“UNEXPECTED BEAT” EPISODE 38. Kasalukuyang naglalakad ang isang babae galing sa department store papunta sa kanyang sasakyan na nasa may gilid lang ng kalsada nang biglang may tumigil na Van sa harapan niya. Mabilis na nagbukas din ang pinto nito sa may gilid. “AAAAHHHHH!!! Sino kayo?! Bitawan niyo ako! Bitawan niyo ako!.” Agad na napatili ang babae ng may lumabas na tatlong kalalakihang naka-bonet mula sa Van. Hinablot siya ng dalawa at sapilitang sinakay sa Van. Nahulog din ang plastic na may laman ng kanyang pinamili. “Tara sibat na!.” Saad pa ng lalaking hindi nakahawak sa kanya na siyang may hawak ng baril para walang lumapit sa kanila bago sumakay at sinara ang Van. Takot na nakatingin lang din sa kanila ang security guard at ibang mga tao na wala na ngang nagawa kundi ang takot

