EPISODE 8.

3995 Words
“UNEXPECTED BEAT” EPISODE 8. Mabilis na lumipas ang isang linggo. Sa kasamaang palad ay hindi pa rin nahanap ng mga Santos ang kambal ni GB na si Gill kaya ganun nalang ang galit ni Emmanuel sa anak niyang si Gerard. Pero sinabihan siya ni Gerard na wag mag-alala dahil may plano siya na siyang sinabi niya naman dito. Binalaan naman siya ng kanyang ama na gawin ang lahat para mapapayag ang mga Eco sa sinabi niyang plano. Sa ikalawang pagkakataon ay magkaharap na naman ang pamilya Eco at pamilya Santos sa bahay ng mga Santos. Siniguro naman nilang walang nakaalam sa naging paghaharap nila kahit pa alas nueve palang ng umaga. Kasama ni James ang asawa niyang si Elena at ang anak niyang si Jasmine samantalang kasama naman ni Gerard ang asawa niyang si Bea at ang anak niyang si GB. Wala din ang parents ni Gerard dahil may check up ang mama niya at sumama ang papa niya. Naikwento na din ni Gerard kay Bea ang dahilan ng pagpunta ng mga Eco sa bahay nila nung magtanong ito. Iniwan din muna nila ang kanilang trabaho sa kani-kanilang secretary. "Gerard, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nasaan ang anak mong lalaki?!." Diretsong tanong na ni James nang mapansing ang features ng kasama nilang anak ni Gerard ay katulad lang din nung huli nilang pagpunta sa bahay nito. Meaning, ang lesbian pa rin ito. "Sorry to say but we weren't able to find him. Pinahanap na namin siya kahit saan pero hindi siya makita." Buntong hiningang sagot naman ni Gerard na siyang nagpatayo kay James mula sa pagkakaupo. "WHAT?! Hindi ito ang inaasahan ko mula sayo Gerard! So, I guess we don't have a choice kundi hayaang masira ang pangalan natin! Para sa kaalaman mo! Nakaheadline na din ang pangalan ng anak ko! Hindi ko alam kung paano nila nalamang buntis ang anak ko but I have to do something to stop the issue! That's exactly the reason why I want to settle this thing out as fast as we can!." Matigas na saad pa ni James. "But as I can see it, wala ka manlang pakialam! Well then, I'll see you in court!." Dagdag pa ni James. "James, pwede bang huminahon ka! Wag mong daanin sa init ng ulo ang pag-uusap natin na ito." Saway naman ni Elena sa asawa na napatayo na din. Si Jasmine naman ay nakikinig lang at hinahayaan ang parents niyang makipag-usap sa mga Santos. "James, bago ka mag-react ng ganyan. Pwede bang makinig ka muna?." Kalmadong saad naman ni Gerard kaya nagpigil naman si James at yamot na muling umupo. Pati si Elena ay umupo na din. "I had a proposition to make. And I'm telling you, this is the only solution I could come up with, regarding on this issue." Intresadong naghintay naman ang lahat sa sasabihin ni Gerard. "Marriage. Between your daughter and... my daughter here, Ace." Mahinang saad na ni Gerard na tinuro si Jasmine at tinapik sa balikat si GB. Napakunot naman ang noo ng lahat maliban kay GB. "Hah! Are you even thinking Gerard?! Paano sila makakasal kung pareho silang babae?! At sabihin na nating naikasal nga sila sa ibang bansa! Eh mas malaking isyu lang yun eh! Paniguradong malalaman ito ng media at babatuhin tayo ng sandamakmak na tanong lalo pa't impossibly na nabuntis nitong anak mo ang anak ko! Siguradong maraming mangingialam na mga walang kwentang press!." Hindi makapaniwalang saad naman ni James. "I'm not saying na magpapakasal sila as a woman to woman. All the documents will be named after my son, Gill Bryan. Ace will just be there as a substitute. Besides, walang magtataka kung sa huwes sila magpapakasal since mukhang lalaki na rin naman itong anak ko. And after that, titira sila sa iisang bubong pero malayo dito. They can come back here once the issue subsides." Saad pa ni Gerard na siyang kinagulat ng lahat maliban kay GB dahil alam na niya ang planong ito ng dad niya. "And if you're worried dahil itong anak ko ang makakasama ng anak mo, believe me, there's nothing for you to worry about. My daughter will be with her as a proxy until we find my son, Gill. Trust me, this is the one only way out. " Pangungumbinsi pa ni Gerard. Napahilamos naman ng mukha si James at napatingin siya kay GB. -"Oh gosh! Magpapakasal ako sa lesbian na ito?! At magsasama kami sa iisang bubong?!."- Bothered na isip naman ni Jasmine at napatingin sa seryosong mukha ni GB. "Only few knows that Ace's a she. Akong bahala sa kanila. They won't talk. At nakausap ko na din itong anak ko. She's fine with it. We had no choice James.. unless... you had another option." Saad pa ni Gerard na siyang inilingan naman ni James dahil wala naman talaga siyang naisip na plano para malutas ang problema kundi ang umasa sa mga Santos. "Wait lang ha. Kung ilalayo niyo ang anak ko. Paano naman ang magiging kalagayan niya? Baka nakakalimutan niyong buntis siya? James! Hindi pwedeng pabayaan ang anak ko lalo pa't buntis siya! She needs someone to take good care of her." Nag-aalalang salita na ni Elena at napaharap pa sa asawa niya. At dahil hindi ito inasahan ni Gerard ay hindi din siya nakasagot. Si James naman ay napaisip ng malalim. "They can stay at province. Sa probinsya nina Manang Cecilia. Si Manang Cecilia na din muna ang bahala sa kanya. We can trust her. You can visit her there if you want." Maya-maya'y saad na ni James. "And what about her studies? Mag-ti'third year palang siya." Saad naman ni Elena. "She has to stop as this is all her fault. I already gave her the chance, it's not me who wasted it." Saad naman ni James. Napayuko naman si Jasmine dahil sa kanyang narinig. Gaya ng kanyang inaasahan ay ganun na nga ang mangyayari. Hindi naman makapaniwala si Elena sa kanyang narinig. Kokontra pa sana siya nang pigilan siya ni Jasmine sa pamamagitan ng paghawak sa kamay niya na tila sinasabing hayaan nalang ang dad niya. "Does that mean pumapayag ka na sa plano ko?." Hoping na tanong pa ni Gerard na matamang nakatingin kay James. "I'm giving it a shot. I just hope it would work." Sagot naman ni James pagkatapos ay napahinga ng malalim. Hindi na din nagsalita pa si Elena na napatingin nalang sa anak niyang si Jasmine at napayakap dito. Maging si Bea ay hindi naman nakapagsalita dahil alam niyang ayaw ng asawa niya ang pinapakialaman. Naaawa din siya sa anak niyang si GB dahil alam niyang napipilitan lang ito pero alam niyang hindi siya pwedeng mangialam sa desisyon ng mag-ama niya. ----- Pagkatapos ng paghaharap nina Gerard sa pamilya Eco ay nagmaneho na din siya papunta sa kanilang kompanya. Magandang balita para sa papa niya ang naging pagpayag ni James sa plano niya. Muli ay naalala niya ang sinabi ng ama niya nung minsang mag-usap sila. ????.. (Nasa balcony sina Emmanuel at Gerard habang nag-uusap tungkol sa kanilang problema na may kinalaman sa pamilya Eco. "Do something para mabaling sa ibang bagay ang atensyon ng media. Because they won't let this issue pass unless they'll catch bigger than this one." Saad ni Emmanuel sabay inom ng wine mula sa basong hawak niya. "What do you want me to do, Pa?." Tanong naman ni Gerard. "For once, be useful. That's for you to think. I'll leave it to you. I'm expecting you on this!." Huling saad pa ni Emmanuel. Tila napahiya naman si Gerard na napayuko nalang at hindi na sumagot pa.) Napabuntong hininga si Gerard at kinuha ang phone niya saka nag-dial ng number habang nagmamaneho gamit ang isang kamay. "Let's proceed to our plan." Tanging saad lang ni Gerard pagkasagot ng tawag nang nasa kabilang linya. Pagkatapos ay pinatay niya na ang tawag at nag-focus ng muli sa pagmamaneho. Alam niyang magiging malaking kawalan si Ace sa kompanya nila lalo pa't hands on na ito sa trabaho at ito lang ang lagi niyang inaasahan sa mga kliyente nilang mahirap kumbinsihin. Pero ang mas iniisip niya ay ang anak niyang lalaki na si Gill. Nag-aalala siya para dito at baka kung ano ng nangyari dito. Hindi din kasi siya pwedeng humingi ng tulong mula sa mga pulis dahil hindi naman alam ng karamihan na may kambal silang anak. At baka maging failure pa ang pagpapakasal nina Ace at Jasmine kapag nabuko sila. ----- Kasalukuyang nasa canteen ng school si Bree kasama ang mga kaibigan niya. Nandoon kasi sila para magpaclearance. Ilang araw matapos ng kanilang Prom ay kumalat ang balita sa buong campus nila ang pagkatanggal ng Admin na si John at ang paglipat ng mga papers ni Kent dahil magtatransfer na daw ito. Pero may narinig din siyang talagang tinanggal daw ito sa kanilang school kasama ng uncle nito. "Sis? Tulala ka diyan. Ano bang iniisip mo? Don't tell us, iniisip mo si Kent? Ikaw ah. Pakipot ka lang pala dati eh. Haha." Natatawang puna ni May kay Bree kaya napatingin siya dito. "No. I mean, hindi naman sa ganun yung iniisip ko." Sagot naman ni Bree at uminom ng tubig. "Eh ano nga kasing iniisip mo sis at tila wala yata dito ang kaluluwa mo? May problema ba? Yung tungkol pa rin ba sa Prom? Hayaan mo na kasi yun." Saad naman ni Mary saka kumagat ng burger. -"Why do I feel anxious about what happened to sir John and Kent? I don't think magsisinungaling sakin si Atkuy."- Isip naman ni Bree at napabuntong hininga. Matapos niya kasing malaman ang nangyari kina John at Kent ay tila nakaramdam siya ng guilt na siyang hindi niya malaman kung saan nanggagaling. Dahil sa curiousity niya ay nagawa niya pang tanungin ang Atkuy niya. Kilala niya kasi ang dad niya. Nakita niya kasi ang galit sa mga mata nito nung kinaumagahan ay maikwento nila ng Atkuy niya ang dahilan kung bakit napauwi sila ng maaga nung gabing Prom nila. "Wag niyo nalang akong pansinin mga sis. Kumain nalang kayo." Ngiting saad nalang ni Bree kaya tumango nalang din ang dalawa. Napatingin din siya sa kawalan at naalala ang naging pag-uusap nila ng Atkuy niya. ?????.. (Malalim na ang gabi pero hindi pa rin makatulog si Bree kaya kumuha nalang siya ng libro at nagbasa habang nakasandal sa headboard ng kanyang kama. Pero hindi pa rin siya mapakali at makapag-focus. Nalaman niya kasi mula sa kanyang mga kaibigan at narinig niya sa mga tao ang tungkol sa pagkakatanggal sa school Admin nila na si John at ng kaklase niyang si Kent. Hindi niya maiwasang mapaisip na baka may kinalaman ang Atkuy at dad niya tungkol dito. (Tok. Tok. Tok.) Napatingin si Bree sa nakaawang niyang pinto ng may kumatok mula dito. Nakita niya ang Atkuy niya. Pumasok ito saka umupo sa may gilid ng kama niya. Binaba niya na rin ang libro at hinarap ito. "It's already late. Why aren't you sleep yet? Something wrong?." Nag-aalalang tanong ni GB kay Bree. Napaisip naman si Bree na pagkakataon niya na para matanong ang Atkuy niya tungkol sa iniisip niya. "Ah.. Eh.. K-Kasi Atkuy.." Napayuko si Bree at nilaro-laro ang daliri niya. Natatakot kasi siyang baka maoffend ang Atkuy niya dahil sa iniisip niya. "Come on, tell me. What is it?." Malumanay na tanong ni GB at hinawakan sa kamay ang kapatid para marelax ito. Tumingin naman muna si Bree sa mga mata ng Atkuy niya saka nagtanong. "N-Nalaman ko kasing natanggal sa pagkaadmin si sir John at pinatransfer ng school si Kent eh. Atkuy, m-may kinalaman ba kayo ni dad dun sa n-nangyari?." Tanong na ni Bree na hindi inaalis ang tingin sa Atkuy niya. Gusto niya kasing makita mula sa mga mata nito na magsasabi ito ng totoo. "Natanggal? What do you mean Rere? What do you mean by.. kung may kinalaman ba kami ni dad dun sa pagkakatanggal niya? Iniisip mong.. kami ang may gawa nun? Ganun ba kami kasama.. para sayo?." Nakita ni Bree ang pagkunot ng noo ng Atkuy niya na nangangahulugang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. "I-I'm sorry, Atkuy. I'm so-sorry kung pinag-iisipan ko k-kayo ng masama." Napayukong saad na ni Bree dahil sa hiya. Napabuntong hininga naman si GB at inangat ang mukha ni Bree saka tiningnan ito sa mga mata nito. "Fine. We have nothing to do with it, okay? Trust me, wala kaming kinalaman sa kung anuman ang nangyari sa kanila. We've been occupied on our job. And we had no time to do such stupid thing over a small issue. That's immaturity." Saad na ni GB. Dahil sa narinig ay napangiti naman ng malaki si Bree. Napayakap din siya sa Atkuy niya dahil sa tuwa.) -"Right. I just have to trust my Atkuy's word. Hinding-hindi nila iyon magagawa ni dad."- Pilit na kumbinsi nalang ni Bree sa sarili at nagpakawala ng malalim na paghinga. Binaling niya nalang din sa ibang bagay ang atensyon niya. Hanggang sa makipagkulitan siya sa mga kaibigan niya habang sila'y kumakain. ----- Kasalukuyang nasa opisina na niya si GB at abala sa mga trabahong kailangan niyang tapusin. Inutusan na kasi siya ng dad niya na ayusin na ang lahat ng mga gagawin niya para kapag umalis siya ay wala ng magiging problema. Tawag dito at tawag doon din ang ginagawa niya dahil sa kabi-kabilaang projects na siya ang humawak. Ni hindi na siya nakapag-snack dahil sa dami ng ginawa niyang trabaho. Napatingin siya sa orasan at nakitang alas-kwatro na. Bukod sa trabaho, minsan ay napapaisip din siya sa magiging kalagayan niya kasama ang babaeng nabuntis ng kakambal niya. (Tok. Tok. Tok.) Napatingin si GB sa pinto ng may kumatok. When she said "come in" ay pumasok na din mula dito ang magandang dalaga. Ito ay si Helen, ang pansamantalang secretary ni GB dahil nasa Chen's Enterprises pa rin si Bryan. "Sir, nandito na po yung papeles na pinapahanap niyo tungkol sa kliyenteng si Mrs. Dizon." Saad ni Helen at inilapag na sa mesa ni GB ang isang folder. "Thank you." Yun lang at lumabas na din ito. Bago tuluyang makalabas ay napangiti pa ng malagkit si Helen habang nakatingin kay GB na kasalukuyang binabasa ang binigay niyang papeles. Makalipas pa ang ilang minuto ay napakunot noo si GB nang tila may narinig siyang commotion sa labas ng opisina niya. (Blag!) Lalapit na sana si GB sa pintuan ng bigla itong bumukas at pumasok ang isang may katandaan ng lalaki. Sa likod nito ay ang secretary niya. "S-Sorry sir. Hi-Hindi po siya nagpapigil eh." Hinging paumanhin ni Helen nang makita ang inis na mukha ni GB. Hindi naman sumagot si GB na tinitigan lang ang intruder at napa-smirk nang makitang tila pulubi ang ayos ng lalaki. Magulo ang buhok nito, malalaki ang eyebags at gusot ang damit. "S-Sir, ma-maawa na po k-kayo. K-Kailangan k-ko po ang tra..baho ko. Sir, para n-niyo na pong awa." Agad na lumuhod ang lalaki sa harap ni GB habang umiiyak at nagmamakaawa. GB finds it amusing, though. "Oh! I remember you! Di ba you're the mighty John? Yung Admin ng school kung saan nag-aaral ang kapatid ko? Tch. Tch. Tch. You looked awful. What the hell happened to you?." Natatawang saad ni GB na tumayo pa ng tuwid at nakapamulsa na. Oo, ang lalaking sumugod sa opisina ni GB ay walang iba kundi si John. Ang Admin na nagpaalis sa kanila ng kapatid niya during their Prom. Nagsinungaling din si GB kay Bree nang sabihin niyang wala silang kinalaman ng dad niya sa pagkakatanggal nito at ni Kent dahil ang totoo ay inutusan siya ng dad niya na gantihan ang mga ito nang masabi niya dito kung sino ang nagpaalis sa kanila ni Bree nung gabing iyon. Galit na galit si Gerard dahil dun. Kaya naman, bukod sa pagpapatanggal dito bilang Admin ay siniguro din nilang wala ng tatanggap dito saan man ito mag-apply. "S-Sir please! I-I'm begging you! Pa-Patawarin niyo a-ako dun sa n-nagawa ko. I-Ibalik niyo na po a-ako sa t-trabaho ko. Sir, m-may pamilya p-po ako sir." Patuloy pang iyak ni John at pinagsaklob ang dalawang kamay habang nakikiusap. Naaawa naman si Helen dito. "I don't believe people deserve a second chance." Mapait na saad ni GB dito na walang pakialam sa nakikita niya at napapangisi pa. "So, get lost!." Dagdag pa ni GB. And right on cue ay dumating ang dalawang guwardiya na tinawagan ni Helen. Hinawakan ng mga ito sa magkabilang braso si John at pilit na hinihila palabas habang nagpupumiglas ito. "Sir! S-Sir! Maawa na kayo! Aahh! Sir! M-May pamilya a-akong tao! Sir! Maawa na kayo! M-May pamilya ako! Sir! P-Parang awa niyo na! M-May anak ako, s-sir! Siiirrr!!! Siiirrr!!!." Pilit na pagpupumiglas ni John habang patuloy sa pag-iyak. Kahit hinihila siya ng mga guwardiya ay nagawa niya pa ring lumingon sa gawi ni GB at sumigaw ng sumigaw bago siya tuluyang mailabas ng mga guwardiya. Wala namang pakialam na bumalik sa upuan niya si GB nang makalabas ang mga pumasok sa opisina niya. ----- °GB's P.O.V.° Pagsapit ng alas-singko ay inayos ko na ang mga gamit ko at umuwi na ako ng bahay. Nadatnan ko si mom na nakaupo sa sala at may binabasang diyaryo. Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi. "Come here, sit down." Nakangiting aya sakin ni mom sabay tapik sa tabi ng inuupuan niya. Hindi ko alam kung bakit pero umupo pa rin ako. Hindi kami masyadong close kaya nagulat ako nang hawakan niya ako sa pisngi at matamang tinitigan sa mga mata. Nakita ko ang awa sa tingin niya. "What is it, mom?." Tanong ko na. "Sigurado ka bang okay lang sayo ang plano ng dad mo? I mean, yung pagiging substitute ng kapatid mo? Nak, I know I had never been a good mother to you but seeing you in a miserable situation wou---" "I'm fine with it. It's for the family." Putol ko sa sinasabi ni mom. Ayoko ng nakikita kong awa sa mga mata niya. Wala naman siyang nagawa kundi ang mapabuntong hininga at bahagyang mapatango. Pagkatapos kong makipag-usap sa kanya ay dumiretso na ako sa kwarto at inilipag ang dala kong bag sa maliit kong mesa. Natanggal ako ng coat at napatingin sa labas ng bintana saka muling inalala ang naging pag-uusap namin ni dad nung isang gabi. ?????.. (Kasalukuyan akong nakatayo at nagpapahingin sa may balkonahe na nasa second floor nang biglang lumapit sakin si dad at may inabot na basong may lamang wine. Nagpasalamat ako at napatingin sa kanya. Napansin kong tila may iniisip siya. "Ace, this might be too much but I want to ask you a favor." Maya-maya'y seryosong saad na ni dad na nakatingin lang sa kawalan habang umiinom ng wine. "Fire out, dad." Saad ko nalang kahit pa alam kong hindi magiging pabor sakin ang pabor na hihingin niya. "Be a substitute on your brother's wedding. And stay with the woman until we find him." Muntik ko ng maibuga ang wine na iniinom ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi ako nakasagot. Substitute sa kasal? At ako ang makikisama sa babaeng nabuntis ng kakambal ko? f**k! This is impossible!. "It might be hard but it's for the family and our company. I know you don't want our name to get stained. After the wedding, titira kayo sa bahay na malayo dito, and after niyang manganak, pwede na kayong makabalik dito. That would be my plan. I hope pumayag si James." Dagdag pa ni dad. "But dad? P-Paano yung trabaho ko?." Ayokong umalis at lalong ayokong tumira sa bahay kasama ang babaeng yun. "Take this opportunity to give time for yourself. Besides, you need to rest after all your hard work." Saad ni dad and it sounds like I have no right to argue. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni dad. Ganunpaman ay alam kong kahit pa tumanggi ako, sa huli ay siya pa rin ang masusunod.) Napabuntong hininga ako at napapikit saka kinuha ang phone at may dinial. Haaayyysss.. "Zup broh? Napatawag ka?." Sagot ni Ian sa kabilang linya. "Let's go out. Tawagan mo nalang din si Saivan. Same place and same time." Saad ko naman at narinig ang masayang reaction niya. Pagkatapos kong makipag-usap kay Ian ay pumasok ako sa CR, naghubad at nagbabad sa bath tub. Hindi sa pagmamayabang pero ang katawan ko ay panglalaki na din kung titingnan. May abs at wala ng dibdib dahil bukod sa pag-eexercise ay may iniinom din akong gamot dati. ("Broh..." Biglang nagseryoso ang tono ni Gill at nababahalang napatingin kay GB. "Ma-May bago akong problema. I-I'm sorry broh but I have to.. I have to get away with it. I'm not ready. I-I-I can't. Si-Siguradong i-itatakwil ako ni Dad kapag nalaman niya yung nagawa ko. He's been disappointed on me. I'm sure.. hindi niya ako mapapatawad." Nauutal ng saad ni Gill.) Napapikit ako ng mariin ng maalala ko ang sinabi sakin ng kambal kong si Gill. Kakaisip ko lang dati na sana wag akong madamay sa problema niya pero ito ako ngayon, ako ang maghihirap pagkatapos ng ginawa niyang sarap. Damn!. Makalipas pa ang tatlong oras ay nandito na din kami sa bar kung saan kami minsan napunta at nakaupo na sa usual naming mesa. Agad namang napalingon-lingon sa paligid ang dalawa at naghahanap na ng mga babaeng pwede nilang ikama. Tsk. "Pare, ano nga palang problema mo't nag-aya ka dito?." Tanong na ni Ian habang umiinom na ng alak. "Yeah broh, this is so not you." Segunda naman ni Saivan na napangiti pa ng malaki. "Don't tell me untill now you're still hoping to see the woman who stole your virginity? Hahaha." Dagdag pa nito at natawa. Loko-loko talaga. Tsk. "I'm getting married." Diretsong saad ko naman saka ininom ang alak ng isang tungga. Nakita kong nagulat sila sa sinabi ko at hindi nakagalaw. Yeah, it's really surprising, knowing I don't even have a girlfriend. "W-What? A-Are you serious broh?." Tanong ni Saivan. "Yeah." Sagot ko naman saka kinwento sa kanila ang lahat. Kung paano at bakit ako ikakasal ng biglaan. "Woah broh! That's too much! Bakit ka pumayag?! Hindi ka isang bagay para gawing panakip butas sa kasalanan ng kambal mong si Gill!." Asar na saad na ni Ian at disappointed na napailing-iling. "It's not like I have a choice broh. You, guys, knew them." Saad ko naman at tumungga. "Your father is really something huh? He really loves your twin brother, to the point that he could sacrifice your happiness just to cover the shits that your twin did." Mapait na saad naman ni Saivan. And yeah, alam ko na yun dati pa. "Let's just see where this fate would take me. And don't worry guys, I'll be fine." Saad ko naman sa kanila. Panay na din kasi ang reklamo nila na hindi kami magkikita ng matagal kapag sa malayo na ako titira kasama nung magiging asawa ko "daw". Tsk! Pwede naman silang bumisita eh. Pssshhh.. "Anyway, who's the lucky girl broh? Is she someone we know?." Intresadong tanong pa ni Saivan at pilit pinapasigla ang boses para maging light ang atmosphere namin. "She's a nobody to me. Besides, you'll get to know her on our simple wedding day, sa huwes. You guys are invited. It will be in sunday, next week." Saad ko naman at naalala ang mukha ng babaeng pansamantala kong makakasama. Tsk. So funny how destiny works on it's own will. Tsss. "Damn broh! I don't think I can attend on your wedding. I'm going back to California, two days from now." Saad naman ni Saivan at napatapik sa may likod ko. "That's alright. She's not that important anyway." Saad ko nalang at uminom. Napailing naman sila at panay ang tukso sakin dun sa babae. Tsk! As if magkakagusto ako dun! Tsk! Tsk! Tsk!. Nagpatuloy nalang kami sa pag-inom habang patuloy din sila sa panunukso sakin. Alam kong nag-aalala lang sila para sakin. Ni hindi sila naghanap ng babae eh. Tsk. I know I will be fine. I have to, atleast. ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD