“UNEXPECTED BEAT” EPISODE 26. Nakaupo na sina GB at Pearl sa labas ng coffee shop pagkatapos makapagpasyang mag-usap at magkwentuhan tungkol sa buhay-buhay. May mga upuan kasi sa may labas ng shop na intended for customers. Ginamot na din ni Pearl ang sugat sa may gilid ng labi ni GB. "I never thought na after so many years ay hindi ka pa rin tinitigilan ng ex mo na yun." Umpisa na ni GB. "Yeah. He's so persistent. Nakakainis na yung pagka-obsess niya. Kahit ilang beses ko siyang ipagtabuyan ay hindi pa rin siya tumitigil." Buntong hiningang saad naman ni Pearl. "Hmmmm.. Eh kumusta ka na nga pala? Lalo kang gumanda ah. May pamilya ka na rin ba?." Tanong at puri pa ni GB kay Pearl. Lihim na natuwa naman si Pearl nang puriin siya ni GB. "Ito ayos lang naman. Napagod na kakaikot sa iba'

