EPISODE 7.

4578 Words
“UNEXPECTED BEAT” EPISODE 7. Kasalukuyang naglalakad papuntang library si Gerard dahil pinatawag siya ng kanyang amang si Emmanuel. Alas-diyes na ng gabi. Pagkapasok niya ay agad na hinagis ng ama niya ang isang diyaryo sa ibabaw ng mesa na nasa harap ng inuupuan nito. “Have you read this one?.” Malumanay na tanong ni Emmanuel sa seryosong tinig sabay tayo. “What's this, pa?.” Nagtatakang tanong naman ni Gerard saka tiningnan ang diyaryo. [Isa sa pinakamagaling na businessman, GB Santos, nakabuntis?.] Ganun nalang ang paglaki ng mga mata ni Gerard nang mabasa ang nakasulat na headline sa diyaryo. Kabadong napatingin din siya sa kanyang ama. “H-How? I.. I didn't kn---” “First, Ace's proposal to Mr. Melendres was rejected. And now, this?.” Mahihimigan ang disappointment sa boses ni Emmanuel. Ang kameeting ni GB nung araw na nilapitan siya ni Jasmine ay walang iba kundi si Mr. Melendres. Hindi na ito nakipagkitang muli kay GB at napunta pa ito sa mga Eco. “P-Pa..” Hindi naman alam ni Gerard ang sasabihin. “This might be the reason kung bakit nagtatago ang anak mo. And you know what surprises me more? Ang babaeng nabuntis ng anak mo.. is none other than.. Jasmine Eco.” Saad ni Emmanuel na siyang lalong kinagulat ni Gerard. Nagpaimbestiga na pala kasi ito tungkol dito. Kumalat ang isyu, mahigit isang linggo, matapos lapitan ng babaeng nakahoodie si GB habang may kameeting ito. “Yes, anak ng rival natin ang nabuntis ng anak mo! And if James find this out, he'll be after you! Mas malaking kahihiyan yun! You know him! Hindi niya hahayaang pangalan niya lang ang masira! Pati pangalan at kompanya ko ay madadamay dahil lang sa bagay na ito!.” Matigas pang saad ni Emmanuel. “W-What should I do, pa?.” Tanong ng hindi mapakaling si Gerard. Napailing naman si Emmanuel dahil dito. “I already took care of this one.” Maya-maya'y turo na ni Emmanuel sa diyaryo. “So you must do your part to James. If ever na lapitan ka niya at sudyain, it would be better kung magdedeny ka. You can use Ace if necessary. You got it?!.” Saad pa ni Emmanuel na siyang tinanguan naman ni Gerard bilang pag-iintindi. (Riiinnnggg.. Riiinnnggg.. Riiinnnggg..) Napaexcuse si Gerard sa ama niya at napatalikod nang makitang tumatawag ang guwardiya nila na nagbabantay sa malaking pinto. “What?!.” Gulat na tanong ni Gerard nang marinig ang sinabi sa kabilang linya. “L-Let.. them in.” Saad nalang niya at napabuntong hininga saka pinatay ang tawag. Napatingin din siya sa ama niya na nagtatakang nakatingin sa kanya. “H-He's here.” Kinakabahang saad pa ni Gerard sa ama niya. Nakuha naman nito kung sino ang tinutukoy niya. Pareho din silang napapikit ng mariin dahil dito. “Go. Face him. Just.. remember what I said!.” Saad at paalala naman ni Emmanuel kay Gerard kaya tumango naman ito at umalis. Wala ng mas importante sa dalawa kundi ang pangalan na kanilang iniingatan. Sa sasakyan palang ay nakatanggap na si Jasmine ng masasakit na salita mula sa kanyang ama at mga kapatid. Buti nalang her mom was there to defend her. Isang sasakyan lang din ang ginamit nila. Pagbaba nila James sa sasakyan ay sinalubong sila ng katulong. Papasok na sana sila sa loob ng bahay nang biglang may sasakyang tumigil sa likod mismo ng sasakyan nila kaya napatingin silang lahat dito. Pagdating nina GB sa bahay nila ay ganun nalang ang pagtataka niya nang makitang may sasakyan sa may harap ng pinto nila. Lalo siyang nagulat at napakunot-noo nang pagbaba niya ay nakita niya ang pamilya Eco. “You asshole!!.” Agad na napasugod si Cedric kay GB at hinawakan ito sa may kuwelyo ng damit nito. Nakataas din ang isa niyang kamay at handa ng suntukin si GB. Samantalang si GB naman ay walang emosyong nakatingin lang sa kanya. Maging si Bree ay natakot ng makita ang ginawa ni Cedric sa Atkuy niya. “Cedric! Ano bang ginagawa mo?!.” Gulat at sigaw naman ni Elena sa anak. “I presumed this is not what you came here for. But if that's so, my security would be more than willing to send you all out.” Muling nabaling sa harap ang atensyon ng lahat ng magsalita mula rito ang nakapamulsang si Gerard. “Cedric! Show some manners!.” Saka lang bumitaw si Cedric kay GB nang sawayin siya ng ama niya. Napakuyom nalang siya ng kamao at pinakalma siya ng dalawa niyang kapatid na lalaki. “Kung anuman ang pinunta niyo dito. Let's talk about it, inside.” Seryosong saad pa ni Gerard kaya pumasok na din silang lahat at pumunta sa sala. Pinaakyat naman ni Gerard si Bree sa kwarto nito na nagtatakang napatingin sa mga panauhin bago tuluyang umalis. Pagkatapos ayusin ni GB ang suot niya ay umupo na din siya sa tabi ng ama niya. Walang emosyon ang mukha niya. Napatingin din siya kay Jasmine na kasalukuyang nakaupo sa tabi ng mommy nito. She also had an idea kung bakit nandoon ang pamilya nito sa bahay nila. “Now, this is extremely suprising James. So? What is this all about that you need to bring your family over? As far as I can remember, we don't want to be in the same room.” Umpisa na ni Gerard ng usapan. Makikita din ang masamang tingin nina Cedric kay GB. “I won't be here if it's not because of your son's stupid action!.” Matigas namang saad ni James at napatingin kay GB. “My daughter's pregnant! At ang anak mo ang nakabuntis sa kanya!.” Walang paligoy-ligoy na saad naman ni James. Napahigpit din ang hawak ni Jasmine sa kamay ng mommy niya dahil sa halo-halong emosyon. Natatakot din siyang baka mag-away ang dad niya at ang dad ni GB. “Haha. You gotta be kidding me, James.” Natatawang saad ni Gerard na nag-de-kwatro pa na tila wala lang ang kanyang narinig. Pasimpleng napatingin din siya sa kanyang anak na siyang naintindihan naman nito kung bakit. “Hindi ako nakikipagbiruan sayo, Gerard! My daughter's two months pregnant! At kapag hindi ka nakipag-cooperate sakin para maayos ang problemang to?! I'll see to it that both of us will face the consequences! At kung hindi pa nasabi sayo ng anak mo, sinamantala niya ang kalasingan ng anak ko! Kaya pwede ko siyang kasuhan ng r**e!.” “Haha. Are you threatening me? Wow! Hindi ko alam na may ganyan ka palang side, James. But sad to say, it won't work. Haha.” Tila nang-aasar pang saad ni Gerard dahilan para mapakuyom ng kamao si James. “With all due respect, Mr. Eco. But I think your daughter had mistaken me for somebody else. I've never seen her before, let alone had a one night stand with her.” Saad naman ni GB na matamang nakatitig kay Jasmine. Dahil sa narinig ay napaangat din ng tingin si Jasmine. “A-Ano?! Bakit ginagawa mo akong sinungaling?! Hindi ako nagkakamali! Ikaw yung kasama ko sa hotel two month's ago! Don't tell me na hindi mo rin maalala yung araw na kinausap kita tungkol sa pagbubuntis ko habang papalabas ka sa hotel kasama ang babae mo?! Nakilala mo ako that day!.” Hinagpis na paalala naman ni Jasmine kay GB. Hindi niya lubos-maisip na idedeny siya ng lalaking nakabuntis sa kanya. To think na nakilala siya nito nung sudyain niya ito sa labas ng hotel kung saan may nangyari sa kanila. “Miss, I don't know what you're talking about.” Simpleng saad lang din naman ni GB. “And last time I checked, hindi kita mabubuntis kahit pa sabihing may nangyari o mangyayari satin.” Dagdag pa ni GB na siyang nagpakunot ng noo ng pamilya Eco. “And why would that be?.” Mahinahon at nagtatakang tanong naman ni Elena. “I'm a lesbian.” GB answered, emotionless. Napanganga ang pamilya Eco dahil sa kanilang narinig mula kay GB. Habang si Gerard naman ay napailing at napangisi dahil dito. “Yes, my Ace here or GB, if that's what you prefer, is not a son.. but a daughter.” Saad naman ni Gerard. “T-That's impossible!.” Mangiyak-ngiyak namang saad ni Jasmine nang makita ang masamang tinging pinupukol ng ama niya sa kanya. “M-Mom, I-I'm really sure it's him.” Dagdag pa ni Jasmine kaya naaawang niyakap nalang siya ng kanyang ina. “What is this Gerard? Paraan mo ba to para matakasan ng anak mo ang responsibilidad niya sa anak ko, ha?! Do you think we would believe that bullshit?!.” Pasigaw ng saad ni James at napatayo. Maging sina Cedric ay gusto ng sugurin si GB dahil sa kasinungalingan nito. “Now, now, now James. Relax, will you? Hindi nagsisinungaling ang anak ko. Perhaps, yung anak mo yung nagsisinungaling.” Kalmadong saad pa rin ni Gerard. Nasisiyahan siya dahil alam niyang magiging pabor sa kanila ang kahihinatnan ng kanilang pag-uusap. “What's going on here?.” Napatingin ang lahat sa may katandaang babae na pababa ng hagdan nang magsalita ito. Nang makita naman ni Gerard ang mama niyang si Marlenita ay unti-unting nawala ang ngiti niya at napatayo. “Anong kaguluhan to?.” Muling tanong pa ni Marlenita pagkalapit sa sala. May nakaalalay sa kanyang maid. “Ma, hayaan mo na kaming makipag-usap sa kanila. Magpahinga na po kayo.” Kinakabahang saad ni Gerard sa mama niya. “Ay hindi. Gusto kong malaman kung anong nangyayari.” Saad naman ni Marlenita kaya napapikit si Gerard at hindi na mapakali. “Ano bang problema dito't gabing-gabi na ay nagsisigawan kayo?.” Tanong na ni Marlenita kay James at sa pamilya niya nang makaupo siya sa tabi ni GB pagkatapos siyang alalayaan ng apo. Hinawakan naman ni Elena ang asawa niya sa braso at pinaupo ito na tila sinasabing hayaan siyang makipag-usap sa matanda. “Ah.. pasensya na po kayo sa istorbo. Pero pumunta po kami dito para pag-usapan ang nangyari sa anak namin at sa apo niyo. Nabuntis po kasi ng apo niyo ang anak namin.” Mahinahong saad na ni Elena at napatingin kay GB saka kay Jasmine. Nagulat naman si Marlenita dahil sa narinig. “Ma, umakyat na po kayo sa taas. Please.. hayaan niyo na po kami dito.” Muli ay nangulit si Gerard sa mama niya na halatang hindi gustong nandoon ito. Pero tiningnan lang siya ng masama ni Marlenita kaya muli ay natahimik siya at umupo nalang. “Pero ang ini-insist ng apo niyo ay lesbian siya at hindi siya ang nakabuntis sa anak namin. Hindi magsisinungaling ang anak namin lalo pa't siya ang mas masisira dito!.” Saad naman ni James na napatingin kay GB ng masama. “Ay oo, totoo ang sinasabi nitong apo ko na lesbian siya.” Pagtatanggol naman ni Marlenita sa apo niya. “Ang tinutukoy niyong nakabunt---” “Ma! Umakyat na po kayo sa taas! Let me handle them.” This time ay tumaas na ang boses ni Gerard dahilan para matigil sa pagsasalita si Marlenita. “Ay bakit mo ba ako pinapaalis, ha? At wag mo akong sisigawan!.” Pagsusungit na ni Marlenita kay Gerard. Nabibwesit si Gerard dahil mukhang mapupurnada pa ang plano nila ng Papa niya. Napalingon din siya sa itaas at nakita niya ang ama niyang napapailing sa kanya. Alam niyang disappointed na naman ito sa kanya. Kung sana ay hindi niya na pinatagal ang pakikipag-usap sa mga Eco ay hindi sana sila maaabutan ng mama niya. “May tinatago ba kayo samin, ha?!.” Tanong naman ni James nang mapansing tila balisa na si Gerard. “Ang sinasabi ko, wag niyong sisihin itong apo ko kundi ang kambal niyang si Gill. Marahil ay siya ang nakabuntis sa anak niyo. Pero wala siya dito at ilang linggo na siyang hindi nagpapakita.” Diretsahang saad na ni Marlenita na hinawakan ang kamay ni GB. Sa pangalawang pagkakataon ay napanganga ang pamilya Eco sa kanilang narinig. Si Gerard naman ay napamura sa kanyang isip at napahilamos ng mukha. “K-Kambal?.” Hindi makapaniwalang tanong ni James kay Marlenita na siyang tinanguan nito. May kambal na lalaki si GB. Identical twin kumbaga. At dahil mukha na ding lalaki si GB ay talaga namang magkamukhang-magkamukha na silang dalawa. Piling tao lang din ang may alam na may kambal na anak sina Gerard at Bea. Ang pangalan ng kambal ni GB ay Gill Bryan. Tapos ito sa kursong Busisness Ad dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang Lolo. Pero hindi ito nagtatrabaho kundi puro pagsusugal lang ang inaatupag kaya hindi namamalagi sa kanilang bahay. Si Gill din ang nakita ni Jasmine sa hotel na may kasamang babae. At si Gill din ang nakipagkita at humingi ng pera kay GB pagkatapos makaharap si Jasmine. GB din ang tawag ni Emmanuel kay Gill Bryan, samantalang Ace naman kay Grace Breil. Si Gill din ang tinutukoy ni Emmanuel na ipapakilala na sa public dahil ito lang ang tinuturing na apo ng matanda. “Hah! Wow! What a surprise, Gerard! You were trying to hide the fact na kambal ang anak mo! Ginawa mo kaming tanga! Balak mo pang takasan ang ginawa ng anak mo sa anak ko!.” Galit ng harap ni James sa napapailing na si Gerard. Everything was going smooth, not until her mother showed up. “I'll give you one week para maiharap sakin ang anak mong lalaki, Gerard! And in case you failed? Alam mo na ang mangyayari! Magbasa ka nalang ng diyaryo at manood ka ng news! Dahil sinisiguro ko sayo! Pareho tayong mapapahiya sa sitwasyong ito! Parehong madudungisan ang pangalan natin!.” Huling saad pa ni James bago inaya ang pamilya niya at tuluyang umalis. Pagkaalis ng pamilya Eco ay frustrated na napahilamos ng mukha si Gerard. Nagkasagutan pa sila ng mama niya pero hindi naman siya nanalo dito. After all, mama niya pa rin ito. Maging si Emmanuel ay hindi din nagustuhan ang nangyari at galit na inutusan si Gerard na mas madaliin ang paghahanap kay Gill Bryan. This time, wala na silang choice kundi ang makipagtulungan sa mga Eco para maayos ang kanilang problema. Habang nasa sasakyan naman sila James ay tahimik na nagngingitngit ang kalooban nila dahil sa ginawa ni Gerard. Balak pa kasi nitong itago ang totoo para makatakas sa kanilang responsibilidad. Nangako naman si James sa sarili niya na kapag hindi nakipag-usap ang mga Santos sa kanya ay parehong masisira ang mga pangalan nila. ----- Kasalukuyang nasa abandonadong gusali ang isang makisig na lalaki. Nakapiring ang mga mata niya at nakatali ang mga kamay niya sa likod habang nakaupo sa lapag. Pinapakiramdaman niya ang paligid nang may marinig siyang mga yapak na papalapit sa gawi niya. Pagkalapit ng isang mamang mukhang mayaman sa makisig na lalaki ay bahagya siyang umupo para magpantay ang mukha nila. Marahas niyang tinanggal ang piring sa mata nito at ngumisi saka tinapik tapik ito sa pisngi. “Hmmmm. Long time no see, kaibigan.” Nasisiyahang ngisi pa ng mama. “M-Mr. Almaro? Ano to? B-Bakit mo ako dinala dito? Anong kailangan mo sakin?.” Gulat na tanong ng makisig na lalaki sa mama na may kasamang apat na goons sa likod nito. Mga malalaki ang katawan ng mga ito at may mga baril. Napansin din ng makisig na lalaki ang kadiliman ng paligid dahil malalim na ang gabi. “Nagmamaang-maangan ka pang gago ka!.” Biglang nag-iba ang tingin ni Mr. Almaro at napataas pa ito ng boses. “Wag mong sabihing nakalimutan mo na ang pagtatrahidor mo sakin! Pinasara ang pasugalan ko dahil sinuplong mo sa mga pulis!.” Gigil ng saad ni Mr. Almaro. “H-Hindi ko alam ang sinasabi mo! Wala akong alam dun!.” Kinakabahang sigaw naman ng makisig na lalaki. Galit na napatayo si Mr. Almaro kaya napatingala sa kanya ang makisig na lalaki. At dahil sa sobrang gigil sa makisig na lalaki ay hindi na ito nakapag-pigil pa. “You *ah!* stupid *ah!* traitor!.” Gigil na pinagsisipa ni Mr. Almaro ang makisig na lalaki sa mukha nito dahilan para mapahiga ito at mamilipit sa sakit. “Aaaarrrggghhh.... Ah!.” Daing ng makisig na lalaki na may mga sugat na sa mukha nang marahas siyang hawakan ni Mr. Almaro sa buhok para makita ang mukha niya. “Hindi ka na makakalabas dito ng buhay! Buhay mo ang magiging kabayaran dahil sa pagtatrahidor mo sakin! At nagkamali ka ng binangga!.” Gigil at medyo hingal pang saad ni Mr. Almaro sa mukha ng makisig na lalaki saka muli itong binitawan ng pabalibag. Napapadaing sa sakit ang makisig na lalaki na dumudugo na ang mukha at madumi na din ang suot na damit. “Kayo ng bahala sa kanya. Pagkatapos niyo siyang patayin, ilibing niyo na rin ng hindi na umalingasaw ang baho ng gagong yan.” Utos pa ni Mr. Almaro sa mga tauhan niya. “Areglado boss.” Sagot naman ng tauhan niya. Pagkatapos bigyan ng nakamamatay na titig ang makisig na lalaki ay tuluyan na ding umalis si Mr. Almaro sa lugar na iyon. “So ano? Pwede na tayong mag-enjoy sa kanya. Mas maganda kung dadahan-dahanin natin ang pagpatay sa kanya.” Nakangising saad ng isang lalaki sa tatlo niyang kasamahan. “P-Please wag niyo a-akong patayin! I-Ibibigay ko ang g-gusto niyo! D-Dodoblehin ko ang b-binigay ni Mr. Almaro sa inyo! O k-kahit magkano pa ang g-gusto niyo!.” Takot na pakiusap ng makisig na lalaki habang namimilipit sa sakit at pilit na umaatras kahit nahihirapan. “HAHAHAHAHA.” Pero tinawanan lang siya ng apat. “Akala mo ba mababayaran mo kami? Aba'y siraulo ka pala eh! Ah!.” Galit ng sigaw ng isa sa mga lalaki at sinuntok sa mukha ang makisig na lalaki. “Hmmmpf!.” Daing naman ng makisig na lalaki na dumudugo na din ang bibig. “P-Please! Na-Nakikiusap ako sa inyo!.” Hirap na pakiusap ng makisig na lalaki. Muli ay tinawanan lang siya ng mga ito. Lingid sa kaalaman ng apat na lalaki, sinusubukan ng tanggalin ng makisig na lalaki ang pagkakatali sa kamay niya habang kinakausap ang mga ito. At nang tuluyan niyang matanggal ang tali ay naghintay siya ng tamang tiyempo. “So ano? Ako na ang mauuna sa kanya. Hahaha.” Natatawang saad ng isang lalaki saka lumapit sa makisig na lalaki at kinwelyuhan ito saka marahas na itinayo. Dahil sa magandang pagkakataon, mabilis na sinuntok ng makisig na lalaki sa tiyan ang lalaking nakahawak sa kuwelyo niya dahilan para mabitawan siya nito. Nagulat naman ang tatlong lalaki sa nakita nila na agad ding bumunot ng baril. “Agh!.” Daing pa ng lalaki nang mabilis siyang hawakan ng makisig na lalaki mula sa likod. Iniipit nito ang leeg niya gamit ang braso nito kaya namimilipit siya sa sakit. “Sige! Subukan niyong lumapit! Papatayin ko siya!.” Sigaw ng makisig na lalaki at unti-unti ng naglalakad palabas sa gusali. Wala namang nagawa ang tatlong kasamahan ng lalaking hawak ng makisig na lalaki kundi ang mang-gigil habang nakatutok ang hawak nilang baril dito. Napapamura pa ang mga ito dahil sa yamot. Nang tuluyang makalabas sa gusali ay nagpaikot-ikot ng tingin ang makisig na lalaki sa paligid at nakita niyang puro puno at damo ang nasa paligid. Hindi niya alam ang daan. Ganunpaman ay lumapit siya sa matataas na damo saka malakas na tinulak at sinipa ang lalaking hawak niya kaya napasubsob ito sa sahig bago siya tuluyang tumakbo ng mabilis. “f**k! Bilisan niyo! Dito siya pumunta! Kailangan natin siyang mahanap at mapatay kundi lagot tayo kay bossing!.” Sigaw ng lalaki pagkatayo nito mula sa pagkakasubsob. Gigil na tumakbo ng mabilis ang apat na lalaki kung saan dumaan ang makisig na lalaki para habulin ito. Patuloy sa pagtakbo ang makisig na lalaki sa tila isang kagubatan kahit medyo hirap at napapadaing siya sa sakit. Nagpalinga-linga siya at naghanap ng mapupuntahan. Hindi niya makita ng maayos ang daan dahil na rin sa sobrang dilim ng paligid. Tanging mga puno ang nakikita niya kaya tumakbo nalang siya ng tumakbo papalayo sa gusali at sa mga taong gustong pumatay sa kanya. “Hoy! Tigil!.” Nanlaki ang mga mata ng makisig na lalaki ng may biglang sumigaw sa may likod niya. Ganun nalang ang pagkagimbal niya nang pagharap niya dito ay malapit na ito sa kanya at nakangisi ito habang nakatutok ang baril sa kanya. “Wala ka ng pupuntahan kaya magdasal ka na! Pinagod mo pa kaming hayop ka!.” Hinihingal pang saad ng lalaki sa makisig na lalaki. Napatingin ang makisig na lalaki sa likod niya at nakitang wala na nga siyang matatakbuhan. Dead end na dahil nasa tuktok na siya ng malawak na talon. Sobrang taas nito at may malakas na umaagos na tubig mula sa may di kalayuan ng kanan niya. Kabadong napalunok ng laway ang makisig na lalaki bago muling ibinalik ang tingin sa lalaking nakatutok ang baril sa kanya. (Tugs!) Umalingawngaw ang putok ng baril sa paligid ng barilin na ng lalaki ang makisig na lalaki. “Aaarrrggghhh...” Gulat na nanlaki ang mga mata ng makisig na lalaki at napahawak siya sa may gilid niya nang makaramdam siya dito ng kirot. Napapadaing siya habang napapaatras nang makita ang dugo sa mga kamay niya mula sa kanyang tagiliran. “Ahmp!.” Tuluyang nahulog sa mataas na talon ang makisig na lalaki habang nakadilat ang mga mata. Napangisi naman ang lalaking may hawak ng baril dahil sa nasaksihan. Alam niyang napatay niya ang makisig na lalaki. Natutuwang kinwento niya din sa kanyang mga kasamahan ang ginawa niya nang dumating ang mga ito sa pwesto niya makalipas ang ilang minuto. Pagkatapos ay nagpasya na din silang umalis at bumalik sa gusali. ----- °JASMINE's P.O.V.° Pagkagising ko kinabukasan ay agad na nagflashback sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. May kakambal ang lalaking nakabuntis sakin. Kaya pala ganun nalang ang pagdedeny niya. Pero ibang usapan pa rin yung balak nilang ilihim ang totoo at pagmukhain akong sinungaling. At dahil din sa mga nangyari ay mas lalong pinaramdam sakin nina dad at ng mga kapatid ko na hindi ako belong sa pamilyang ito. Na tila hindi ako nag-eexist sa mundo nila. Tanging si mommy nalang ang pumapansin sakin. Well, wala na rin namang bago dun. Umagang-umaga ay bumisita din sakin ang mga kaibigan ko para alamin ang kalagayan ko. Nag-aalala na naman tong mga ito sakin. Summer na din naman kaya nakakapaglakwatsa na sila. Kasalukuyan din kaming nasa kwarto ko. Alam kong mapagkakatiwalaan ko sila kaya kinwento ko na din ang totoong nangyari sakin, simula sa simula hanggang sa napagkasunduang kasalan. “WHAAATTT??!!.” Gulat na napasigaw silang tatlo pagkatapos kong ikwento ang lahat-lahat. “Oh my gosh! GB Santos? The hot and handsome businessman? Yung pumunta sa birthday party ni bes Vina? Oh gosh! You're so lucky bes!.” Medyo patiling saad naman ni bes Beverly kaya nakatanggap siya ng batok mula kay bes Vina. Napapeace sign naman ito at napapout. “That explains kung bakit ka nawala nung birthday ko two month's ago. Yun ay dahil magkasama kayo ni GB at hindi dahil sinundo ka ni Mang Tonyo.” Saad pa ni bes Vina na siyang tinanguan ko din bilang pagsang-ayon. “Anyway, kung ganun pala yung nangyari bes, bakit hindi nalang pinakasuhan ni tito si GB? I mean, kung iisipin, r**e yung nangyari right?.” Kunot-noong tanong naman ni bes Joan. Maging ang dalawa ay napaisip at napatango din. “Ayaw na ni dad na lumaki yung issue at siyempre ayaw niyang masira yung pangalan niya dahil lang sa nagawa ko kaya pagpapakasal yung naisip nilang solusyon. Besides, kasalanan ko rin naman eh.” Malungkot kong saad na siyang ikinatahimik nila. I know naaawa sila sakin dahil sa sitwasyon ko. “ Anyway, sorry kung hindi ko agad nasabi sa inyo yung nangyari sakin mga bes.” Nahihiyang basag ko pa sa katahimikan namin. “Wag mo ng isipin yun bes. Pero wait, paano na nga pala ang pag-aaral mo bes? Titigil ka ba?.” Nag-aalalang tanong naman ni bes Vina. “Yun nga rin ang iniisip ko eh. Siguradong patitigilin ako ni dad sa pag-aaral. I think kailangan ko na naman silang kumbinsihin na pag-aralin ako online para makahabol sa mga subjects, sakali mang bumalik ako sa school pagkatapos kong manganak.” Saad ko naman at napabuntong hininga. “Well, we can only hope for the best. Alam mo naman si tito bes.” Malungkot na saad naman ni bes Joan na siyang tinanguan ko rin. “But wait, bes. Di ba sabi mo may kambal siyang lesbian? Gwapo ba? I mean hot din ba katulad ni fafa GB?.” Intresadong tanong pa ni bes Beverly na siyang kinailing-iling ko. Pambihira talaga tong bes ko na to. “Hay naku naman bes! Gamitin mo nga yang utak mo! Mapapagkamalan ba ni bes yun kung hindi sila pareho ng physique? Ibig sabihin lang nun pareho silang hot and handsome katulad ng description mo.” Pambabasag naman ni bes Vina kay bes Beverly na siyang kinatawa naman namin. “Oo nga noh.” Tila napapaisip namang tugon ni bes Beverly na napapakamot pa sa ulo. Hahaha baliw talaga to si bes. May pagka-slow din eh. “Anyway bes, wag mong kakalimutang ninang kami ni baby mo ah? Kahit papaano eh na-e'excite na akong makita si baby.” Nakangiting saad naman ni bes Joan na humawak pa sa tiyan ko. Napangiti naman ako at napatango. Nagpapasalamat talaga ako sa kanila dahil sa kabila ng problema ko ngayon ay hindi pa rin nila ako tinalikuran at pinandirihan. Ni hindi sila nagalit dahil sa paglihim ko tungkol sa pagbubuntis ko. Sa halip ay nag-effort pa silang pasayahin ako. Alam kong alam nila kung gaano kahirap ang sitwasyon ko ngayon lalo pa't galit na galit sakin si dad. Thankfully, I have them not only as my friends but also as my sisters. Medyo nakaramdam din si bes Vina ng guilt dahil feeling niya eh siya ang may kasalanan kung bakit ako nabuntis. Nangyari kasi ang isang pagkakamali na yun nung time na nagpa-pool party siya dahil nga birthday niya. But I told her that it was all my fault. Naalala ko na kasi ang nangyari nung gabing yun. I was drunk and I asked someone to get me home. Nagkataon naman na isang mapagsamantala ang napagsabihan ko kaya imbes na iuwi ako eh dinala niya ako sa hotel. Though it was partly my fault, I admit. Kinahapunan ay nagpaalam na din ang mga bes ko para umuwi. Napag-usapan namin ang plano naming bonding pero hindi pa ako sigurado kung makakasama ako. Pagkaalis nila ay muli akong bumalik sa kwarto at humarap sa malaking salamin, yung kita ang kabuuan ko. Napabuntong hininga ako at napahawak sa tiyan ko. Dahil sa pakikipag-usap ko sa mga bes ko, I realized something. “I have to be strong for you, baby. Simula ngayon, hindi ko na iisipin ang mga taong makakapag-stress lang sakin. Sisiguraduhin kong magiging masaya ako anuman ang mangyari para maging healthy ka.” Napangiti ako habang kinakausap ang tiyan ko sa salamin. Haha. Humingi din ako ng tawad sa baby kong nasa sinapupunan ko dahil naging pabaya ako nitong mga nakaraang buwan. Pinapangako kong hindi na ako magpapaapekto sa pagtrato sakin ng dad ko at ng mga kapatid ko. Nagpaplano na din akong magtayo nalang ng sarili kong business dahil alam kong patitigilin ako ni dad sa pag-aaral. ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD