Inabot ko yung phone kay Cole para sagutin, ngunit tinignan niya lang ako na para bang dalawa ang ulo ko na tinubuan ng mahabang sungay.
"Sagutin mo baka may sasabihin sayo." Kunot noo kong sabi at umiling naman siya. Patuloy naman sa pagtunog ang aking phone.
"Sa inyo yan, ma'am. Kung may sasabihin man po si sir ay sa akin siya tatawag." Sumimangot naman ako at umayos ng upo sa kotse bago sinagot yung tawag.
"Bakit?" Tanong ko agad dahil alam kong siya yung tipo ng taong walang pakielam sa greetings. Tss.
"What did I told you?" Napangiwi ako sa tono ng kaniyang pananalita. Ano naman ang ikinaiinis nito?
"Wala ka pa ngang sinasabi kundi 'what did I told you' e. Tapos tatanungin mo ako ng ganiyan, sira ka ba?" Naiinis kong sabi.
"Tch. Close the car door and let Cole drive you to your condominium." Mabilis akong napaayos ng upo at sinamaan ng tingin si Cole na mukhang walang alam sa nangyayari.
"Nagtext ka sa kaniya no!? Nagsumbong ka?!" Taas kilay kong akusa kay Cole na nagulat sa aking pagsigaw.
"Stop harassing my men, Anderson. I told you I have my ways." Matigas na sabi ni Alfieri sa kabilang linya at wala sa sariling napatingin ako sa paligid.
"Teka nga, nasaan ka ba?"
"I'm in my office."
"Paano mo nalaman mga ginagawa ko ah? Nakasunod ka no?" Muli akong tumingin sa paligid at namataan ang itim na kotse na nakatigil di kalayuan sa pwesto namin.
"I wouldn't waste my time on that, Anderson." Walang gana niya namang sagot pero lihim naman akong napangiti. Kunwari pa to samantalang huli na siya e.
"Sino yung tao sa nakasunod sa aming kotse?" Ngisi ko.
"That's my men. Now close the door, Anderson. You are wasting my time." close the door my foot! Padabog ko namang sinara yung pinto ng kotse bago lumingon ulit sa likod. Nakita ko naman yung pigura ng lalaki na nakasunod sa amin na mukhang naglabas ng parang phone at nagsalita. So, that explains it all.
"Bakit pinapasundan mo pa si Cole?" Tanong ko. Para naman kasi akong parte ng royal family o sikat na sikat na artista para magkaroon ng mga bodyguard. Nakakaewan lang.
"I want things properly secured." Maikli niyang sabi at ano pa bang aasahan ko? Binaba niya ang tawag basta-basta ng hindi man lang ako hinayaang magsalita.
Ano bang iniisip niya na bigla na lang may susulpot na mga armadong lalaki kung saan para dukutin ako? Napaka OA niya at nila mommy kung gano'n.
"Pakihatid na ako sa tapat ng condo mismo, Cole." Utos ko bago idinantay ang aking siko sa bintana. Umandar naman agad yung kotse at agad na sumunod yung kotse sa likod habang minemaintain ang distansya nito mula sa amin.
"Salamat." Sabi ko kay Cole pagkarating sa tapat ng condominium. Mabuti na lang at walang masyadong tao sa labas nito kaya naman nakapasok ako ng walang masyadong matang nakatingin sa akin.
"Good morning, Ms Anderson." Bati nung guard sa akin na ginantihan ko lang ng maliit na tango. "May nag iwan po pala ng bulaklak para sa inyo kaninang umaga."
"Ha? Kanino daw galing?" Taka kong tanong. Nagkibit balikat naman yung guard bago tinuro yung receptionist.
"Ahm. Nasa'n yung bulaklak?" Lapit ko sa receptionist. Ngumiti naman ito sa akib bago may kinuha sa ilalim ng kaniyang lamesa at iniabot sa akin ang boquet ng pula at pink na roses.
"Kanino galing to?"
"Hindi rin po namin alam, ma'am. Ayaw magpakilala nung lalaki dahil surprise daw. Hihihi." Kinikilig na sabi nung receptionist kaya hinablot ko na kaagad yung bulaklak sa kaniya.
Sino naman kaya ang magbibigay sa akin ng bulaklak. Wala naman kasi sa aking nanliligaw dahil yung huling lalaking lumapit sa akin ay patuloy pa rin ang gamutan sa hospital. Manyak kasi.
"Ano itsura nung lalaki?"
"Matangkad po, ma'am. Hihihi, tapos maputi, gwapo at blond yung buhok."
"Okay, salamat." Sabi ko na lang bago dumiretso sa elevator. Sino naman yung lalaking iyon? Wala naman akong ibang kilalang lalaki na blond ang buhok.
Tinignan kong mabuti yung bulaklak upang tignan kung may nakaipit na card dito at hindi nga ako nagkamali. Isang maliit at kulay itim na sobre ang nakasuksok sa nag iisang puting rosas. Habang nasa loob naman ng elevator ay kinuha ko na iyon at binuklat.
Finally, nakita rin kita.
Yun lang ang nakasulat sa card. Walang pangalan o kahit pen name man lang at wala rin kahit na anong clue o picture para malaman ko kung sino ang nagbigay nito.
Pagkababa naman ng elevator ay tinapon ko yung bulaklak sa nakasalubong na basurahan at dumiretso na sa aking condominium. Hindi ko naman alam kung kanino galing iyon kaya hindi ko na itatago pa. Mabubulok rin lang naman iyon sa aking kwarto.
Mabuti na lang at ang bintana ng aking kwarto ay nakaharap sa kalsada kung saan mula dito ay tanaw na tanaw ko ang dalawang kotseng nakaparada sa tapat ng building. Mukhang hindi pa rin umaalis sila Cole at wala talagang balak na umalis. Alas siyete na ng gabi at gusto kong maglakad lakad ngunit hindi ko iyon magagawa kung may nakasunod sa aking mga men in black. Pinatay ko ang lahat ng ilaw sa aking condominium, dahil kung tama nga ang hinala ko ay iisipin nilang tulog na ako at doon sila aalis.
Binuksan ko lang ng maliit ang kurtina ng aking bintana upang silipin sila ngunit nandoon pa rin ang kotse. 8pm- umalis na yung dalawang kotse at mabilis akong nagpalit ng itim na pantalon at puting tank top, kinuha ko naman ang jacket na nakapatong sa upuan bago iyon sinuot at nilagay sa bulsa nito ang aking susi at cellphone.
Nais kong maglakad lakad muna bago matulog. Hindi ko rin naman naenjoy amg weekends ko kaya ngayon gabi ko susulitin.
"Good evening, ma'am." Ngiti nung guard sa akin. Ngumiti naman ako at lumabas na ng building para maglakad lakad.
Sa paglilibot ay nakarating ako sa isang eskinita, malawak ito at naiilawan ng isang lamp post ang gitnang bahagi nito. Maraming mga nagkakagulo roon, mga babae at lalaking mukhang kasing edad ko lang na nagsisigawan o naghihiyawan. Tahimik akong lumapit sa kumpol ng mga kabataan upang tignan ang kanilang pinagkakaguluhan.
"Razor! Wooooo! Razor, kaya mo yan!" hiyaw ng katabi kong babae.
Merong halos sampung katao ang nagsusuntukan sa gitna at sila yung pinagkakaguluhan ng mga ito. Group of gangsters siguro ang dalawang grupo na ito.
"Tornado! Matatalo na kayo!" Sigaw pa ng iba.
Bumalik naman ang tingin ko aa dalawang grupo na hindi pa rin tumitigil sa pagsusuntukan at sipaan. Yung isang pinakamalaking lalaki ay binalibag niya ang kaniyang kalaban gamit ang isang kamay, meron ding payat na babae na punong puno ng tattoo ang katawan pero walang hirap na iniiligan ang atake ng kaniyang kalaban. Napangisi ako sa di malaman na dahilan, siguro dahil ay mas maganda pang manood ng ganito kesa sa mga action movies.
"Anong grupo yung magaling?" Siko ko sa aking katabing lalaki.
"tss. Sila ang Razor, wala pang nakakatalo sa kanila sa kahit na anong gang fight." Sagot naman nito sa akin.
"So, may gang fight sila ngayon? Tsaka bakit dito sila naglalaban?"
"Walang gang fight, sadyang nagkainitan lang ang dalawang grupo at bigla na lang nag suguran."
Napatango na lang ako sa kaniyang sinabi habang nanonood ng laban. Isang tao na lang mula sa kalaban ang nakatayo at isang suntok sa mukha ang natamo nito mula sa malaking mama bago nawalan ng malay at tumumba sa sahig.
"woooo! Galing ng Razor! Amin na yung pera, nanalo ako!"
"Walang kwenta talaga yung Tornado, mga talunan."
Nanalo nga ang Razor pero base sa mga galaw nila kanina ay medyo mabagal pa iyon.
"Mahina rin naman ang nanalong grupo."
Natigil ang aking paghinga nang nanahimik ang buong eskinita. Lahat ng tao ay bumaling sa akin ang atensyon kahit ang mga Razor na matalim na titig ang ibinibigay sa akin. Nasabi ko ba iyon ng malakas?! Bloody hell's whiskers!
"Ikaw! Hindi ko akalaing malakas ang loob mong sabihin yan?!" sigaw nung malaking mama at naglakad palapit sa akin.
Humawi naman yung mga tao na parang isang hari ang dadaan at lahat sila ay nagsipagyuko. Wala naman akong nagawa kundi mabato sa aking pwesto hanggang sa naramdaman ko na lang na may humawak sa aking damit at bahagya akong itinaas na taas.
"Sino ka para sabihin yun?! Di hamak naman na isa ka lang mahina at talunang babae!" Baritonong sigaw nung mama sa akin at napahawak ako sa kaniyang kamay na nakakuyom sa aking damit.
"Bitawan mo ako," Inis kong sabi.
"Matapang ka ah. Dapat sayo tinuturuan ng leksyon para alam mo kung saan ka lulugar!"
"Oh the hell with your bloody opinion!" Sigaw ko at naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa sementong sahig ng eskinita.
"Ako na ang bahala diyan, R." Maangas na sabi nung babaeng punong puno ng tattoo.
"Balian mo ng buto, Z."
Mabilis naman akong tumayo at umiwas nang lumipad ang kamao nung Z. Ang corny ng pangalan nila kinuha lang sa letter ng kanilang grupo. Oops! Muli akong umiwas ng muntikan niya nang tamaan ang aking pisngi. Tumakbo naman ako sa kabilang direksyon upang tumakas nang harangan ako ng mga manonood.
"Bawal tumakas." Sabi nung isa at pinukulan ko siya ng masamang tingin.
Lumingon naman ako sa aking likuran at hindi inaasahang tumama sa aking pisngi ang kamao ni Z. Umikot ang aking paligid at sandali itong nandilim ng isa na namang suntok ang tumama sa aking tiyan. Napaluhod ako sa sakit habang sapo sapo ang aking tiyan, sinubukan ko namang dumilat para makita ang isa na namang paparating na suntok nang biglang may lumabas na imahe sa isip ko.
~
"lumaban ka dahil iyon ang kailangan. I trained you to be the best among the best."
~
Sinalo ko ang kamao ni Z at walang pagaalinlangan na pinilipit ito bago ako tumayo at tinuhod ang kaniyang tiyan. Lumipad ang aking kamao sa kaniyang pisngi bago ko hinablot ang kaniyang buhok at iniuntog sa malapit na pader. Rinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa aking paligid ngunit parang kusang gumagalaw ang aking katawan. Umiwas ako ng akmang gaganti si Z ng suntok bago siya iniuntog ulit sa dingding.
"bwisit!" Rinig ko mula sa aking likod. Mabilis naman akong yumuko nang muntikang hablutin ni R ang aking buhok.
"tss... Hindi niyo na dapat ako sinubukan pa." Malamig kong sabi bago nag upper cut. Sunod sunod sa mabibilis na galaw ay pinagsusuntok ko ang mukha ni R nang makarinig kami ng wang wang.
Sabay sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng ingay ngunit huli na ang lahat para makatakbo pa. Napalibutan kami ng mga parak sa magkabilang bahagi ng eskinita at wala akong nagawa kundi itaas ang aking kamay nang magtaas din sila ng baril.
"Kayong lahat! Lumuhod kayo!"