Nag makaawa siya sa aking harapan pero hindi ko alam kung ano ang magiging desisyon ko ngayon ay nag makaawa ang isang ina sa akin para sa tatay nang kanyang anak. Napaluha nalang ako nang bigla siyang lumuhod sa aking harapan at hinawakan ang aking dalawang kamay. "Kahit hindi nalang para sa akin, kahit para nalang sa bata, kahit para nalang anak namin, kahit sa bata nalang, huwag mong sanang tanggalan nang ama ang anak namin," sabi niya sa akin. Pati ako hindi nalang mapigilan ang aking luha sa pag daloy. Lumapit si Marcos kay Kiana at itinayo niya ito sa pag kaka luhod. "Ayoko. bitiwan mo ako Marcos, huwag mo akong pigilan na mag makaawa sa kanya dahil ginagawa ko ito para sa ating anak, kung mag papa agaw ka talaga sa kanya ay mas nang ako nalang ang mag maka awa, kung sasama ka sa k

