Pumwesto ako sa mini stage at hinawakan yung mic roon. Sa totoo lang, ayoko nang kumanta. 'Hinding hindi na ako kakanta' iyon ang palagi kong sinasabi sa aking sarili dati. Natatakot ako sa tuwing naririnig ko ang aking sarili na kumakanta dahil tila ba may mga pangyayari akong nakikita na hindi maganda. Pero ngayon, kailangan ito para sa aking pag aaral. Kung ano man ang dahilan ng pagkaayaw ko sa talentong ito ay baka malaman ko kung haharapin ko ang takot. Ngumiti yung kambal sa akin bago nag thumbs up. Sabay pa silang naupo sa sofa habang di inaalis sa akin ang tingin. Tinignan ko naman yung Ian. Nakatalikod siya mula sa akin na mukhang walang pakielam sa gagawin ko. Tss. Huminga naman ako ng malalim bago nagsimulang kumanta. "Sparkling angels, I believed You are my savior in my tim

