CHAPTER 3 MARCOS JACOB

3146 Words
 Nagising ako nag tanghali na, pumunt ako sa kusina para hanapin si Hannah. Hanap ako ng hanap sa kanya sa loob ng condo, kaso bigla ko palang naalala na wala pala ako sa condo namin. Dati kase palaging may nakahandang pagkain na sa lamesa at paminsan naman nakikita ko si Hannah na nagluluto ng tanghalian. Babalik na naman ba sa dati ang aking buhay? Nakakainis na. Kailangan ko itong tiisin dahil ginusto ko ito. Kinuha ko ang aking cell phone at nagpadeliver nalang ng pagkain sa loob ng condo. Kaysa naman bumalik ako sa condo ko para makikain. Ano iyon? Nagkaroon kami ng space pero sabay kaming kakain?  Pagkatapos ko kumain ay napaisip ako kung ano kayang ginagawa doon ni Hannah sa loob ng condo. Naisip kong lumabas ng pinto, sinubukan kong pihitin ang door knob. Naka locked wala naman sigurrong masama kung papasok ako diba? Inilagay ko ang passcode sa system at bumukas ang pinto. Nag dahan dahan akong pumasok sa loob, alam mo yun? Parang tanga lang. Gumapang pa ako, at iniangat ang aking ulo. Nakita kong wala si Hannah sa kama, baka nasa kusina siya, kaso wala din akong naamoy na pagkain. Naisip kong mag dahan dahan papunta sa banyo, wala din. Walang tao sa loob ng condo? Nakita ko si Gabby the cat na siya ang nakahiga sa kama namin ni Hannah. Andoon pa rin siya, baboy pa rin siya hanggang ngayon.  At saka sosyal pa ang pusa na ito nasa kama ang cat food niya pati ang tubig niya ha. “Hoy Gabby? Nasaan mama mo? Diba sabi ko na bantayan mo kung saan pupunta si mama mo?” Wala lang, feel ko lang kausapin ang pusa. “Halika nga dito.” Kinuha ko si Gabby na nakahiga sa kama at niyakap ko siya ng mahigpit. “I love you Gabby, sabihin mo sa mama mo yan ha. Sige na, aalis na ako, may lakad pa ako at kailangan ko pang mag trabaho.” Hinalikan ko si Gabby sa kanyang pisngi at inilapag sa kama. Bumalik ako aking isang condo at kinuha ang aking cell phone nakatanggap ako ng isang mensahe galing kay Jake. At ang sabi daw dito ay nakatakas daw si Clay.  Inisip ko? Paano nangyare iyon? Ang alam ko ay patay siya. Hindi ko maintindihan. Naisip kong mag bigbike, kaso na kay Hannah pala ang susi. Geez. Kinuha ko nalang ang susi sa loob nang sasakyan sa loob ng aking bag, pumunta ako sa basement, pero bago ako umalis ay tiningnan ko muna kung nakapark pa rin ba ang bigbike ko. Kaso wala, mukhang ginamit ito ni Hannah. Saan naman kaya pupunta ang babaeng iyon. Hays… Okay lang, alam niya naman ang ginagawa niya, matanda na siya para hindi malaman ang tama o mali.  Umalis na ako sa basement at pumunta sa loob ng office ni Jake. Nakaupo na ako sa harap ng kanyang table. “Bakit nakatakas si Clay? Akala ko ba ay nabaril mo siya?” Tanong ko sa kanya. “Hindi ko alam bakit. Diba si Cris nga huling kasama ni Clay? Ang alalay mo ang tanungin mo.” Medyo masama ang araw niya ngayon at medyo hindi ko rin nagugustuhan ang tono ng kanyang pananalita. “Kilala ko si Cris, at isa pa hindi alalay ang tingin ko sa kanya. Isa siya sa pinakamagaling na hacker sa buong mundo. Hindi siya ordinaryong tao na iniisip mo.” Sagot ko sa kanya. “Eh bakit ang tanga tanga niya? Nasaan si Clay?” Hindi ko matanggap ang sinabi niya kay Cris.  “Abay malay ko, ginawa ni Cris na ilagay siya sa corpse bag. Wala ka naman iniutos sa kanya na dalhin nag bangkay nito, iniwan lang namin sa loob ng engine room ang bangkay. Bakit hindi mo tanungin ang crew mo sa yacht. Tutal sila naman ang mas nakakaalam diba?” Sagot ko sa kanya. Huminga siya ng malalim, mga ilang segundo din kaming binalot ng katahimikan. “Anyway, tapos na ang isang taong contract mo sa akin. Ito ang new contract, pirmahan mo nalang.” Sabi niya sa akin. Inilapag niya nag papel at ballpen sa harap ko, medyo nainsulto ako sa ginagawa niya sa akin. Parang pinag-mu-mukha na niya akong alalay niya. Una sa lahat, hindi siya magiging magaling sa paghawak ng baril at ano pa kung hindi dahil sa akin.  Tumalikod siya sa akin. “Maari ka nang umalis pagkatapos mong pirmahan yan. Tatawagin nalang kita pag kailangan.” Dagdag niya pa. Ang pagkaka-iba lang kase sa amin dalawa, siya ay mayaman, samantalang ako ay kailangan pang magbanat ng buto para maging tulad niya. Simula bata siya ay mayaman na siya, samantalang ako ay namatayan ako ng mga magulang. Tumayo ako at naglakad palabas ng office ni Jake. Hindi ko pinirmahan ang contract, kailangan kong pag-isipan, ano ba talaga nng role ko sa kanya? Serial killer? Ano ba talaga ng trabaho ko sa kanya? Kase sa loob ng isang taon ay wala naman siyang pinapa-gawa sa akin na nauugnay sa aking kakahayan.  Dahil sa inis ay pumunta ako sa park at umupo muna, kahit mainit nga lang, okay lang sa akin. Gusto ko lang mapag-isa, wala din namang tao dahil tanghaling tapat, naupo akos a bench, mabuti nalang at may lilim doon. Nasaan na kaya si Hannah? Baka kung saan-saan na naman siya nagpunta. Ayoko rin pumunta sa bahay ni Jake, nakakainis ang lalakeng iyon. Mga isang oras akong nakaupo doon. Hanggang sa napagpsyahan kong umuwi na sa condo.  Nang magpapark na ako ng kotse sa basement ay wala pa rin ang bigbike ko doon. Haay, umakyat nalang ako papunta sa condo at bumalik sa pagkakahiga. Hindi na ako nag-isip pa ng kung ano- ano, ang gusto ko lang ay coffee. Pumunta ako sa kusina para uminom ng kape, pagkatapos ay pumunta ako sa sala at binuksan ang T.V. nakakainis lang dahil hindi cable, nasa local channel lang siya, nag nood nalang ako kung ano ang nasa palabas. Hanggang sa nakita kong may recruitment ng police officer 1. Kulang daw ng tauhan ang mga kapulisan ngayon.  Ayokong sumama sa recruitment pero naalala ko rin gusto ko rin pala maging police balang araw, pero dahil nga sa ganitong pang-yayare sa aking buhay mas pinili ko nalang mag higanti dahil sa masasamang taong pumatay sa aking mga magulang. Inilipat ko ng ibang channel, nagulat ako nang makita ko si Hannah na nasa T.V. na nakasuot ng wedding gown? Bigla akong napatayo sa nakita ko. Ikakasal na siya? Kanino?  “Ang bagong modelo nang sikat na photographer at CEO na si Grayson Edwards ay magsasalita na sa harap ng camera. Pagkatapos ng kaniyang photoshoot.” Hanggang sa pinakita ang mga litrato ni Hannah at mga ibang possing niya, medyo nag inis ako nang malaman ko na ang lalake mismo ang kumukuha ng litrato kay Hannah. Sabagay siya din pala ang photographer. Nawala alng ako ng ilang oras, ito na agad ang makikita ko. Matapos ang ilang slides ng pictures ni Hannah ay live siya ngayon na mag sasalita sa harap ng maraming camera.  “Pwede ba namin malaman ang totoong pangalan mo? Kelan ka nag audition sa company ni Mr. Grayson? Anong pakiramdam na ikaw ay isang sikat na modelo? May relasyon ba kayo ni Mr. Edwards?” Ito ang mga katanungan na ibinabato sa kanya. Nakita ko sa mukha ni Hannah na parang naiiyak siya na hindi, kinakabahan. Nag init ang aking ulo nang makita ko na hinawakan niya sa baywang si Hannah, idinikit ito sa kanya. Iniharang nang lalake ang kanyang kamay sa mga camera at microphone na nakatapat kay Hannah.  “Ladies and gentleman, huwag naman po ganun ang mga tanong, baguhan pa lang si Hannah at matuto pa siya. Sige na Hannah, magpakilala kana.” Utos niya kay Hannah. Walang pwedeng mag-utos sa girlfriend ko kundi ako lang! Ako lang! Nakita ko rin sa gilid ang mga taong updated sa kanila. Mga supporters ito ni Hannah kahit baguhan pa lang siya. “Hi. I am Hannah Zamora. Bago pa lang ako sa mundo ng pagiging modelo at sana…” Hindi pa niya natatapos ang kanyang sasabihin, pinutol na agad nito ng lalake. “I’m sure magiging hit ang kanyang mga litrato dahil kami ang mag-aalaga sa kanya. Diba team?” Nagsigawan ang mga staff sa likuran nila Hannah at nang lalake.  Hindi ko alam kung magiging proud ba ako dahil magiging modelo ang girlfriend ko, hindi ko rin alam kung magagalit ako dahil sa nakikita ko. Kaya pala wala si Hannah. “Isang tanong nalang Miss Hannah Zamora. Nakapirma ka na ba nang contract sa company ni Mr. Edwards para maging isang ganap na modelo?” Tanong ng media kay Hannah. Hindi nakasagot si Hannah, kaya ang lalake nalang ang sumagot. “Um… Guys? Pagod na kase si Hannah and need niya nang magpahinga. Sa susunod niya nalang sasagutin ang ibang tanong ninyo.” Sabay nag commercial. Pinatay ko ang T.V. at napahigop sa malamig kong kape. Kailangan ko bang bumalik? Napasobra ba ako? Nakakainis, ang alam niya ay umalis ako at pumunta ng work.  Haayish… Di bale nalang susundan ko nalang siya, wala naman siyang ginawang mali doon naging modelo naman siya, dapat hindi ako magalit, dapat maging proud ako sa kanya. Dapat hindi ko iisipin na itatakwil niya ako o iiwan. Alam kong mahal niya ako. Kaya okay lang, dito lang ako, hindi ako magpapakita. Babantayan ko lang siya.   Nagising ako nag tanghali na, pumunt ako sa kusina para hanapin si Hannah. Hanap ako ng hanap sa kanya sa loob ng condo, kaso bigla ko palang naalala na wala pala ako sa condo namin. Dati kase palaging may nakahandang pagkain na sa lamesa at paminsan naman nakikita ko si Hannah na nagluluto ng tanghalian. Babalik na naman ba sa dati ang aking buhay? Nakakainis na. Kailangan ko itong tiisin dahil ginusto ko ito. Kinuha ko ang aking cell phone at nagpadeliver nalang ng pagkain sa loob ng condo. Kaysa naman bumalik ako sa condo ko para makikain. Ano iyon? Nagkaroon kami ng space pero sabay kaming kakain?  Pagkatapos ko kumain ay napaisip ako kung ano kayang ginagawa doon ni Hannah sa loob ng condo. Naisip kong lumabas ng pinto, sinubukan kong pihitin ang door knob. Naka locked wala naman sigurrong masama kung papasok ako diba? Inilagay ko ang passcode sa system at bumukas ang pinto. Nag dahan dahan akong pumasok sa loob, alam mo yun? Parang tanga lang. Gumapang pa ako, at iniangat ang aking ulo. Nakita kong wala si Hannah sa kama, baka nasa kusina siya, kaso wala din akong naamoy na pagkain. Naisip kong mag dahan dahan papunta sa banyo, wala din. Walang tao sa loob ng condo? Nakita ko si Gabby the cat na siya ang nakahiga sa kama namin ni Hannah. Andoon pa rin siya, baboy pa rin siya hanggang ngayon.  At saka sosyal pa ang pusa na ito nasa kama ang cat food niya pati ang tubig niya ha. “Hoy Gabby? Nasaan mama mo? Diba sabi ko na bantayan mo kung saan pupunta si mama mo?” Wala lang, feel ko lang kausapin ang pusa. “Halika nga dito.” Kinuha ko si Gabby na nakahiga sa kama at niyakap ko siya ng mahigpit. “I love you Gabby, sabihin mo sa mama mo yan ha. Sige na, aalis na ako, may lakad pa ako at kailangan ko pang mag trabaho.” Hinalikan ko si Gabby sa kanyang pisngi at inilapag sa kama. Bumalik ako aking isang condo at kinuha ang aking cell phone nakatanggap ako ng isang mensahe galing kay Jake. At ang sabi daw dito ay nakatakas daw si Clay.  Inisip ko? Paano nangyare iyon? Ang alam ko ay patay siya. Hindi ko maintindihan. Naisip kong mag bigbike, kaso na kay Hannah pala ang susi. Geez. Kinuha ko nalang ang susi sa loob nang sasakyan sa loob ng aking bag, pumunta ako sa basement, pero bago ako umalis ay tiningnan ko muna kung nakapark pa rin ba ang bigbike ko. Kaso wala, mukhang ginamit ito ni Hannah. Saan naman kaya pupunta ang babaeng iyon. Hays… Okay lang, alam niya naman ang ginagawa niya, matanda na siya para hindi malaman ang tama o mali.  Umalis na ako sa basement at pumunta sa loob ng office ni Jake. Nakaupo na ako sa harap ng kanyang table. “Bakit nakatakas si Clay? Akala ko ba ay nabaril mo siya?” Tanong ko sa kanya. “Hindi ko alam bakit. Diba si Cris nga huling kasama ni Clay? Ang alalay mo ang tanungin mo.” Medyo masama ang araw niya ngayon at medyo hindi ko rin nagugustuhan ang tono ng kanyang pananalita. “Kilala ko si Cris, at isa pa hindi alalay ang tingin ko sa kanya. Isa siya sa pinakamagaling na hacker sa buong mundo. Hindi siya ordinaryong tao na iniisip mo.” Sagot ko sa kanya. “Eh bakit ang tanga tanga niya? Nasaan si Clay?” Hindi ko matanggap ang sinabi niya kay Cris.  “Abay malay ko, ginawa ni Cris na ilagay siya sa corpse bag. Wala ka naman iniutos sa kanya na dalhin nag bangkay nito, iniwan lang namin sa loob ng engine room ang bangkay. Bakit hindi mo tanungin ang crew mo sa yacht. Tutal sila naman ang mas nakakaalam diba?” Sagot ko sa kanya. Huminga siya ng malalim, mga ilang segundo din kaming binalot ng katahimikan. “Anyway, tapos na ang isang taong contract mo sa akin. Ito ang new contract, pirmahan mo nalang.” Sabi niya sa akin. Inilapag niya nag papel at ballpen sa harap ko, medyo nainsulto ako sa ginagawa niya sa akin. Parang pinag-mu-mukha na niya akong alalay niya. Una sa lahat, hindi siya magiging magaling sa paghawak ng baril at ano pa kung hindi dahil sa akin.  Tumalikod siya sa akin. “Maari ka nang umalis pagkatapos mong pirmahan yan. Tatawagin nalang kita pag kailangan.” Dagdag niya pa. Ang pagkaka-iba lang kase sa amin dalawa, siya ay mayaman, samantalang ako ay kailangan pang magbanat ng buto para maging tulad niya. Simula bata siya ay mayaman na siya, samantalang ako ay namatayan ako ng mga magulang. Tumayo ako at naglakad palabas ng office ni Jake. Hindi ko pinirmahan ang contract, kailangan kong pag-isipan, ano ba talaga nng role ko sa kanya? Serial killer? Ano ba talaga ng trabaho ko sa kanya? Kase sa loob ng isang taon ay wala naman siyang pinapa-gawa sa akin na nauugnay sa aking kakahayan.  Dahil sa inis ay pumunta ako sa park at umupo muna, kahit mainit nga lang, okay lang sa akin. Gusto ko lang mapag-isa, wala din namang tao dahil tanghaling tapat, naupo akos a bench, mabuti nalang at may lilim doon. Nasaan na kaya si Hannah? Baka kung saan-saan na naman siya nagpunta. Ayoko rin pumunta sa bahay ni Jake, nakakainis ang lalakeng iyon. Mga isang oras akong nakaupo doon. Hanggang sa napagpsyahan kong umuwi na sa condo.  Nang magpapark na ako ng kotse sa basement ay wala pa rin ang bigbike ko doon. Haay, umakyat nalang ako papunta sa condo at bumalik sa pagkakahiga. Hindi na ako nag-isip pa ng kung ano- ano, ang gusto ko lang ay coffee. Pumunta ako sa kusina para uminom ng kape, pagkatapos ay pumunta ako sa sala at binuksan ang T.V. nakakainis lang dahil hindi cable, nasa local channel lang siya, nag nood nalang ako kung ano ang nasa palabas. Hanggang sa nakita kong may recruitment ng police officer 1. Kulang daw ng tauhan ang mga kapulisan ngayon.  Ayokong sumama sa recruitment pero naalala ko rin gusto ko rin pala maging police balang araw, pero dahil nga sa ganitong pang-yayare sa aking buhay mas pinili ko nalang mag higanti dahil sa masasamang taong pumatay sa aking mga magulang. Inilipat ko ng ibang channel, nagulat ako nang makita ko si Hannah na nasa T.V. na nakasuot ng wedding gown? Bigla akong napatayo sa nakita ko. Ikakasal na siya? Kanino?  “Ang bagong modelo nang sikat na photographer at CEO na si Grayson Edwards ay magsasalita na sa harap ng camera. Pagkatapos ng kaniyang photoshoot.” Hanggang sa pinakita ang mga litrato ni Hannah at mga ibang possing niya, medyo nag inis ako nang malaman ko na ang lalake mismo ang kumukuha ng litrato kay Hannah. Sabagay siya din pala ang photographer. Nawala alng ako ng ilang oras, ito na agad ang makikita ko. Matapos ang ilang slides ng pictures ni Hannah ay live siya ngayon na mag sasalita sa harap ng maraming camera.  “Pwede ba namin malaman ang totoong pangalan mo? Kelan ka nag audition sa company ni Mr. Grayson? Anong pakiramdam na ikaw ay isang sikat na modelo? May relasyon ba kayo ni Mr. Edwards?” Ito ang mga katanungan na ibinabato sa kanya. Nakita ko sa mukha ni Hannah na parang naiiyak siya na hindi, kinakabahan. Nag init ang aking ulo nang makita ko na hinawakan niya sa baywang si Hannah, idinikit ito sa kanya. Iniharang nang lalake ang kanyang kamay sa mga camera at microphone na nakatapat kay Hannah.  “Ladies and gentleman, huwag naman po ganun ang mga tanong, baguhan pa lang si Hannah at matuto pa siya. Sige na Hannah, magpakilala kana.” Utos niya kay Hannah. Walang pwedeng mag-utos sa girlfriend ko kundi ako lang! Ako lang! Nakita ko rin sa gilid ang mga taong updated sa kanila. Mga supporters ito ni Hannah kahit baguhan pa lang siya. “Hi. I am Hannah Zamora. Bago pa lang ako sa mundo ng pagiging modelo at sana…” Hindi pa niya natatapos ang kanyang sasabihin, pinutol na agad nito ng lalake. “I’m sure magiging hit ang kanyang mga litrato dahil kami ang mag-aalaga sa kanya. Diba team?” Nagsigawan ang mga staff sa likuran nila Hannah at nang lalake.  Hindi ko alam kung magiging proud ba ako dahil magiging modelo ang girlfriend ko, hindi ko rin alam kung magagalit ako dahil sa nakikita ko. Kaya pala wala si Hannah. “Isang tanong nalang Miss Hannah Zamora. Nakapirma ka na ba nang contract sa company ni Mr. Edwards para maging isang ganap na modelo?” Tanong ng media kay Hannah. Hindi nakasagot si Hannah, kaya ang lalake nalang ang sumagot. “Um… Guys? Pagod na kase si Hannah and need niya nang magpahinga. Sa susunod niya nalang sasagutin ang ibang tanong ninyo.” Sabay nag commercial. Pinatay ko ang T.V. at napahigop sa malamig kong kape. Kailangan ko bang bumalik? Napasobra ba ako? Nakakainis, ang alam niya ay umalis ako at pumunta ng work.  Haayish… Di bale nalang susundan ko nalang siya, wala naman siyang ginawang mali doon naging modelo naman siya, dapat hindi ako magalit, dapat maging proud ako sa kanya. Dapat hindi ko iisipin na itatakwil niya ako o iiwan. Alam kong mahal niya ako. Kaya okay lang, dito lang ako, hindi ako magpapakita. Babantayan ko lang siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD