CHAPTER 2 HANNAH ZAMORA

3319 Words
 WAAH! Nagpakawala ako nang malakas na sigaw sa loob ng condo. Nakakainis, alam ko nagkamalia ko nang desisyon sa pagpapakawala sa aknya, pero isang beses lang naman siya nagmakaawa sa akin, dapat inisip niya na bigyan ako anng oras dahil nagulat ako sa kanyang trabaho. Ang totoo naman ay hindi ko naman siya iiwan, gusto ko lang mapag-isa nang kahit sandali. Sandali lang, hindi matagal na panahon, pero kung iyon ang gusto niya ay sige. Huminga ako nang malalim at pumunta ako ng banyo para maligo. Pagkatapos ay mag-isa akong kumain ng umagahan sa kusina, nakakainis wala man lang kabuhay-buhay itong condo na ito.  Pagkatapos kong kumain ay pumunta ko sa cabinet ni Marcos para kunin ang susi ng bigbike. Dahil na rin sa inis ko ay pumunta ako nang mall mag isa, habang nag-mamaneho ay sobrang init ng panahon, sana nalang pala nag taxi nalang ako, plano din pala namin ni Marcos na bumili ulit ng bagong sasakyan dahil minsan umaalis kami at umuulan, pamisan din ay magkaiba kami ng direksyon, hindi kami makalakad dahil sa panahon. Nang makarating na ako sa mall ay ipinarada ko kaagad ang bigbike ni Marcos sa basement, kinuha ko ang aking pulang slim bag, bet ko rin ang outfit ko ngayon, naka-jumper-short maong at navy blue croptop. Habang ang lalakad sa mall ay naisip kong pumunta sa loob ng clothes department store dahil gusto kong bumili ng dress.  Alam ko na wala hindi naman kami mag-di-date ni Marcos, sa tuwing ilalabas niya kase ako ay bumibili talaga ako ng aking bagong dress para sa aming date. Gusto ko kaseng maganda pa rin ako sa kanyang paningin. Habang pumipili ng damit ay biglang tumunog ang aking cell phone. Agad-agad koi tong kinuha at tiningnan kung sino ang nagtext sa akin. Na-dismaya ako dahl akala ko si Marcos, iyon pala hindi. Expired na pala ang aking unli, kainis. Ibabalik ko na sana ang aking cell phone sa aking slim bag kaso may biglang tumulak sa aking likod, nabitawan ko ang aking cell phone at nadapa ako sa sahig.  Nainis ako dahil, sino ba namang tangang manggugulo sa akin ngayon? “Miss? Sorry, hindi ko nakita sorry talaga. Dapat hindi ako nagte-text nang naglalakad pasensya na.” Nakita ko nag kanyang paa na naglakad papunta s aaking harapan at inabot niya ang kanyang kamay. Hindi koi to tinanggap at tumayo ako ng matuwid sa kanyang harapan. Tinitigan niya ako na parang natulala siya sa akin. “Hello? Ang cell phone ko paki-kuha?” Sabay turo ko sa aking phone na nasa likuran niya. “Oh I am sorry.” Lumakad siya at kinuha ang aking cell phone ng isauli niya na ito sa akin ay nakita kong basag na ang screen ng aking cell phone.  “Oh… Sorry, papalitan ko nalang. Pwedeng pahingi nalang ng number mo?” Inirapan ko siya at tatalikod na sana ako nang bigla niyang banggitin ang aking pangalan. “Hannah Zamora? Right?” Bigla akong kinabahan, bakit niya nalaman ang aking pangalan. Tumingin ako nang masama sa kanya. “Um… Actually nasa cover phone mo kase, nakalagay nag pangalan mo.” Sagot niya. Bigla ko pa lang naalala na nag DIY pala ako sa phone cover ko naisip ko lang na pangalan ko ang aking ilagay dahil wala man din ako maisip na ano. Papalitan ko rin naman ito kaso nakakalimutan ko palagi dahil sa sobrang busy.  Muli niyang inabot ang kanyang palad para makipag kamay sa akin. “Hi. I am Grayson Edwards.” Pagpapakilala niya sa akin, sa pnaglawang pag-kakataon ay nahiya na ako na tanggihan ko siya dahil inutusan ko naman siyang kunin ang aking cell phone. “Hannah Zamora.” Tinanggap ko ang kanyang kamay. “Sorry ha nagmamadali kase ako, hindi ko namalayan na nakasangga na pala ako ng magandang dilag.” Pambobola niya pa sa akin. Alam ko naman iyon. Biglang ang ring ang kanyang cell phone. “Wait saglit lang ha. Huwag kang aalis.” Sabi niya sa akin. Syempre naisip ko, naisip ko na bilhan niya ako ng bagong cell phone dahil saying din pera ko, ibibili ko pa ng damit.  “Okay okay. No problem.” Rinig ko na sinabi niya. “Um… Free ka ba today?” Nagtaka ko kung bakit niya tinanong sa akin ito. “Actually, bibili ako ng damit ko ngayon ay ibibili ko nalang ng cell phone ko.” Sagot ko sa kanya. “Sorry ha. Ganito, papalitan ko nalang ang cell phone ko, and may hihingin sana akong pabor sa iyo. Umtras kase ang modelo naming babae sa photoshoot, ako ang inatasan ng aking boss na humanap nang babae dahil gaganapin ang photoshoot ngayon para sa cover ng magazine. Um… naisip ko na ikaw nalang kung pwede?” Sabi niya sa akin. Noong una ay parang ayaw ko, ayoko, pero gusto ko, magpapakipot lang. Sayang opportunity, maging cover ng magazine.  “Wala akong ibang damit, ito lang.” Sagot ko sa kanya. “Okay lang maraming damit doon at mas maganda dahil may sarili kang sponsor, hindi mo na kailangn bumili ng mga damit na gusto mo dahil sila mismo ang magbibigay sa iyo ng gusto mo, ang kailangan mo lang ay mag possing.” Sabi niya sa akin. Exciting! Na medyo nakaka-kaba. “Sige, pero bilhan mo mun ako ng cell phone ngayon na.” Demand ko sa kanya. Wala siyang magawa, binilhan niya ako ng bagong cell phone. “So, baka pwede na tayong pumunta sa venue?” Sabi niya sa akin. Sige, Sabay kaming pumunta sa basement, naglakad kami papuntang kotse niya, pinagbuksan niya ako ng pinto, pero hindi ako sumakay.  “Antayin mo ako dito, may kukunin lang ako.” Naglakad ako palayo sa kanya, kinuha ko ang bigbike at nag drive papunta sa harap ng sasakyan niya. Nakita kong nakaupo siya sa hatap ng kanyang sasakyan at hinintay ako, Inalis ko ang aking itim na helmet. Nang makita niya ako ay nagulat siya at natulala ulit sa akin. “Hello? Pwede na ba tayong umalis?” Inilayo niya ang paningin niya sa akin at agad-agad na siyang pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. Umatras ako nang konti para padaanin ang kanyang sasakyan, sinundan ko siyang papauntang photoshoot venue.  Nang makarating na kami ay ipinarada ko ang motor sa gilid ng kanyang sasakyan, sinundan ko siya hanggang sa hinila niya ang aking kamay. “Guys? Ito ang bago nating modelo.” Pagpapakilala sa akin ni Grayson. “Lahat balik sa trabaho.” Utos niya sa mga staff na nasa loob. “Okay sir.” Sagot ng lahat. “Sumama ka kay Madison, siya nag iyong make-up artist, lahat ng sasabihin niya ay sundin mo, huwag kang mag-alala, expert yan sa lahat.” Sabi niya sa akin. Binitawan niya ang aking kamay at kinindatan ako bago umalis.  Lumapit sa akin ang babae at pinaupo ako para lagyang ng make-up. “Ang pretty ha. Hindi na kailangan ng masyadong make-up. Alam mo ba nakakainis iyong isang modelo, ang laki laki ng ulo, akala niya hindi siya kayang tanggalin ng boss namin dahil sa ugali niya. halos gawin niya kaming yaya dito sa venue, utos dito, utos doon.” Tiningnan niya ang aking outfit, sabi niya sa akin ay kung pwede daw palitan ito ng wedding dress? Nanlaki ang mata ko. Bakit wedding dress? Kinabahan ako ng konti. “Um… Oo Miss Madison.” Baka kase patungkol sa mga bagong wedding dress ang kanilang patungkol sa magazine.  Wala naman sigurong masama kung susubukan ko, sinamahan ako ni Madison na magpalit ng damit, tinaas din niya ang aking buhok at nilagyan ng mga puting bulaklak. Nang nakaharap na ako sa camera ay bigla akong nanigas dahil hindi ko alam kung anong possing ang gagawin ko. Mas lalong nanindig ang aking balahibo nang makita ko si Grayson na may hawak ng camera. Siya pala ang kukuha sa akin ng litrato. Noong una ay pinaupo ako sa upuan at ikinalat nga tela ng wedding gown, dahil sobrang haba nito. Nasa malaking kwarto kami at puro color green. Sa naaalala ko sa mga movie, kung paano sila ginagawa ay kailangan dawn g green screen para mapalitan ang background. Pangalawang possing ay pina-side-view ako ni Madison, siya ang umaalalay sa akin.  “Side-view ka na medyo nakatalikod, para ma-expose ang design ng gown sa likuran.” Sabi niya sa akin. “Perfect.” Narinig kong sabi ni Grayson. May mga iilang posing pa ang ginawa ko dahil may kailangan din ulitin dahil ang mukha ko daw parang hindi nakikitang masaya. Lumapit sa akin si Madison at binigyan ako ng tubig na maiinom. Pagkatapos ay minasahe niya ang aking pisngin na pa-circular motion., dahan-dahan niya lang itong ginawa, sabi niya sa akin ay dapat maging natural. Huwag kakabahan. Hanggang sa matapos na ang photoshoot.  Nagpalit na ako ng damit, pumunta ako sa computer at ang sabi sa akin ng editor ay sobrang ganda at ang natural lang, sabi niya sa akin ay sa ngayon medyo kinakabahan ako, pero masasanay lang daw ako. “Miss Hannah?” Nilapitan ako ni Grayson na may hawak ng papel at ballpen. “Siguro kailangan mo nang pirmahan ang contract para sa magiging modelo, huwag kang mag-alala, papasikatin kita. Kaming bahala sa iyo, itong team namin ang mag-aalaga sa career mo.” Sabi niya sa akin. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Parang gusto ko na hindi.      ________________ (FLASKBACK) HANNAH'S POV CHAPTER 43  “Bakit ka andito Cris at saka paano ka nakapunta dito?” Tanong ko sa kanya. Ang alam ko kase ay kami lang apat at pati na rin ang mga crew mates dito sa yatch. “Actually Hannah. Wala naman talaga ko dito at wala akong balak pumunta dito dahil nasa loob ako ng aking mansion, nagpapahinga at nagpapakaligaya.” Sabi niya sa akin. Natawa ako sa reaksyon ng kanyang mukha na para bang naasar kung bakit nga siya andito. “So Paano ka ba nakapunta dito at ano ba ang dahilan kung bakit ka andito?” Tanong ko ulit sa kanya. “Ganito kase iyon, habang nakaupo ako sa aking sofa, nakataas ang aking mga paa sa lamesa, sobrang lakas ng aircon at nanonood ako ng anime, may biglang tumawag sa akin. Nung tiningna ko kung sino ang tumatawag sa akin. Nakita ko ang pangalan ni Marcos.” Sabi niya sa akin.     “Bakit ka pala tinawagan ni Marcos?” Tanong ko sa kanya. “Hindi naman ako makakatanggi sa kanya kase una sa lahat siya ang naging dahilan kung bakit naging maganda ang buhay ko. Nga pala, kaya pala ako andito kase pinapunta ako ni Marcos. Kanina kase tinangay daw kayo ng mga armadong lalake. Tapos may binigay ako kay Marcos na flash drive. Importanteng bagay ang nakapaloob doon. Ngayon din kase ang araw na dapat isasauli ko kay Marcos ang flash drive kaya pumunta ako. At kung tinanong mo kung paano ako nakapunta dito? Nag renta pa ako ng malaking bangka para makarating dito. Ang laki ng bayad ko ha.” Sabi sa akin ni Cris. Natawa ako sa reaksyon ng kanyang mukha. Mukhang naistorbo talaga siya ni Marcos.      “Siya nga pala. Bakit ka nga talaga umiiyak? Nasaan din si Marcos? Hindi ko siya nakikita dito ha.” Tanong sa akin ni Cris. “Andoon siya sa kitchen. Pumuntahan mo na siya doon. Hindi naman talaga ako umiyak ng as in umiyak talaga. Napaiyak ako dahil muntikan na akong mahulog sa yatch hahaha.” Palusot ko kay Cris. “Hmmm… Sige maiwan na kita.” Sabi niya sa akin. Lalakad na sana si Cris paalis kaso biglang humampas ulit ang malakas na alon sa yate. Doon ako napaupo sa sahig, samantalagang si Cris naman ay pumaibabaw sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa, namula ang aking pisngi at inilayo ko ang paningin ko sa kanya.     Agad naman siyang tumayo, nakita ko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nahiya siya s akin. “Sorry Hannah.” Sabi niya sa akin. Tatayo na sana ako kaso masakit ang likuran ko dahil sa pagkabagsak ko. Inabot ni Cri sang kanyang kamay at inalalayan akong tumayo. Nang makatayo na ako ay nakita ko si Marcos sa likuran na nakatingin sa aming dalawa. Wala naman akong nakikitang galit, pagakainis o kahit ano mang reaksyon sa kanyang mukha. “Um… Sir Marcos? Mali po ang iniisip ninyo. Ganito kase ang nangyare…” Magpapaliwanag na sana si Cris kaso biglang pinutol ni Marcos ang kanyang sasabihin. “Who cares? Where is the flash drive?” Sabi ni Marcos. Hindi ko inaasahan na ganito ang kanyang sasabihin. Agad hinanap ni Cris ang flash drive, at nakita niya ito sa kanyang coat. Lumapit siya kay Marcos at binigay ang flash drive.     Umalis nalang si Marcos na parang walanga nagyare. Nagkatitigan lang kaming dalawa ni Cris. Nahiya din ako kay Cris dahil parang napagalitan pa siya ng dahil sa akin. “Mauuna na ako sa iyo. Kailangan ko nang matulog.” Sabi ko kay Cris. Nginitian niya lang ako at inihatid ako sa aking kwarto.  “Salamat.” Sabi ko sa kanya.  “You should rest.” Sagot sa akin ni Cris. Pumasok na ako sa loob ng kwarto, nawala na ako ng gana kumain dahil nga sa nangyare. Inihilata ko ang aking sarili sa kama. Medyo pagod ako dahil nga sa kakaiyak. Ipinikit ko na ang aking mga mata at tuluyang nakaidlip.     Nagising ako nang makaramdam ako na may humahawak sa aking buhok. Hindi ako gumalaw at nagtulog tulugan lang ako. Alam ko naman kase na si Marcos iyon. Sa kanyang amoy at pagdampi ng mga palad niya sa akin ay talagang si Marcos nga. “Hannah. Stop pretending that you are sleeping.” Sabi niya sa akin. “Okay lang kung ayaw mo akong kausapin dahil sa inasal ko kanina. Gusto ko lang kase na malaman mo na kaya kong mag tiis para sa iyo. Ito na ang huli nating pag kikita. Gusto ko rin magpakalayo layo, ayaw kong mabagabag ang iyong sarili. Siguro tama ka. Kailangan natin magkaroon muna ng kanya kanyang mundo. Gusto ko lang malaman mo na sa aking pag-alis ay hindi magbabago ang aking pagmamahal sa iyo. Gusto kong ingatan mo ang iyong sarili.”  Habang nagsasalita siya ay hindi ko mapigilan na umiyak.     Alam niya na gising ako at tanggap niya na ang aking desisyon. “Pagbaba natin dito sa yatch bukas ay aalis na ako, hindi na ako pupunta sa condo. Ito ang susi ng aking cabinet. Huwag mag maghihinayang na buksan ito at gamitin ang nakapaloob dito.” Sabi niya sa akin. Tumayo si Marcos at narinig ko na inilagay niya ang susi sa ibabaw ng lamesa. Pagkatapos ay pumunta siya sa kama at nahiga. Ganun pa rin siya kalambing kahit nagkaroon kami ng tampuhan. Hinalikan niya ako sa noo at saka humiga sa likuran para yakapin ako. Hindi na ako gumalaw at hinayaan ko lang si Marcos kung ano ang gagawin niya sa akin. Akala ko ay pipilitin niya akong makipag usap sa kanya, pero hindi. Nanatili pa rin akong gising. Inantay ko na makatulog si Marcos dahil gusto kong pag masdan ang kanyang mukha bago pa man siya umalis.     Nang marinig ko na malalim na ang kanyang pag hinga ay umupo ako sa kama at humarap sa kanya. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha. “Marcos. Mahal kita. Mahal na mahal kita. Hindi ko gustong nagtatago ka sa akin ng lihim. Hindi ko alam kung kakayanin ko ng wala ka. Pero dahil nga para sa atin dalawa. Kakayanin natin ito.” Bulong ko sa kanya. Humiga ako ng nakaharap sa kanya, hinawakan ko ang kanyang pisngi at dahan dahang hinalikan siya sa labi. Muli na naman pumatak ang luha ko sa aking mga mata.     Medyo tinagalan ko ang pagdikit ko ng labi ko kay Marcos. Nagulat ako nag biglang gumalaw ang kanyang kamay at inilagay sa aking batok. Mas idiniin niya anng halik sa akin. Sumusunod ako sa galawng kanyang labi. Alam kong alam niya na mahal ko siya at hindi na ito magbabago. Naghalikan kami ng matagal ni Marcos at parang nagliliyab na kaming dalawa dahil sa init ng aming katawan.     Nagtigil si Marcos na halikan ako. Kase naalala niya pala na hindi kami okay. Hindi ko rin siya masisisi.  “You needed space right?” Tanong niya sa akin. “Huwag kang mag alala, ibibigay ko ito sa iyo at hindi ko sasamantalahin ang kahinaan mo Hannah.” Sabi sa akin ni Marcos. Hindi ko alam ang aking nararamdaman, halos magkahalo-halong emosyon. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na tinu-torture niya ako sa sinabi niya. Parang ang gusto niyang iparating sa akin ay kaya niya akong tiisin. Tumayo si Marcos sa kama at tinitingan niya akong nakahiga. “It’s okay Hannah. Pag isipan mo na nang mabuti kung karapat-dapat pa ba ang kagay ko sa iyo.” Sabi niya sa akin. Kinuha niya ang kanyang jacket at lumabas sa loob ng aming kwarto.     Hindi ko siya masisisi kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Sa ngayon ay parang hindi ko na kabisado ang ugali ni Marcos. Hindi ko na siya maintindihan. Pinaglalaruan niya ba ang damdamin ko. Kanina halos magmakaawa siyang huwag ko siya iiwan. Ngayon ay parang wala na siyang pakealam sa akin. Itinaas ko ang aking kanang kamay para abutin ang aking labi. Mabilis pa rin ang t***k ng aking puso dahil mainit pa rin ang aking labi at parang nararamdaman ko pa rin ang paghalik sa akin ni Marcos. Naghintay ako ng ilang minuto, nagbabakasali na bumalik siya dito sa kwarto. Mahigit isang oras na akong ang hihintay, pero walang Marcos na dumating at pumasok dito sa kwarto.     Ipinikit ko na lang ang aking mga mata, pinipigilan ko parin ang aking antok, umaasa na babalik si Marcos, pero wala. Hanggang sa nakatulog na lamang ako ng tuluyan. Nagising ako sa busina ng yatch. Dali-dali na akong tumayo at lumabas kwarto. Similip ako banda sa may control room, nakita ko na andito na pala kami. Lahat ng mga crew ay nag lilinis na sa loob ng yacht. Si Melyn at Jake naman ay magkaholding hands sa pumunta sa akin. “Uuwi na tayo. Sana nagustuhan niyo ang overnight natin dito sa yacht. Mauulit pa ito.” Sabi sa akin ni Jake. Nagdikit ang kilay ni Melyn, binitawan niya ang kamay ni Jake at sinabihan si Jake na mauna na sa kotse.     Nilapitan ako ni Melyn, tinitigan niya ako ng seryoso na parang kinikilatis ang iniisip ng aking utak.  “Nasaan si Marcos?” Tanong niya sa akin. “Ah… Hindi ko alam. Pero, sabi niya sa akin ay mauuna na daw siya sa work. Hindi na niya ako ginising. Umalis na siguro siya kaagad.” Pagsisinungaling ko sa kanya. “Talaga lang ha. Kase may naamoy akong love quarrel. Na ano kayo? Na-hostage lang tayo ng ilang oras nagka ganyan na kayo? Dapat ang loving loving kayo buong kami. Kase kami. Oh gosh… Umm… Ahh… Ang sarap. Wahaha.” May pagka gago talaga itong si Melyn. Required talagang umungol sa harapan ko? Walang hiya.     “Oo nga.” Sabi ko sa kanya. Nagdududa pa rin sa akin si Melyn. Parang ang hirap talagang mag sinungaling sa kanya. “Sinungaling. Andyan nga si Marcos sa likuran mo oh.” Bigla akong kinabahan at nanigas. Lumingon ako sa likod at nakita ko nga si Marcos na nakatayo. Magulo ang kanyang buhok at tila ba wala ito sa mood. Nakita ko rin ang eyebags niya. Sobrang itim ng ilalim sa kanyang mata. “Let’s go.” Maikling sagot sa akin ni Marcos. Nakita ko rin si Cris sa unahan at na sa ibaba pa rin ang kanyang paningin. Siguro nga nahihiya pa rin siya sa aksidenteng pumaibabaw siya sa akin kagabi. Nakababa na kami ng yacht. Katabi ko pa rin si Marcos sa kotse. Inihatid kami ng kotse ni Jake sa aming condominium.             
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD