw ng maaga ay handa niyang panagutan ang nangyari sayo kahit pa hindi siya ang ama ng dinadala mo.” Biglang napatingin si Jasmine kay Vina pero hindi siya nagsalita.
“Bes.. hanggang ngayon ba.. may.. nararamdaman ka pa rin sa kanya?.” Nag-aalangang tanong naman ni Beverly. Hindi naman nakasagot si Jasmine na napatitig lang sa kawalan.
“Bes.” Hinawakan ni Joan ang kamay ni Jasmine kaya napatingin ito sa kanya.
“Hanggang ngayon ba, si Andrew pa rin ba ang tinitibok ng puso mo?.” Seryosong tanong pa ni Joan.
“H-Hindi ko a-alam eh. Pero inaamin ko, n-naapektuhan pa rin ako nung n-nakikita ko siya o ngayong k-kahit na-naririnig ko manlang ang pangalan niya.” Nahihiyang sagot naman ni Jasmine at napayuko. Napabuntong hininga naman ang mga kaibigan niya at niyakap siya.
“Ang mabuti pa, wag nalang nating pag-usapan ang kung sinumang poncio pilato para hindi na malungkot itong bes natin.” Saad na ni Joan para maging light ang kanilang atmosphere.
“Pag-usapan nalang natin ang mga lalaki sa buhay ko. Hahaha.” Parang baliw na tawa naman ni Beverly na siyang kinatawa din nina Jasmine. Hanggang sa puro biruan at asaran na ang ginawa nilang apat.
Napabuntong hininga si GB habang nakatayo sa may hagdan at nakapamulsa. Napakunot din ang noo niya nang paulit-ulit na magreplay sa isip niya ang pag-aamin ni Jasmine na naaapektuhan pa rin ito sa nagngangalang Andrew.
Hindi na din siya tumuloy sa pagbaba at muling bumalik nalang sa kanilang kwarto. Napaupo siya sa katre at napatitig sa kawalan.
“What am I thinking? I should know my place! There's no way she's going to let me in, in a space where only Adones are allowed.” Bulong pa ni GB at napakuyom ng kamao.
Tumayo din siya at lumapit sa harap ng salamin. Tiningnan niya mula dito ang kanyang repleksyon at nangako sa kanyang sarili na hindi niya hahayaang mahulog ang sarili niya sa bangin kung saan maaari niyang ikamatay. Makahulugan ito na tanging siya lang ang nakakaalam.
~
~
~
⇨acacabas_019ツ.