CHAPTER 5 MARCOS JACOB

1005 Words
Dalawang linggong hindi kami nag-uusap ni Hannah. Nilulumot na ako dito sa condo na isa. s**t! Paano niya ako nagtitiis nang ganito? Gusto ko na rin siyang kamustahin. Pinilit kong pigilan ang aking sarili na kausapin dahil mas gusto kong malaman kung gaano niya ba ako kamahal, pero parang walang nangyare. Na pasobra ba ako sa tinext ko sa kanya? Ang sabi ko lang naman at mag iingat siya. Anong masama doon? Wala naman diba?   Tumayo ako sa aking pagkakahiga dahil kagi-gising ko lang galing sa mahimbing na tulog kaninang tanghali. Hindi ko pa rin pinipirmahan ang kontrata na binigay sa akin ni Jake, pero nang icheck ko ang aking Bank account ay may pumasok na sahod at signing bonus sa akin. Wow! Magpapasalamat na ba ako sa kanya? Kailangan ko na bang pumunta sa opisina ni Jake at kunin ang kontrata para pirmahan na ito.   Pumunta ako sa kusina para mag timpla ng kape, palagi naman itong ginagawa ko. Wala nang bago. "A coffee is good, but a kiss is better." Bulong ko sa aking sarili. Para akong tangang kinakausap ang hangin. Pagkatapos kong mag kape ay naligo ako ulit dahil napagpasyahan ko na pumunta sa office ni Jake para pirmahan ang kontrata, siguro na bahala lang siya nang nalaman niyang nakawala si Clay. Iyon din ang pinagtataka ko. Bakit wala ang bangkay niya doon. Sabi naman ng crew sa loob ng yacht ay hindi daw nila itinapon ang bangkay nito sa dagat. Bigla lang daw nawala.   Alam ko naman na sinisiguro niya lang ang kaligtasan ng magiging asawa niya na si Romelyn, lalo naman ako. Ayokong mawala sa akin si Hannah. Siya lang naman ang dahilan at pamilya ko kung bakit buhay pa ako. Bumaba na ako at pumunta ng basement. Sumakay ako sa loob ng aking sasakyan at pumunta sa office ni Jake. Pasado 6:30pm na ako nang makarating doon. Pumasok ako sa opisina ni Jake at nakita ko siyang nanonood ng T.V. sa loob ng kanyang opisina. "Oh... Marcos mabuti at napadaan ka." Bati niya sa akin. Nakita ko naman na hindi niya maalis ang kanyang mata sa telebisyon.   "Andito ako para pirmahan ang kontrata Jake." Mahinahong sabi ko sa kanya. "Huwag mo muna alalahanin ang kontrata. Hayaan mo na iyon, nasa iyo kung pipirma ka o hindi, basta tinatanggap pa rin kita dito sa company. Halika muna dito at panoorin ito."  Umupo ako sa upuan at itinuon ang pansin sa telebisyon. Nakita ko si Hannah na nakasuot ng red dress habang si Mr. Edwards ay naka tuxedu na puti at naka neck tie na pula. "What the hell?" Bulong ko sa aking sarili. "Hindi ko alam na hiwalay na pala kayo ni Hannah. May bago na agad siya? Bakit hindi mo sinabi sa akin Marcos? Baka sana natulungan pa kita."  Hindi ko pinansin ang sinasabi ni Jake. Napafocus ako sa sinasabi ng reporter.   "Ang sikat na CEO at photographer na si Grayson Edwards ay may nililigawang modelo. First in the history na ipapakilala niya ang non showbiz na pangalan ay Hannah Zamora. Ang sabi ni Mr. Edwards ay na love at first sight daw siya sa babaeng ito dahil sa kanyang kagandahan. Noong una ay hindi niya ito pinapansin pero habang tumatagal daw ang kanilang pagiging close ay mas nakilala niya si Hannah. Sinabi din ni Mr. Edwards na busilak ang puso ni Hannah at isa pa ito sa ikinalalim ng nararamdaman niya sa dilag." Sabi ng nag reporter at agad ipinakita ang litrato na hinalikan nang lalake ang kamay ng girlfriend ko na si Hannah.   BULLSHIT! Napasigaw ako sa loob ng opisina ni Jake na agad niya namang ikinagulat ito. Nagpabaya ba ako? Nagkulang ba ako? "Relax Marcos. Hindi pa naman natin naririnig ang side ni Hannah kung sinagot niya ba ang lalakeng iyon. Nga pala. Bakit kayo nag-away? I mean anong dahilan bakit kayo naghiwalay?" Tanong sa akin Jake. Sinabi ko sa kanya ang buong pangyayari. Sinabi ko rin na nalaman niya ang aking buong pagkatao, nalaman niya rin na ako ay isang Serial Killer, kahit anong pagpapaliwanag ko sa kanya na tumigil na ako sa ganung gawain ay ayaw niyang maniwala. Nagmakaawa ako na sana hindi niya ako iwan pero mas pinili niyang lumayo.   Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hahantong pa kami sa ganito. Tumayo ay sa aking kinauupuan at lumabas sa office ni Jake. Pumunta ako sa parking lot at pumasok sa loob ng aking kotse. Doon ay sinuntok-suntok ko ang manubela. Hanggang sa mag sawa ako. Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa galit. Hindi ko maiwasan na makuha nang bahagya. Siya nalang ang mayroon ako, si Hannah ay mahal ko at alam kong mahal niya rin ako pero paano niya nagawa sa akin ito? Taksil! "Taksil ka talaga Hannah. Bakit mo nagagawa sa akin ito?" Bulong ko sa aking sarili.   Nang medyo napakalma na ako ay pinaandar ko ang aking sasakyan at pumunta ng bar. Nakapasok ako sa loob ng bar at sinabihan ang bartender na bigyan ako ng whiskey. Uminom lang ako nang uminom sa loob ng bar at nakatingin sa mga nagsisiyawan na babae sa stage na halos kita na ang kaluluwa. "Fuck." Habang umiinom ay nakakaramdam na rin ako nang hilo at sakit nang aking ulo. Hanggang sa may lumapit sa akin na babae. Hindi ko masyado maaninag ang kanyang mukha dahil umiikot na ang aking paningin. "Hannah..." Sambit ko sa kanyang pangalan.   Nagsasalita siya sa akin pero hindi ko maintindihan dahil sa lakas ng tunog. Hindi ko napigilan ang aking sarili ay bigla akong lumapit sa babae at hinalikan ito. Ang nakikita ko lang sa aking isip ay ang mukha ni Hannah.   Nagising ako na medyo masakit ang aking ulo. Napaupo ako sa malambot na higaan. Nakita ko rin ang aking sarili na ako ay hubo't hubad. Wala akong halos maalala kagabi ang alam ko lang ay may na halikan akong babae. Hindi ko kilala. CRAP! Nagbihis ako at umalis sa loob ng bar. Mayroon pala silang kwarto doon. Marahil ay tinulungan ako nang bartender na ilagay sa kama.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD