“UNEXPECTED BEAT”
EPISODE 6.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Habang patagal ng patagal ay siya namang palapit ng palapit ang araw na kinakatakutan ni Jasmine. Ang araw kung saan malalaman ng pamilya niya na buntis siya. Napapansin din ng mga kaibigan niya ang pagiging balisa niya pero sinasabi niya lang sa kanila na may mga iniisip lang siya. Matapos din ng huling pag-uusap nila ni GB nung may kameeting ito ay hindi niya na ito muli pang nakita.
Kasalukuyang nasa bahay nila si Jasmine kasama ang mga kaibigan niya. Tumutulong sila sa pag-aayos para sa celebration ni Caleb dahil graduation nito kaya merung handaan. Nasa garden din sila.
"So mga bes? Ano ng plano sa vacation natin? Baka nakakalimutan niyo yung plano nating pagbabonding ah?." Open ni Beverly ng topic habang tumutulong sila sa pag-i'skirting. Tapos na rin kasi ang second sem kaya two months break na nila.
"What if sa Tagaytay nalang tayo? Two weeks would be enough para maenjoy natin ang mga magagandang sceneries dun." Suhestiyon naman ni Vina na siyang tinanguan naman nina Joan at Beverly.
Habang nag-uusap ang tatlo ay tila wala naman sa sarili si Jasmine na malalim pa rin ang iniisip at tila hindi kasama ng mga kaibigan niya.
-"Ano ng gagawin ko? May point si Manay."- Kinakabahang isip pa ni Jasmine at muling naalala ang gabing nakita siya ni Cecilia.
?????..
(Malalim na ang gabi pero gising pa rin si Jasmine. Hindi dahil sa hindi siya makatulog kundi dahil nasa CR siya at panay ang suka. Napaupo siya sa sahig dahil sa pagod habang hinihingal.
"Iha? Jusko! Ano na bang nangyayari sayong bata ka!." Hindi namalayan ni Jasmine ang pagpasok ng Manay niya pero thankful pa rin siya at ito ang nakakita sa kanya. Agad siya nitong itinayo saka inupo at isinandal sa headboard ng kanyang higaan.
"Ma-Manay.." Nanghihinang saad ni Jasmine.
"Ssssshhhh... wag ka na munang magsalita. At ito oh. Dito ka na sumuka." Malambing na saad naman ni Cecilia at inilagay sa upuan ang dala niyang maliit na palanggana saka inilapit ito sa tabi ni Jasmine. Pinunasan niya rin ang mukha maging ang mga braso ng alaga niya.
Napapikit naman si Jasmine nang makaramdam ng antok habang nakahawak sa isang kamay ni Cecilia. At nang makitang nakatulog na si Jasmine ay napabuntong hininga naman si Cecilia dahil sa awa para dito.
"Nak, alam kong natatakot ka sa dad mo. Pero para sa ikabubuti ng bata, kailangan mong gawin ang tama. Mga magulang mo sila. Oo, magagalit sila. Pero pansamantala lang yun. Nak, kahit para nalang sa kanya. Kung nahihirapan ka, nandito lang ako. Handa kitang tulungan at samahan para harapin sila." Malambing na saad pa ni Cecilia at inilapat ang kanyang palad sa may tiyan ni Jasmine.)
Napatingin si Jasmine kay Cecilia dahil sa kanyang naalala. Hindi pa kasi siya tuluyang nakatulog nung gabing yun kaya rinig na rinig niya ang sinabi ng Manay niya. Hindi niya din alam kung paanong nalaman ng Manay niya na buntis siya.
"Hoy bes? Okay ka lang ba? Bakit parang ang lalim na naman ata ng iniisip mo?." Takang tanong ni Vina kay Jasmine.
-"I'm sorry mga bes kung hindi ko pa masasabi sa inyo ang sitwasyon ko. Alam kong maiintindihan niyo ako pero sa ngayon, natatakot pa ako eh."- Saad ni Jasmine sa isip niya habang nakatingin sa tatlo niyang kaibigan.
"Bes? May problema ba?." Nag-aalalang tanong na ni Vina at hinawakan sa braso si Jasmine.
"Bes, nandito lang kami okay? Handa kaming makinig. We're sisters." Saad naman ni Joan.
"Hmmm? Wala mga bes. Thankful lang ako at kayo ang mga naging kaibigan ko." Bukal sa loob na saad ni Jasmine at bahagyang napangiti.
"Nakooo... ang drama ah! Haha." Pinaarteng saad naman ni Beverly na siyang kinatawa nilang tatlo.
"Haha baliw ka talaga bes." Natatawang saad pa ni Jasmine.
Hanggang sa magkulitan na din sila at tawa pa ng tawa. Nagpapasalamat din si Jasmine dahil kahit papaano ay nakakalimutan niya ang problema dahil sa mga kaibigan niya.
-----
Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa wakas, ito na ang araw na pinakahinihintay ni Bree. Umaga palang ay makikita na ang saya sa mukha niya na halatang excited na siya. Hindi na din pinapasok ni Gerard si GB sa kompanya para makapag-focus na ito sa paghahanda para sa Prom.
At dahil hindi sanay na walang ginagawa si GB ay muli siyang pumasok sa kanyang kwarto at kinuha ang kanyang drawing book na nakatago sa kanyang drawer saka umupo sa kanyang kama. Isa-isa niyang tiningnan ang mga imahe ng drawing niya hanggang sa matigil siya sa imahe ng isang babae. Lingid sa kaalaman ng lahat, magaling sa pag-drawing si GB. Napahaplos si GB sa mukha ng imahe at mataman itong tinitigan sa mga mata na tila nakikipag eye to eye ito sa kanya.
"I'm sorry if I'm a coward. If only I had talked to you, things would've been different. I'm really sorry." Mahinang saad ni GB at napabuntong hininga ng malalim. Hinihingi niya din ng tawad ang mga nagawa at magagawa niya pa dito sa mga darating na araw.
"Who is she, Nene?." Medyo nagitla si GB nang may magsalita. Gulat na napatingin siya dito.
"L-Lala." Bigkas ni GB. Hindi niya napansin ang pagtawag sa kanya ni Marlenita at ang pagpasok nito. Umupo si Marlenita sa tabi niya at mataman siyang tinitigan.
"I didn't know na magaling ka palang mag-drawing, apo ko." Saad ni Marlenita at ngumiti ng konti.
"Girlfriend mo ba siya?." Tanong pa ni Marlenita.
"No, Lala. She's just.. someone I know." Mapait na ngiti ni GB at muling napatingin sa kanyang drawing.
"But I can see that she holds a special part in your heart. Am I right?." Saad naman ni Marlenita.
"It's just a matter of responsibility, Lala. If only I had enough courage." Makahulugang saad naman ni GB.
"When you're ready, just tell me. I'll listen." Saad naman ni Marlenita at niyakap si GB.
Hindi alam ni Marlenita kung anong tinutnukoy ng apo niya pero kitang-kita niya sa mga mata nito ang lungkot at ang pagsisisi. Naaawa siya para sa apo niya. Alam niyang nasasaktan din ito at nalulungkot kahit pa palagi nitong pinapakita sa karamihan na matigas ito at walang puso.
-----
Habang abala sa trabaho niya si Gerard ay biglang nagring ang phone niya. Nang makitang ang tauhan niya ito ay agad niya itong sinagot.
"Hello? How was it?." Agad niyang tanong dito.
"Sir, wala siyang record sa lahat ng airport. Hindi din alam ng mga kaibigan niya kung nasaan siya ngayon." Sagot nang nasa kabilang linya na siyang nagpainit ng ulo ni Gerard.
"Mga inutil! Gawin niyo ng maayos ang trabaho niyo kung ayaw niyong ipatapon ko kayo sa kangkungan!." Malakas na sigaw ni Gerard.
"Y-Y-Yes sir." Takot na sagot pa nang nasa kabilang linya.
Inis na pinatay ni Gerard ang tawag at muling inabala ang sarili niya sa mga papel na kailangan niyang ireview at pirmahan.
Mabilis na natapos ang araw ni Gerard. Pagkauwi niya ng hapon ay agad siyang pinatawag ng ama niya sa library kaya agad siyang dumiretso doon. Kumatok siya ng tatlong beses bago pumasok. Nakita niya ang ama niyang abala sa pagbabasa ng libro.
"Pa." Saad ni Gerard at bahagyang yumuko dito.
"Didn't I tell you na ipakilala na si GB sa public? What happened?! Tama ba yung narinig ko, ha?!." Agad na tanong ni Emmanuel pagkakita kay Gerard.
"We're doing our best, Pa. But w---"
"You knew I hate BUTS, Gerard!." Putol ni Emmanuel kay Gerard na inemphasize pa ang salitang BUTS. Napayuko naman ito sa hiya.
"Wala ka palang control sa anak mo." Dagdag pa nito.
"I-I'm sorry, Pa." Saad nalang ni Gerard.
"Save it! Inutusan mo na ang mga tauhan mo di ba? Do you have positive results?." Tanong pa ni Emmanuel.
"Wala pa po, Pa. Pinahanap ko na po kasi siya kahit saan, especially sa mga lugar na lagi niyang pinupuntahan pero wala rin siya dun." Mahabang paliwanag pa ni Gerard na hindi makatingin ng diretso kay Emmanuel.
"Well then, look harder. And don't stop until you find him. I'll talk to him myself." Matigas namang saad ni Emmanuel.
"O-Okay, Pa." Sunod-sunurang sagot naman ni Gerard. Menuestra naman ni Emmanuel ang kamay niya na sinasabing makakaalis na si Gerard kaya nagpaalam na din ito.
Yamot na naiwan naman si Emmanuel at napapailing dahil sa disappointment sa kanyang anak na si Gerard. Naisip niya ding wala talaga itong kwentang anak.
-----
Pagkatapos ng graduation ni Caleb ay masayang-masaya silang umuwi. Pagdating nila sa kanilang mansion ay nandun na din ang kanilang mga bisita, mga kaanak at mga kaibigan.
"Congrats, Caleb! You made me proud!." Saad ni James sa anak niyang si Caleb at niyakap ito. Magna Cumlaude kasi ito sa kursong Engineering kaya proud na proud si James dito.
"Thanks, Dad." Yakap din ni Caleb sa ama niya na may malaking ngiti sa mga labi. Nakatingin lang din naman si Jasmine at ang mga kaibigan niya sa mag-ama.
-"Sana kahit minsan ay maramdaman ko ring proud ka sa akin, dad. Pero sa ngayon impossibly ng mangyari yun. Lalo na kapag malaman mo kung anong nagawa ko. Sana mapatawad mo ako, dad."- Isip pa ni Jasmine na mukhang maiiyak na.
"Bes? Are you okay?." Tanong naman ni Joan na katabi niya. Napansin kasi nitong parang maiiyak na si Jasmine.
"Ha? O-oo naman, bes. Okay lang ako." Pilit ang ngiting tugon naman ni Jasmine.
"Okay, girls. Tara na at ng makakain na tayo." Aya na sa kanila ni Elena kaya hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon si Joan na usisain si Jasmine sa kung anong bumabagabag dito.
Habang kumakain ang lahat sa malaking mesa ay hindi nawawala ang biruan. Naroon din ang pagyayabangan ng mga ama dahil sa achievements ng mga anak nila. Tuwang-tuwa si James dahil alam niyang mas nakakalamang siya kumpara sa kanyang mga kaanak.
"Eh ikaw, iha? Ano ngang kinukuha mong kurso?." Maya-maya'y tanong ng pinsan ni James sa anak niyang si Jasmine. Napatigil naman si Jasmine sa pagkain at napatingin dito. Napansin niya ding nasa kanya ang atensyon ng lahat.
"Ahm.. nag-M---."
"Anyway, Caleb? You lead. Let's make a toast for your success." Bago paman matapos ni Jasmine ang sasabihin niya ay sumingit na si James kaya nabaling sa kanya ang atensyon ng lahat ng tao sa mesa. Napayuko naman si Jasmine dahil sa ginawa nito.
"Of course, dad. Sorry I forgot." Nakangiting tugon naman ni Caleb na bumubuhos na ng wine sa sarili niyang baso. Ganun na din ang ginawa ng iba.
Samantalang napatingin naman kay Jasmine ang mga kaibigan niya, ang Mommy niya at ang Manay niya. Naaawa ang mga ito sa kanya dahil feeling nila ay kinakahiya ni James ang kinuha niyang kurso. Napatingin si Jasmine sa Mommy niya at ngumiti nalang ng pilit ng makita ang awa sa mata nito. Tumayo na rin si Caleb pagkatapos maglagay ng wine sa kanyang baso.
"Everyone? Thank you for being here tonight. I wasn't expecting this to happen, actually. But because of the support of my father, I was able to acheive this honor. So, dad? This toast is for you...cheers.." Nakangiting saad na ni Caleb na tinaas na ang basong may lamang wine. Napangiti rin si James sa sinabi ng anak.
"Cheersss!!!." Sabay-sabay pang toast ng iba na nakangiti pa ng malaki.
Habang masayang nag-uusap ang mga tao sa paligid ni Jasmine, ay siya naman parang gusto niya ng umalis sa lugar na iyon. Puro puri ang mga naririnig niya para kay Caleb samantalang pag nasasali siya sa napag-uusapan ay parang walang naririnig si James at iibahin ang topic.
"You really made us proud." Masayang saad ni Cedric at napahawak sa balikat ni Caleb. Nakahiwalay na ang tatlo sa mga matatanda upang makapag-usap naman sila ng sila lang.
"Oo nga. Ikaw na talaga, bro. Mag-asawa ka na. Hahaha." Pilyong biro naman ni Charles na sinuntok pa ng mahina sa may tiyan si Caleb.
"Haha kuya talaga. Kakagraduate ko lang noh. Eh kung kayo kaya ang mag-asawa na, tutal matatanda na kayo? Hahaha." Pilyong ganti naman ni Caleb.
"Hahahaha." At nagtawan pa sila.
"But speaking of asawa? May girlfriend ka na ba, ha bro?." Tanong ni Cedric sa kapatid na si Caleb.
"Haha ba't napunta ang usapan diyan, kuya? Haha anyway, may nililigawan palang." Nakangiting sagot naman ni Caleb.
"Woooh.. ikaw na bro! Haha. But speaking of girlfriend? Anong nangyari sa inyo ni Ate Sapphire, kuya?. Bakit wala siya ngayon at parang hindi ko siya nakikita, lately?." Tanong naman ni Charles kay Cedric. At dahil dito ay bigla ding dumilim ang mukha ni Cedric na tila may naalala.
"She broke up with me." Sagot naman ni Cedric na malayo ang tingin habang umiinom ng wine. Napakunot naman ang noo ng dalawa niyang kapatid.
"What? Why?." Nagtatakang tanong pa ni Charles.
"Let's just not talk about it. Let's not ruin our mood." Pilit ang ngiting saad naman ni Cedric.
"Bro, we're just here." Saad nalang ni Charles na humawak pa sa balikat ni Cedric.
"Oo nga kuya. Whatever happens, we got each other's back." Saad pa ni Caleb. Gumaan naman ang loob ni Cedric dahil sa mga kapatid niya kaya napangiti nalang siya sa mga ito. Gumanti naman ang mga kapatid niya ng ngiti.
"OA natin eh. Haha." Tawang saad nalang ni Cedric para pagaanin ang ambiance kaya napatawa din ang dalawa. Hanggang sa mabaling sa ibang bagay ang kanilang usapan.
"Mga bes, kuha lang ako ng tubig." Paalam ni Jasmine sa mga kaibigan niya dahil gusto niya munang pumunta sa kusina para mapag-isa dahil nakakaramdam siya ng hilo. Tumango naman sina Joan kaya tumayo na din siya para umalis.
(Thuudd!)
Pero ganun nalang ang gulat ng lahat ng mga tao nang sa paghakbang ni Jasmine ay bigla siyang bumagsak. Napatingin ang lahat sa gawi ni Jasmine. Agad namang napatakbo palapit kay Jasmine si Elena at ang mga kaibigan niya dahil sa sobrang pag-aalala.
-----
Gabi na ng umalis sina GB at Bree papunta sa school para sa nasabing Prom. Inabot pa ng tukso si GB ng kanyang Lala dahil ang gwapo niyang tingnan sa kanyang suot. Nagmukha daw siyang inosenti na siyang kinailing niya nalang ng ulo.
Pagdating sa school ay marami na din ang mga taong nandoon. Marami ng sasakyang nakapark sa parking lot ng school. Kaya naglakad na din sila papasok kung saan gaganapin ang event.
"Shoot! Sobrang ganda ni Bree." Saad ng binatang si Kent. Makikita din ang paghanga sa mga mata ng binata habang naglalakad papasok sina Bree.
"Oo nga Kent. What a Princess." Humahangang saad naman ng katabi ng binata.
"Ang gwapo talaga ng Atkuy ko." Ngiting saad ni Bree nang naglalakad na sila papasok at nakitang pinagtitinginan sila ng mga tao.
"You look gorgeous, yourself, honey." Seryosong saad naman ni GB na siyang kinatawa ni Bree ng mahina. Nakahawak siya sa kanang kamay ng Atkuy niya.
Agad na napasimangot si Kent nang makitang tila nilalandi si Bree ng escort nito. Hindi niya din nagustuhan ang narinig niyang pagtawag nito ng "honey" kay Bree.
"Sino yang gagong yan, Albert?!." Kunot-noong tanong ni Kent sa kaibigan niyang si Albert na masama ang tingin kay GB.
"Hindi ko kilala yan, Kent. Hindi naman mukhang estudyante eh. Baka outsider o di kaya'y boyfriend ni Bree."
"Boyfriend? Hindi pwede! Akin si Bree!." Matigas na saad ni Kent at mahigpit na napakuyom ng kamao.
Nang makita ni Bree ang mga kaibigan niya ay agad niyang hinila ang Atkuy niya palapit sa mga ito at pinakilala. Napansin niya pang tila nagpapa-cute ang dalawa niyang kaibigan na sina May at Marian sa Atkuy niya kaya natatawang kinurot niya ang mga ito sa hita. Maging ang mga ito ay napansin din ang nakalitaw niyang kagandahan.
Nang mag-umpisa ang program ay siya namang pag-umpisa ng pag-inom ng mga binatang sina Kent at Albert. Palihim kasi silang nagpasok ng alak kahit mahigpit itong pinagbabawal. Hanggang sa tinawag na ang lahat para isayaw ang inihanda nilang sasayawin.
"Don't worry Atkuy. Just follow my step. I'll guide you. I know you're a fast learner." Kindat na saad ni Bree kay GB na siyang tinanguan naman nito.
Habang sumasayaw ang lahat ay hindi pa rin mapigilan ng mga binatang nandoon, lalong-lalo na ni Kent, ang mapatingin kay Bree hanggang sa matapos ang sayaw nila.
"She looks hot in her dress. Bagay na bagay sa kanya." Saad ni Kent sabay tungga ng alak habang nakatingin kay Bree. Napapailing naman ang kaibigan niyang si Albert dahil dito.
Mabilis na natapos ang program hanggang sa maging sayawan na ng lahat. Excited na nagsigawan ang mga estudyante at pumunta sa gitna para sumayaw. Maging sina May at Marian ay inaya na din si Bree na sumayaw.
"Atkuy, lets's dance? Hehehe." Aya naman ni Bree kay GB at tumayo. Napakamot naman sa ulo si GB at napangiti ng alanganin.
"Atkuy, please???." Puppy eyes at pout pang saad ni Bree na siyang hindi na natanggihan ni GB kaya pumunta na din sila sa gitna para sumayaw.
Nakita ni Kent kung paano maglambing si Bree sa escort nito na siyang lalo niyang kinainis. At nang hindi na siya nakapagpigil ay nagsimula na siyang maglakad palapit kina Bree. Medyo may tama na din siya.
"Ui Kent? Hoy! Saan ka pupunta? Dito ka lang!." Kinakabahang tawag naman ni Albert sa kaibigan pero hindi siya nito pinakinggan kaya napasabunot nalang siya ng buhok.
"Hoy! Umalis ka nga diyan! Isasayaw ko ang Prinsesa ko!." Maangas na tapik at pagpapaalis ni Kent kay GB.
Gulat na napatingin naman sina Bree at ang iba pang nakarinig dito. Makikita din ang pagblangko ng mukha ni GB na siyang napansin naman ni Bree.
"Kent, please lang wag kang manggulo dito! Umalis ka na. Please lang." Mahinahong pakiusap naman ni Bree bago paman makapagsalita ang Atkuy niya. Nakaamoy din sila ng alak mula dito.
"Bakit Bree? Kaya mo pala ako tinanggihan bilang escort mo ay dahil lang dito?! Bakit?! Mas gwapo naman ako dito ah!." Yamot na saad ni Kent. Napangisi naman si GB habang ang ibang naroon naman ay napatingin sa kanila.
"Ikaw! Sino ka ba sa akala mo ha?! Ano, ha?! Suntukan nalang tayo oh! Para makita natin kung sinong magaling sating dalawa!." Saad at hamon na ni Kent kay GB na hinawakan pa ito sa kuwelyo ng damit nito.
"Kent, ano ba! Sabi ng tumigil ka na eh!." Saway naman ni Bree at tinulak si Kent palayo kay GB.
"Kent, nagsasaya kami dito. Wag ka namang ganito kay Bree!." Saway pa ni May dito.
"Saka alam mo namang bawal ang uminom di ba? Kaya ka nagkakaganyan eh!." Segunda pa ni Marian.
"Ha-ha-ha. Pinagtatanggol niyo pa yang gagong yan? Ha-ha-ha." Sarcastic na tawa naman ni Kent.
"Kent, wa---"
"Let him be, Geana." Putol ni GB sa sinasabi ni Bree. At dahil hindi na "Rere" ang pinangtawag nito sa kanya ay alam niyang badtrip na ang Atkuy niya.
"Hoy gago! Sino ka ba sa akala mo ha?! Hindi mo ba ako kilala?! Ano?! Baka gusto mong ipatapon kita palabas dito!!." Malakas ng sigaw ni Kent dahilan para matigilan ang lahat at mapatingin sa gawi nila. Napapikit naman si Bree at napadasal.
"What's going on here?!." Napatingin silang lahat sa galit na sumigaw na may katandaan ng lalaki.
"S-Sir, pasensya na po kayo sa gulo." Agad na hinging-paumanhin ni Bree sa lalaki, ito ang Admin ng school nila.
"Tell me, ano bang nangyayari't nagkakagulo kayo dito?! Hindi na kayo nahiya?! Sinisira niyo ang gabing ito!." Pagalit pang saad ng lalaki na masama ang tingin kay Bree. Napayuko naman si Bree dahil dito.
"You're barking at the wrong tree. Is this how you manage such situation? Shame on you." Sa unang pagkakataon ay seryosong nagsalita na si GB. Kunot-noong napatingin naman sa kanya ang Admin habang parang baliw na natatawa naman si Kent.
"And who are you to lecture me?." Masungit pang tanong ng Admin kay GB.
"Ha-ha! Siya lang naman ang antipatikong jowa ni Bree, Uncle John! Palayasin mo nga yan nang makita niya ang hinahanap niya! Ha-ha-ha!." Natatawang singit naman ni Kent. At dahil ayaw mapahiya ng Admin ay kina Bree niya ibinunton ang galit niya kahit pa alam niyang mali ang pamangkin niyang si Kent.
"Ang mabuti pa ay umalis nalang kayo." Saad pa ng Admin na masama pa din ang tingin kay GB.
“Sir, wala naman pong kasalanan sina Bree eh.” Pagtatanggol ni Marian kina Bree.
“Oo nga po sir. Sa katunayan nga po eh si Kent tong lumapit samin at biglang nanggulo.” Segunda pa ni May.
“Wala akong pakialam! Sila ang aalis dahil sila ang dahilan kung bakit nagkaroon ng gulo!.” Sa halip ay seryosong saad lang ng Admin na halatang ayaw magpatinag.
"Pero s-sir---" Hindi na naituloy ni Bree ang sinasabi niya nang hawakan na siya ni GB sa braso para patigilin.
"Let's go, Geana." Seryosong saad pa ni GB.
Napabuntong hininga naman si Bree at malungkot na napatingin sa mga kaibigan niya saka tumalikod at nagpatiuna na sa paglalakad palabas.
"John.. let me introduce myself." Muling humarap si GB sa Admin at tinitigan ito sa mata.
"I'm.. GB Santos. You must remember my name, as you should know who you're dealing with." Huling saad pa ni GB at binigyan nang nakamamatay na tingin ang Admin bago umalis.
Nakita naman ni GB ang pag-ngisi ni Kent sa kanya na siyang lalong kinainis ng kalooban niya. At pagdating niya sa sasakyan ay nakita niyang pinunasan ng kapatid niya ang mga mata nito na nangangahulugang umiyak ito. And it broke her heart.
-----
Kasalukuyang nasa kwarto niya si Jasmine at hinihintay ng pamilya niya na magkaroon siya ng malay.
"Hmmrrmm." Mahinang ungol ni Jasmine at unti-unting minulat ang mga mata niya.
"D-D-Dad?." Biglang kinabahan si Jasmine nang makita ang dad niya na nakatayo sa may paanan ng kama niya.
Nasa loob din ng kwarto niya ang lahat ng kapatid niya, pati na ang Mom niya na nakaupo sa side ng kama niya habang hinahaplos ang buhok niya. Okay lang naman sana na nandoon ang dad niya. Ang problema niya ay nandoon din si Doctora Liza, ang private Doctor nila. Isa lang din ang alam niyang dahilan kung bakit ang sama ng tingin ng dad niya sa kanya, yun ay ang FINDINGS ni Doctora Liza kung bakit siya hinimatay. Agad niya ding napansin ang masamang tinging pinupukol ng mga kapatid niya sa kanya.
"Nak, I'm glad you're already awake. You scared me..but..no worries, you're fine." Said Elena na nakangiti sa anak. Napahawak din si Jasmine sa kamay ng mommy niya dahil kinakabahan siya.
"So, Mr. and Mrs. Eco, I have to go now. And don't worry, I'll contact my friend. She's one of the best OB-Gyne so far." Pagpapaalam na ni Doc. Liza na kinuha na ang lahat ng gamit niya. At tama nga ang hinala ni Jasmine na alam na ng pamilya niya ang kalagayan niya. Napayuko din siya dahil dito.
"Thank you, Doc." Said Elena at nakipagkamay na dito.
"Caleb, pakihatid si Doctora sa baba." Utos pa ni Elena na siyang sinunod naman ni Caleb.
Pagkaalis ni Doctora Liza ay nakakabinging katahimikan ulit ang bumalot sa loob ng kwarto ni Jasmine. Muling umupo naman si Elena sa tabi ng anak niya.
"Iha? Are you hungry? Do you need anything?." Malambing na tanong ni Elena sa anak.
"May balak ka bang sabihin to samin, ha???!!!!." Malakas ng sigaw ni James na siyang kinagulat ng mag-ina.
"D-Dad." Kinakabahang bigkas naman ni Jasmine na napapitlag sa pagsigaw ng Dad niya.
"Don't you dare call me Dad!!!! You are a disgrace to this family!!!!." Galit na galit pa ring sigaw ni James. Gusto ng umiyak ni Jasmine na lalong napayuko dahil sa takot.
"James! Pwede ba! Keep your voice down!." Suway naman ni Elena na tumayo na rin.
"Sino ang ama ng dinadala mo, ha???!!!." Tanong pa ni James na hindi manlang pinansin ang sinabi ni Elena.
"D-Da-Dad." At hindi na napigilan ni Jasmine ang pagtulo ng luha niya.
"So-So-Sorry.. I..I'm so.. sorry.." Nanginginig niya pang saad.
"Sagot!!!!." Muling napapitlag si Jasmine sa gulat dahil sa sigaw ni James. Tinakpan niya din ng dalawa niyang kamay ang bibig niya para hindi lumakas ang hagulhol niya.
"James!!! Ano ba!!! This is not the right time para pag-usapan natin yan!!! Let our daughter take some rest, first!!!." Galit na ring sigaw ni Elena sa asawa.
"Oh really? This is not the right time, Elena? Bakit? Kailan ba dapat? Kung kailan malaki na ang tiyan niyang anak mo, ha??!!." James said sa nanunuyang tono na sumulyap pa kay Jasmine.
"Just please! James! Not now! Let's talk about this tomorrow!." Pakiusap pa ni Elena pero umiling-iling lang si James bilang sagot.
"Wag ka na munang mangialam dito, Elena! I'm telling you!." Galit na pagbabanta pa ni James at muling hinarap si Jasmine. Wala namang nagawa si Elena kundi ang mapahilamos ng mukha.
"D-D-Dad." Takot na takot pa rin si Jasmine sa ama niya.
"Tell me! This will be the last time I'm asking you this! Sino ang ama ng dinadala mo?!." Muling tanong pa ni James na napapakuyom na ng kamao at pilit na pinipigilan ang galit niya. Hindi naman agad nakapagsalita si Jasmine at takot na napatingin sa dad niya.
"D-Dad.. s-si.." Napatitig si Jasmine sa mga mata ng dad niya at kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito.
"Si.. G-GB Sa-Santos po." Saad pa ni Jasmine sa nanginginig niyang boses.
Dahil sa narinig ay nanlaki ang mga mata nina James, Elena at nina Cedric. Hindi sila makapaniwala sa narinig nila.
"WHAT THE f**k!!." Malakas pang sigaw ni James dahil sa gulat.
Maging sina Elena ay hindi nakapagsalita. Saka lang din napagtanto ni Jasmine na ang GB na nakabuntis sa kanya at ang GB na pinag-uusapan ng pamilya niya ay iisa.
“How the hell did it happen? Paanong nabuntis ka ng isang Santos, ha Jasmine?! Tell me, boyfriend mo ba siya?! Ganun ba kalaki ang galit mo sa pamilyang to at nagawa mong maging nobyo ang taong kalaban ko sa negosyo?!.” Gigil pang saad ni James dahilan para lalong kabahan si Jasmine.
“D-Dad.. h-hindi ko po siya n-nobyo.” Utal-utal na sagot naman ni Jasmine na lumuluha pa din. At doon ay kinwento niya ang nangyari two months ago, ang isang pagkakamali na humantong sa pagbubuntis niya sa kasalukuyan.
At pagkatapos magkwento ni Jasmine ay nakita niya pa ang pagliyab ng galit sa mga mata ng Dad niya maging ng mga kapatid niya. Clearly, hindi ginusto ni Jasmine ang nangyari, pero partly siya pa rin ang sinisisi nila dahil naglasing siya.
"Get yourself ready! Pupunta tayo sa mga Santos!." Huling saad pa ni James bago lumabas ng kwarto ni Jasmine.
Gusto mang mag-protesta ni Elena dahil gabi na at kailangan na nilang magpahinga ay wala na siyang nagawa dahil nakapagdesisyon na ang asawa niya. Napabuntong hininga nalang din siya at napayakap sa anak niyang si Jasmine na patuloy pa rin sa pag-iyak.
~
~
~
⇨acacabas_019ツ.