"I... I'm sorry..." sambit ko bigla habang kinakabahang napalingon kay Alfieri. Malamig ang kaniyang mga mata at nakakuyom ang mga kamao nito na para bang pinipigilan niya ang kaniyang galit.
Umatras ako at tumama ang likod sa piano, ramdam ko rin ang panginginig ng aking tuhod at biglaang pagkabasa ng aking pisngi. Basa? Bakit basa ang aking pisngi?
"I'm sorry," sambit ko ulit at doon ko napagtantong umiiyak ako.
"I'm sorry..." Iyak ko habang paulit ulit na pinupunasan ang aking pisngi.
"Why are you crying?" Napatigil ako sa pagpupunas ng aking pisngi para tignan ang malabong pigura ni Alfieri. Bakit nga ba? Bakit pakiramdam ko may ibang dahilan ang pagtulo ng aking mga luha...
"Let's go. You shouldn't have invaded this room." Aya niya at bahagya lang akong tumango.
Sumunod lang ako kay Alfieri paalis ng kwartong iyon hanggang sa tumigil kami sa tapat ng kwartong tinuluyan ko.
"Pwede na ba akong bumalik sa aking condo?" Di ko mapigilang tanong.
"Tomorrow," baling ni Alfieri sa akin habang nasa harap kami ng pinto. "But first, you need to talk to your parents."
"Bakit?..." bumilis ang t***k ng aking puso sa kaniyang sinabi. Gagawin niya rin ba sa akin yung katulad sa mga nabasa at napanood ko? Pipilitin niya ba akong sabihin sa magulang ko na okay lang ako bago niya patayin? Makakabalik pa ba ako ng buhay?
"To stop your wild imaginations and accusations."
"Hindi ka ba nagtatagalog?" Great! Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng dapat kong itanong ay yun pa. Tama! Narinig ko na siyang magtagalog nung gabing iyon! Medyo slang ang pagkakabigkas ni Alfieri kaya siguro ayaw niyang magtagalog.
"One more thing. Stop questioning me." Inabot niya sa akin yung kaniyang cellphone. Kinuha ko naman iyon at nag aalangang tumingin sa kaniya, bahagya naman siyang tumango bago binuksan yung pinto. Pumasok naman ako ngunit naiwan lang sa b****a ng pinto si Alfieri bago sumandal roon.
Idinial ko naman ang number ni mommy bago naupo sa kama at hinintay itong mag ring. Ilang ring pa ang lumipas bago sinagot ang tawag.
"Mr Alfieri, napatawag ka ata?" Sagot ni mommy sa tawag. Binigyan ko naman ng nagtatanong na tingin yung lalaki sa pinto bago bumaling ulit sa cellphone. Nakapagtatakang kilala niya si Alfieri at ang number nito.
"Mom," mahina kong sabi "It's me, Amber."
"Am... Amber! Darling, how are you?"
"Fine ,mom. Gusto ko lang malaman kung paano mo nakilala si..." Nag Indian seat ako sa kama, bago ibinulong ang kaniyang pangalan. "Alfieri."
"Because we made a deal, darling. He wants a partnership, pero hindi naman ako basta-basta papayag ng walang ibang kapalit." Sabi ni mommy ngunit parang may kulang sa mga sinabi niya.
"Anong kapalit naman iyon?" Taas kilay kong tanong.
"I ask him to secure your safety. A bodyguard."
"A... What?!" Body guard?! As in bodyguard?! HELL'S WHISKERS!
"Ko, bodyguard. Kailangan mo yun, Am." Naikuyom ko ang aking kamao bago tinignan si Alfieri na walang pakielam na nakatayo lang sa pinto. Simula kanina ay ganiyan na ang ayos niya at mukhang wala naman siyang balak na gumalaw.
"Mom! Hindi ko na kailangan ng bodyguard!" Pigil na inis kong sabi.
"Of course you do." tsk!
"Malaki na ako! I can handle myself! Hindi na ako bata para mangailangan ng bodyguard at isa pa kayang kaya ko na ang sarili ko! I've been living for 6 months without you and dad and nothing happened, okay?!"
"akala mo lang yun..." Napabalikwas ako ng upo nang bumulong si mom. Kahit mahina ay malinaw sa akin ang narinig ko. Ako ba yung kausap niya? O guniguni ko lang ang lungkot sa mga sinabi ni mommy?
"A-ano yun?"
"h-ha? Wala, wala. My decision is final, Amber Anderson!" Bigla niyang sambit bago naputol ang tawag. Napahilamukos na lang ako ng mukha bago padabog na humiga sa kama. Hindi ko alam kung ano ba sumapi sa mga magulang ko at naisipan nilang bigyan ako ng bodyguard samantalang wala namang masamang nangyayari sa akin.
'pwera na lang nung nabaril ka nung gabing iyon.'
Oo na!
"Blody hell!" Napakislot ako ng tumunog ang phone na hawak ko, tinignan ko ang screen nito at nakasulat roon ang pangalan ni Tristan. Yung kalbong weird na parang ewan.
Sasagutin ko sana yung tawag ng may umagaw nito sa aking kamay.
"What is it?" Bungad ni Alfieri sa tawag. Hindi rin talaga uso sa kaniya ang 'greetings' o 'hello'.
Lumabas na ng kwarto si Alfieri at dahil nacurious ako sa usapan nila ni Tristan kaninang umaga ay lumapit ako sa pinto. Anong gagawin ko? Simple lang... Idinikit ko ang aking tenga sa pinto para pakinggan si Alfieri.
"Are you sure he's there?" Rinig kong sabi niya.
"Okay, I'll be going tomorrow night.... Just do it... It's a waste of money... Alright..." Sabi niya at wala parin akong naintindihan, mahirap talaga pag one sided lang ang naririnig mo.
Bakit kasi kailangan pa nilang magsalita sa ibang lengwahe samantalang alam naman nilang may nakikinig. Hinawakan ko ang doorknob at akmang bubuksan ang pinto ng may nauna na sa akin.
"Ow!" Daing ko dahil tumama sa aking ilong ang pinto. Awww! Nadislocate ata ang ilong ko!
"It's your fault for eavesdropping at my business." Walang emosyong sabi ni Alfieri sa akin habang hawak-hawak ko ang aking ilong.
"Hindi ako nag e-eavesdrop!" Depensa ko.
"Then what are you doing? Sleeping at the doorway?" Ngisi niya na ikinagulat ko. Ngumisi siya! Blast! Bakit ang sexy ng ngisi niya!
"tss," Huli ko na lang narinig bago siya umalis sa aking harapan. Napasimangot naman ako at isinilip ang aking ulo sa pinto.
"Hindi ako nag eavesdrop!" sigaw ko bago malakas na isinara ang pinto.
Hindi naman talaga ako nageavesdrop! Curious lang ako, tama! Curious lang ako at magka iba ang dalawang iyon.
***
Kinabukasan, hinatid ako ni Cole, isa sa mga body guard na ipinadala ni Alfieri. Nakakapagtaka tuloy ang kaniyang pagkatao dahil sa dami niyang men in black, napakalaki pa ng kaniyang bahay at nakita ko kung paano siya magalit at pumatay. Hindi kaya isa siyang drug lord? Sa yaman niya kahit ang salaping meron siya ay nakapagtataka rin. Mukha namang nasa edad na 20 hanggang 23 lang si Alfieri at imposibleng nakapag ipon na kaagad siya ng napakalaking pera.
'baka naman mana?' nevermind.
"Ibaba mo na lang ako dito." Sabi ko kay Cole nang makarating na kami sa pagliko papunta sa aking condo.
"Sorry po, ma'am. Pero bilin ni sir sa mismong tapat kayo ihatid." Napataas na lang ang aking kilay sa kaniyang sinabi.
"Okay na ako dito. Ayoko ng tsismis kapag may nakakita sa akin na bumababa ng sasakyan na ito."
"Kayo na lang po ang magsabi kay sir." Ani niya naman at iniabot sa akin yung phone na nasa shotgun seat. Saglit niyang itinigil ang kotse sa gilid at akmang kukunin ang phone nang binuksan ko ang pinto.
"bloody hell!?" Bulalas ko dahil nakalock pala ito.
"Wag po kayong tumakas dahil malalagot ako kay, sir." Magalang ulit na sabi ni Cole bago binigay sa akin yung cellphone. Inis kung inis kong kinuha iyon sa kaniya nang bigla akong may napansin.
Kaya pala pamilyar yung cellphone dahil akin ito! Nakalagay pa sa screen yung picture kong nakafierce make up at nakapikit. Paano napunta sa kanila ito?!
"Ano number ni Alfieri?" Taas kilay kong tanong.
"Nakasave na daw po diyan, ma'am." Wala pang ilang segundo ay tinawagan ko na si Alfieri na agad naman niyang sinagot.
"Bakit nasa 'yo phone ko?!" Bungad ko sa kaniya.
"You lost it and I found it, Anderson." Parang walang gana niya namang sabi na mas ikinainis ko.
"tss. Sa pagkakaalam ko naholdap to sa akin at hindi naman siguro ikaw yung holdaper, hinda ba? Paano nga napunta sayo to?"
"I have my ways. Is that the reason why you called me?"
"hindi," hilamukos ko sa aking mukha bago sumandal. "Bababa na ako dito sa kanto-"
"No." toot*toot* asdfghjkl?! Halos iuntog ko na sa bintana ng kotse si Cole nang babaan ako ng tawag ng bastos na si Alfieri, nakakainis!
"Ano pong sabi niya?" Singit ni Cole na bigla kong ikinangisi. Kahit papaano naman ay may advantage rin pala ako rito.
Wala naman si Alfieri at di niya malalaman ang gagawin o sasabihin ko. At isa pa, ako dapat ang masusunod sa gusto ko dahil buhay ko to. Nilingon ko si Cole bago siya binigyan ng napakatamis na ngiti, eto yung ngiting nagpanalo sa akin bilang muse sa school kaya imposibleng hindi umepekto sa kaniya.
"Sige daw," matamis kong sabi. Pansin ko naman ang paggalaw ng kaniyang adams apple bilang senyales na lumunok siya.
"a-anong sige daw?"
"Pumayag na siyang dito ako bumaba." Sabi ko at tumango naman si Cole bago iunlock yung kotse. Ngumiti naman ulit ako bago buksan ang kotse.
"Salamat, Cole. Colin ka na sana ni Lord." mahina kong sabi at akmang lalabas na ng lumikha ng napakalakas na tunog ang bagong balik kong cellphone.
Alfieri calling...
***