EPISODE 9.

4307 Words
“UNEXPECTED BEAT” EPISODE 9. Isang mabilisang kasal sa huwes ang ginanap para kina GB at Jasmine. Gaya ng napag-usapan, ang lahat ng documents ay nakapangalan kay Gill at nandoon lang si GB bilang substitute at siyang sasama kay Jasmine habang hindi pa nakikita si Gill. Kanilang pamilya, piling kamag-anak at kaibigan lang din ang nakaalam at nakadalo sa kasal. At gaya din ng inaasahan, nalaman ng media ang tungkol sa kasal kaya naging usap-usapan ito. Kaya naman, kasabay ng pagputok ng isyu tungkol sa pagpapakasal nina GB at Jasmine ay siya namang paglabas ng baho ni Mr. Chen. Lahat ng pangnanakaw na ginawa nito sa Chen's Enterprises na kasalukuyang hawak na ng mga Santos ay naisiwalat. Ang matibay na motibo ay dahil sa galit niya sa mga Santos pero ang akusasyon ay madiin niyang itinanggi. Ganunpaman ay kinasuhan pa rin siya ng mga Santos. At dahil sa nangyari ay nabaling dito ang atensyon ng media na siyang ikinatuwa naman ni Gerard. Dalawang araw matapos ang kasal ay handa na din sina GB at Jasmine para umalis at pumunta ng probinsiya nina Cecilia. Nasa mansyon sila ng mga Santos at naglalakad na papunta sa sasakyan na gagamitin sa paghatid sa kanila sa terminal ng bus. “Nak, mag-iingat kayo doon ah? Wag mo ring kaligtaang tumawag sakin kapag may oras ka.” Malungkot na saad ni Elena sa kanyang anak habang hawak-hawak ang kamay nito. “Opo, mom.” Ngiting saad naman ni Jasmine at niyakap ang kanyang mommy ng mahigpit. Ito lang din kasi ang pumunta sa kanya. Hindi na rin siya nagtataka kung bakit hindi siya pinuntahan ng dad at mga kapatid niya. “Beeesss...” Napatingin naman si Jasmine sa mga kaibigan niya at napayakap sa mga ito habang lumapit naman ang mommy niya sa mommy ni GB na naging kasundo na nito at nakipag-usap dito. “Bes, you take care okay? Don't worry, bibisita kami sayo. Magse'set lang kami ng date kung kelan.” Malungkot na saad ni Joan. “Hmmmm.. Mamimiss ka namin bes.” Nakalabing saad naman ni Vina. “Haha kayo talaga oh. Basta mag-iingat din kayo mga bes. Tatawagan ko nalang din kayo. Saka babalik din naman ako dito pagkatapos kong manganak eh.” Saad naman ni Jasmine sa mga ito. “Hoy Beverly! Kanina ka pa tulala diyan! Umayos ka nga. Nakakahiya yang tingin mo kay GB, kulang nalang maglaway ka diyan eh.” Pabulong na pansin at saway ni Vina nang mapansin ang tinging pinupukol ni Beverly kay GB. Kaya pala wala itong imik. Napatingin din sina Jasmine sa nakalabing si Beverly saka kay GB na kasalukuyang nakatayo sa nakabukas na pinto ng Van kasama ang kaibigan nitong si Ian. “Eh kasi naman ang hot niya eh! Lalaking-lalaki din ang dating. Nakaka-ugh! Haha.” Saad naman ni Beverly at biglang tumawa na parang baliw. “Bes, tumigil ka nga. Pinagnanasaan mo ang asawa ng kaibigan natin eh.” Seryosong saway naman ni Vina dito kaya natahimik nalang ito. “Bes, hindi ko siya asawa. At kahit kailan, hinding-hindi ko magiging asawa ang antipatiko na yan.” Sungit na singit naman ni Jasmine na masama ang tingin sa gawi ni GB. Tinawanan naman siya ng mga kaibigan niya at sinabing wag siyang magsalita ng tapos. Napakunot ang noo ni GB nang makarinig ng tawa mula sa gawi nina Jasmine at ng mga kaibigan nito. Lalong napakunot ang noo niya nang mapansin ang masamang tinging pinupukol sa kanya ni Jasmine. “What the hell is wrong with that woman?.” Nakasimangot na bulong ni GB. “Haha wow! Mukhang nakapag-asawa ka ata ng ice princess pare. Woah! Your life will gonna be exciting. But honestly broh, she's so damn hot and beautiful.” Tila nang-aasar namang saad ni Ian na natatawa. “Correction, it will gonna be hell. And one more thing, she's neither my wife nor hot and beautiful.” Iiling-iling na saad naman ni GB na siyang kinatawa ni Ian. Hindi niya pa rin kasi tanggap na nangyayari sa kanya ang ganung bagay. To think na pagtatrabaho lang sa kompanya nila ang alam niyang gawin. Pagkatapos nilang magpaalam at mailagay sa Van ang kanilang gamit ay tuluyan na nga silang umalis. Ihahatid sila gamit ang Van papuntang terminal ng bus at mula doon ay magko-commute sila papunta sa probinsiya ni Cecilia. Kasama din kasi sa plano ng dalawang ama na mamumuhay ng normal sina GB at Jasmine para walang makaalam na anak sila ng mga mayayamang businessman, maliban nalang sa kapatid ni Cecilia na siyang sinabihan nito ng totoo. Kailangan kasi nilang umalis para mabilis na mailibing ang isyu at maiwasang malaman ng karamihan na lesbian si GB. -“I just hope she won't make things worst. But I doubt, she's a one hardheaded woman after all. Tsk!.”- Huling isip ni GB saka napapikit ng mariin. ----- Matapos ang mahaba-habang biyahe ay sa wakas, nakarating na din sina GB sa probinsiya nila Cecilia, sa probinsiya ng San Isidro. Ang huli nilang sinakyan ay tricycle. Dahil hindi sanay sa siksikan ng bus, jeep at tricycle ay ramdam na ramdam ng dalawa ang pagod. Alas-singko na din ng hapon nang makarating sila sa nasabing Probinsiya. Pagbabang-pagbaba nilang tatlo sa tricycle at sa tapat ng two-story na bahay na gawa sa kahoy ay agad na sumalubong ang dalawang anak-anakan ni Cecilia sa kanya. Labing siyam na taong gulang ang lalaki samantalang labing pitong taon naman ang babae. Mga anak sila ng kapatid ni Cecilia na namatay dahil sa sakit kaya parang tunay na anak na din ang turing niya sa mga ito. Masaya silang nagyakapan. Napapaluha pa sa saya si Cecilia habang pinaghahalik-halikan sa mukha ang mga anak niya. Matagal-tagal na din kasi siyang hindi nakakadalaw sa mga ito kaya laking pasasalamat niya't makakasama niya ng muli ang pamilya niya. Matandang dalaga din si Cecilia kaya naman nung namatay ang kapatid niya ay siya na ang tumayong Nanay ng mga pamangkin niya. “Mga anak ko! Sobrang namiss ko kayo! Salamat sa Diyos at muli ko na kayong makakasama.” Masayang saad pa ni Cecilia. “Nay, sobrang namiss ka din namin ni kuya!.” Nakangiti ng malaking saad ng dalaga niyang anak. Nanay na din kasi ang turing ng dalawa sa kanya. Lumabas naman mula sa bahay ang bunsong kapatid ni Cecilia na siyang tumitingin-tingin sa dalawa niyang anak nung wala siya. May pamilya na din ito at sa kabilang barangay ang kanyang bahay. “Celine!.” Masayang pansin ni Cecilia sa kapatid niya at ibinuka ang dalawa niyang braso na tila inaanyayahan ang kapatid niyang yumakap. “Ate.” Nakangiting lapit naman ni Celine kay Cecilia at yumakap dito ng mahigpit. Nagkumustahan ang dalawa habang magkaharap at nakangiti. “Ay siyanga pala. Muntik ko ng makalimutan.” Biglang lingon ni Cecilia sa gawi nila GB at Jasmine. Nakangiti si Jasmine habang wala namang emosyon sa mukha ni GB. “Sila nga pala ang sinasabi ko sa inyo.” Pabulong na saad ni Cecilia sa kapatid at mga anak niya. Napansin niya kasi ang iilang taong nakiusyuso sa gawi nila. Napag-usapan na din kasi nilang itago ang totoong katayuan sa buhay nina GB at Jasmine dahil gusto nila ng tahimik na buhay habang nandoon sila. Alam din nilang buntis si Jasmine. Agad na nagpakilala sina GB at Jasmine kina Celine at nakipagkamay. Habang masaya si Jasmine, si GB naman ay natural lang ang emosyong pinapakita. “Oh siya, tara na't pumasok at ng makapagpahinga na kayo.” Nakangiting aya pa ni Celine sa kanila kaya pumasok na din sila. Katulong naman ni GB sa pagbuhat ng mga gamit si Cesar na nakangiti ng malaki. Kahit na gawa sa kahoy ang bahay ay makikita pa rin ang ganda ng pagkagawa dito at ang maespasyong loob. “Ate, naghanda kami ng pagkain. Kumain na muna tayo bago kayo magpahinga.” Saad pa ni Celine kaya naman kumain na din sila at masayang nagkwentuhan. Nakikisali din si Jasmine sa kanilang usapan samantalang tanging tango lang ang ginagawa ni GB. “Hindi ko akalaing mas maganda ka pala sa personal, senyorita.” Nakangiting saad ni Cesar kay Jasmine. “Jasmine nalang ang itawag niyo sakin. Nakakahiya naman eh. Saka salamat.” Ngiting saad naman ni Jasmine. “At ang gwapo din ate ng asawa mo.” Kinikilig na saad naman ni Leah, dahilan para magkatinginan sina GB at Jasmine. “Hay naku! Kayo talagang mga bata kayo oh. Hayaan niyo na muna silang kumain. Sige na, kumain na din muna kayo.” Singit naman ni Cecilia nang makitang hindi nakasagot sina GB at Jasmine. Tanging si Celine lang kasi ang nakakaalam ng totoo tungkol sa dalawa. Na hindi nagmamahalan ang mga ito. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na si Jasmine na magpapahinga dahil sa pagod samantalang si GB naman ay pumunta ng CR para umihi. Sinamahan naman ni Cecilia sa Jasmine sa kanilang magiging kwarto ni GB. Pagbukas ng pinto ng kwarto ay medyo natigilan pa si Jasmine nang makita ang katreng hihigaan nila ni GB. Saktong-sakto lang ito sa dalawang tao at possibly pang magkatamaan ang mga braso nila. “Nak, pagpasensyahan mo na kung ito lang ang makakayanan namin dito ha? Hindi kasing laki at ganda ng kwarto mo dun sa inyo.” Saad ni Cecilia kay Jasmine. “Manay ano ka ba. Okay na po ito kesa naman sa wala, di po ba? At maraming-maraming salamat po dahil kasama ko kayo Manay. Maraming salamat na din sa pagtulong niyo sakin.” Ngiting saad naman ni Jasmine. Pagkatapos ng kanilang saglit na pag-uusap ay hinayaan na ni Cecilia ang alaga niya na pumasok ng kwarto at nang makapagpahinga na ito dahil alam niyang pagod ito. “Haaaaaayyyyyy....” Buntong hininga ni Jasmine pagkaupo niya sa katre. Nilibot niya din ang tingin niya sa kabuuan ng kwarto. Mayroon lang ditong kabinet para sa damit at maliit na mesa. Napatingin si Jasmine sa may pinto nang bumukas ito at iniluwa si GB na dala-dala ang mga gamit nila. Agad na napakunot naman ang noo ni GB nang makita ang katre. “What are you frowning at?.” Taas-kilay na tanong ni Jasmine sa kanya nang makitang nakakunot noo siya. Hindi na din nagtataka si GB kung bakit masungit si Jasmine sa kanya dahil kahit nung mga araw na nagkikita at nagkakasama sila ay nagkakasagutan na din naman sila dahil sa pagkairita nito sa kanya at pagkairita niya dito. “Mas mabuti na ito kesa wala tayong higaan. Magpasalamat din tayo kay Manay Cecilia dahil tinutulungan niya tayo.” Saad pa ni Jasmine nang makitang inaayos na ni GB ang mga damit nito sa kabinet at hindi manlang siya sinagot. “I'm not even complaining.” Walang emosyong saad nalang ni GB at napailing saka pinagpatuloy ang ginagawa niya. “Yeah. Pero yung tingin mo, merun!.” Simangot na saad naman ni Jasmine. “What a woman. Tsk.” Bulong nalang ni GB at hindi na sumagot pa. “At wag kang mag-aalala sa higaan dahil malaki pa ang space dito.” Napatingin si GB kay Jasmine nang mahimigan ang saya sa boses nito. “I don't think so.” Sagot naman ni GB. “Wanna know why?.” Nakangiting saad pa ni Jasmine. Nang makitang intresadong nakikinig si GB ay muli na siyang nagsalita. “Because you'll be sleeping on the floor!.” Biglang mala-tigreng saad pa ni Jasmine saka humiga sa gitna ng katre. Bilang GB Santos, hindi siya magpapatalo kay Jasmine. Hindi niya hahayaang patulugin siya nito sa lapag. “No way! I'm not going to sleep on the floor!.” Argue ni GB. “Oh yes, you will!.” Irap na saad naman ni Jasmine. “No!.” “Yes!.” Hanggang sa pabulong na nagtalo ang dalawa sa takot na baka marinig sila ng mga tao sa labas. Sa huli ay si Jasmine na din ang sumuko nang makita ang sobrang galit sa mata ni GB. Kaya ang ending ay magkatalikod silang nahiga sa katre. “Nakakainis talaga itong bwesit na ito! Aaarrrggghhh!! Makakaganti din ako sayo, makikita mo!.” Bubulong-bulong pang saad ni Jasmine na halatang nanggigigil. Kahit naririnig ni GB ang pagbubulong-bulong ni Jasmine ay hinayaan niya nalang ito at hindi na sinagot hanggang sa tuluyan na nga silang makatulog. ----- Kinaumagahan, habang unti-unting minumulat ni Jasmine ang mga mata niya ay napapangiti pa siya dahil naibsan ang lamig na nararamdaman niya dahil sa kanyang yakap-yakap na unan. Pero nang tuluyang makadilat ay nanlaki naman ang mga mata ni Jasmine nang pag-angat niya ng tingin ay ang nakasimangot na mukha ni GB ang nasilayan niya. Ang akalang unan na yakap-yakap niya ay tao pala. “AAHHH!!.” Gulat na tili pa ni Jasmine at biglang naitulak si GB. (Blag!) “Oh f-f**k!.” Impit na napadaing naman si GB at napatayo dahil nahulog siya sa katre sa lakas ng pagkakatulak ni Jasmine. “What the f**k is wrong with you woman?! Why the hell did you push me?!.” Inis na saad pa ni GB na napahawak sa may likod niya. “Ka-Kasalanan mo yun! Bakit ka kasi nakayakap sakin, ha?!.” Kinakabahang sagot naman ni Jasmine. “Wow! Didn't you see it? You were the one hugging me!.” Inis pa ring saad ni GB. (Tok! Tok! Tok!) Sasagot na sana si Jasmine nang makarinig sila ng katok mula sa pinto. “Nak? Anong nangyayari diyan? Okay lang ba kayo?.” Rinig pa nilang tanong mula sa labas ng pinto. Nabosesan naman ito ni Jasmine kaya napatayo nalang siya pagkatapos irapan si GB. “Good morning, Manay.” Biglang ngiting bati na ni Jasmine pagbukas niya ng pinto. Napailing naman si GB at naisip na may pagkabaliw si Jasmine dahil sa galing nitong umakto. “Ah.. Ayos lang kami, Manay. Pasensya na po kung napatili ako. May nakadikit po kasi saking MALAKING IPIS eh.” Saad pa ni Jasmine at pasimpleng nilingon si GB at pinandilatan ito. “Ay ganun ba, nak. Naku pasensya na kayo kung may ipis man dito sa kwarto niyo nak. Hayaan mo't papa-spray'han ko dito mamaya kay Cesar at muling palilinisan kay Leah.” Ngiting saad naman ni Cecilia. “No need for that. I'm sure the cockroach died because of her violent reaction.” Singit naman ni GB na pasimply ding tiningnan si Jasmine ng masama. “Hmmmm oh siya siya. Halina kayo sa baba at ng makapag-almusal na tayo.” Saad nalang ni Cecilia. Habang nag-aalmusal ay hindi pa rin matapos-tapos sa kwentuhan ang lahat maliban kay GB na tahimik lang. “Ate, kuya, gusto niyo bang ipasyal ko kayo mamaya? Para naman po maging pamilyar kayo dito. Pwede rin po tayong pumunta sa park dun sa malapit sa municipyo.” Excited na aya ni Leah kina Jasmine at GB. “I'll be busy with something.” Sagot naman ni GB. Dala-dala niya kasi ang laptop niya dahil sinabihan siya ng dad niya na tatawagan siya nito kapag may ipapagawa ito sa kanyang trabaho. “H-Hon, wag ka ngang killjoy diyan. Samahan mo naman ako oh?.” Pilit ang ngiting saad naman ni Jasmine na hindi pa rin komportableng tawagin ng "hon" si GB. Kailangan kasi nilang umarteng totoong mag-asawa sa harap ng mga taong hindi nakakaalam ng totoo nilang estado. Napapairap pa si Jasmine sa isip niya pagkatingin kay GB.l “Fine.” Tanging saad lang ni GB. Napangiti naman ng malaki si Leah dahil sa narinig. “Sama din ako ah.” Biglang singit naman ni Cesar na siyang tinanguan naman nina Leah at Jasmine. “Magandang umaga sa inyo. Aba'y tamang-tama pala ang dating ko ah.” Napatingin silang lahat sa may pinto nang may magsalita mula dito. Isang lalaking may katandaan na din. “Victor, ay tuloy ka.” Ngiting saad naman ni Cecilia at tumayo saka inaya ang lalaki palapit sa mesa. May dala-dala itong tupperware na may lamang kamoteng kahoy na siyang inabot nito kay Cecilia. “Nalaman ko kasing nandito ka na kaya heto't bumisita na ako. Pasensya na kung konti lang yang nadala ko.” Ngiting saad naman ni Victor. “Sus Mang Victor talaga oh. Namiss mo lang si Nanay eh. Haha.” Biglang tukso naman dito ni Cesar kaya napakamot ito ng ulo. Nahihiyang sinaway naman ni Cecilia ang pamilya niya nang lahat na sila ay nakisali sa panunukso sa kanya kay Victor. Si Victor kasi ang masugid niyang manliligaw kahit noong dalaga pa siya. Hindi niya ito nasagot dahil lumuwas siya ng manila at pabalik-balik doon. “Ay siya nga pala Victor, sila nga pala ang mag-asawang sina Jasmine at GB. Dito na muna sila pansamantala sa baryo natin.” Pakilala na ni Cecilia kina GB at Jasmine. “At mga anak, si Victor nga pala.” Dagdag pa ni Cecilia. Ngumiti naman si Jasmine at tumango naman si GB saka nakipagkamay dito. “Ang babata niyo pa para mag-asawa ah.” Pansin naman ni Victor kina GB at Jasmine kaya nagkatinginan silang dalawa. “Ah.. Eh.. G-Ginusto na po kasi naming magsama eh.” Alanganin ang ngiting saad ni Jasmine kaya napatango-tango nalang din si Victor. “Hmmmm.. ganun ba.. sabagay, mas maganda na rin yan para makarami kayo ng anak." Tatango-tangong saad nalang ni Victor na natatawa pa. Awkward na nagkatinginan naman sina GB at Jasmine dahil sa sinabi ng matanda. Maging si Cecilia ay sinaway ito sa kapilyuhan nito. "Eh paano naman pala yung trabaho mo Cecilia? Hindi ka na ba babalik dun?.” Tanong pa ni Victor kay Cecilia. “Ang totoo niyan, binigyan ako ng mga amo ko ng isang taon para makapagpahinga. Balik nalang daw ako kung kailan ko gusto.” Muling pagsisinungaling pa ni Cecilia. Napangiti naman si Victor dahil sa naging sagot niya. Hanggang sa mag-usap na sila tungkol sa iba't-ibang bagay. Naroon din ang maya't-mayang panunukso nina Leah at Cesar sa kanilang Nanay at kay Victor na siyang tinatawanan naman nilang lahat maliban kay GB na tahimik lang. ----- Paglabas palang nina Jasmine at GB sa bahay nila Cecilia para pumunta sa park kasama sina Cesar at Leah ay pinagtinginan na sila ng mga tao. May mga nakatambay sa mga tindahang magkalapit lang. Mga nag-uusap na mga tsismosa. Mga dalaga at binata. Agad na napansin nina Jasmine at GB ang mga nag-uusap habang nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi nalang nila pinansin ang mga ito at nagpatuloy nalang sa paglalakad. “Andito na tayo..” Masayang saad ni Leah pagdating sa park. Maliit lang ang park, simply pero maganda. May mga upuang gawa sa kahoy at mga simpleng palaruan para sa mga bata. “Marami din pala ang nagawi dito.” Pansin ni Jasmine sa mga taong nandun. May mga bata din kasing naroroon kasama ang kani-kanilang magulang o ate at kuya. “Tara maupo na muna tayo dun oh para hindi tayo mainitan.” Ngiting aya naman ni Cesar na siyang tinanguan ng tatlo. -“What's with his look? Don't tell me may gusto siya dito sa masungit na babaeng ito? Tsss. He has no standard.”- Isip naman ni GB nang mapansin ang kakaibang tinging pinupukol ni Cesar kay Jasmine. Habang nakaupo sila sa park ay panay naman ang pagpapapansin ni Cesar kay Jasmine na siyang nahahalata naman ni GB. Ganunpaman ay wala siyang pakialam dito lalo pa't wala naman siyang gusto kay Jasmine. “Hiii...” Pabulong na bati naman ng dalawang babae kay GB nang dumaan ang mga ito sa harap nila. Kumindat pa ang isa sa mga ito sa kanya. “Tsk. Siya si Marimar. Mag-iingat ka dun kuya dahil kahit may mga asawa na ay inaakit pa rin nun.” Saad ni Leah dahil nakita niya din ang ginawa ng babaeng nagngangalang Marimar. “I'm sure he won't do something that would piss me off. He knows what I'm capable of.” Biglang saad naman ni Jasmine na tila binabantaan si GB ng mga tingin niya. Baka kasi gumawa ito ng bagay na siyang ikabubuko nila. “Of course I won't. You knew how much I LOVE you, right?.” Ganting saad naman ni GB. Kahit may pagka-sweet ang boses nito, alam ni Jasmine na sarcastic ito sa sinabi nito kaya sinimangutan niya ito nang hindi nakatingin sa kanya sina Cesar at Leah. “Oooowwww... Ang sweet mo pala kuya.” Kinikilig na saad naman ni Leah. “Ang mabuti pa ay sumali nalang tayo sa mga naglalaro ng volleyball oh.” Biglang saad ni Cesar na tila na-awkward sa narinig mula kay GB. “Tara dali.” Masayang sang-ayon naman ni Leah. May naglalaro kasing mga binata at dalaga doon. Tumanggi sina GB at Jasmine sa dalawa at nagpasyang manood lang. Lumipat din sila ng upuan malapit sa mga naglalaro. May space sa upuan nila dahil ayaw nilang magdikit ang kanilang mga braso. Kilala din nina Leah at Cesar ang mga naglalaro kaya agad silang nakasali sa laro. “Pwede bang umakto ka namang concern kapag nandito tayo sa labas! Hindi yung kung kani-kaninong babae ka tumitingin!. Parang hindi mo ako asawa eh!.” Pabulong na saad ni Jasmine kay GB habang nakatingin sa mga naglalaro. “The last time I checked, hindi naman talaga kita asawa. And you will never be.” Seryosong saad naman ni GB. “Ah ganun?! Sinasabi mo bang hindi ka makikipag-cooperate? So ano pa palang ginagawa natin dito? Bakit hindi nalang kaya tayo bumalik ng Manila ha?.” Yamot na saad naman ni Jasmine na napakuyom ng kamao. Nasaktan ang ego niya dahil tila pinapalabas ni GB na namimilit pa ata siya dito. “And besides, if you want me to behave then you should do the same. Hindi yung parang ini-entertain mo pa si Cesar. Don't give him a false hope.” Parinig naman ni GB. “Anong pinagsasabi mong ini-entertain? Hindi ko siya ini-entertain! Sadyang sinusuklian ko lang ang kabaitan niya!.” Pagsusungit pa ni Jasmine na masama na ang tingin kay GB. “Be careful then, he might think the opposite. That you may flirting with him.” Saad pa ni GB na nakatingin lang ng diretso sa mga naglalaro. “Magdahan-dahan ka sa pananalita mo! Hindi ako nakikipaglandian sa kan---ampf! (Tsug!).” Gulat na nanlaki ang mga mata ni Jasmine nang bigla siyang hilain ni GB sa may dibdib nito at tinagilid ang katawan niya para matakpan siya. “Naku pasensya na pasensya na. Hindi ko sinasadya. Pasensya na.” Paulit-ulit na yuko naman ng isang binatang tumakbo palapit kina GB. Hindi kasi sinasadyang napalakas ang palo nito sa bola dahilan para tumalsik ito papunta sa gawi ni Jasmine. Mabuti nalang at mabilis na nahila ni GB si Jasmine at naiharang niya ang katawan niya para protektahan ito. “A-Ayos lang y-yun.” Utal namang sagot ni Jasmine na na-o'awkward sa posisyon nila ni GB. Bigla din siyang kinabahan dahil sa pagkakadikit nila. Hindi pa din kasi siya binibitawan ni GB na masama naman ang tingin sa binata. “It would be better if you'd stop playing. Muntik mo ng masaktan ang asawa ko!.” Walang emosyong saad pa ni GB sa binata na siyang kinahiya nito. “Hayaan mo na nga.” Pabulong na saway naman ni Jasmine na napahawak pa sa braso ni GB. “Kakasabi mo lang kanina na dapat ipakita kong concern ako sayo. Tapos ngayon pinipigilan mo ako? Ano ba talagang gusto mong gawin ko ha?.” Pabulong na pagsusungit naman ni GB. Pigil ang inis at pasimpleng winaksi ni Jasmine ang braso ni GB. Akala niya seryoso ito pero ginagawa lang pala nito ang sinabi niya. Naiinis naman siya sa sarili niya dahil umasa pa siya kahit alam naman niyang wala itong puso. “Senyori--a-a-Jasmine, okay ka lang ba?.” Nag-aalalang tanong naman ni Cesar pagkalapit nila sa gawi nila Jasmine. Muntik pa niya itong matawag na senyorita. Tumango naman si Jasmine bilang sagot saka tumayo. Ngumiti din siya sa binatang pumalo ng bola nang makitang nababahala ang mukha nito. Pagkatapos nilang mamasyal ay umuwi na din sila. All throughout ng kanilang pamamasyal mula sa park ay hindi na din pinansin ni Jasmine si GB dahil sa kanyang inis dito. Wala namang pakialam si GB na mas gusto din ang ginagawa ni Jasmine. ----- Kasalukuyang nasa isang hospital ang isang binata. Maraming nakakabit sa kanyang tubo at wala siyang malay. Nakatayo din sa may paanan niya ang isang doctor at isang may katandaan ng lalaki. “Ano ng findings niyo doc? Magigising na ba siya?.” Tanong ng may katandaan ng lalaki sa doctor. “I'm afraid not. He's in coma. We'll still have to wait kung kelan siya magigising at kung.. gigising pa ba siya. Masyadong malakas ang impact ng pagkahulog niya at tumama sa matigas na bagay ang ulo at katawan niya na naging dahilan ng kondisyon niya ngayon. For now, we can only hope for the best.” Masamang balita mula sa doctor. “Excuse me.” Saad pa ng doctor saka umalis pagkatapos tumango at magpasalamat ng lalaki. Pagkaalis ng doctor ay lumapit ang lalaki sa may gilid ng binata at napatitig sa mukha nito. Makikita ang galit sa mga mata niya. “Damn it! You better wake up!.” Yamot na saad pa ng mama na nakatitig ng masama sa binata. “Kailangan mong gumising! Kailangan mong tumayo diyan at sisiguraduhin kong tatayo ka diyan! Kailangan kita para sa paghihiganti ko kaya hihintayin kong magising ka kahit matagalan ka pa! I'll make sure na magiging sunod-sunuran ka sakin! And I'll make sure na magbabayad sila dahil sa ginawa nila sa papa ko! Kukunin ko ang lahat sa kanila!.” Saad pa ng mama at napangisi na parang baliw. Nag-isip na din siya ng mga plano sa oras na magising na ang binata. Gagamitin niya ito sa paghihiganti niya at sisiguraduhin niyang magtatagumpay siya sa kanyang plano laban sa mga SANTOS. ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD