EPISODE 5.

4358 Words
"UNEXPECTED BEAT" EPISODE 5. Nasa hapag kainan ang pamilya Eco at tahimik na kumakain ng breakfast nang biglang magsalita ang padre de pamilya na si James. "Have you three.. read the latest news?." Tanong nito sa tatlo niyang anak na mga lalaki. Kahit naman kasi graduating palang si Caleb ay nagbibisita na ito sa kanilang kompanya para tumulong at ma-update na rin sa mga nangyayari sa loob. Wala namang nakasagot agad sa tanong ni James, sa halip ay nagkatinginan lang ang tatlo sa isat-isa. "Yes, Dad." Sagot na ni Charles nang tingnan na sila ni James na waring nagtatanong. Nakikinig lang din naman sina Elena at Jasmine habang kumakain ng breakfast. "He's so pathetic for doing ridiculous things just to get the CHEN'S ENTERPRISES." Sabat naman ni Caleb. "It's not being pathetic. He's just actually devoted to his job para gawin ang plano na yun. And now I could say, wala si Cedric sa kalingkingan ng GB na yun." Seryosong pahayag pa ni James. And yes, the recent issue is about how the SBG Company got the CHEN'S ENTERPRISES. Mabilis kasing kumalat ang balita tungkol sa nangyari, isama pa kung paano nangyaring nakuha ito ng SBG. Dahil sa narinig ay napakuyom si Cedric ng kamao sa ilalim ng mesa habang napatigil naman sa pagkain ang iba pang kasapi ng pamilya maliban kay James na patuloy at masagana pa rin sa pagkain. Nang marinig naman ni Jasmine ang pangalang "GB" mula sa kanyang ama ay bigla siyang kinabahan. Napadasal din siya na sana hindi ito ang GB na hinahanap niya. "Pero hindi naman natin gawain yun, di ba dad?." Pagtatanggol naman ni Caleb sa kuya niya. Close kasi silang tatlo. "If the situation calls, you won't have a second thought. Just like what that GB guy did." Pagrarason pa ni James. Tahimik na nag-ngingitngit naman ang kalooban ni Cedric dahil dito. Hanggang sa nagpatuloy nalang sila sa kanilang pagkain na may malaking tensyon na namamagitan. ----- °GB's POV.° Kinaumagahan, nagising ako na parang may pumipisil at sumusundot sa pwet ko. Nakadapa kasi ako dahil sa sobrang kalasingan kagabi. Ni hindi ko na maalala kung sino ang naghatid sakin dito sa bahay. Aaarrggh!. "Nene. Oy..oy..oy.. Nene ko." Oh great! There's only one person who'd call me in that embarrassing nickname. Pilit niya pa rin akong ginigising at patuloy pa rin siya sa pagsundot sa pwet ko. "Hmmmm.. stop it grandma." Inaantok ko ng saway sa kanya. Yes, you heard it right. This person who keeps on poking my butt is my grandmother. Siya lang din naman ang tumatawag sakin ng Nene eh. "Nene, bangon ka na diyan and give your Lala a big hug." Saad niya pa kaya dinilat ko na rin ang mata ko at tumingin sa kanya. "Surprise!! come on. Give me a big hug, Nene. I miss you so much, you know." Nakangiting saad pa ni Lala kaya napangiti na rin ako. "I miss you too, Lala." Tugon ko na at niyakap siya. "Hmmmm. I really really miss you, Nene ko." Mahigpit na yakap sakin ni Lala. "Why are you here, Lala?." Tanong ko na nang makaupo na ako ng maayos at magkaharap na kami. "Don't you want me here?." Sa halip ay nakapout niyang tanong. Childish talaga itong Lala ko kapag kami lang dalawa pero pag may ibang tao, bossy at strict siya. Takot din ako sa kanya kapag pinagsasabihan niya ako everytime I made mistake. "Of course mas gusto kong nandito ka. Pero di ba sabi ni Lolo na doon na muna kayo sa states for six months for your fast recovery?." May sakit kasi sa puso si Lala kaya dinala siya ni Lolo at ni dad sa America para maoperahan nung huling atake niya. Balita ko successful yung operation pero kailangan nilang mag-stay doon for six months for observation and other medical test para mag tuloy-tuloy na ang pag-galing niya. Hindi kasi ako nakabisita nung mga panahong yun because I was ordered by my father to be in-charge in the company. "Hmmm. Ayaw ko kasi dun eh. Mas gusto ko dito. Hindi naman ako nakakalabas-labas doon at wala pang matinong makausap." Saad ni Lala na sumimangot pa. "But Lolo was there to accompany you." "Still, it's not the same as here. Besides, I'm feeling better now." Hindi talaga to nagpapatalo si Lala. Napabuntong hininga nalang din ako dahil alam kong wala na din naman akong magagawa. "Okay, you win. But make sure na hindi mo kakaligtaan yung mga schedule mo for your check-ups and stuff, alright?." Suko ko ng saad. At nandito na siya, what can I do, right?. "Opo, Lolo Nene." Nang-aasar pang saad ni Lala at tumawa ng malakas. Napaka-childish talaga. Napasimangot naman ako kunwari. "Hahaha lika na nga apo, baba na tayo para makapag-breakfast na. Saka bawas-bawasan mo ang pag-iinom ha? Hmmm kung ayaw mong magalit ako." Aya na sakin ni Lala na pinisil-pisil pa ang pisngi ko at tinapik na tila nambabanta. Napakamot naman ako sa ulo. "Opo Lala hindi na po. Saka maliligo lang po ako, mauna na po kayo." Nakangiting saad ko kay Lala. Piling tao lang talaga ang pinapakitaan ko ng totoong ako at nginingitian ko. Lumabas naman siya pagkatapos akong halikan sa pisngi at ako naman ay naligo na and prepare myself. Pagkatapos kong maligo at pagkababa sa dining area ay naka-ready na rin ang pagkain at nakaupo na rin ang lahat kaya umupo na din ako. "Ma, bakit naman po kayo umuwi ng hindi manlang nagpasabi?." Tanong ni dad kay Lala. Parents niya sina Lala at Lolo. Matagal na rin kasing wala ang grandparents ko sa mother side. "Because you'll be an antagonist for all I know." Sungit namang tugon ni Lala. "But it's for your own good, Ma. Besides, you only have two months to stay there for---." "Gerard, let her be. Besides, I didn't agree with her for nothing. I hired private Doctors for her, the best Doctors in town, actually." Singit na ni Lolo. Ganyan niya kamahal si Lala. Kaya nga kahit ayaw niya rin sakin ay pinapakisamahan niya pa rin ako for Lala's sake. Yes, ayaw niya sakin because I'm a lesbian. My Lolo's name is Emanuel while my Lala, is Marlenita. "Anyway, I'm certain that my company is doing good?." Tanong pa ni Lolo kay dad. Matanda na si Lolo pero halata mo pa ring siya yung taong ayaw mong galitin at magalit. "It's doing good, Pa. No worries." Sagot naman ni dad. It's really doing good dahil lahat ginagawa ni dad para lalong umangat pa ang kompanya. Nag-iisang anak lang din siya nina Lala at Lolo kaya sa kanya pinamana ang lahat. "See to it that whatever happens, you will never put my company and my name on shame. If you know what I mean." Seryosong saad pa ni Lolo. My grandfather is also the main reason why my father is so strict when it comes to company matters. Aside from he doesn't want him to be disappointed, he had also sacrificed a lot for the sake of the company. "Let GB be ready, gusto kong ipakilala mo na siya sa public. It's about time na makilala na siya in a business world." Said my grandfather na nakatingin ng diretso kay dad. Tumango nalang din naman si dad habang sina Lala, Mommy at Rere ay napatingin sa akin. "Pero Manuel. Paano si Nene? Hin---." "My decision is final!." Madiing singit pa ni Lolo kaya napayuko nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain. I don't want them to see that I'm weak. And I also don't want to see the sympathy in their eyes kaya ngumiti nalang ako ng konti at nagkunwaring wala lang ang mga narinig ko. It has always been like this when it comes to Lolo. I should've get used to it by now. Haaayyy. Pagkatapos magbreakfast ay nagpaalam na din ako para umalis. Alam kong nag-aalala sakin sina Lala at mommy pero nginitian ko lang sila at sinabing okay lang ako. "Ace, tapos mo na ba ang proposal na pinagawa ko sayo para kay Mr. Melendres? Remember, he's a gold. You must pursuade him to be our client." Saad ni Lolo nang nasa may pinto na ako. "Yes, Lolo." Sagot ko naman. Kahit kasi nag-retire na si Lolo sa pagtatrabaho sa kompanya ay lagi naman siyang nagmomonitor at minsan ay naghahanap pa ng mga malalaking kliyente gamit ang mga connection niya. "Pa, don't worry about Mr. Melendres. I've already set an appointment with him." Singit naman ni dad kaya napatingin kami sa kanya. "Meet him later. Around three." Saad naman sakin ni dad. Tumango naman ako at yumuko na bilang pag-eexcuse at umalis. ----- Habang abala si Cedric sa trabaho niya ay may biglang pumasok na babae sa opisina niya na siyang kinagulat niya. "Babe? What are you doing here?." Takang tanong ni Cedric sa nobya niyang si Sapphire at napatayo. "Ah.. eh.. hindi ka kasi pumunta sa bahay kagabi eh." Sagot naman ni Sapphire pagkatapos siyang halikan ni Cedric sa pisngi. Rumihestro naman ang pagtataka sa gwapong mukha ni Cedric. "Hmmm? Ano bang merun kagabi at pinapapunta mo ako sa inyo, babe?." Napapaisip na tanong ni Cedric na umupo na sa upuan niya pagkatapos paupuin si Sapphire. Magkaharap na silang dalawa at si Cedric ay muling inabala ang sarili sa mga paperworks. Hindi niya tuloy napansin ang pagkadismaya ng mukha ni Sapphire dahil sa tanong niya. "Babe, don't tell me nakalimutan mo---." (Riiinnnggg.. Riiinnnggg.. Riiinnnggg..) "Wait. Hold it." Pigil ni Cedric sa sinasabi ni Sapphire. "Hello?." Sagot pa ni Cedric sa tawag. ..... "Urgent meeting with my father?." Tahimik na nakikinig lang si Sapphire habang tumayo at lumayo naman si Cedric ng konti. ..... "About what?." ..... "Alright. I'll be there." Dahil sa huling sinabi ni Cedric ay alam na ni Sapphire kung anong susunod na mangyayari. "I'm sorry, babe. Pwede bang iwan muna kita? May biglaang meeting lang kasi eh." Just as she thought. Ngumiti nalang siya ng pilit at tumango. "Thank you. I'll be back." Huling saad ni Cedric na humalik muna sa pisngi ni Sapphire saka mabilis na lumabas ng kanyang opisina. "Bakit nga ba hindi pa ako sanay?. Lagi namang ganito ang nangyayari ah?. Magtitiis pa ba ako, Cedric?." Kausap ni Sapphire sa sarili niya at pinunasan ang luhang hindi niya napansing pumatak sa kanyang mga mata. Pagkatapos magdesisyon ay nag-iwan siya ng sulat para kay Cedric saka umalis ng walang paalam. ----- Habang naglalakad si Sapphire sa isang park ay may biglang pumasok na imahe ng tao sa isip niya. Agad niya itong tinawagan para makipagkita dito. "Thank you for being here. And sorry din sa pagdadrama ko...ulit...sayo." Said Sapphire sa kaharap niya nang maikwento niya na naman ang problema niya dito. Ngumiti pa siya ng konti pero halatang may lungkot pa rin sa mata niya. "You don't have to. And you know I hate seeing you sad and upset." Sagot naman ng kausap niya. Kasalukuyan silang nasa Mcdo, ayaw man ng kausap niya sa mga ganong lugar ay wala itong nagagawa kapag siya ang nag-aya. Special siya para dito. "Oh please! Stop being so serious and corny!." Said Sapphire while rolling her eyes. "And don't do anything stupid! Hmmm. I'm warning you." Dagdag pa ni Sapphire at binalaan ito. Alam niya kasing may iniisip itong gawin base sa mukha at expression nito. "I won't, if...I'd see you smile." Sagot naman ng kausap niya. "Like this..." Dagdag pa nito na hinawakan ang corner ng mga labi niya and form a smile on it. "Hahaha ewan ko sayo! Baliw ka talaga!." Tawang saad na ni Sapphire at hinawakan ang dalawang kamay ng kausap niya then put it on top of their table. Bahagyang ngumiti naman ang kausap niya dahil sa naging action niya. "There.. that's what I'm saying." Saad pa ng kausap ni Sapphire. "Oo na. Oo na. Hindi na po ako malulungkot..Lolo. hahaha." Birong saad na ni Sapphire na tumawa pa ng malakas. Lihim na napangiti naman ang kaharap niya nang makita na siyang tumatawa. "Ngumiti ka nga rin kahit minsan." Dagdag pa ni Sapphire while pouting. Nakatitig lang kasi sa kanya ang kausap niya at walang sinasabi. Lumalabas na rin ang pagka-childish niya which means okay na siya. "I oftenly smile." Pagrarason naman ng kausap niya. "Hmmp! Ngayon ang gusto ko." Kunwaring taray ni Sapphire dito. "Ganito din oh.." Dagdag niya pa na ginaya ang ginawa nito sa labi niya. She also forms a smile sa mukha nito. "Hahaha. See? Ang gwapo mo pag naka-smile." Masayang saad pa ni Sapphire na hindi pa rin inaalis ang pagkakahawak sa may gilid ng labi ng kausap. "I know, right." Saad ng kausap niya ng may pagmamalaki. "Haha. Ang yabang mo." Sagot naman ni Sapphire at pinisil ang ilong nito. Nagpatuloy ang dalawa sa asaran habang kumakain. Makikita naman ang saya sa mukha ni Sapphire habang kausap ito. Halatang gumaan na ang pakiramdam niya. Puro tawa na ang maririnig mula sa kanya dahil sa saya. ----- Pagbalik ni Cedric sa office niya ay nagtaka pa siya nang makitang walang tao sa loob. Agad niyang napansin ang papel na nasa mesa niya. Napakunot ang noo niya habang binabasa ito. [-Cedric, I'm sorry. I really am sorry but I think, things would be better for the both of us if we'd let each other go. I hope you understand. I want freedom. I'm sorry.-] Napahinga ng malalim si Cedric dahil sa bigat ng pakiramdam niya. Agad din siyang napatakbo sa labas ng opisina niya. "Have you seen Sapphire?." Agad niyang tanong sa isa sa mga empleyadong naka-pwesto malapit sa office niya. "Ah.. umalis po siya kanina, sir." "Mga anong oras?." "Ilang minuto lang po sir nung paglabas niyo." Sagot pa nito. Nagpasalamat nalang si Cedric bago muling pumasok sa office niya. -"Bakit naman siya umalis ng walang paalam? Hindi naman siya ganun ah. At bakit bigla-bigla siyang nakikipaghiwalay?."- Hindi mapakaling isip ni Cedric na nababahala sa sulat na nabasa niya. Napaisip din siya sa maaaring dahilan ng biglang pag-alis nito habang pabalik-balik ang lakad. "Oh s**t!." Biglang bulalas niya ng may maalala siya. "Damn it! Bakit ko na naman nakalimutan? Ang tanga ko!." Biglang tampal niya pa sa noo niya ng maalala ang dahilan ng pagpapapunta sa kanya ni Sapphire sa bahay nito. "Damn! Monthsary pala namin kahapon! Ilang beses ko ng nakakalimutan to ah. Haizzzt! Nasaan na kaya siya? I need to make it up to her. Damn! I can't let her go! Come on, Sapphire. You know how much I love you!." Kausap niya pa sa kanyang sarili habang hindi na mapakali. "Please! Please! Please! Answer your phone, babe." Frustrated ng saad ni Cedric matapos tawagan ng ilang beses si Sapphire pero laging walang sumasagot. "Haizzzt!." Naiinis na siya at muling napaisip ng gagawin. "Where are you, babe?." Tanong niya pa sa hangin. Biglang nanlaki naman ang mga mata ni Cedric ng may maalala at muling nag-dial ng number. "Sir? Napatawag po kayo?." Sagot ng tinawagan ni Cedric. "Find Sapphire. Alamin mo kung nasaan siya then send me the exact location." Nagmamadaling utos niya sa kanyang tinawagan. "Copy that, sir." Sagot naman nito kaya binaba niya na rin ang phone niya. Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ay nakatanggap ng text si Cedric mula sa kanyang informant na nagsasabi kung nasaan ang eksaktong location ni Sapphire. Agad siyang nagbilin sa secretary niya at nagmadaling umalis. "I'm sorry if I forgot, babe." Bulong pa ni Cedric sa hangin habang nagmamaneho papunta sa location ni Sapphire. Pagdating ni Cedric sa Mcdo kung saan naroroon ni Sapphire ay agad niyang inikot-ikot ang tingin niya para hanapin ito. Nang hindi niya ito makita ay humakbang na siya para umalis. "Hahaha ewan ko sayo! Baliw ka talaga!." Pero napatigil sa paghakbang si Cedric nang makarinig siya ng pamilyar na boses. Dahan-dahan siyang lumingon sa pinanggalingan nito. Ganun nalang ang pagkagulat niya nang makita niya si Sapphire na tumatawa kasama ang isang lalaki. Napakuyom siya ng kamao ng makaramdam siya ng kirot sa puso niya. Maingat din siyang naglakad at umupo sa bakanting upuan na medyo malayo kina Sapphire at matamang nagmatyag. "Damn! Sa dami-dami ng pwedeng mong makausap ngayon, siya pa?!." Gigil na saad ni Cedric habang pinagmamasadan sina Sapphire. Muli niya ding naikuyom ang mga kamao niya dahil sa galit. Hindi niya gusto ang nakikita niya. Gusto niya ng sugurin at bugbugin ang lalaki. "Damn it! Damn it! Damn it! You will pay for this!." Mahinang curse pa ni Cedric ng mapansing sweet ang dalawa sa isa't-isa. Siniguro niya ring hindi siya mapapansin ng mga ito. Habang masayang nag-uusap sina Sapphire at ang kasama nito sa table nila ay siya namang gigil ni Cedric. Gusto niya man silang sugurin ay hindi niya magawa dahil ayaw niyang gumawa ng eksena. Nanatili nalang siya sa pagmamasid habang pilit na kinikimkim ang galit sa loob-loob niya. Iniisip niyang dadating din ang araw na siya naman ang tatawa at ito naman ang magagalit. ----- °JASMINE's POV.° Pagkatapos naming magbreakfast ay nagpaalam na ako para pumasok sa school. Habang nagmamaneho ay napapaisip ako sa lalaking hinahanap ko na nagngangalang GB Santos. Napag-alaman kong isa siyang businessman at nagtatrabaho siya sa SBG Company. Mamayang pag-uwian ay pupuntahan ko siya sa pinagtatrabahuan niya. (Riiinnnggg.. Riiinnnggg.. Riiinnnggg..) Nang mag-ring ang phone ko ay tinigil ko muna ang sasakyan sa tabi ng kalsada at sinagot ang tawag. Si bes Beverly ang tumatawag. "Hello bes? Napatawag ka? Papunta na ako ng school." Sagot ko sa tawag. "Hmmmm. Daanan mo naman ako bes. May sira yung kotse ko eh. Ewan ko ba." Tila nababagot na saad naman ni bes. "Sige2x papunta na ako diyan." Sagot ko na saka pinatay ang tawag. Muli kong inistart ang kotse at bahagyang napatingin sa kaliwa. Aalis na sana ako nang tila may nahagip akong pamilyar na mukha. Napalunok ako at dahan-dahang muling tumingin sa kaliwa. "Hah!." Ganun nalang ang paglaki ng mga mata ko nang makita ko ang lalaking hinahanap ko na may kalandian na namang babae na kasalukuyang nakatalikod sa gawi ko. Nasa loob sila ng food shop. Grabe! Ano to? Araw-araw, paiba-iba ang babae niya?! Yung kahapon medyo maiksi ang buhok tapos ngayon, mahaba naman? Tsk!. "Pag sinuswerte ka nga naman oh! Buti naman at muli kitang nakita ngayon! Tsk! This time, kakausapin mo na ako sa ayaw at sa gusto mo!." Mahinang bulong ko pa. Lalabas na sana ako sa kotse nang bigla namang tumayo tong GB na to pati na ang babaeng kasama niya. Mukhang aalis na sila kaya naghintay nalang ako saglit. "Oh my!!." Hindi ko mapigilan ang pagkagulat ko nang makita ko kung sino ang babaeng kausap ni GB! My gad! Ano to? Bakit sila magkasama?!. Naghintay ako saglit habang napapailing hanggang sa makita kong napatingin sa relo niya si GB at nagmadaling nagpaalam sa babae. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko! Ganunpaman ay sinundan ko na rin ang kotse ni GB. Nang tumigil sa isang restaurant ang sasakyan ni GB ay muli akong naghintay. May kikitain na naman ba siyang babae? Grabe ah! Tsk! Habang naghihintay ako sa labas ng restaurant ay nakita kong umupo si GB sa mesang nasa gilid. Kitang-kita ko siya dahil transparent ang glass ng restaurant. "Hmmmm.. buti naman at hindi babae. Tsk!." Bulong ko nang makitang lalaki ang dumating at nakipagshake hands ito kay GB. Hindi na din ako nag-aksaya ng panahon. Mabilis kong sinuot ang jacket ko, sumbrero at nag-shades pa ako. In short, tinatago ko ang mukha ko para walang makakilala sakin. Mahirap na at baka makarating to kay dad siguradong patay ako. ----- °General's P.O.V.° Habang nasa meeting si Grace Breil Santos a.k.a. GB ay nagulat siya ng biglang may pumasok na isang babae at lumapit sa gawi nila na siyang kinataka nila ng kameeting niya. Hindi naman nila makita ang mukha nito ng maayos dahil naka-hoodie ito. "W-We need to talk." Saad pa ng babae na walang iba kundi si Jasmine kaya takang napatingin si GB dito. Maging ang kameeting niya ay napatingin din dito. "Miss, I'm in the middle of a meeting right now. I don't have much time to talk to anyone." Kunot-noong sagot naman ni GB. "No! Please! L-Let's talk! We must talk!." Desperadong pangungulit naman ni Jasmine na maiiyak na. Napapasulyap naman si GB sa kameeting niya at yamot na napapapikit ng mariin bago tumayo at hinarap si Jasmine. Nakikipag-usap siya sa isang pinakamahalagang tao pero heto't may nanggugulo sa kanya. "Miss, with all due respect! Leave!." Walang emosyong bulong pa ni GB dito. "No! Mas importante itong sadya ko sayo!." Naiinis na si GB dahil sa kakulitan ni Jasmine. "GB, sige na. I think you have to spare time for your girlfriend." Singit na ng kameeting ni GB. Naisip niyang mali ang iniisip nitong girlfriend niya ang babae. "She's no---" "I'm really pregnant!." Madiing singit naman ni Jasmine sa sinasabi ni GB, enough para marinig ng mga tao sa restaurant. Nanatiling walang emosyon naman ang mukha ni GB na halatang walang pakialam pagkatingin kay Jasmine. "So what if you're pregnant? What does it have to do with me?!." Tanong na ni GB. Hindi niya alam kung bakit nito sinasabi sa kanya na buntis ito, ano bang pakialam niya?. "Wow ah! Pagkatapos ng nangyari satin yan pa ang sasabihin mo?! Buntis ako! At ikaw ang ama! How can you be so irresponsible?! This time, hindi mo na ako pwedeng takasan! Kailangan nating mag-usap!." Napakunot ang noo ni GB dahil sa sinabi ni Jasmine. Hindi niya alam ang sinasabi nito kaya naguguluhan siya. Napalakas din ang pagkakasabi ni Jasmine kaya napatingin kay GB ng masama ang mga kababaihang nasa loob ng restaurant. Hindi naman makapaniwala si Jasmine sa nakikitang reaksyon ni GB. Na tila ba hindi niya ito nakausap, eh nasabi niya na rin naman ditong buntis siya. "GB, I'm so disappointed with you. That's not how you should treat a woman, especially your girlfriend." Iiling-iling na saad naman ng kameeting ni GB at tumayo na din. "Let's just meet some other time and talk about your company's proposal. You two, have to talk about your situation first. I'll go ahead." Saad pa nito at umalis na din. Sinubukan pa ni GB na pigilan sa pag-alis ang ka-meeting niya pero hindi siya nito pinakinggan at tuloy-tuloy lang ito sa paglakad palabas ng restaurant. -"Just what the f**k?! Aaarrrggghhh!!."- Yamot na isip na ni GB at napakuyom ng kamao. Wala na, sira na ang meeting niya. Alam niyang madidisappoint na naman ang ama niya. Sa inis ni GB ay hinila niya si Jasmine palabas ng restaurant at dinala ito sa may parking lot kung saan malapit sa pinagparkingan niya ng sasakyan niya. Marahas niya din itong binitawan dahil sa inis. "A-Ano ba?! B-Bakit ka ba nanghihila, ha?! Gusto lang kitang kausapin at sabihin sayo kung anong ginawa mo! Buntis ako at kailangan mo akong tulungan na harapin ang parents ko! Because I'm sure they're going to kill me kapag hindi ko naiharap sa kanila ang lalaking nakabuntis sakin!." Naiiyak at hindi mapakaling saad na ni Jasmine. Tinanggal niya na din ang hoodie at salamin niya kaya kitang-kita na ni GB ang mukha niya. Nagtaka pa si Jasmine nang makita niyang saglit na natigilan si GB nang mapatitig ito sa mukha niya pero agad ding bumalik ang nanlilisik nitong mga tingin. "Look, I don't know what you're talking about! At wala akong pakialam kung buntis ka! Alam mo ba kung anong ginawa mo ha? Dahil sayo, my proposal is at risk! At malaking pera ang possibleng mawala samin! What the hell!." Sa halip ay gigil na sigaw lang ni GB. Kitang-kita naman ni Jasmine ang panggigigil nito at ang awra nitong nakakatakot. "Anong sabi mo?! Ganito ka ba kairresponsably ha?! Pagkatapos ng nangyari satin, sasabihin mong hindi mo alam ang sinasabi ko?! How dare you! All I need is your help!." Hindi makapaniwalang saad naman ni Jasmine dahil sa inis. "Miss, you better find somebody else you can fool! Huh! Because I'm not stupid!." Inis pang saad ni GB at sarcastic na napangisi. Tumalikod na din siya kay Jasmine at lumapit sa sasakyan niya. "P-Please! Ano ba?! Tulungan mo naman ako! Hindi ko rin to ginusto pero totoong buntis ako! Ayoko na ring makita ka pa pero kailangan ko ang tulong mo! Ikaw ang ama ng dinadala ko!." Hawak naman ni Jasmine sa braso ni GB para pigilan ito. "Stupid! What are you? A w***e or something?." Seryosong insulto naman ni GB kay Jasmine at winaksi ang kamay nito. "If you want money, I could giv---" (PAAAKKK!!!) Malakas na sinampal ni Jasmine si GB dahil sa sinabi nito. "Damn you! I'm not a w***e! At hindi ko ginusto ang nangyari satin! Never kong ginustong ibigay ang sarili ko sa lalaking sobrang antipatiko, mayabang at sobrang sama ng ugali!." Galit pang sigaw ni Jasmine dahil sa sobrang inis na nararamdaman niya dito. "Huh! Really? You're not a w***e? Then why did you throw yourself to someone you don't even know?." Sarcastic na saad naman ni GB kaya natigilan si Jasmine. "What a stupid woman!." Saad pa nito at pumasok na sa sasakyan at umalis. Tila wala itong pakialam sa damdamin ni Jasmine. Naiwang napatulala naman si Jasmine. Hindi niya akalaing ganito ang magiging kahihinatnan ng pag-uusap nila ng lalaking nakabuntis sa kanya. Samantalang si GB naman ay napailing at napahigpit ang paghawak sa steering wheel. Yamot na napahawak din siya sa kanyang pisngi. Una, nasira ang meeting niya. Pangalawa, nasampal siya at pangatlo, nalaman niya pang nakabuntis siya. "Huh! What the heck?! Paano ko siya nabuntis kung pareho naman kaming babae?! Stupid woman! Akala niya siguro mauuto niya ako! At anong nangyari ang sinasabi niya?! Does that mean she remembered?!." Yamot na bulong pa ni GB at napabilis ang pagpapatakbo niya ng sasakyan. Napasimangot din siya habang nagmamaneho dahil hindi niya napapayag ang kameeting niya na sa kanila makipag-deal tungkol sa mga projects nito, at yun ay dahil sa babaeng biglang sumulpot. (Scccrrreeetttccchhh!!!) Pero biglang napapreno si GB when she remembered something. Ang that's when it hits her. "No way!." Bulalas niya pa at napatampal siya ng noo saka napapikit ng mariin. Napasandal din siya sa kanyang inuupuan at napahawak siya ng mahigpit sa manibela. ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD