EPISODE 4.

4442 Words
“UNEXPECTED BEAT” EPISODE 4. (TWO MONTHS LATER) Kasalukuyang nasa opisina niya si GB at naghihintay ng tawag mula sa kanyang secretary na si Bryan. Naging successful kasi ang plano niya at ngayon na ang tamang araw para puntahan niya ang bagong kompanyang pagmamay-ari na ng kanyang ama. Two months passed and GB was satisfied with the result of her plan regarding with Mr. Chen. (Riiinnnggg.. Riiinnnggg.. Riiinnnggg..) “Talk.” Agad na sagot ni GB nang tawag nang makitang si Bryan ito. “Sir, everything's ready. Nandito na po ang mga major stockholders as well as Mr. Chen.” Inform ni Bryan na nasa kabilang linya. “Good. And how about Attorney Velasco?.” “He's here with me, sir.” “Alright. I'll be there in a minute.” Huling saad ni GB saka pinatay na ang tawag. Pagkatapos ngumisi at ayusin ang suot niya ay naglakad na din siya papuntang elevator. Pagbukas ng elevator sa groundfloor ay lumabas na rin siya at sumakay sa sasakyan niyang Ferrari. Then she drove her way to the CHEN'S ENTERPRISES. ----- Pagdating ni GB sa CHEN's ENTERPRISES ay sinalubong siya ni Bryan. Sinabi nito sa kanya ang sitwasyon at sabay na din silang sumakay sa elevator papuntang 10th floor. Paglabas ng elevator ay nakita nila si Atty. Velasco na nakatayo sa labas ng isang pinto, sa pinto ng conference room. “GB, it's nice to see you again.” Bati ni Atty. Velasco at nakipag-kamay. “Same here, Attorney.” Sagot ni GB at tinanggap ang pakikipagkamay nito. Attorney Velasco is already 45 years old pero wala pa ring kupas at mapagkakatiwalaan pa rin ng pamilya Santos. Matagal na rin siyang nagtatrabaho sa kanila. “Nasa loob na ang lahat, GB.” Inform pa ni Attorney na tinanguan naman ni GB. Napangisi pa si GB at inayos ang kurbata niya then compose herself. Binuksan niya ng konting awang ang pinto upang marinig ang usapan sa loob ng conference room. “WHAT?! WHAT DO YOU MEAN BY WE'RE WAITING FOR SOMEONE WHO OWNS MY COMPANY, HA?!.” Malakas na sigaw ni Mr. Chen. He owns the company, but that was before. Hindi nalang din muna pumasok si GB at nakinig pa. “HOW CAN I POSSIBLY CALM DOWN AFTER WHAT I'VE HEARD??!!.” Sigaw pa ulit ni Mr. Chen. May sumita kasi sa pagsigaw nito. -“Mr. Chen, you're a big stupid businessman.”- Nakangising isip ni GB. “THEN TELL ME WHO THE HELL ARE WE TALKING ABOUT HERE!! GIVE ME THE NAME OF THAT f**k---.” Hindi na naituloy ni Mr. Chen ang sasabihin niya nang tuluyang buksan na ni GB ang pinto ng conference room. Pumasok na rin siya kasunod sina Bryan at Atty. Velasco. Napatingin din ang lahat sa kanila. “GB? W-What brought you here?.” Gulat na tanong ni Mr. Chen kay GB at napakunot ang noo. Nakatayo siya at nakalapat ang dalawa niyang kamay sa mesa. Sa gitna naman ang upuan niya habang ang anim pang stockholders ay nahati sa dalawa, apat sa right side at dalawa naman sa left side. Hindi muna sumagot si GB at umupo na sa upuang naka-reserve sa kanya. Sa gitna din ang upuan niya kaya magkaharap sila ni Mr. Chen. “Y-Y-You?! You were the one they were talking about? The new owner of my company?!.” Tanong pa ulit ni Mr. Chen sa nagtatakang tinig. He looks really confused. Ang meeting kasi na iyon ay para lang dapat sa mga stockholders ng kompanya kaya agad niyang naisip kung bakit nandoon si GB. “I'm glad you figured it out by yourself Mr. Chen.” Kalmadong saad ni GB sa kanya. Umupo na rin sina Bryan at Atty. Velasco sa dalawang bakanteng upuan. “What's the meaning of this, GB? You told me that your men will be here.. to just do some observation and monitoring before helping me out on finding the new investors to pull me up in this mess?!.” Madiing paalala pa ulit ni Mr. Chen na ang tinutukoy ay sina Bryan at Atty Velasco. Medyo mataas pa rin ang boses nito. Sinaway naman ni Mr. Ramirez si Mr. Chen at pinaupo na siyang sinunod nito. Ito din ang pinakamatanda sa mga stockholders. “Ano ba talaga ang nangyayari, Mr. Santos?.” Umpisang tanong na ni Mr. Castillo. Hindi siya kasama sa list ng napagbilhang shares nina Attorney at Bryan. GB's also not surprised that they call her "Mr." eventhough they knew she's not. She looks like one, anyway. “Like what Mr. Chen said awhile ago. Yes, I am the new owner of this company, the SBG company will be taking over th---.” “That's bullshit! Is this some kind of a joke, GB? You know that's impossible! I had a big share in this COMPANY OF MINE!.” Matigas na putol ni Mr. Chen, emphasizing the last three words. “Nothing is impossible when it comes to us, Mr. Chen. And don't interrupt when I'm still talking.” Malamig na saad ni GB na may kasamang pagbabanta ang tono. “Pero paano nangyari yung sinasabi mo, Mr. Santos?.” Tanong naman ni Mrs. Perez na halatang naguguluhan. Hindi din nabili ng mga Santos ang share niya. The major stockholders consists of seven well-known and rich people. Mr. Chen who has 35% of shares. Mr. Ramirez who has 15% of shares. Mrs. Perez, Mrs. Yuan, Mr. Castillo, Mr. Heng, and Mr. Monri who have 10% each of shares in the said company. “We bought some of the shares in this company and we have a total of 45%. So, I guess we had a big share now, aren't we? Not to mention the fact that we are the only hope of this company.” Tugon ni GB sa tanong ni Mrs. Perez. She also cross her legs with arrogance. “That's not true!.” Madiing tanggi at opposed naman ni Mr. Chen and slam his right hand on the table. Nasisiyahan naman si GB sa nakikita niya. “Attorney, show them the documents.” Utos ni GB kay Atty. Velasco na agad ding tumalima para bigyan ng kopya ng signed agreement documents ang mga hindi kabilang sa list ng nabili nilang shares, including Mr. Chen. “As you can see. We bought the shares legally, Mr. Chen. But if you're still not convinced, you can let your Attorney check everything out, to see if there's any discrepancy in our documents.” Salita at suhestiyon pa ni Atty. Velasco. Makikita kung paano kumunot ang noo ni Mr. Chen nang mabasa niya ang mga pangalan ng mga taong nagbenta ng shares nila. Napapangisi tuloy si GB dahil dito. “Why did you take actions without informing me?!.” Matigas pang tanong ni Mr. Chen at isa-isang tinitigan ang mga taong nagbenta ng shares nila. At hindi pinansin si Atty. Velasco. “Mr. Chen! You know that this company's at risk! And we need help! Instead of acting like this, you should be thankful to the Santos family!.” Pagpapaliwanag na ni Mrs. Yuan. Hanggang sa magkasagutan na sina Mr. Chen at ang mga may-ari ng shares na nabili nina GB. Palihim kasing pinursuade ng mga tauhan nina GB ang mga stockholders para ibenta sa kanila ang share ng mga ito. “There's actually nothing you can do, Mr. Chen. We already had a contract. So, what's the point of insisting something you once owned? It will never be yours.. again.” Sabat na rin ni GB sa kanilang usapan. Nangangalaiti sa galit si Mr. Chen na sobrang sama na ng tingin kay GB. “You bastard! I know you planned everything! What the hell do you really want??!! Why were you doing this to me??!!.” Galit na galit na sigaw ni Mr. Chen. Napatayo pa siya sa kanyang upuan na tila gusto ng sugurin si GB. And GB just give him smirk. “Watch your words, Mr. Chen. Stop saying things you might regret in the end.” Malumanay na banta ni GB. Nakita niyang napakuyom ito ng kamao at nag-pigil ng galit. “Hmmmm??..” Utos pa ni GB dito na tinuro ang upuan nito. Naintindihan naman ito ni Mr. Chen at umupo na ulit sa upuan niya pero halatang nanggigigil pa rin. Hanggang sa sabihin na ng secretary ni GB na si Bryan ang tungkol sa plano nila sa CHEN's ENTERPRISES. Unang-una ay ang palitan ang pangalan ng nasabing kompanya. Wala na ding nagawa si Mr. Chen kundi ang maging sunod-sunuran. Natalo siya dahil sa panloloko ng mga Santos sa kanya. Ang mga stockholders ay tila mga maaamong tupa na panay lang din ang tango sa mga sinasabi nila GB. Pagkatapos ng meeting ay naglakad na din papuntang elevator sina GB at ang mga tauhan niya. “You two, stay here for the meantime. Make sure to handle Mr. Chen well. You'll be incharge while I'm not around. I still have important things to do. Just call me if anything happens which needs my concern.” Huling saad ni GB kina Bryan at Atty. Velasco bago sumakay ng elevator. Tumango naman ang dalawa bilang pag sang-ayon. Pagkasara ng elevator ay agad na tinawagan ni GB ang ama niyang si Gerard para sabihin dito ang good news. Tuwang-tuwa naman ang ama niya dahil dito. At pagkapasok niya sa kanyang sasakyan ay nagmaneho na din siya papunta sa babaeng kailangan niyang puntahan at kausapin. ------ Pagkatapos makipag-usap ni GB sa isang babae ay dumiretso siya sa isang restaurant kung saan sila magkikita ng broh niya. Nagtext kasi ito para makipagkita sa kanya. Makalipas ang halos kalahating oras na paghihintay ay nabagot na din si GB kaya muli niya itong tinawagan. “I'm sorry broh kung natagalan ako.” Medyo nagulat si GB nang may tumapik sa likod niya sabay upo sa harapan niya. Nakahoodie ito at nakasalamin. Halatang pilit na tinatago ang mukha niya para hindi mamukhaan ng mga tao sa paligid. “What took you so long, Gill?! Akala ko ba nauna ka na sakin dito?! Bakit pinaghintay mo pa ako?! You knew I'm busy!.” Inis na bungad ni GB. Pero laking pagtataka niya nang mapansing tila hindi mapakali ang lalaking tinawag niyang Gill. “Broh, pasensya na kung naistorbo ko ang pangchichix mo. Ha-ha.” Pilit na tawang biro naman ni Gill na siyang hindi nakaligtas kay GB. “Tell me, what is it this time? Akala ko ba uuwi ka na? Bakit nakipagkita ka pa dito? Bakit hindi mo nalang ako hinintay sa bahay? May nangyari na naman ba?.” Nagtatakang tanong ni GB. Si Gill kasi ay hindi nag-i'stay sa bahay nila dahil gusto nitong maging malaya. Easy go lucky ito at walang ibang ginawa kundi ang manghingi ng pera sa kanya at magsugal. Hinahayaan lang din naman ito ng parents nila. “Broh...” Biglang nagseryoso ang tono ni Gill at nababahalang napatingin kay GB. “Ma-May bago akong problema. I-I'm sorry broh but I have to.. I have to get away with it. I'm not ready. I-I-I can't. Si-Siguradong i-itatakwil ako ni Dad kapag nalaman niya yung nagawa ko. He's been disappointed on me. I'm sure.. hindi niya ako mapapatawad.” Nauutal ng saad ni Gill. At kaya siya natagalan ay dahil sa kanyang kasalukuyang problema. “What? Ano na naman bang ginawa mo? Tell me!.” Pangungulit dito ni GB. “No! Broh, I just need money. I need half a million. Broh, please help me!.” Nakikiusap ng saad ni Gill na siyang nagpakunot sa noo ni GB. “Gill, are you out of your mind?! Ang laking halaga ng hinihingi mo!.” Hindi makapaniwalang saad ni GB. “Broh please! Just help me!.” Nagmamakaawang pakiusap pa ni Gill. Hindi nagpatinag si Gill. Panay ang pangungulit nito kay GB para mabigyan ito ng pera. At dahil hindi ito matiis ni GB ay pinangako niya ditong isesend niya nalang sa ATM nito ang pera. Pagkatapos kumain at umalis ni Gill ay napaisip si GB kung ano na naman ang nagawa nito. Napailing-iling nalang siya at napahilamos sa mukha bago nagdesisyong bumalik sa SBG Company. Napapadasal din siya na sana hindi siya madamay sa anumang problema nito. ----- Habang nagmamaneho si GB papunta sa SBG company ay biglang nag-ring ang phone niya. Nang makitang ang bunsong kapatid niya ito na si Rere ay agad siyang nagsuot ng bluetooth earphone at sinagot ang tawag. “Yes, Rere?.” Sagot niya ng tawag. “Atkuy, where are you? I've been waiting here for ages! Bakit ang tagal mo?.” Mahihimigan ang nagtatampong tono sa boses ng kapatid niya. Napatampal naman sa noo niya si GB dahil nakalimutan niyang nasa boutique pala ito ni Pearl at naghihintay sa kanya. “I'm on my way, Rere. Papunta na ako diyan. I'm sorry.” “Sige Atkuy. Basta bilisan mo ah?.” “Yeah, yeah.” Huling saad ni GB saka pinatay ang tawag. At dahil dito ay napa'u-turn din siya dahil nasa opposite line siya. Pagdating ni GB sa boutique ay nakita niyang masayang nakikipag-usap ang kapatid niya kay Pearl habang tumitingin sa mga magagandang damit na nakadisplay. Si Pearl ay anak ng isa sa mga kaibigan ng dad niya. May sarili itong boutique dahil isa itong magaling na designer. Close din dito ang kapatid niya. May mga tao din sa loob ng boutique. Mga employee at mga mamimiling may mga class. Hindi din kasi bihira ang presyo ng mga damit na naroroon. Agad ding napansin ng mga kababaehan si GB at agad siyang pinag-usapan ng mga ito. Napapatili pa ang mga ito ng palihim at mahina na tila kinikilig habang nakatingin sa kanya, lalong lalo na ang mga babaeng nagtatrabaho doon. “Atkuy!.” Masayang lapit at yakap ni Bree kay GB na siyang nginitian nito ng konti. “Bakit ngayon ka lang Atkuy? Kanina pa kita hinihintay eh.” Pout ng saad ni Bree. “I'm sorry, okay? May inasikaso lang ako saglit eh. Pero nandito na ako oh. Wag ka ng magtampo.” Malambing na saad ni GB at pinisil sa chin ang kapatid. Napatango nalang din si Bree at napangiti. “Oh! Ms. Suarez! I'm sorry hindi agad kita napansin. And sorry I kept you waiting.” Saad at bati ni GB nang mapansin si Pearl at nakipagkamay dito. “Okay lang yun. And Pearl nalang, GB. Masyadong pormal kung last name basis tayo eh. Magkaibigan din naman ang mga pamilya natin.” Ngiting saad naman ni Pearl at tinanggap ang pakikipagkamay ni GB. “Oh. Sorry, my bad.” Saad nalang ni GB at napatango ng konti. “Ah.. anyway, tapos ko na din pala ang mga damit na susuotin niyo ni Bree sa Prom. Gusto niya kasing sabay niyong sukatin eh. Tara dito tayo.” Saad na ni Pearl at inaya ang dalawa sa isang kwarto kung saan naroroon ang mga damit na siya mismo ang nag-design at gumawa. Inutusan ni Pearl ang dalawa niyang tauhan na ilabas na ang mga damit na para kina GB at Bree. Pearl Suarez is a well-known woman when it comes to clothing designs and clothes itself na may mala-diyosang ganda. Maraming gustong manligaw sa kanya pero ni isa ay wala siyang inentertain. “Wow! Ate, ang ganda!.” Masayang bulalas ni Rere na namimilog pa ang mga mata nang makita ang dress na para sa kanya. Maging si GB ay naamaze din sa susuotin niyang tuxedo. Napangiti naman ng malaki si Pearl at ang dalawa niyang tauhan dahil sa paghangang nakarehistro sa mata ng dalawa. Pagkatapos ng pagpuri ni Bree sa damit ay agad na niyang inaya ang atkuy niya para sukatin ang damit. Umayaw naman si GB at sinabing sa bahay niya na ito isusukat. Pero hindi nagpatalo si Bree kaya ang ending ay kamot-ulong napasunod nalang si GB habang natatawa naman si Pearl. Sobrang excited na si Bree dahil desinyo palang ng damit ay talaga namang kahanga-hanga na. Siguradong attention catcher ito kapag nasa crowd na sila. Si Bree din kasi ang nag-request sa dad niya na si Pearl ang gumawa ng damit nila ng Atkuy niya. Na siyang sinunod naman ng ama niya. “Ay! Ang ganda! Lutang na lutang ang kagandahan mo, iha!.” Humahangang saad ng isa sa tauhan ni Pearl nang maunang lumabas si Bree sa fitting room. Bumagay kasi dito ang dress. Tila nagmukha itong Prinsesa. “Oo nga! Bagay na bagay sayo ang dress. Perfect. Ang galing talaga ni ma'am.” Nakangiting saad pa ng isa. Hangang-hanga sila sa kagandahan ni Bree. “You look stunning, Bree. Siguradong madaming boys ang mapapatingin sayo during Prom.” Kindat na biro at puri naman ni Pearl kay Bree. “Haha ate talaga oh. Bawal pa ako diyan eh. Haha.” Tawang saad naman ni Bree na siyang tinawanan din ni Pearl. “Wow.. ang gwapo! Eeeehhhh!!.” “Oh gosh! Ayyyeeehhh!! Parang model!.” Sabay na tili ng dalawang tauhan ni Pearl nang lumabas sa fitting room ang seryosong si GB. Tila nag-slow motion naman ang pagtingin ni Pearl kay GB na nagsimula sa paa, pataas ng pataas hanggang sa mukha nito. Napakagat labi pa siya at tila natuklaw ng ahas ng makita ang kabuuan ni GB. Bagay na bagay kasi kay GB ang ginawa niyang damit. She looks hot and eye catcher. “So? How was it?.” Seryosong tanong ni GB sa kapatid niyang si Bree. Nag two-thumbs up naman ito habang nakangiti ng malaki. “Ate baka matunaw si Atkuy. Haha.” Mahinang bulong naman ni Bree kay Pearl na siyang gumising sa diwa nito. “Ah.. H-Ha? Ha-ha ikaw talagang bata ka.” Awkward na napatawa ng pilit si Pearl at iniwas ang tingin niya kay GB. Ramdam niya din kasi ang pag-init ng pisngi niya. Napatawa naman ng mahina si Bree dahil dito. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ni Bree na may gusto si Pearl sa Atkuy niya. Lagi naman kasi nitong sinasabi iyon sa kanya kaya lagi niya din itong binibiro sa Atkuy niya. Pagkatapos maisukat ang damit ay pinaayos na din ito ni Pearl sa mga tauhan niya para madala na nina GB at Bree. Habang nakaupo at masayang nagkikwentuhan ang tatlo ay nagulat nalang sila nang may biglang pumasok na isang lalaki sa kwarto kung saan sila naroroon. Napatayo silang tatlo dahil dito. “Ma'am pasensya na po. Hindi po siya nagpapigil eh.” Hinging paumanhin ng babaeng tauhan ni Pearl na siyang pilit na pumigil sa pagpasok ng lalaki. “Hey Pearl. Sabi na nga ba eh, dito lang kita makikita. Bakit mo ba ako iniiwasan, ha? Alam mo naman kung gaano kita namiss di ba? Ilang araw na din kitang hinahanap!.” Aroganteng saad ng lalaki kay Pearl. Napakunot-noo silang tatlo dahil dito. “Brent, ano bang ginagawa mo dito? Umalis ka na! Wag kang manggulo dito! Matagal na tayong tapos!.” Yamot na saad naman dito ni Pearl. Ang lalaking ito ay matagal niya ng ex na patuloy pa rin na naghahabol sa kanya. “Ha-Ha! Tapos? Alam mo namang hindi ako pumayag nung nakipaghiwalay ka di ba?! Kaya akin ka pa rin hanggang ngayon! Akin ka lang! Tara, mag-usap tayo. Sumama ka sakin.” Tila baliw ng saad ni Brent at nagsimulang maglakad palapit kay Pearl. Natakot naman si Pearl dahil dito. “Umalis ka na.” Bago paman makalapit si Brent kay Pearl ay humarang na si GB sa unahan nito. Thankful na napahinga naman ng maluwang si Pearl dahil dito. “Hindi mo ba naintindihan yung sinabi niya? Ayaw niya na sayo. So, get lost.” Walang emosyong saad pa ni GB. Makikita naman ang biglang pag apoy ng tingin ni Brent kay GB. “Ito bang pinagmamalaki mo sakin, ha Pearl?! Ito ba?! Kaya mo ba ako tinataboy na parang aso ay dahil sa kanya, ha?! Bakit?! Ano bang nagagawa niya na hindi ko kayang gawin, ha?!.” Malakas na sigaw na ni Brent dahilan para magitla si Pearl maging si Bree. “Ikaw? Sino ka ba sa tingin mo, ha?!.” Aroganteng saad pa nito at lalong lumapit kay GB. Takot na napahawak naman si Bree kay GB. “Atkuy, w-wag mo ng patulan.” Pigil na saad ni Bree kay GB. Alam niya kung paano magalit ang Atkuy niya at alam niya ding magaling itong makipagbugbugan dahil halos gabi-gabi ito nagsasanay. Hinawakan lang naman siya ni GB at bahagyang nginitian bago muling binalik ang tingin kay Brent. “Ako? Ako lang naman ang boyfriend nitong si Pearl.” Seryosong saad na ni GB dahilan para lalong magalit si Brent. Nagulat din si Pearl sa narinig pero ang mas kinagulat niya ay ang paghawak ni GB sa kamay niya. Nanlaki naman ang mga mata ni Brent at napatingin sa kamay nina GB at Pearl na magkahawak. Napakuyom ito ng kamao at gigil na napatingin sa mukha ni GB habang malalalim ang paghinga. “Aaaaarrrgggghhhh! Aaaaahhhh!!!.” Tila baliw na sigaw at biglang sugod na ni Brent kay GB at sumuntok. Dahil dito ay gulat na napatili at napahawak si Pearl kay Bree saka inakay ito para tumabi. Agad ding tumawag ng pulis si Pearl dahil sa kaguluhan. “Agh! Hmmpf!.” Daing ni Brent nang maiwasan ni GB ang suntok niya at magantihan siya nito ng suntok sa mukha ng dalawang beses. “Ahmmgh!.” Gigil pang sipa ni GB kay Brent kaya napasubsob ito sa sahig. Dahil sa nakikitang pagkakataon, agad itong nilapitan ni GB at inikot ang kamay nito sa likod habang nakadapa ito sa sahig. “Aaaarrrrggggghhhh!! Bit-taw-wan mo a-ko! Aaahh!!!.” Pilit na pagpupumiglas ni Brent habang dinidiin siya ni GB sa sahig. Hindi siya makagalaw dahil sa diin ng pagkakaipit ni GB sa kanya. Pagdating ng mga pulis ay agad nilang kinuha si Brent. Panay pa rin ang pagpupumiglas nito habang hinihila ng mga pulis. Nagsusumigaw din ito habang nakatingin kay Pearl. “P-Pasensya na kayo sa gulo. At salamat din sa tulong GB.” Saad ni Pearl pagkaalis ng patrol car. “Walang anuman yun. Paano? Kailangan na naming umuwi. Salamat dito sa damit.” Ngiting saad naman ni GB na siyang nginitian din ni Pearl. Tumango naman si Pearl at yumakap na din kay Bree bago sila umalis. Hindi din pinabayaran ni Pearl ang damit kahit na anong pilit ni GB sa kanya. Habang nasa sasakyan ay panay din ang panunukso ni Bree sa Atkuy niya kay Pearl at sinasabing bagay ang dalawa. Napapangiti nalang din naman si GB at napapailing dahil dito. ----- Hapon na nang makarating sa bahay sina GB at Bree. Agad na nag-excuse si GB kay Bree at dumiretso sa kwarto niya. Dahil sa pagod, pagkahiga niya palang ay nakatulog agad siya. “Pare, come on! Hoy! Gising na! May lakad pa tayo!.” Napabaling-baling ang ulo ni GB nang may marinig siyang nagsasalita makalipas lang ang ilang oras ng kanyang mahimbing na tulog. “Come on, pare! Get up!.” Rinig niya pang saad ng isa pang boses. Dahil dito ay napadilat na siya. “Aarrhh...” Daing ni GB at napahawak sa leeg niya. “Mga istorbo naman kayo oh..” Inaantok pang saad ni GB na tuluyan nang nagising ang diwa. Ang mga istorbo ay walang iba kundi ang mga kaibigan niyang sina Ian at Saivan. “Pare, bilisan mo na. I just got here! I want to enjoy while I'm still here.” Excited na saad ni Saivan. Kaibigan nila itong lalaki na halos laging nasa ibang bansa. Kakauwi lang din nito from New york. “Pare, mang chix hunting tayo. Bilisan mo na at ako'y naeexcite na. Hahaha.” Saad naman ng pilyong si Ian. Naging magkakaibigan sila dahil na rin sa kanilang trabaho hanggang sa maging kapatid na ang turingan. At dahil sa kakulitan ng dalawa ay wala na ding nagawa si GB kundi ang sumunod sa gusto ng mga ito. Nagpaalam naman siya sa parents niya na siyang pinayagan naman nila. Nagpasya din silang pumunta sa isang bar. Pagdating sa bar ay napapailing na inikot ni GB ang tingin sa loob dahil ang bar na pinuntahan nilang magkakaibigan ay ang bar kung saan nakilala niya ang isang babae at nagalaw niya dahil sa kalasingan. “Pare, you okay? Don't tell me naalala mo yung kalokohan mo dito? Haha.” Nang-aasar na tawang saad ni Ian habang tumutungga ng beer. Nakaupo na din sila at umiinom na ng alak. “That was.. seven months ago, right? Ang tagal na nun. Don't tell us.. iniisip mo pa rin yung babae, pare?.” Segundang saad naman ni Saivan. “Let's not talk about it. I burried that memory, long time ago.” Seryosong saad naman ni GB sabay tungga. Natawa nalang din ang dalawa sa kanya. “Hi guys..” Maya-maya'y biglang bati ng kakalapit lang na tatlong kababaehan na pinalandi pa ang mga boses. “Hmmm.. hi girls.” Bati din ni Ian na agad na lumiwanag ang mukha pagkakita sa mga ito. “Wanna join us?.” Segunda din ni Saivan na isa ding babaero. “Yeah, sure.” Nang-aakit na saad pa ng mga babae at nagkanya-kanya na ng upo sa tabi nina GB, Ian at Saivan. “Hi. I'm Bianca.” Pa-cute na pakilala ng babaeng tumabi kay GB na agad ding humaplos sa braso niya. “Sorry but I'm not interested.” Sa halip ay saad naman ni GB at lumayo dito ng konti saka pinagpatuloy lang ang pag-iinom. Napailing naman sina Saivan at Ian nang makita ang ginawa ni GB. Ganunpaman ay hinayaan nalang nila ito at pinagpatuloy na ang pakikipaglampungan sa kanilang mga katabing babae. At dahil sa inis nang babaeng nagpakilalang Bianca ay umalis nalang din ito at naghanap ng ibang pwedeng malandi. ?????.. (“Hmmm.. Ha-ha. Halihka nah.. *hik* funhta na tayooh *hik* dooon... Nahihiloh akoh sah *hik* ingay eh..” “Aaahhhh... Hang sahkit ng uloh koh. Haha.” “Weeyyt! Hahah halamoh hang gwapoh moh! Kayah hayaan moh silah. Akoh! Akoh nalang mahaliiin moh!.”) Napapikit ng mariin si GB nang maalala ang mala-anghel na mukha ng babaeng nakilala niya sa bar kung saan sila kasalukuyang naroroon. Matagal na iyong nangyari pero parang kailan lang ito dahil sa lagi itong sumasagi sa isip niya. “Haiiizzzt!!.” Yamot na sunod-sunod na napainom nalang si GB nang magsimula na namang magreplay sa isip niya kung paano niya nadala ang babae sa condo niya at ang lahat ng nangyari sa kanila doon. Hindi niya man gustong balikan ang nakaraan ay wala din siyang magawa dahil tila hina-hunting siya nito. Hanggang sa hindi niya namalayang napapainom na naman siya ng marami. ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD