Malalaking puno, iba't ibang klase ng bulaklak, mabatong daan, at isang malaking lumang bahay ang bumungad sa akin pagkababa pa lang ng kotse. Sa bandang gate naman ay may malaking arko kung saan nangangalawang na ang pangalang 'TRACY HOME FOR CHILDREN'. Kumatok ako sa malaking gate ilang minuto na ang nakalilipas ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nagbubukas nito. "Sa tingin mo may tao rito?" Nababahala kong tanong kay Cole. Baka kasi mamaya nasayang lang ang effort na pagpunt rito, isa pa ay lumang luma na ang bahay kaya posibleng wala nang naninirahan sa orphanage na ito. "Ako na ang bahala, Ms Anderson." Biglang singit ni Hulk. T-teka! Baka mamaya sirain niya ang gate! Bago pa man din makalapit si Hulk sa gate ay binuksan ito ng isang matandang babae. Nakasuot ito ng bulaklaki

