“UNEXPECTED BEAT” EPISODE 37. Napasugod si Andrew sa flower shop ni Jasmine nung makausap niya ang nag-aalalang si Cecilia at masabi nitong hindi nakauwi si Jasmine. Tinawagan niya kasi ito dahil hindi niya makontak si Jasmine. Si Pearl naman ay napasugod din sa flower shop ni Jasmine nang may nagtext sa kanya na sa flower shop ni Jasmine natulog si GB at kasama pa nito si Jasmine. Tapos ito pa ang malalaman nila. Ang katotohanang anak ni GB si Gabrielle. Gulat na gulat ang lahat at tila lahat sila ay pigil ang hininga. Si GB naman ay mababakasan ng iba't-ibang emosyon sa mukha habang si Jasmine ay napapikit at napatakip na ng mukha nang mag-sink in sa isip niya ang kanyang nasabi. “J-Jasmine? W-What.. W-What do you mean? A-Anak ko si G-Gab?.” Halos hindi mahanap ni GB ang boses niya s

