EPISODE 3.

4220 Words
"UNEXPECTED BEAT" EPISODE 3. (TWO MONTHS LATER) Two months passed, tapos na ang parusa ni Jasmine kaya nagagamit na niya ang sasakyan at credit card niya. Pero pinagsabihan naman siya ng kanyang ama na sa susunod na parusa ay doble-doble na. Kasalukuyang masarap ang tulog ni Jasmine nang maramdaman niya ang kamay na humahagod sa braso niya at may malambing na boses siyang naririnig. "Iha, gising na. Mag-aalmusal na kayo. Baka mapagalitan ka na naman ng dad mo. Bangon ka na, dali na." Malambing na saad ni Cecilia dahilan para mapamulat ng mata si Jasmine. "Manay.." Malambing na saad naman ni Jasmine at nakangiting yumakap kay Cecilia. Manay na ang ibig sabihin ay "Manang at Nanay". Pangalawang nanay niya na kasi ito. "Hmmmm. Nagpapalambing na naman ang alaga ko. Bangon na't mag-aalmusal na kayo." Malambing pang saad ni Cecilia habang hinahagod ang likod ng alaga. Tumango naman si Jasmine kaya sabay na silang bumaba habang masayang nagkikwentuhan. Pagdating sa hapagkainan ay tahimik na kumain na ang lahat, as usual. Tila walang gustong magsalita na tanging ingay na nagmumula sa kutsara at pinggan lang ang maririnig. "We better hurry. Marami pa tayong trabahong dapat asikasuhin." Maya-maya'y saad ng padre de pamilya na si James. Tumango naman sina Cedric, Charles at Caleb. Kahit graduating palang kasi si Caleb ay sumasama-sama na ito sa trabaho sa kompanya para mas maging hands-on sa tuwing wala itong pasok o di kaya'y vacant nito. "James, masyado mo naman atang pinipressure yung mga bata." Saad naman ni Elena. "It's okay, mom. We have to double time our effort dahil masyado ng nagiging masiba ang mga rival natin. Lalo na ang mga Santos. Ginagawa nila ang lahat just to stole our client. Even doing dirty games and seducing the others." Saad naman ni Cedric. "Let us be, Elena. I just don't want another disappointment." Seryosong saad naman ni James at napatingin kay Cedric na siyang napayuko naman. Alam ni Cedric na ang malaking project ni Mr. Yee na napunta sa mga Santos ang tinutukoy ng ama niya about disappointment. Napabuntong hininga nalang din si Elena at hindi na sumagot pa. Pagkatapos mag-agahan ay nagpaalam na si Jasmine sa mommy niya at kay Cecilia saka pumasok na sa school. Naunang umalis naman ang Dad at mga kapatid niya. Pagkapark ng kanyang sasakyan ay bumaba na din siya. "Hrrrmmm.." Pero agad na napasandal si Jasmine sa pinto ng kotse niya nang makaramdam siya ng pagkahilo. "Ano bang nangyayari sakin? Ilang linggo na akong ganito ah. May sakit na ba akong hindi ko alam?." Takang tanong pa ni Jasmine sa sarili niya. Ilang linggo na din kasi siyang nahihilo at panay ang pagsusuka. Mabuti nalang at nakaya niyang ilihim ito sa pamilya niya. Pumikit siya nang mariin at napahinga ng malalim. At nang maging maayos na ang pakiramdam niya ay naglakad na din siya papuntang garden. "Hiii bes!!." Hyper na bati agad sa kanya ni Beverly kaya lumapit na siya sa mga ito at umupo. "Bes, okay ka lang ba? You looked pale. Are you sick?." Nag-aalalang tanong naman ni Joan. Maging ang dalawa ay napatingin na din sa kanya. "I-I'm fine." Ngiting sagot nalang ni Jasmine para hindi na mag-alala ang mga ito. "Are you sure, bes?." Tanong naman ni Vina na siyang tinanguan naman ng nakangiting si Jasmine. Mabuti nalang at nakumbinsi niya ang mga kaibigan niya hanggang sa magkulitan na sila. Maya't-maya din siyang natitigilan dahil sa hilong nararamdaman na hindi niya pinapahalata. "Anyway guys, what's our plan on the upcoming summer? Hmmmm? Malapit na ang summer! Wohoo! Bonding time! Haha." Masayang saad ni Beverly na siyang kinangiti din ng tatlo. "Hmmmm.. wala pa akong maisip na puntahan eh." Saad naman ni Vina. "What do you, guys, think of.. out of town? Hmmm? A week or two might be enough para makapagbonding tayo." Ngising tanong at suggest naman ni Beverly. "Hay naku! Mangboboys-hunting ka lang eh. At the end, mahihiwalay ka na naman samin." Saad naman ni Joan na siyang ikinasimangot ni Beverly kunwari. "What about Palawan?." Suggest naman ni Jasmine. "And what about the devils?." Saad naman ni Vina kaya takang napatingin sa kanya ang tatlo. Nginuso niya ang papalapit na tatlong babae sa table nila. "Well, well, well.." Lapit ni Bridget sa table nila. Isa itong cheerleader na obsessed kay Andrew. Kasama nito ang dalawa nitong alipores. "What do we have here." Crossed-arms pa nitong saad at napangisi. "Bridget, ano na naman bang kailangan mo?." Mahinahong tanong ni Jasmine dito. "Hoy, nandito ako para balaan ka! Tigil-tigilan mo na ang paglalandi sa boyfriend ko! Masyado ka naman atang nagpapapansin sa kanya! You don't want to see my bad side, do you?." Ngising banta ni Bridget na ang tinutukoy ay si Andrew na ex ni Jasmine. "Si Andrew ang dapat mong pagsabihan dahil hindi na ako lumalapit sa kanya! Siya yung lapit ng lapit sakin!." Sagot naman ni Jasmine. "Ah ganun? Sumasagot-sagot ka ng malandi ka ah? At ang yabang mo pa! Ang kapal ng mukha mo! Aagghh!." Yamot na saad ni Bridget at tinapunan ng tubig sa mukha si Jasmine. Nagulat si Jasmine pero kalmado niya pa ring pinunasan ang mukha niya. "Bridget! Sumusobra ka na!." "Baliw kang babae ka!." "Walanghiya ka!." Galit at sabay-sabay na saad naman nina Joan, Beverly at Vina na napatayo pa para sumugod kay Bridget. "Mga bes.. wag niyo nalang patulan. Please.." Sa halip ay pakiusap na pigil naman ni Jasmine sa mga kaibigan niya na tumayo din. "Ganyan nga, pigilan mo ang mga kaibigan mo.. dahil kapag ako nabwesit sa inyong apat. Ipapaexpel ko kayo dito sa dad ko!." Ngising banta pa ni Bridget bago umalis. Ang ama kasi nito ang president ng kanilang school. Yamot na napakuyom nalang din ng kamao sina Vina at napapikit naman ng mariin si Jasmine. Nainis pa sa kanya ang tatlo dahil sa pagpigil na ginawa niya pero pinaalala niya sa mga ito ang dahilan. Kaya niya kasi hindi magawang patulan si Bridget ay dahil kapag tuluyan siyang maexpel sa school nila ay hindi na siya susupurtahan ng dad niya. Lalo pa't against na against ito sa course na pinili niya. Nagpasyang magbihis si Jasmine at pinauna na ang mga kaibigan niya sa kani-kanilang classroom. Mabuti nalang at may damit siya sa kanyang locker. Pagkatapos niyang magbihis ng t-shirt ay naglakad na siya para pumunta sa kanilang classroom. Wala ng masyadong tao dahil oras na ng klase. "Jasmine.. Jasmine.." Napatingin si Jasmine kay Andrew nang bigla itong lumitaw out of nowhere. Hindi niya ito pinansin at nilampasan lang ito. "I heard what happened, are you okay?." Nag-aalalang tanong pa ni Andrew nang tuluyang makahabol sa kanya. "Andrew please! Tigilan mo na ako para tigilan na rin ako ni Bridget! Ayoko na ng gulo!." Yamot na pakiusap naman dito ni Jasmine. "Jasmine please.. pinagsabihan ko na siya. Sinabi ko na sa kanyang tigilan ka na. Just please.. wag mo naman akong ipagtabuyan." Nakikiusap na saad naman ni Andrew at muling humarang sa unahan ni Jasmine. "Andrew, the more na pagsasabihan mo siya ay mas lalo niya lang akong guguluhin! Kaya please! Nakikiusap ako sayo! Sa kanya mo nalang ibuhos ang atensyon mo!." Saad ni Jasmine at muli itong nilampasan. "I can't.. I can't, Jasmine." Natigilan si Jasmine nang mahimigan ang lambing at pagsusumamo sa boses ni Andrew. "Mahal na mahal kita. Hanggang ngayon, sobrang mahal pa rin kita. All I want is another chance.. sweety." Malambing pang saad ni Andrew na tinawag siya sa kanilang dating tawagan. Hindi na napigilan ni Jasmine ang pagtulo ng luha niya. Affected pa rin talaga siya dito. Mabuti nalang at nakatalikod siya dito. Walang salitang tumakbo na din siya paalis nang maramdamang palapit na naman sa kanya si Andrew. Laking pasasalamat niya nang hindi siya nito hinabol. Hindi siya pumasok. Pumunta siya sa likod ng school kung saan walang katao-tao at doon ay nilabas niya ang lahat ng luha at sakit na nararamdaman niya. "Ba...Bakit ka...si, Andrew. Ba...kit... mo... a...ko... nilo...ko..." Tuluyan ng iyak ni Jasmine nang muli niya na namang maalala ang panlolokong ginawa ni Andrew sa kanya. Ilang minuto siyang nagtagal kakaiyak hanggang sa magpasya siyang lumabas ng school. Nagdahilan siya sa guard na may emergency sa kanila kaya nagawa niyang lumabas. Dinala siya ng kanyang diwa at pagmamaneho papunta sa isang park. May mangilan-ngilang taong nandoon, masaya habang kasama ang pamilya nila. Napaupo siya sa upuang gawa sa kahoy at napapikit. "Problems are trials. Trials that would test our strength and so our weaknesses. It's up to us if we will fight bravely or let the problem win and be a losser." Napadilat si Jasmine at napakunot noo ng may magsalita sa may gawing kanan niya. "You seemed problematic. Wanna share it? My time is free." Dagdag pa nito nang mapatingin sa kanya si Jasmine. -"Matangkad, maputi, katamtaman ang pangangatawan, matangos ang ilong, mahaba ang pilik-mata na bumagay sa maamo niyang mukha at mapupula ang mga labi. In short, GWAPO."- Isip ni Jasmine nang pasimpleng tingnan ang kabuuan nito. "Hi. Done checking me out?." Ngiting saad pa nito na may maputi at pantay-pantay na ngipin. "Was it your attitude to talk to someone you don't even know?." Masungit na tanong naman ni Jasmine nang makabawi pero medyo uminit naman ang pisngi niya. "Well, I believe it would be better to share your problem to stranger than to someone you knew. Don't waste your time overthinking about your problems. Share it to lessen your burden." Pagrason pa ng lalaki na lalong nagpakunot ng noo ni Jasmine. "What do you care, anyway?." Sa halip ay mataray lang na tanong ni Jasmine. "Nanggugulo ka lang eh." Dagdag niya pa. "Hindi ako nanggugulo. I'm just trying to help here." Nagulat naman si Jasmine nang magtagalog ito. Akala niya kasi ay tourist ito dahil sa sobrang puti nito at halatang may lahi. "I don't need help. Just.. so you know." Sungit pang saad ni Jasmine na tumayo na din para umalis. Pero nakakailang hakbang palang siya nang makaramdam na naman siya nang pagkahilo. Napahawak siya sa ulo niya at natigilan. "Aaaarrrrhhhhhggg!!.." Mahinang daing ni Jasmine nang biglang mag-blurred ang paningin niya. Hanggang sa unti-unti na ding pumikit ang mga mata niya at tila nawalan siya ng lakas saka natumba. Naramdaman niya nalang ang dalawang braso na sumalo sa katawan niya bago siya bumagsak at tuluyang mawalan ng malay. ----- She's fine. . . . . . Is she go. . . . . . . She. . . rest. . . Habang nakapikit ay may naririnig si Jasmine na nag-uusap pero hindi niya maintindihan kung ano ito. Hanggang sa unti-unti ng dumilat ang mga mata niya. "Arrrgggh.. hmmm.." Mahinang daing pa ni Jasmine at napahawak sa ulo niya. "Nurse, she's awake." Napatingin siya sa lalaking nagsalita. Ang lalaki ito sa park. "Miss? Anong nararamdaman mo?." Tanong ng nurse kay Jasmine. "O-Okay lang po ako." Sagot ni Jasmine habang bumabangon. "Hey. Huwag ka munang bumangon. The Doc. hasn't come back, yet. We still have to know the reason kung bakit ka hinimatay." Nag-aalalang pigil ng lalaki kay Jasmine. "Okay na ako at kaya ko ng umalis." Medyo pasungit na saad naman ni Jasmine. "Don't be a stubborn. You need to rest." Argumento at pigil pa ng lalaki kay Jasmine. Naiinis si Jasmine sa pangingialam nito. Hapon na din kasi at alam niyang nag-aalala na ang mommy niya sa kanya. "I said I'm fine! Kaya pwe---." Natigil sa pagsasalita si Jasmine nang may biglang pumasok na doctor sa kwarto nila. "Oh? Mabuti naman at gising ka na, Iha." Nakangiting saad ni Doctora. "Doc.? What's the result?." Agad na tanong naman ng lalaki na lalong nagpalaki ng ngiti ni Doctora. Nagtaka naman si Jasmine dahil dito. "Well, normal lang naman ang nararamdaman niya, Iho." Sagot ni Doctora. "Opo, alam ko po." Tugon naman ni Jasmine nang maisip na normal lang naman ang mahilo at mahimatay dahil sa sobrang stress niya. "Hmmm mabuti naman at alam mo pala, Iha. Pero kasal na ba kayo? Ang babata niyo pa kasing tingnan eh at mukhang nag-aaral pa kayo. If you don't mind me asking." Tanong ng doctora. "What exactly is going on, Doc? What do you mean?." Takang tanong ng lalaki na siyang itatanong sana ni Jasmine. Naguguluhan na rin sila dahil napagkamalan pa silang mag-asawa ni Doctora. "Haha ikaw talaga, Iho. Your wife is two months pregnant." Dahil sa sinabi ng Doctora ay nanlaki ang mga mata ni Jasmine sa gulat. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Napanganga siya at tila may bumara sa kanyang lalamunan dahilan para hindi siya makapagsalita. "She...She's pregnant?." Nauutal pang tanong ng lalaki. He's as shocked as Jasmine. Hindi din makapagsalita si Jasmine sa biglang kabang naramdaman. Ang daming tanong sa isip niya na hindi niya alam kung paano sasagutin. Pasimply niyang pinisil ang sarili niya at pumikit. Pero pagdilat niya ay nandoon pa rin siya sa kwarto kasama ang lalaki at ang doctora. Gusto niyang maiyak nang marealize niyang hindi panaginip ang lahat. Gusto niyang magwala nang mag-sink in sa isip niya ang nagawa niya. "Hmm-hmm. So I suggest na healthy foods lang ang ipakain mo sa kanya. Regular check-ups and remember not to stress her." Tumango-tango pang saad ni Doctora na nakangiti at nakaharap sa lalaki. "And she can be discharge anytime you want." Dagdag pa nito bago nagpaalam at umalis kasama ang Nurse. Si Jasmine naman ay nakatulala at wala pa rin sa sarili. -"WHAAT?? NO!!! Ako? Buntis? Mali siya!!! Ha-ha siguradong mali lang yung findings niya! Impossibleng buntis ako! Impossibly yun!! Paano nalang pag nalaman to ni Dad? Siguradong palalayasin niya ako! Aaaarrrhhh!!."- Ramdam na rin ni Jasmine ang lakas ng t***k ng puso niya. Kinakabahan siya at pinagpapawisan na ng malapot. Hindi na mapakali ang kalooban niya at tila gusto na niyang sumigaw. Nasagot na rin ang tanong niya kung bakit lagi siyang nahihilo at nasusuka. Pero ayaw niya itong tanggapin. "So, I'll drive you home?." Offer ng lalaki kay Jasmine na nagpagising ng diwa niya. "No need!." Medyo masungit na tugon ni Jasmine saka pinilit na tumayo. "Look, I just wanted to help." Sagot naman ng lalaki. Napatingin din dito si Jasmine nang mahimigan ang tila desperadong pakiusap sa boses nito. Nang makitang may pag-aalala sa mukha ng lalaki ay napaisip si Jasmine. "Please?." Muling saad pa ng lalaki kaya wala na ding nagawa si Jasmine kundi ang pumayag at tumango. "Ihatid mo nalang ako sa park. Nandun yung kotse ko." Mahinahong saad na ni Jasmine pagkasakay sa kotse ng lalaki saka tinuon ang tingin niya sa labas ng bintana. -"Gaaaddd!!! What have I done?! Buntis ako?! Hindi pwede to! Anong gagawin ko?! Haiiizzzt!!!."- Naiiyak na isip ni Jasmine at napakagat labi para pigilan ang paghikbi niya. "Hey? You okay?." Nag-aalalang tanong ng lalaki kay Jasmine. "Hmmmm.. Does your boyfriend knows?." Muling tanong ng lalaki na napapasulyap kay Jasmine habang nagmamaneho. "Ahm.. I'm sorry." Nahihiyang saad nalang ng lalaki nang walang marinig na sagot mula kay Jasmine. "I'm sorry. I'm just too tired to speak right now." Sagot na ni Jasmine habang nakatingin pa rin sa malayo. "It's okay. I understand." Sagot ng lalaki at natahimik na din sila sa loob ng sasakyan niya. "Anyway, I'm sorry if I didn't call any of your family. I haven't found your phone." Maya-maya'y saad ng lalaki. -"I'm actually thankful na hindi mo sila kinontak, Puti."- Saad ni Jasmine sa isip niya. Nabigyan niya na din ng palayaw ang lalaki. Maputi kasi ito kaya naisip niyang tawagin nalang itong Puti. "Nasa sasakyan ko. Salamat nga pala sa tulong mo. Magkano ba yung babayaran ko sayo?." Saad at tanong ni Jasmine nang maalala ang bill niya sa hospital kung saan ito ang nag-asikaso. "Don't mind it. Sisingilin nalang kita pag nagkita tayo ulit." Tugon ng lalaki habang nakangiti ng konti. Hindi nalang din muling nagsalita si Jasmine. Mas iniisip niya kasi ang problema niya. Pagdating nila sa park ay agad na nagpaalam si Jasmine sa lalaki pagkatapos magpasalamat. Tila wala sa sariling sumakay siya ng sasakyan niya at nagmaneho. Marahas niyang pinunasan ang luhang biglang tumulo sa mga mata niya. Hindi niya lubos maisip ang nagawa niya. Natatakot siya sa maaaring magawa ng Dad niya sa kanya. "Hey, miss? Hey! Hey!." Sigaw ng lalaki at sinubukang takbuhin ang sasakyan ni Jasmine pero nakalayo na ito. Napabuntong hininga nalang din ito at napatingin sa kamay nitong may hawak-hawak na kwentas na nakita nito sa loob ng kanyang sasakyan. Hindi kasi napansin ng lalaki ang pagkatanggal ng kwentas ni Jasmine nang buhatin niya ito palabas ng kotse niya nung dinala niya ito sa hospital. Pagdating ni Jasmine sa kanilang bahay ay ramdam na ramdam niya ang pagkabog ng dibdib niya dahil sa kabang bumabalot sa kanyang katawan. Nanginginig din ang mga kamay niya habang naiisip ang isang malaking pagkakamali niyang nagawa. "Nak? Bakit ngayon ka lang? May nangyari ba?." Agad na napalapit si Elena kay Jasmine pagkapasok na pagkapasok ng anak. "W-Wala po, mom." Sagot naman ni Jasmine. Nagdahilan nalang din siya na may inasikaso siyang project na siyang pinaniwalaan naman ng mommy niya kaya agad siyang nagpaalam para umakyat. Maging sa oras ng pagtulog ay hindi mapakali si Jasmine. Tahimik siyang lumuluha sa higaan niya habang naiisip ang mga masasakit na salitang matatanggap niya sa kanyang ama at mga kapatid sa oras na malaman nilang buntis siya. "Ano.. ng gagawin ko? Paano ng pag-aaral ko? Paano na ang pangarap ko?." Mahinang bulong ni Jasmine habang patuloy pa rin sa pagluha. "Wait!." Ngunit bigla siyang napaupo nang maalala ang mukha ng lalaking nakasama niya sa hotel, two months ago. Hindi niya makakalimutan ang mukha ng lalaki na siyang ikinalaki ng mga mata niya. "Right! Kailangan ko siyang hanapin! Kailangan ko siyang makita at kailangan kong humingi ng tulong sa kanya! Tama! Tama!." Hindi mapakaling saad pa ni Jasmine na may nabuo ng plano para masolusyunan ang problema niya. Napadasal din siya na sana ay mahanap niya ang lalaki kahit pa hindi niya alam kung paano at saan siya magsisimula. ----- Kinabukasan, pagkatapos magpaalam ay nagmaneho na si Jasmine para pumunta ng school. Pero sa halip na sa eskwelahan siya pumunta ay nagdesisyon siyang pumunta sa hotel kung saan siya napadpad kasama ang lalaking dahilan ng kasalukuyan niyang problema. Nagtext nalang din siya sa mga kaibigan niya na masama ang pakiramdam niya kaya hindi siya makakapasok. "Sana lang ay makita ko siya dito. Please.. magpakita ka sakin." Kinakabahang bulong ni Jasmine. At pagkatapos bumuntong hininga ay lumabas na din siya ng kotse at pumunta sa lobby ng hotel para doon maghintay. -"Paano kung hindi ko siya dito makita? Saan na ako maghahanap? Hindi ko alam kung nasaan siya! Ni hindi ko alam ang pangalan niya!."- Frustrated na isip ni Jasmine habang palingon-lingon sa paligid at hindi mapakali. Bawat lalaking dumadaan ay tinititigan niya sa pagbabakasakaling ito na ang hinahanap niya. Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa sumapit na ang hapon. Ni hindi na nagawang kumain ni Jasmine dahil sa takot na baka sa pag-alis niya ay siya namang pagdating ng hinahanap niya. At nang makita niyang alas-singko na sa kanyang relo ay laglag ang balikat na lumabas na siya ng hotel at disappointed na pumasok sa kanyang sasakyan. "Aaaarrrrgggghhh!!! Ano ng gagawin ko?! Paano ko hahanapin ang damuhong yun?! Haaaarrrrgggghhh!!!." Frustrated na ring sigaw ni Jasmine habang nakadukdok ang ulo sa steering wheel. Nasa parking lot na siya. Agad na tumulo ang luha niya at nanginginig din ang kanyang mga kamay. "Ano ng gagaw---" Naputol ang pagsasalita ni Jasmine nang pag-angat niya ng ulo ay may pamilyar na mukha siyang nakita. Nakita niya ang lalaking nakapulupot at nakikipag-usap sa isang babae habang naglalakad ang mga ito palapit sa isang sasakyan. Galing ang mga ito sa loob ng hotel. Nang makumpirma niyang ito ang lalaking hinahanap niya ay nanlaki ang mga mata niya. Agad niyang pinunasan ang mukha niya at mabilis na lumabas ng kotse. "Hmmmm... babe, nakakaisa palang tayo eh. Kailangan mo na ba talagang umalis? Paano naman ako?." Malanding saad ng babae sa lalaki at pinaikot ang mga braso niya sa leeg nito. "I'll call you, I promise. But for now, I have to go." Nakangiting saad naman ng lalaki dito at hinalikan ito ng marahan. -"Gosh! Mukha palang, babaero na!."- Inis na saad ni Jasmine sa isip niya dahil sa kanyang nasaksihan at lumapit na sa mga ito. "Ahm! Ahm!." Natigil ang dalawa sa paghahalikan at takang napalingon kay Jasmine. "Yes? Anong problema mo miss?." Masungit na tanong mula sa babaeng kahalikan ng lalaki. "We need to talk!." Sa halip ay matigas na saad naman ni Jasmine habang matamang nakatitig sa lalaki at hindi pinansin ang babae. "GB! Who is she?! Babae mo ba siya?!." Biglang tumaas na din ang boses ng babae at hinarap ang lalaki. "I don't know her." Kalmadong sagot naman ng GB saka napatingin kay Jasmine. "Miss, do I.. know you?." Kunot-noong tanong pa nito kay Jasmine. -"Paano mo ako maaalalang hinayupak ka kung napakababaero mo?!."- Isip naman ni Jasmine at tiningnan ng masama ang lalaki. "A-Ako ang babaeng kasama mo dito sa hotel na ito, two months ago!." Lakas loob ng saad ni Jasmine pagkatapos huminga ng malalim. Hindi din siya makapaniwalang dito lang sa iisang hotel na ito dinadala ng lalaki ang mga babae niya. Mukhang regular customer ito sa tingin niya. Babaero nga talaga. Natigilan naman ang lalaki at napatitig sa mukha ni Jasmine. Pilit niya ding inalala ang sinabi nitong nakasama niya ito dati. ?????.. ("What an annoying woman! Pwede ba wag kang umiyak! As if you didn't liked it!." "Hindi talaga! Dahil bukod sa nakainom ako ay hindi kita kilala! Walang hiya ka! Saka pwede ba, magdamit ka!." "Will you shut your mouth? You're not a virgin! Which practically means, it's not your first time!." Naiinis na ding sigaw ng lalaki sa kanya. "Walang hiya ka!!! Ang kapal ng mukha mo!! Lumayas ka dito!!!.") Nanlaki ang mga mata ng lalaki at napangiti ng maalala niya na ang babae. "Yeah! Yeah right! I remember you. So? What do you want? You miss me?." Pilyong tanong na ng lalaki na siyang nagpasimangot kay Jasmine. "No! We need to talk becaus---" (Riiinnnggg.. Riiinnnggg.. Riiinnnggg..) Natigil si Jasmine nang biglang magring ang phone ng lalaki. "Excuse me." Saad ng lalaki at sinagot ang tawag. ("Yes, broh?." ..... "Ow, okay okay. I'm sorry. I'm on my way.") Pagkatapos sagutin ang tawag ay napatingin ang lalaki sa dalawang babae. "I'm sorry, girls. But I really have to go. My brother's waiting." Nagmamadaling paalam na ng lalaki sa dalawa at tumalikod saka binuksan ang pinto ng kanyang kotse. "Okay---" "Wait! Hindi ka pwedeng umalis!." Sabay na saad ng babae at ni Jasmine. Takang napatingin ang dalawa kay Jasmine dahil hinawakan pa nito sa braso ang lalaki. Napansin naman ng lalaki ang pagkabahala sa mukha ni Jasmine. "Look miss, I don't know what you want pero mas importante ang pupuntahan ko kaya kailangan ko ng umalis." Medyo inis ng saad ng lalaki at winaksi ang kamay ni Jasmine. "Mas importante ang sadya ko sayo! Kailangan ko ang tulong mo! No! Kailangan mo akong tulungan!." Hindi na napigilan ni Jasmine ang sarili niya at tila nagmamakaawa na siya sa lalaki. Pero hindi nakinig ang lalaki na muli lang siyang tinalikuran. "Miss, pwede ba tumigil ka na!." Saway naman ng babae kay Jasmine. "Buntis ako!." Sigaw na ni Jasmine nang makitang papasok na ng kotse ang lalaki. Natigilan naman ang lalaki at napalunok ng sunod-sunod. Kinabahan siya sa kanyang narinig. Maging ang babae ay nagulat din at nanlaki ang mga mata. "Stupid!." Maya-Maya'y yamot at iiling-iling ng saad ng lalaki at inis na sumakay sa kotse. Hindi niya na din binigyan ng sulyap si Jasmine pero kapansin-pansin ang pagkabahala sa mukha niya. "Wait! Wait! Buksan mo to! Mag-usap tayo! Kausapin mo ako!." Desperadong kinalampag ni Jasmine ang bintana ng lalaki pero hindi siya nito pinakinggan at pinaharurot lang nito ang sasakyan paalis. Napailing-iling naman ang babae nang makita ang ginawa ni Jasmine saka naglakad na din paalis. Nang hindi mahabol ni Jasmine ang sasakyan ng lalaki ay napalingon siya sa babae at hinabol ito. "Miss! Miss, tulungan mo ako! S-Saan ko makikita ang la-lalaking yun?!." Saad na ni Jasmine sa babae pagkahawak sa braso nito. "Ano ba!." Inis na waksi naman ng babae sa kamay ni Jasmine. "Alam kong babaero si GB. At alam kong isa ka rin sa mga babae niya. So, bakit kita tutulungan? Masyado ka naman atang desperada para lang makuha siya! Nagagawa mo pang magpanggap na buntis ka!." Sungit pang dagdag ng babae. "Please.. kahit yung pangalan niya nalang. Ka-Kailangan ko lang siyang makausap. Please.." Nakikiusap pang saad ni Jasmine. Tinaasan naman siya ng kilay ng babae. "Tsk! Fine! Siya si GB Santos. Okay na? Tsk!." Irap na saad pa ng babae saka muling tumalikod at iniwan si Jasmine. "GB Santos.." Mahinang usal ni Jasmine at napahinga ng maluwang. Napakuyom din siya ng kamao at napapikit ng mariin. Kahit papaano ay nagpapasalamat siya at mayroon na siyang lead para muli silang magkita ng lalaki. Hahanapin niya ito kahit saan man ito naroroon. Kailangan niya itong kausapin regarding sa pagbubuntis niya. Kahit na magmukha siyang kawawa ay wala siyang pakialam. Ang mahalaga ay makausap niya ang lalaki kahit anuman ang mangyari. Dahil alam niyang ito lang ang makakatulong sa kanya sa kanyang kasalukuyang problema. Kailangan niya itong iharap sa pamilya niya. ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD