“UNEXPECTED BEAT” EPISODE 25. Sa isang araw palang na wala sina Jasmine at Jace sa bahay ay naging tahimik na nito at sobrang nalulungkot naman si GB. Sa bawat sulok ng bahay ay naaalala niya ang dalawa kaya mas lalo niya silang namimiss. Wala naman siyang nagagawa kundi ang mapabuntong hininga. Sinubukan niya ding tawagan si Jasmine nung hindi na siya nakatiis pero hindi niya naman ito makontak. Kaya naman sa sumunod na mga araw ay mas nilaan na ni GB ang oras niya sa trabaho. Halos sa kanyang opisina na din siya namamalagi. Nababahala na din siya kung ano ng nangyayari kina Jasmine. Hindi niya din maiwasang mapaisip na baka nagkakamabutihan na sina Jasmine at Gill na siyang kinakakaba niya. “Hey broh? Hindi ka pa ba uuwi? Anong oras na.” Silip ni Ian sa opisina ni GB. “Mauna ka na.

