Alas-siyete na kami nakauwi. Ngayon ko lang din napansin ang ganda ng labas ng mansyon ni Alfieri. May mga ilaw ang puno at may kulay blue ring ilaw ang malaki nilang fountain sa gitna ng driveway. Sa di malaman na dahilan ay napangiti ako sa ganda ng tanawin, ngunit pagkapasok palang ng mansyon ay agad na napawi ang ngiti sa aking mukha. "You're late." Sambit ni Alfieri na nakaupo sa sofa. Seryoso ang kaniyang mukha na nakatutok sa kaniyang phone. "Ah, oo nga e, hehe." Ngiwi ko. Hindi nga pala talaga ako nag paalam sa kaniya kanina. Nagsimula na akong maglakad papunta sa hagdan para sana makapagpalit na ng damit sa aking kwarto nang marinig kong tumikhim si Alfieri. Oh-oh! Looks like we are not yet done. "So?" Rinig kong sambit niya. Lumingon naman ako sa kaniyang pwesto at hindi pa r

