Tumingin ako sa kanyang dalawang kamay, wala naman siyang hawak na kape sa kanyang kamay. Sinabi ko sa kanya na wala naman siyang hawak na kape sa kanya kamay. Sabi niya sa akin na natapon niya na daw at babayaran niya nalang ito. Sinabi niya rin sa akin na mauuna na siya sa loob dahil inaantay ang bayad niya. Nakalimutan niya daw ang kanyang wallet sa kotse. Sinabi ko sa kanya na sasabay nalang kami pumunta sa loob nang restaurant pero ang sagot niya sa akin ay mauuna nalang siya. Agad na din akong bumaba sa aking sasakyan at pumunta doon sa loob nang restaurant kaso, pag pasok ko doon ay wala naman si Marcos doon sa loob ang restaurant. Iginala ko ang aking paningin pero walang Marcos na nakita ako sa loob. Nag pasya akong lumabas nang restaurant at hinanap siya, pero wala din siya sa la

